bc

Black Fire Trio Book 1: Enzo and Athena

book_age18+
1.9K
FOLLOW
9.5K
READ
playboy
goodgirl
powerful
comedy
sweet
brilliant
first love
like
intro-logo
Blurb

Si Athena Marie Garcia ay isang simple at hindi kagandahang freshman college student na nagsumikap na makakuha ng scholarship upang makapag-aral sa tanyag na paaralan-- ang Golden Valley University.

Dito ay magkukrus ang landas nila ng Black Fire Trio, ang grupo ng mga sikat, mayayaman at naggagwapuhang mga lalaki ng Unibersidad na iyon.

Alam ng lahat ng mga estudyante ang "game" ng BFT kung saan mamimili ang trio sa mga estudyanteng babae upang gawin nilang girlfriend sa loob ng isang buwan. Pagkatapos ng isang buwan ay ibang babae naman ang kanilang pipiliin upang ipadama kung paano maging boyfriend ang Black Fire Trio. Para sa kanila, ito ay isang laro lamang. Pinaglalaruan nila ang damdamin ng mga babae na alam nilang labis ang paghanga sa kanila.

Ano ang gagawin ni Athena kung isang araw ay sya ang piliin ng leader ng Black Fire Trio na si Enzo Zobel upang gawing girlfriend?  Ang pinakabully, hambog at walang pusong leader ng BFT.

May pag-asa bang umusbong ang pag-ibig gayong ang nakakuha ng atensyon ng dalaga ay ang pinakamabait na miyembro ng BFT na si Ethan Enriquez?

Sino ang pipiliin ni Athena? Ang hambog na leader na si Enzo, na ipinadama sa kanya kung gaano sya kaespesyal? O ang good boy na si Ethan, na hindi naman napapansin ang kanyang lihim na pag-ibig, ngunit handa syang maghintay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Athena Marie Garcia POV First day ko ngayon bilang isang mag-aaral ng Golden Valley University. Nasasabik ako sa panibagong yugto ng aking buhay. Ang Universidad na ito ang pinakasikat na paaralan dito sa Maynila dahil sa kalidad ng edukasyon na mayroon ito. Halos lahat ng anak ng mayayamang tao, politiko at maging mga artista ay sa Golden Valley University nag-aaral. Kaya naman laking tuwa ko nang makapasok ako sa Universidad na ito. Kakatapos ko lang mag-ayos ng aking sarili. Simpleng seventeen year old student lang ako. Aaminin ko, hindi ako maganda. Nakakadagdag pa ng aking kapangitan ang makapal na salamin na aking suot. Ang kilay ko ay mistulang pugad ng ibon sa sobrang gulo at kapal nito. Pero ayos lang, tanggap ko naman kung ano ang aking itsura. Pagkababa ko sa hapag kainan upang samahan ang aking mga magulang na mag-agahan ay naririnig ko na ang mga bungisngisan nilang dalawa. Sya nga pala, nag-iisang anak lang ako nina Maribel at Atanacio Garcia na parehong mahal na mahal ko. "Honey, can you please abot the ham and bacon ober der." Dinig kong wika ni Tatay "Yes, honey here is-- ahhm your ahmm the ham and bacon, enjoy your breakfast." Sagot naman ni Nanay habang iniabot kay Tatay ang isang platito ng tuyo at kamatis. Tama. Tuyo at kamatis lang ang madalas naming kainin, pero masaya naman kami kahit ganito. At katulad ng nakagawian nila ay nangangarap na naman sila ng isang masarap na agahan ngayon. Umalingawngaw ang halakhakan nilang dalawa. "Oh anak, anjan ka na pala. Maupo ka na at kumain na dito. Nagluto ang nanay mo ng paborito mong ham at bacon." Masayang wika ni tatay Nakangiti akong naupo sa silyang para sa akin. "Si nanay at tatay talaga, ang lakas ng imahinasyon oh! Teka nga! Matikman nga ang bacon. Ahmmm" wika ko habang isinusubo ang tuyo na isinabay ko sa sinangag. Namilog ang mga mata ko. Napatingin ako kila Nanay at Tatay at umabot yata sa aking tenga ang aking mga ngiti. "Wow! Infairness ang sarap ng bacon." Sabi ko "Sabi ko sayo eh. Masarap talaga ang bacon na yan. Inihanda ko na rin pala ang baon mo. Beef caldereta yan. Ubusin mo anak ha." Sabi ni Mama Masaya kong tinignan ang aking baunan. Excited ako sa pinabaon ni Mama sa akin. Ang tagal ko nang hindi kumakain ng karne ng baka. Pagbukas ko nito... Nangiti ako. "Salamat Nay." Tanging wika ko Pinabaunan ako ni Nanay ng tatlong pirasong tuyo na may kamatis at paborito kong okra. Kahit na nadismaya ako ng kaunti ay mas iniintindi ko ang aming sitwasyon. Isang tricycle driver si Tatay at iyon lang ang aming pinagkukunan ng panggastos sa araw araw. Hindi lingid sa akin ang estado ng aming buhay. Mahirap lang kami. Tanggap ko ang lahat ng iyon, dahil mayaman at busog naman ako sa pagmamahal ng aking mga magulang, kaya laban lang! Kapit lang! Wag susuko para abutin ang mga pangarap! Nagsusumikap akong mabuti para sa kanila. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho at maiahon ko sila sa kahirapan. Kaya nang makakuha ako ng scholarship at makapasok sa Golden Valley University ay parang sasabog sa tuwa ang puso ko. Unti unti ko nang naaabot ang mga pangarap ko. Pagkatapos kumain ay kaagad na akong nagpaalam sa aking mga magulang. Pinapabaunan nila ako ng masarap na halik at yakap bago umalis. "Lagi mong tandaan anak, ang mga Garcia ay hindi marunong umiyak! Laban lang!" Payo ni Tatay Pinabilog ko ang aking mga kamao at pinatigas ko ito sa harapan ng aking mga magulang. Hindi ako dapat sumuko. Alam kong madami akong pagdadaanan sa bago kong paaralan lalo na at mayayamang mga estudyante ang karamihan sa aking makakasama. "Laban lang po!" Sigaw ko Kaagad na akong umalis at hinarap ang panibagong yugtong ito ng aking buhay. Golden Valley University, parating na ako! -- Namangha ako sa laki at ganda ng building ng Golden Valley University. Nakakapit akong mabuti sa aking shoulder bag na medyo may kalumaan na. Huminga ako ng malalim. Handa na akong mag-aral. Magsusumikap ako para sa aking mga magulang. Habang naglalakad ako sa hallway ng building at hinahanap ang room 375 ay bigla na lamang may tumulak mula sa aking likuran. "Ahhh! Aray!" Sigaw ko Nakita ko na lang ang sarili ko na nakasalampak na sa sahig. Nagkalat na rin ang mga gamit ko roon. Nang lingunin ko ang aking likuran ay nakita ko ang tatlong babae na nakatayo roon at lahat sila ay may masamang tingin sa akin. Sa itsura ng kanilang mga mukha ay para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanila. "Never block our pathways! The moment you saw us, you must give way because the campus Queens are here!" Sabi ng babaeng sobrang kapal ng make up. "Loser! Geek!" Nagtaasan naman ang kilay ng dalawang babae sa kanyang likuran. Hindi ko sila maintindihan. Ang ibang mga estudyante ay nakatingin na rin sa akin dahil nakasalampak pa rin ako sa sahig. Parang gusto kong kainin na lang ako ng lupa dahil sa kahihiyan na tinatamo ko ngayon. Gusto kong umiyak dahil parang lahat ng mga estudyante ay ayaw sa akin. Pero naalala ko ang sinabi ni Tatay. Walang Garcia ang umiiyak! Laban lang. Pumikit ako. Hindi ako iiyak dahil lang sa kanila. Kakayanin ko to! Patayo na sana ako nang bigla na lang may humatak sa aking mga braso. Nagulat ako dahil napakalakas nya at naitayo nya agad ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig. Pagharap ko sa taong tumulong sa akin para makaahon... Parang huminto ang kamay ng orasan. Pumintig ang puso ko ng maraming beses. Napakagwapo nya. Napakaganda ng mga mata nya. Ang mga labi nyang sobrang pula ay parang ang sarap halikan? Gosh! Ano ba ang naiisip ko? "Are you okay? Miss?" Tanong nya habang inaayos nya ang salamin ko. Napalunok ako dahil nakatitig sya sa mga mata ko. Napakurap ako ng dalawang beses. Saka ko lamang narinig ang mga tilian at hiyawan ng mga babaeng estudyante. Nang mapatingin ako sa tatlong babaeng umaaway sa akin kanina ay pati sila halos mamilipit sa kilig dahil sa lalaking nasa harapan ko. Sino ba sya? Sino ang gwapong lalaking ito? Hindi ako makapagsalita dahil sa presensya nya. Para akong naputulan ng dila Pinulot pa nya ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. Sobrang bait nya. Sobrang gentleman. He is a perfect guy for me. "Hi! Ethan, how's your vacation in South Korea? I saw your pictures in Instabook." Kilig na kilig na tanong ng babaeng tumulak sa akin kanina. Sobrang nagpapacute sya sa lalaking ito. Nakakairita ang itsura nya. Pero ang gwapong lalaki ay hindi sya pinansin. Mukhang naaartehan din sa kanya. Kaya napahimas sa kanyang buhok ang babaeng sobrang arte. Napahiya kasi sya eh. "Next time be careful. Tumingin ka lagi sa dinaraanan mo." Wika ng lalaking sobrang gwapo sa akin. Ngumiti sya sa akin na syang tumunaw sa puso ko. Pakiramdam ko nga ay mahihimatay na ako sa pagkakangiti nyang iyon. Mr. Killer smile. Yan na ang itatawag ko sa kanya dahil talagang kaya akong patayin ng mga ngiti nya. At narinig ko, na Ethan pala ang pangalan nya. Gosh. Pakiramdam ko ay sobrang namumula na ang mga pisngi ko. Tinalikuran na ako ni Mr. Killer Smile. Lahat ng mga estudyanteng mga babae ay kumakaway sa kanya at parang mga bulateng kinikilig kapag nakikita sya. Wooow! Ganun sya kasikat sa University na to? Bigla ko na lang naramdaman na may humatak sa buhok ko. "Aray!" Sigaw ko Nakita ko na naman na parang tigre ang mukha ng tatlong babae kanina. Galit na galit na naman sila sa akin. "Don't you ever think that Ethan will like you! Sa itsura mong yan? Mukha kang desperadang nerd!" Sabi nya sa akin Sino ba ang nag-iisip na magkakagusto sa akin ang gwapong lalaking iyon? Alam ko naman na hindi. At never kong naiisip ang mga bagay na yan dahil pag-aaral ang ipinunta ko sa Universidad na ito. Hindi na ako umimik sa kanila dahil ayokong makagawa ng gulo. Ayoko silang patulan dahil baka mawalan ako ng scholarship. Titiisin ko na lang ang lahat ng mga sinasabi nila. "Tumabi ka nga dyan!" Sigaw ng isa pa sa kanila Tumabi ako at binigyan ko sila ng daan. Malayong malayo ang itsura ko sa kanila. Halatang galing sila sa mayayamang pamilya. Magaganda sila. Mamahalin at magaganda ang kanilang mga gamit. Nakamasid lang ako habang palayo sila sa akin. "Hi! Miss, ayos ka lang? Sorry ha hindi ka namin natulungan kanina laban don sa mga bruhildang ang kakapal ng make up." Paglingon ko ay nakatayo sa likuran ko ang dalawang babae. Mukha silang mababait, hindi kagaya ng tatlong bruha kanina na sobrang sama ng mga ugali. "Naku! Kung hindi ako pinigilan ni Alodia, kanina pa talaga ako sumugod para masapak yung tatlong bruha na yon!" Wika ng isang babae Pinigilan naman sya ng isa. Mukhang mas kalmado sya kaysa sa kasama nya na sobrang galit at gigil sa tatlong bruha kanina. "By the way, I'm Alodia. Freshman students din kami ni Amara." Pagpapakilala ng naunang nagsalita sa akin kanina Kumaway naman sa akin si Amara. "Ako naman si Amara, galit sa maaarte at mayamang bruha gaya nila. Naku! May araw din ang mga yon!" Wika nya Magaan ang loob ko sa kanila. Pakiramdam ko ay magkakasundo kami. "I'm Athena, freshman student din ako. Hinahanap ko nga ang room 375, kaya lang bigla na lang nila akong tinulak." Sabi ko Nagkatinginan silang dalawa at biglang lumaki ang kanilang mga ngiti. "Oh my God! Huwag mong sabihin na PY section 12 ka rin? PY12?" Wika ni Alodia Tumango ako. Mukhang alam ko na kung bakit sila masaya. "Classmates pala tayo! Ang saya naman." Sambit ni Amara Parang natanggalan ako ng tinik sa puso nang malaman ko na kaklase ko sila. Mabuti na lang at may mababait pang estudyante dito sa Golden Valley University. "Nakakuha ka rin ng scholarship di ba?" Tanong sa akin ni Amara. "Oo, paano mo nalaman?" Tanong ko naman "Ay, kaloka. Syempre tayo lang ang magkakamukha dito. Yung mga may pambayad ng tuition fee ganun ang itsura, kagaya ng tatlong bruha." Sabi naman ni Alodia Nagtawanan na lang kami. Tama sya. Ang mga estudyanteng nakakuha ng scholarship ay katulad namin. Simple lang. Hindi magagarbo ang mga gamit at walang make up o kolorete sa mukha. Mahahalata mo talaga kung sino ang may pangbayad kaysa sa talino lang ang puhunan. Masaya kaming naghanap sa room 375. Madaldal silang dalawa at masarap kausap. "Grabe ka girl, yung lalaking kausap mo kanina? Isa sya sa miyembro ng BFT. Sobrang gwapo noh?" Kilig na wika ni Alodia Kunot noo ko syang tinignan. "BFT? Ano naman yon?" Kyuryoso kong tanong "Black Fire Trio. Yung grupo ng mga gwapo at mayayamang estudyante. Pinamumunuan ng Baby kong Si Lorenzo "Enzo" Zobel ang leader nila or si Bully King dahil lahat ay pinagtitripan nya. At yung lalaki kanina, si Ethan Enriquez yon, talagang mabait at matulungin sya. At ang pinakababaero naman sa kanila ay si Galvert Monreal. Pero girl, walang tapon sa kanila. Lahat sila ang yummy!" Pagkukwento ni Alodia Mukhang number one fan sya ng Black Fire Trio na yan. Nacurious tuloy ako sa grupong ito. Kaya pala ganun na lang kung tilian ng mga babae ang isa sa kanila kanina. Si Mr. Killer Smile. "Basta ako! Galit ako sa BFT Biot na yan! Biot means mga bakla, bading at binabae dahil tinatapakan nila ang damdamin ng mga babae. Kung totoo silang mga lalaki dapat marunong silang rumespeto." Galit na wika naman ni Amara. Sa kanilang dalawa ay mukhang si Amara ang may malaking galit sa Black Fire Trio. "Ahhmm, mukhang mabait naman si Ethan." Pagtatanggol ko kay Mr. Killer Smile dahil nararamdaman ko naman na may mabuti syang puso. Nagtinginan sila sa akin. Mukhang may laman ang mga tingin nila. Teka! Ano ba yon? "Bakit?" Tanong ko "Uyyy! Huwag mong sabihin na crush mo si Ethan? Ayeee!" Pang-aasar sa akin ni Alodia Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin din ako sa paligid dahil baka may nakarinig na sa sinabi nya. Pakiramdam ko ay namula at nag-init ang mga pisngi ko. Bakit ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko rin maitago ang mga ngiti ko. Gosh. "Basta sa akin lang si Baby Enzo ko ha. Ayeeee!" Kilig na wika ni Alodia Si Amara naman ay nakataas ang mga kilay sa amin. Naiirita na yata. "Bahala kayo mag-ambisyon basta ako, hate ko silang lahat!" Sambit ni Amara "Teka, hindi ko crush si Ethan. Nababaitan lang ako." Pagbawi ko sa kanila Ayokong isipin nila na crush ko nga si Mr. Killer Smile. "Sige, ideny mo pa. Ayeee!" Pang-aasar pang lalo ni Alodia Napailing na lang ako. Mukhang hindi ko na mababawi ang nasa utak nya. "Ayun na ang room 375. Salamat naman at nakarating din tayo." Sabi ni Amara Nagmamadali kaming nagtungo sa room 375. Nasasabik na kaming makilala ang mga kaklase namin. Nasasabik na akong ishare ang mga ideas ko sa kanila. Pagpasok namin sa room... Lahat sila ay natahimik nang makita kami. Halos lahat sila ay anak ng mayayaman. Wala kaming nakita na katulad namin. At ang mas ikinagimbal pa ng mundo ko... Kaklase pa namin ang tatlong bruha na nambully sa akin kanina. Nakataas muli ang mga kilay nila sa amin. "Look who's here? Ang mga nerdy student na nakakuha ng scholarship. It's so ewww!" Wika ng babaeng tumulak sa akin kanina. Lahat sila ay pinagtatawanan kami. Lahat sila ay mistulang ayaw sa amin. Nakita kong kinuyom ni Amara ang kanyang mga kamao. Nararamdaman ko ang galit nya. "Hoy! Bruhildang makapal ang make up! Hindi mo ba kami titigilan?" Hindi na napigilan ni Amara ang damdamin nya Nakahawak naman kami ni Alodia sa kanya at pilit namin syang pinipigilan. Mukhang malaking gulo ang ginawa nya. Nakita naming tumayo mula sa kinauupuan nila ang tatlong bruha at papunta sa kinaroroonan namin. Patay!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook