Story By Ka Puroy
author-avatar

Ka Puroy

ABOUTquote
I am a Filipino author who loves to write a romance novel. I am a true blooded ARMY and Bangtan Sonyeondan is one of my inspirations. Borahae!
bc
My Love is a Superstar BOOK 1: ROCKY
Updated at Aug 2, 2022, 03:18
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE BEST LEADER OF THE BIGGEST GROUP IN THE WORLD, RM also known as KIM NAMJOON) Ang lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Rocky Davis ang matalino at gwapong leader ng sikat na grupo ng mang-aawit at mananayaw na Bullet Proof Boys. Dahil sa natatamasang kasikatan at tagumpay ay isinantabi muna nya ang kanyang buhay pag-ibig upang matuunan pang lalo ng pansin ang namamayagpag nilang karera. Ngunit ano ang kanyang gagawin kung magkrus ang landas nila ng isang certified Soldier (Soldier tawag sa tagahanga at tagasuporta ng Bullet Proof Boys), na si Aela Morgan na syang pupukaw sa kanyang natutulog na puso. Paano kung ang first love nya ay may malubhang karamdaman at nalalabi na lang ang araw sa mundo? Ibabaon na lamang ba nya sa limot ang pagmamahal na iyon, o susubukan pa rin umibig kahit kapalit nito ay isang matinding sakit at pighati sa kanyang buhay.
like
bc
Black Fire Trio Book 2: Ethan and Alodia
Updated at Jul 28, 2022, 20:39
Madaldal, kalog at nakakatuwa ang personalidad ni Alodia Padilla na isang simpleng babae na umaasa lamang sa scholarship upang makapag-aral sa sikat na Golden Valley University. Malaki ang pagkahumaling nya sa Black Fire Trio lalo na sa leader na si Enzo Zobel. Para sa kanya, sya ang pinapangarap nyang lalaki. Ngunit masasaktan ang kanyang puso sa katotohanang ang bestfriend nyang si Athena ang nilalaman ng puso ng binata. Lingid sa kaalaman nya na lihim nyang nasasaktan ang isa pang miyembro ng BFT na si Ethan Enriquez na wala ng hinangad kundi ang mabigyan sya ng kahit kaunting pagmamahal. Matutunan pa kayang mahalin ni Alodia ang pinakamabait na miyembro ng Black Fire Trio na si Ethan, kung sarado na ang kanyang puso para kay Enzo?
like
bc
My Love is a Superstar BOOK 7: JETHRO
Updated at May 12, 2022, 21:34
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE GOLDEN MAKNAE, JEON JUNGKOOK) Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Jethro Tyler ang pinakasikat na miyembro ng BulletProof Boys. Minahal sya ng mga Soldiers dahil sa taglay nyang kagwapuhan at kabaitan. Sya ang pinakamabait na miyembro ng pinakasikat na grupo sa buong mundo. Sanay sya sa eksenang nababaliw ang mga kababaihan kapag nakikita sya. Nabighani sya kay Maya Dela Cruz na isang crew sa paborito nilang restaurant, dahil wala itong interes sa kanilang grupo. Para sa kanya ay may kakaibang karisma ang babaeng bumihag ng kanyang puso at tila mas nagugustuhan nya ang isang babae na hindi nagpapakita ng interes sa kanya. Hindi kilala ni Maya ang grupong Bullet Proof Boys dahil mas prayoridad nya ang magtrabaho kaysa umidolo sa kanila. Gagawa ng paraan si Jethro upang mapalapit kay Maya. At ang paraan nyang iyon ang syang magiging dahilan upang mabuo ang isang pag-ibig na hindi nila inaasahan. Paano kung ang lalaking mamahalin ni Maya ay mahal din ng buong mundo. Karibal nya ang buong mundo sa pagmamahal nya kay Jethro. Pipiliin pa rin ba nya ang pag-ibig na iyon  kung buong mundo ang kaagaw nya? O ipaglalaban pa rin nya ito dahil hindi nya kayang mawala si Jethro sa buhay nya.
like
bc
My Love is a Superstar BOOK 6: ERYX
Updated at May 12, 2022, 21:28
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO MY SUGA BABE, ALSO KNOWN AS MIN YOONGI) Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Eryx Parker ay isa sa mga rapper ng grupong Bullet Proof Boys. Marami syang tagahanga kahit kapansin-pansin ang pagiging tahimik at suplado nito. Babaguhin ni Nathalie Mendoza na isang Haunted Soldier (tawag sa mga tagahanga na labis ang kabaliwan sa grupo), ang pananaw ni Eryx pagdating sa pag-ibig. Subalit dahil sa kabaliwan ng dalaga sa binata ay humiling si Eryx na kalimutan na lamang sya nito dahil mas matimbang pa rin ang kanilang karera kaysa sa anumang bagay sa mundo. Ngunit ano ang gagawin nya kung literal na nakalimutan sya ng dalaga pagkalipas ng dalawang taong pagkakawalay? Nabura ang lahat ng memorya ni Nathalie, lalo na ang mga alaala nya kay Eryx. Paano maibabalik ng binata ang pagmamahal ni Nathalie na syang binura na ng tadhana?
like
bc
My Love is a Superstar BOOK 5: GRAYSON
Updated at May 12, 2022, 21:21
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO MY HOPE AND MY SUNSHINE, J-HOPE ALSO KNOWN AS JUNG HOSEOK) Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Grayson Lennox ang pinakanakakaaliw at pinakakwelang miyembro ng Bullet Proof Boys. Kahit na napakaraming negatibong komento ang lumalabas tungkol sa kanya ay nanatili syang positibo sa buhay. Nang dahil sa kasikatan ng kanilang grupo ay mas pinili nya ang kanyang karera at nakipaghiwalay sa kanyang girlfriend na si Zoe Cohen. Si Zoe ang isa sa mga sumuporta at sumubaybay sa kanilang grupo noong nag-uumpisa pa lamang sila. Kung kaya't ganun na lamang ang pighating idinulot ng pakikipaghiwalay sa kanya ni Grayson. Paano nila haharapin ang isa't-isa pagkatapos ng dalawang taong pagkakawalay? May puwang pa ba ang pagpapatawad sa puso ni Zoe? Maibabalik pa ba nila ang tamis ng kahapon na kanilang naumpisahan?
like
bc
My Love is a Superstar BOOK 4: JET
Updated at May 12, 2022, 21:17
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE WORLDWIDE HANDSOME, KIM SEOKJIN) Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Jet Kingsley ay isa sa lead vocalist ng grupong Bullet Proof Boys. Makailang ulit nyang nakuha ang award na Most Handsome Face in the World. Bukod sa gwapong mukha, ay hinangaan ng mga Soldiers ang galing nya sa pag-awit at pagsasayaw. Ngunit may lihim na paghanga sya kay Luna Addison na anak ni Mr. Clark Addison, ang CEO ng High Labels Corporation na nakadiskubre sa kanila limang taon na ang naklilipas. Lingid sa kaalaman nya, ay may lihim ding pagtingin sa kanya ang dalaga, ngunit kagaya nya ay mas pinili nyang itago ito sa kanyang puso. Mapipigilan pa ba ang sigaw ng kanilang damdamin, kung hindi nila malimutan ang isang gabi nilang pagkakasala. Ang gabing pinagsaluhan nila ang init ng kanilang katawan na hindi nila pinagsisihan kailanman. Paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig sa gitna ng kasikatan ni Jet Kingsley?
like
bc
Black Fire Trio Book 3: Galvert and Amara
Updated at May 4, 2022, 15:27
Matapang! Yan ang isa sa mga katangian ni Amara Fernandez. Nakakaya nyang ipagsigawan sa lahat kung gaano nya kinamumuhian ang grupong Black Fire Trio. Isinusumpa nya ang grupo ng mga lalaking ito, na para sa kanya ay wala ng ginawa kundi ang mang-apak ng maliliit na estudyante. Ngunit ano nga ba ang gagawin nya kung bigla na lang syang panain ng palaso ni kupido at sa pinakababaerong miyembro pa ng Black Fire Trio sya nainlove? Si Galvert Monreal ay kilala bilang isang womanizer at hindi pa nagseseryoso ng babae. Itinagong mabuti ni Amara ang lihim nyang pagtingin kay Galvert dahil alam nyang masasaktan lamang sya nito. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil isang araw ay napili sya ni Galvert upang gawing girlfriend for one month. Ang sikat na laro ng Black Fire Trio na maaari silang pumili ng mga babaeng gagawing girlfriend sa loob ng isang buwan. Maitago pa kaya ni Amara ang lihim na pagtingin nya sa binata gayong isang buwan silang magkakasama? Umaasa nga sya, na sana ay panghabambuhay na ang laro nila.
like
bc
Black Fire Trio Book 1: Enzo and Athena
Updated at Feb 25, 2022, 20:13
Si Athena Marie Garcia ay isang simple at hindi kagandahang freshman college student na nagsumikap na makakuha ng scholarship upang makapag-aral sa tanyag na paaralan-- ang Golden Valley University. Dito ay magkukrus ang landas nila ng Black Fire Trio, ang grupo ng mga sikat, mayayaman at naggagwapuhang mga lalaki ng Unibersidad na iyon. Alam ng lahat ng mga estudyante ang "game" ng BFT kung saan mamimili ang trio sa mga estudyanteng babae upang gawin nilang girlfriend sa loob ng isang buwan. Pagkatapos ng isang buwan ay ibang babae naman ang kanilang pipiliin upang ipadama kung paano maging boyfriend ang Black Fire Trio. Para sa kanila, ito ay isang laro lamang. Pinaglalaruan nila ang damdamin ng mga babae na alam nilang labis ang paghanga sa kanila. Ano ang gagawin ni Athena kung isang araw ay sya ang piliin ng leader ng Black Fire Trio na si Enzo Zobel upang gawing girlfriend?  Ang pinakabully, hambog at walang pusong leader ng BFT. May pag-asa bang umusbong ang pag-ibig gayong ang nakakuha ng atensyon ng dalaga ay ang pinakamabait na miyembro ng BFT na si Ethan Enriquez? Sino ang pipiliin ni Athena? Ang hambog na leader na si Enzo, na ipinadama sa kanya kung gaano sya kaespesyal? O ang good boy na si Ethan, na hindi naman napapansin ang kanyang lihim na pag-ibig, ngunit handa syang maghintay.
like
bc
My Love is a Superstar Book 2: HUNTER
Updated at Jan 22, 2022, 13:35
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE MOST HANDSOME FACE OF THE YEAR, "V" ALSO KNOWN AS KIM TAEHYUNG) Ang lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Hunter Nixon ay isa sa miyembro ng sikat na grupong BulletProof Boys na mahilig tumingin sa magagandang babae sa tuwing sila ay may concert, ngunit takot namang magmahal at masaktan. Ngunit nang magkrus ang landas nila ng miyembro ng Sexy Kittens na si Miracle Lewis ay nagbago ang pananaw nya sa salitang pag-ibig. Nagkaroon ng espesyal na puwang sa kanyang puso ang dalaga. Gumuho ang mundo ni Hunter nang malaman nyang matindi ang galit ni Miracle sa kanya dahil ang BulletProof Boys ang matinding kalaban ng Sexy Kittens sa industriya ng musika. Tunghayan  natin kung paano susuyuin ni Hunter ang mailap na puso ng isang Miracle Lewis.
like
bc
The Seductive Mafia Boss Series 1: LEON
Updated at Dec 28, 2021, 19:40
Si Ehra Dela Torre ay nabubuhay na may malaking galit at inggit para sa kanyang pinsan na si Charmaine. Ginawa nyang miserable ang buhay nito at inagaw nyang lahat nang mayroon ang pinsan nya. Ngunit may hangganan ang kanyang kasamaan at bumaliktad ang mundo para sa kanya. Nakuhang muli ni Charmaine ang nararapat na sa kanya at tuluyang nalugmok sa kalungkutan si Ehra. Tumakas sya at sa kasamaang palad ay dinukot sya ng Mafia Boss na si Major General  Leonardo Maranzano a.k.a Leon. Isa sa mga leader ng sikat na sindikato na BuLeAg Gang! Ikinulong sya nito sa isang malapalasyong mansyon at ibinigay sa kanya ang pagmamahal na matagal na nyang inaasam. Mahalin  rin kaya ni Ehra si Major General Leonardo Maranzano sa kabila ng isang nakakasuklam nitong lihim? May pag-asa bang magwagi ang pag-ibig na napaliligiran ng kasamaan?
like
bc
The Seductive Mafia Boss Series 2: AGILA
Updated at Oct 29, 2021, 01:49
Trebor Castellvi is the most powerful Mafia Boss in Mindanao! Gwapo, makisig at sobrang possessive kung magmahal. Ngunit gumuho ang mundo nya nang mamatay ang kanyang first lady at unang pag-ibig na si Bianca Ortiz a.k.a Binibining Lawin! Dahil sa trahedyang ito ay nangako syang hindi na muling magmamahal upang hindi na muling masaktan. Kayanin  kaya nyang isakatuparan ang kanyang pangako kung dumating sa buhay nya ang isang kalog, nakakatuwa at buo ang pagmamahal para sa kanya na si Ramona Tampipi a.k.a Monaaa. Pilit na ipinagsiksikan ng dalaga ang kanyang sarili sa buhay ni Trebor kaya kahit ang pagiging katulong sa mansyon ng binata ay pinasok nya. Makayanan kayang isuko ni Agila ang kanyang kapangyarihan alang alang sa dalagang nagmamahal sa kanya ng lubusan? Ang isang madilim na trahedya kaya na mangyayari  kay Ramona ang magbibigay daan para tuluyang magbagong buhay ang gwapong Mafia Boss?
like
bc
My Love is a Superstar BOOK 3: AXEL
Updated at Aug 18, 2021, 13:06
(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE CUTEST FACE IN THE WORLD, MY MOCHI, PARK JIMIN) Ang lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy. Si Axel Carter ang lead vocalist ng Bullet Proof Boys na likas ang pagiging chick magnet. Dahil sa kanyang kagwapuhan at natatanging talento ay maraming mga kababaihan ang nabigbighani sa kanya. Isa na rito si Sandara Cortez na isang make up artist. Ginawa ni Sandara ang lahat upang makapasok sa sikat na kumpanyang High Labels Corporation upang maging make up artist ng Bullet Proof Boys. Nang pagtagpuin ng tadhana sina Sandara at Axel ay hindi na napigilan pa ng kanilang mga puso ang kanilang nadarama. Ngunit ang kanilang matinding kalaban ay ang namamayagpag na karera ng Bullet Proof Boys. Inilihim nila sa lahat ang kanilang relasyon upang maprotektahan ang magandang karera ni Axel. Lingid sa kaalaman ng binata na may isang malaking lihim din si Sandara  na ikagigimbal nya.
like
bc
Destiny Book 5: Jordan Bianchi
Updated at Jun 27, 2021, 21:04
Half Italian si Jordan Bianchi. Pangalawa sya sa magkakapatid. Sya ay isang baklang borta. Gwapo, matipuno ang katawan at habulin ng mga babae, ngunit may pusong babae rin. Masaya ang kanyang buhay pag-ibig sa kanyang boyfriend for 5 years na si Paolo. Madalas syang sumali sa mga Gay beauty contest at naiuuwe nya ang korona. Bukod sa kanyang pamilya ay suportado din sya ng kanyang bestfriend na si Marian. Ngunit gumuho ang kanyang mundo nang malaman na nabuntis ng kanyang boyfriend ang bestfriend nyang si Marian. Labis na sakit ang dinulot nito sa puso nya. May lugar pa ba sa puso nya ang pagpapatawad para sa kaibigan nya na ayaw nyang amining napamahal na sa kanya? Tunghayan ang nakakatawa at nakakabaliw na kwento ni Jordan at Marian.
like
bc
Destiny Book 4: Migz Montecastro
Updated at Feb 27, 2021, 22:11
Half Spanish si Miguel Montecastro. Pang-apat sya sa magkakapatid. Kalog, masayahin at ang pinakabully sa kanila. Pero nagbago ang lahat ng pumanaw ang first love nyang si Angel Medina dahil sa malubhang sakit. Ang dating masayahin at makulit na si Miguel ay bigla na lamang naging tahimik, malungkutin at masungit. Bumalik kaya ang dati nyang pagakatao kapag nakilala nya ni Angela Pacheco? Ang pangalawang anghel sa buhay nya. Ang babaeng nakilala nya sa isang art exhibition. Ang isang gabing pagkakamali ba nila ang magbubukas sa puso ng binata para makalimutan ang unang babaeng minahal nya? Paano kung malaman nya ang tunay na pakay ni Angela sa kanya. Tanggapin nya kaya ang dalaga sa buhay nya?
like
bc
Destiny Book 1: Bb. Marikit
Updated at Jan 3, 2021, 05:18
Malaki ang galit ni Marikit sa kanyang ama. Bukod sa binigyan sya ng isang napakapanget na apelyido, kailanman ay hindi nya naramdaman ang pagmamahal ng tunay nyang ama. Mabuti na lamang at nabiyayaan sya ng napkagandang mukha na namana nya sa kanyang foreigner na ama. Sya si Marikit Ramos Kantout! Tama! Nabasa nyo ng tama ang kanyang apelyido. Ang kanyang ama ay nagmula sa bansang Luxembourg, ngunit nasa sinapupunan pa lang sya ng kanyang ina ay iniwan na sila ng kanyang ama na si William Kantout. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pinagtagpo sila ni Makisig Peniss. Ang lalaking patay na patay sa kanya. Katulad nya ay mayroon din syang nakakatuwang apelyido. Kung kaya't ganun na lamang ang inis, galit at pagka-irita nya sa lalaking si Peniss. Hindi nagsawa si Makisig Peniss na suyuin si Marikit kantout kahit pa ba tampulan na sila ng tukso. Isang araw ay nagimbal na lamang si Marikit sa isang katotohanang isa pala syang prinsesa sa bansang Luxembourg, na nakatakda nang ikasal sa isang napakagwapong prinsepe na si Prince Charlie Miller. Katulad ni Makisig ay seryoso ang pag-ibig nya para sa dalaga. Sino nga ba ang mas matimbang sa puso nya? Ang gwapong prinsepe na pinapangarap ng lahat? O ang lalaking kinamumuhian nya ang apelyido pero ibinigay sa kanya ang lahat? Handa ba syang maging isang ganap na Prinsesa? O handa ba syang maging Mrs. Marikit Kantout Peniss?
like
bc
Destiny Book 3: Liza Park
Updated at Dec 28, 2020, 19:28
Half Korean si Liza Park. Pangatlo sya sa magkakapatid. Mabait, malambing at tahimik lang ang kanyang pagkatao. Ngunit magbabago ang kanyang mundo nang maging sekretarya sya ni Brent Razon, ang may-ari ng pinakamalaki at sikat na kumpanya ng pintura sa buong bansa. Paano nya haharapin ang pagiging possessive sa kanya ng kanyang boss? Mahalin pa rin kaya nya si Brent kapag nalaman nya ang maitim na lihim ng binata? Sapat na ba ang tunay na pag-ibig para matanggap ang pagkatao ni Brent Razon?
like
bc
Destiny Book 2: Leighton Aloui
Updated at Nov 29, 2020, 11:28
Half Morrocan si Leighton Aloui. Panganay sa magkakapatid. Part time commercial model, full time Babaero, fuckboy at playboy. Pero mapagmahal na kuya at mabait na anak sa kanyang ama at ina. Ngunit kahit kailan ay hindi pa sya nagmahal ng totoo at hindi nagseseryoso. Marami na syang pinaluha at pinaasang mga babae. Pero paano kung pagtagpuin sila ng landas ni Charmaine Dela torre? Isang playgirl, spoiled bratt na anak ng isang multi-billionaire. Binayaran sya ng dalaga para magpanggap na boyfriend sa loob ng tatlong buwan para gumanti sa kanyang ex-boyfriend. Paano kung ang pagpapanggap ay unti-unti nang nagugustuhan ni Leighton? Unti-unti nang nahuhulog ang loob nya sa dalaga na ngayon nya lang naramdaman buong buhay nya. At sa unang pagkakataon ay naranasan nya ang umibig. Pero paano kung nalaman nya ang katotohanan na kailanman ay hindi sya nagustuhan ng dalaga? Isang bayarang lalaki lang ang tingin nya kay Leighton. Nakatagpo na kaya sya ng katapat sa katauhan ni Charmaine? Si Charmaine na kaya ang unang babaeng magpapaluha kay Leighton Aloui? Paano kaya magmahal ang isang tulad nya?
like
bc
Perfect Love Story
Updated at Aug 3, 2020, 13:13
Sa kabila ng sakit, poot at paghihirap na idinulot ng unang pag-ibig ni Marcus ay magkakaroon din sya ng matatawag nyang Perfect love story.. Dumating din ito sa tamang panahon at tamang pagkakataon..
like
bc
Monica's Secret
Updated at Jul 16, 2020, 06:49
Mahal na mahal ni Monica Javier ang campus crush na si Marcus Guerrero. Pilit mang silang paglayuin ng tadhana ay hindi pa rin sumuko si Monica sa kanilang pag-ibig. Ngunit dahil sa isang nakakasuklam na lihim ni Monica na unti unti ring kumakalat, ay lumayo ang loob sa kanya ng binata. Lingid sa kaalaman ni Monica na hindi lamang ang lihim nya ang dahilan ng paglayo ni Marcus sa kanya. Hindi napagod si Monica sa pagsubaybay kay Marcus kahit pa ba ang pagpunta ng binata sa Paris ay hindi naging hadlang sa kanya. Ngunit sa bansang Paris pala nya mararanasan ang mas labis na sakit na idududlot ng pagmamahal nya kay Marcus. Kaya pa ba nyang ipaglaban ang pagmamahal nya para kay Marcus na wala nang ibang ibinigay kundi sakit at hinagpis? O tuluyan na lang nyang tatanggapin na ang tadahana mismo ang kanilang mabigat na kalaban, at ang pagmamahal na iyon ay dapat na nyang kalimutan.
like
bc
My One and Only Superstar
Updated at Jun 5, 2020, 01:08
Matatag ang relasyon ni Ashley Sandoval at ang sikat na artistang si Matteo Sanchez. Ngunit babaguhin nito ang kanilang kapalaran dahil sa kasikatan ng binata. Lingid sa kaalaman ni Ashley na mas magbabago ang kanyang buhay nang makilala ang sikat na vlogger/chickboy/fuckboy na si Rowell Fajardo.
like
bc
The Billionaire's adopted lass
Updated at May 27, 2020, 06:11
Ulila na si Anna Micaela, sa kasamaang palad ay ibinenta pa sya ng kanyang tiyahin sa isang casa. Nang makahanap ng tiyempo ay tumakas sya sa casa at sinubukang lumayo. Nakilala nya si Gabriel Sebastian. Madali nya itong nakagaanan ng loob dahil kagaya nya ay laki sa hirap at sabak sa trabaho ang binatang ito. Tinulungan sya ng binata na mamasukan bilang katulong sa pinakamayamang pamilya. Sa pamilyang Montenegro. Ang trabaho nya ay ang linisin ang mga silid sa buong mansyon maliban sa isa. Pinagbawalan syang pumasok sa silid na nasa dulo ng pasilyo. Madami ang tanong sa isip nya kung ano ang meron sa silid na iyon? Doon kaya nakatago ang lahat ng yaman ng mga Montenegro. Dahil sa awa ay inampon ni Mr. Fernando Montenegro si Anna Micaela. Pinag-aral sya sa pinaka sikat na paaralan. Lahat ng luho ay ibinigay sa kanya. At dahil sa kanyang yaman ay nagbago ang kanyang pag-uugali. Maging ang kanyang kaibigang si Gabriel ay pinagtabuyan nya dahil sa tingin nya ay hindi na sila bagay. Dahil magkaiba ang kanilang katayuan sa buhay. Labis na nasaktan si Gabriel kung kaya't tinuruan sya nito ng leksyon para maalala nito ang kanyang pinanggalingan. Sa huli ay nabunyag sa kanya at napasok nya ang lihim na silid na matagal na nyang gustong pasukin. Nagimbal sya nang makita ang laman ng silid na iyon.
like