Chapter 2

2191 Words
Athena "What did you say, freak?" Galit na wika ng babaeng makapal ang make up. Galit na galit silang sumugod sa amin. Lahat sila ay nakapameywang sa aming harapan. Lahat ay parang handang makipagbakbak. Pinatunog ni Amara ang kanyang mga daliri na tila naghahamon din ng away. Hawak ko ang kaliwang braso nya, samantalang hawak ni Alodia ang kanan. "Friend, maghunos-dili ka." Bulong ni Alodia kay Amara Ngunit humakbang palapit si Amara sa tatlong bruha. Hindi talaga namin sya mapigilin. Ano ba naman 'to? Unang araw pa lang ng klase ay ganito na katindi ang tensyon? Si Amara ay may napakasamang tingin sa tatlong bruha, lalo na sa babaeng nasa harapan nya. "So? Anong ibig sabihin ng ganyang tingin? Sasaktan mo ako? Then, Go! Para mawalan kayo ng scholarship!" Sambit ng babaeng bruhilda Nagkatinginan kaming tatlo. Tila nangatog ang mga tuhod ko sa sinabi nya. Sa totoo lang, natakot ako sa mga sinabi ng babaeng bruhilda. Alam nya ang kahinaan namin. Mahalaga sa amin ang scholarship at hindi pwedeng mawala iyon ng ganun kadali lang. Mahigpit kong hinawakan si Amara. Pinigilan namin sya. Nakakahilakbot ang mga sinasabi sa amin ng babaeng nasa harapan namin, dahil sa itsura nya ay mukha syang galing sa mayamang pamilya na kayang kaya talaga kaming tanggalan ng scholarship anumang oras. Ramdam ko ang panginginig ni Amara. Gustong-gusto nyang patulan ang babaeng nasa harapan namin ngunit hindi pwede. Maangas na nakangiti sa amin ang tatlong bruha dahil alam na nila ang aming kahinaan. Kung ako lang ang tatanungin ay ayoko naman silang patulan. Mas gusto kong manahimik na lang para iwas na sa gulo. Kahit ilang ulit nila akong tapakan ay ayos lang. Gusto ko lang mag-aral. Gusto ko lang makapagtapos ng pag-aaral. "Where the hell did you get your courage to call me bruhilda? For your attention, nakapag-aral lang kayo sa Golden Valley because of scholarship. Wala kayong lugar dito! Freak!" Sigaw nya sa amin Hinatak na namin si Amara papunta sa aming silya. May tatlo pang bakanteng silya sa may gitna at doon kami naupo. Pinagmamasdan lang kami ng tatlo habang nagkukumahog na pumunta sa lugar namin. Alam na nilang natalo nila kami sa pagkakatong ito. Pagkaupo ko sa silya ay halos magtriple ang kalabog ng puso ko. Ayoko nang maulit ang ganitong eksena. Gusto ko lang nang tahimik na pamumuhay habang nandito ako sa University. Hawak ko ang dibdib ko at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Si Amara naman ay panay ang tingin sa tatlong bruha. Hindi ko alam kung ano ang meron sa utak ng babae na 'to. Sobrang tapang nya. Pero bakit biglang umingay? Tila nakarinig ako ng mga hiyawan at tilian ng mga babae? Nakatingin lang ako sa paanan ko at ayokong makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila. May artista bang dumating? Ewan! Wala akong pakialam dahil pag-aaral ang ipinunta ko dito. Maya maya pa... "Hey! That seat is for BFT only!" Bulyaw ng isang lalaki Hindi ko napansin na nakatayo na sya sa aking gilid. Pag-angat ko ng aking ulo ay nakita kong nanlilisik ang mga mata nya sa akin. Sobrang tangkad nya. Gwapo sya. Pero nakakairita sya dahil parang gusto nya kaming paalisin sa kinauupuan namin. Hindi ba nya alam na nauna kami rito? Talagang paaalisin nya ang mga babae sa upuan dahil uupo daw ang BFT? Teka! BFT? Yung sikat na mga bully ng school. Yung mga gwapo at mayayaman daw? "My god! Si baby Enzo yan. Yung leader ng BFT. Mahihimatay yata ako." Bulong ni Alodia na halata ang kilig sa kanyang mga mata at kilos Nangiwi ako. Ito pala ang lalaking kinababaliwan nya. Ang leader ng Black Fire Trio. "Nanggigil ako. Pigilan nyo ulit ako at baka masapak ko na yang lalaki na yan." Wika ni Amara Bahagyang napalakas ang boses ni Amara at narinig sya ng leader ng Black Fire Trio. Patay na talaga kami nito! "What?? Paki-ulit nga ang sinabi mo? Miss?" Galit na tono ng leader ng BFT. Mukhang maikli lang din ang pasensya ng leader nila dahil halos nanlilisik ang mga mata nya sa aming tatlo. "Hey! Hey Enzo! Mukhang naiirita ka na naman huh? Sino ba ang sumisira ng araw mo? Ang aga pa huh?" Sabay sabay kaming napalingon. Nakita namin ang isang lalaki na nakapamulsa na ngumunguya pa ng chewing gum, at katabi nyang naglalakad-- si Mr. Killer Smile. Unti-unting lumabas ang mga ngiti sa labi ko nang makita ko sya. Kakaiba talaga ang awra nya. Sobrang nakakagaan ng pakiramdam. "Siz, yan naman si Galvert, ang womanizer ng grupo. At yung isa, kilala mo na di ba? Yung crush mo? Ayee." Bulong pa ni Alodia Kinurot ko ang braso nya dahil baka marinig sya ng iba. Wala akong crush kay Ethan. Hindi ko sya crush. Natutuwa lang ako sa kanya. "Ito kasing mga babaeng to eh, nakaupo sa pwesto natin!" Galit na wika nung Enzo. Biglang napatingin si Ethan sa may gawi namin. At napatitig sya sa mismong mga mata ko. Pakiramdam ko na naman ay napakainit ng mga pisngi ko. "Maghanap na lang tayo ng ibang mauupuam. Hayaan na natin ang mga girls na maupo sa pwesto natin. Be a gentleman, Enzo." Wika ni Ethan Napakabait talaga nya. Marunong syang rumespeto sa iba, lalo na sa mga babae. Hindi kagaya ng Enzo na 'to, naturingang leader ng BFT pero napakadiwara naman ng pag-uugali. Bigla namang sumulpot ang isa sa mga bruhilda. Tumayo sya sa harapan namin at nag-cross arms with matching taas kilay na naman sa amin. "Hey mga freak! Lumayas kayo sa pwesto ng BFT. You must know your place here at University. Doon oh!" Sabi ng bruhilda sabay turo sa pinakadulong bahagi ng room kung saan wala namang silya. Sabay-sabay kaming napatingin sa itinuturo niha. Napangiwi ako. Balak ba nila kaming patayuin? Napameywang sa amin ang bruhilda. "You must show some respect to the members of BFT because their parents are  the Chairpersons of this University." Matapang na wika ng bruhilda Nang marinig namin ang sinabing iyon ng babaeng makapal ang make up ay sabay kami ni Alodia na napatayo sa kinauupuan namin. Ngunit nanatiling matigas si Amara, ayaw nyang umalis sa kinauupuan nya. Pinilit pa rin namin syang patayuin dahil nanganganib kami kapag hindi pa kami umalis sa pwestong ito. Nang mahatak na namin si Amara ay nakayuko kami habang papunta sa dulong bahagi ng silid-aralan, kung saan walang silya roon. "Talagang mga walang modo!" Galit na wika ni Amara Nakatingin na lamang kami sa tatlong bruhildang babae na kung makadikit sa BFT ay akala mo mga linta. Kilig na kilig pa sila habang kausap ang mga ito. At ang mayabang na leader nilang si Enzo? Ang laki ng mga ngiti nang makaupo na sa silyang kinauupuan ko kanina. Nakakainis sya. Kinaiinisan ko ang buong pagkatao nya pero wala akong magawa. Hindi ko masabi sa kanya kung gaano ko sya kinamumuhian dahil ayokong mawalan ng scholarship. Nang magawi muli ang tingin ko kay Ethan ay nakamasid na sya sa akin. Napalunok yata ako ng tatlong beses nang malaman kong kanina pa nya ako tinitignan. Nilihis ko ang tingin ko sa kanya. Ayokong mahalata nya na masyado akong apektado sa mga tingin nya. Ilang saglit lang ay nakita kong lumabas sya ng room. Saan kaya sya pupunta? Para akong nalulunod sa nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang presensya nya. At kapag umaalis naman sya ay parang nahuhulog ang puso ko sa lungkot. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Nakakainis na. Ilang minuto ang lumipas ay pumasok muli si Ethan at bitbit nya ang dalawang silya sa magkabila nyang mga kamay. Dinala nya ang mga iyon sa pwesto naming tatlo nina Amara at Alodia. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Wala na akong masabi pa sa kabutihan ng puso nya. Pagkalapag nya ng dalawang silya ay naupo agad sina Amara at Alodia doon. Muli naman syang lumabas upang kunin naman ang pangatlong silya na para sa akin. Tulala pa rin ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang naputol ang dila ko sa sobrang pagkabigla sa ginawa nya. May ganito palang klase ng mayamang tao? Mabait sya at hindi tumitingin sa estado ng buhay ng tao. "Sorry sa inasal ni Enzo, pagbigyan nyo na. Mabait naman yan eh. 'Pag tulog." wika ni Ethan Kinindatan nya kami. At idinapo nya ang kanyang tingin sa akin. Mistulang tumigil na naman ang oras nang bigyan nya ako ng isang napakagandang ngiti. Yung mga ngiting una kong napuna sa kanya. Yung mga ngiti na pinakamaganda sa lahat. Parang nalaglag ang salamin ko sa mata kaya inayos ko ito. Kumurap ako at baka nananaginip lang ako na may isang gwapo at mabait na lalaki ang nasa harapan ko. Pagmulat ko ay nasilayan ko pa rin ang magandang ngiti ni Ethan. Hindi talaga ako nananaginip. "T-Thank you." Halos paos kong wika sa kanya Mas ikamamatay ko yata ng bigla na lang nyang hawakan at kurutin ang pisngi ko. "Ang cute mo chubby bunny!" Wika nya Pagkatapos nyang gawin iyon ay tinalikuran na nya kami. Pero may ninakaw sya sa akin eh. Yung puso ko! Gosh! Bigla akong nakaramdam ng pinong kurot sa tagiliran. "Ayee! Hinawakan sya ng crush nya." Pang-aasar na naman sa akin ni Alodia Para akong nagising sa katotohanan. Hinawakan ko ang pisngi ko na hinawakan ni Ethan. Parang dumikit pa ang amoy nya sa pisngi ko. Gosh! Ano ba talaga ang nangyayari sa akin. "Tsee! Wag kayong magpauto sa isang yon! Pare-pareho lang ang mga pag-uugali nila-- mga hambog!" Galit na wika ni Amara Mukhang hindi na mababago ang utak nya. Talagang kinamumuhian nya ang Black Fire Trio. "Eto naman napakasungit. Basta sa akin lang si Baby Enzo, si Athena kay Ethan na. At sayo naman si Galvert na babaero, Amara. Haha!" Sambit ni Alodia habang patuloy na pinagtatawanan si Amara Nangiwi lalo si Amara at parang diring diri sa sinabi ni Alodia. "Ewwww! Kahit sya pa ang huling lalaki sa mundo hindi ko sya papatulan!" Galit pa ring wika ni Amara Napabungisngis na lang kami ni Alodia sa itsura ni Amara na sobrang iritable. "Sya nga pala, mula ngayon tayo na ang magkakampi ha? Wala naman tayong ibang mapupuntahan dahil lahat sila ay may kanya-kanya ng grupo." Wika ni Alodia Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Tama si Alodia. Wala kaming ibang matatakbuhan kundi ang isa't-isa. Ang mga estudyanteng nakakuha ng scholarship ay hindi kailanman pinapansin ng mga estudyanteng galing sa mayayamang pamilya. Alam na namin ang lugar namin sa Universidad na ito. "May naisip ako!" Biglang wika ni Amara Kaagad naman kaming napatingin ni Alodia sa kanya. Nakakunot pa ang mga noo namin. "Triple A! Yan ang itatawag natin sa grupo natin. Sa letrang A kasi lahat nagsisimula ang mga pangalan natin. Talagang pinagtagpo tayo ng panahon eh." Natatawang wika ni Amara na kanina lang ay naiirita sa Black Fire Trio. Biglang lumawak ang mga ngiti namin ni Alodia. Sobrang natuwa kami sa naisip ni Amara. Triple A? Astig din. Hindi kami magpapatalo sa Black Fire Trio at sa tatlong bruha na nakabuntot sa kanila. Laban! "Friends na tayo ha? Walang iwanan sa Triple A! Kakayanin nating makapagtapos ng pag-aaral kahit madaming kontrabida sa paligid." Wika pa ni Amara "FRIENDS!" sabay naming sigaw ni Alodia at sabay pang napahagalpak sa kakatawa. Hindi namin napansin na napalakas ang pagkakasigaw namin kaya napatingin sa amin ang ibang classmates namin. "Hey! Ang ingay nyo! Shut up!" Pagsisita ng babaeng bruhilda Nirolyohan lang sya ng mata ni Amara. Hindi na namin pinansin pa ang babaeng bruhilda dahil baka magkaroon na naman ng mainit na pagtatalo. Masaya ako dahil sa unang araw ng klase ay nakatagpo ako ng mga kaibigan. Saktong sakto ang ibinigay ng Diyos sa akin. Sila ang kauri ko. Sila  lang ang makakaintindi sa katulad ko. Matagal na pa lang magkaibigan sina Amara at Alodia. Simula Elementary ay magkaibigan na sila. Sabay silang nangarap na makapag-aral sa Golden Valley University. Galing sila ng Palawan at nagsumikap na makapasok sa Universidad na ito. At matagal na palang sinusubaybayan ni Alodia ang grupong Black Fire Trio sa **, twitter at f******k. Kaya pala sya patay na patay sa Enzo na yon, at mas lalo syang nasabik nang makapasok sya sa Golden Valley University. Sa isang malapit na Dorm para sa mga babae nakatira sina Amara at Alodia at sabay nilang hinaharap ang lahat ng problema dito sa Maynila. Iniwanan nila ang kanilang pamilya na nasa Probinsya upang tuparin ang kanilang pangarap. Saludo ako sa kanila dahil natitiis nilang hindi makasama ang pamilya nila para lamang sa kanilang pag-aaral. Nakakainspire talaga ang mga bago kong kaibigan. Habang iniisip ang lahat ng ito ay napansin kong parang may nakamasid sa akin. Biglang akong kinabahan. Alam kong may nakatingin sa akin eh. Paglingon ko sa pwesto ng Black Fire Trio ay nakatingin sa akin si Enzo! Ang leader nilang ubod ng yabang! Akala siguro nya ay nakakatuwa ang pagmumukha nya. Mukha syang matabang oso dahil sa chubby cheeks nya! Hmmp! Pinagsalubong ko ang kilay ko sa kanya. Nakakainis! Pero dahan-dahan kong nilibot ang mga mata ko sa gawi ni Ethan. Lihim nya akong pinapasaya. Lihim nya akong pinapakilig. Ewan ko ba. Basta masaya ako kapag nakikita ko sya. Crush ko nga ba talaga sya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD