Athena
Lunch time.
May malaking cafeteria ang University. Halos lahat ng masasarap ngunit mahal na pagkain ay mabibili mo doon. Halos lahat ng mga estudyante ay doon na kumakain, iyong may pambili nga lang.
Medyo bumagal ang paglalakad ko dahil nahihiya ako kina Amara at Alodia. Nakakahiya naman na kumain ako sa Cafeteria at ang pinabaong tuyo at okra ni Nanay ang kakainin ko doon. Baka mangamoy pa ang pagkain ko sa loob ng Cafeteria at pagtawanan na naman ako ng ibang mga estudyante.
"Saan naman kaya tayo pupwesto? May baon kami ni Alodia eh. Kakain ka ba sa cafeteria, Athena?" Tanong ni Amara
Sabay silang napatingin sa akin. Nangiti naman ako dahil talagang magkakaibigan nga kami.
"May baon din ako eh." Sabi ko
Sabay-sabay kaming tumawa. Talagang hindi mapagkakaila na sa iisang mundo lang kami nanggaling. Kailangan naming magbaon upang makatipid. Ito ang nakasanayan naming buhay. Hindi katulad ng mga anak ng mayayaman na lahat ng kanilang gustuhin ay agad nilang nakukuha. Sa aming mga mahihirap, kailangan mo munang pagtrabahuhan ang lahat bago mo ito mapasakamay.
"Doon na lang tayo sa may malaking puno malapit sa open field." Pagyaya ni Amara
"Let's go!" Sigaw ni Alodia
Nauna silang tumakbo. At ang bilis nila, hindi ko sila mapantayan dahil aaminin ko, lampa talaga ako.
"Athena, bilisan mo naman. Ang kupad mo girl!" Sigaw ni Amara habang pinagtatawanan nila ako.
Samantalang ako ay hinihingal na sa pagtakbo. Masyado nila akong pinahirapan, pwede namang maglakad.
Pagdating namin sa wooden bench na nasa ilalim ng puno ay halos kapusin ako ng hininga.
"Grabe kayo, para kayong kabayo sa bilis." Wika ko
"Mabagal ka lang talaga girl!" Pang-aasar ni Amara
Naupo kami sa wooden bench at sabay-sabay na nagbukas ng aming baunan. Excited kaming kumain. Kahit hindi mahal ang pagkain namin ay alam kong mabubusog pa rin kami nito.
"Wow! Tuyo na may kamatis at okra, paborito namin ni Amara yan." Tuwang-tuwa na wika ni Alodia
Natakam din naman ako sa baon nilang ginisang sardinas na may egg. Isa rin sa mga paborito ko ang binaon nila. Para hindi na mainggit ang bawat isa ay nagbigayan na lang kami ng mga baon, para lahat ay makakatikim.
Enjoy na enjoy kaming kumain sa ilalim ng puno. Napakapresko ng lugar na ito. Walang ibang estudyante ang nauupo dito dahil bahagyang malayo sa main building. Solo namin ang lugar.
Halos hindi kami makakilos sa sobra naming kabusugan. Pare-pareho kaming nakasandal sa may wooden bench at nakamasid sa malayo.
Bigla na lang nagsalita si Alodia.
"Yung tatlong bruha kanina? Galing silang lahat sa mayayamang pamilya. Si Myrtle, yung tumulak kay Athena kanina sa may hallway at parang leader nila, ay anak ng may-ari ng malalaking gasoline station sa buong bansa." Pagkukwento niya.
Namangha naman kami ni Amara sa aming kaibigan dahil kilala nya ang mga estudyante sa University, lalo na ang mga mayayaman at may sinabi sa buhay.
"Si Chloe at Zabrina naman na mga buntot nya, ay anak ng mayamang politiko at may-ari ng malalaking jewelry stores. Sobrang yaman nila. Lahat ng gusto nila ay madali nilang nakukuha. Talagang sinuwerte sila sa buhay." Sambit pa ni Alodia
"Aanuhin mo ang yaman kung napakasama naman ng pag-uugali mo? Huwag na uyy!" Galit na wika ni Amara
Kahit mahirap lang ang estado ng aming pamumuhay ay hindi ako kailanman naghangad ng yaman sa mundo. Gusto ko itong makuha sa sarili kong pagsisikap.
Maya maya pa ay nahagip ng aming mga mata ang Black Fire Trio. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakaakbay sila sa tatlong bruhildang babae. Sina Chloe, Myrtle at Zabrina.
Aba, ang bilis naman ng mga pangayayari. Sila na agad?
Parang tinarakan ng kutsilyo ang puso ko. Biglang sumikip ang dibdib ko nang makita na may ibang kaakbay si Ethan. Kaakbay nya si Myrtle na minaliit at inapak-apakan kami kanina. Ganung klase pala ng babae ang gusto nya. Napakagat labi ako habang pinagmamasdan kong nakangiti sya at kausap ang girlfriend nya.
"Wow, ang swerte ng tatlong bruha na 'yon huh! Sila ang lucky girlfriend of the month ng Black Fire Trio." Kilig pa rin na wika ni Alodia
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Girlfriend of the Month?
"Ano yon?" Kyuryoso kong tanong
Tumayo si Alodia sa harapan namin at pinag-ekis ang kanyang mga braso.
"May nakakakilig na game ang Black Fire Trio. Iyon ay pipili sila sa mga estudyanteng babae na magiging girlfriend for the month nila." Pagpapatuloy nya
Nangiwi ako sa mga ibinunyag nya sa amin. Parang tanga lang pala ang Black Fire Trio na yan. Pinaglalaruan nila ang damdamin ng mga babae?
"Sa loob ng isang buwan ay ipaparanas nila sa lucky girl na napili nila kung ano ang pakiramdam na maging girlfriend ng isang BFT. Pakikiligin ka, aalagaan ka, mamahalin ka nila for one month. Sana mapili ako ni Enzo. Ayeeee!" Pagpapatuloy pa ni Alodia
"Inshort, pinaglalaruan nila ang feelings ng mga babae. Kundi ba naman mga stupido at bobo!" Galit na wika ni Amara
Pareho kami ng iniisip ni Amara. Mapaglaro ng damdamin ang BFT. Ganun ba talaga si Ethan. Baka naman nakikisama lang sya sa hambog na Enzo na 'yon. Alam kong hindi magagawa ni Ethan ang magpaasa ng isang babae.
"Ayos lang sa mga babae 'yon?" Tanong ko
Tumango ng ilang ulit si Alodia. Para syang lumilipad sa alapaap habang nakamasid sa BFT. Talagang nahuhumaling sya sa grupong ito.
"Wag ka lang mapupunta kay Galvert dahil nanakawin nya talaga ang virginity mo." Saad pa ni Alodia
Mas nangiwi si Amara sa mga sinabi ng kaibigan namin. Mas lalo yata syang nairita.
"Di uubra yang Galvert na yan sa akin. Palapit pa lang sya sa akin baka nasuntok ko na ang pagmumukha nya!" Wika ni Amara
"Grabe, amazona ka talaga friend!" Sambit ni Alodia
Iginawi ko ang aking mga tingin sa BFT, na kasama pa rin ang kanilang mga lucky girlfriends. Napabuntong hininga ako. May pag-asa nga kayang mapili ako ni Ethan.
Maranasan ko man lang kung paano mag-alaga at magmahal ang isang Ethan Enriquez. Sobrang saya siguro kapag nangyari yon. Pero alam ko namang hindi magkakatotoo ang lahat ng iniisip ko dahil isang simple at hindi kagandahang estudyante lang ako.
Ano ba ang naiisip mo Athena, pag-aaral ang atupagin mo!
Bulong ko sa utak ko.
--
Ilang araw at linggo ang lumipas ay palagi na lang may bumabagabag sa puso ko. Habang tumatagal ay mas lalo akong nasasaktan sa nakikita ko. Ang eksenang inaalagaan ni Ethan ang lucky girlfriend nyang si Myrtle ang syang lubos na nagpapalungkot sa akin.
Napabalita pa nga sa buong University ang bakasyon nila sa Cebu nitong weekend. Sobrang saya raw nila roon at sinulit ng tatlong bruha ang pagkakataon kasama ang BFT.
Bakit ba ako nakakaramdam ng inggit? Hindi ako ganito noon. Hindi ako marunong mainggit sa iba. Pero sa tuwing makikita ko na malayang hinahawakan ni Myrtle ang kamay, braso, balikat at pisngi ng Mr. Killer Smile ko, ay naiinggit ako sa kanya.
Ahhh! Gosh nabanggit ko bang Mr. Killer Smile ko? Ko? Ibig sabihin ay akin? Ano ba talaga ito? Patay na! May gusto ako sa isang Ethan Enriquez!
Napapikit ako at pinagsasampal ko ang pisngi ko. Hindi ito maaari! Ayokong mawala ako sa konsentrasyon sa pag-aaral. Baka makasira pa sya ng mga plano ko. Ayoko talaga!
"Hey! AmaG, nahulog mo yata ang ballpen mo!" Tinig ni Enzo yabang.
Pagtingala ko ay nakita ko na naman ang mataba nyang pisngi. Nakangiti sya sa akin at tila nang-aasar. Inabot nya sa akin ang ballpen.
"Teka? Bakit Amag ang tawag mo sa akin? May pangalan ako, I'm Athena!" Galit na wika ko
Naupo sya sa silya na nasa harapan ko at nakadekwatro pa habang nakatitig sya sa akin.
"Athena MArie Garcia. In short, AmaG."
Wika nya at pagkatapos nito ay tumawa ng malakas sa harapan ko. Pinagsalubong ko lang ang dalawa kong kilay sa kanya dahil iritang-irita ako sa presensya nya. Naisip pa talaga nyang itawag sa akin ang bagay na 'yon? Sabagay sya nga pala ang Bully King ng University.
Napansin kong tumayo sa kinauupuan nya si Ethan at lumabas ng classroom. Sinundan ko sya ng tingin. Saan kaya sya pupunta? Lahat ng kilos at galaw nya ay sinusubaybayan ko.
"Hey! Sino ba ang tinitignan mo? Hindi ka ba naaasar sa sinabi ko, Amag?" Pang-aasar pa ni Enzo
Saka ko lang naalala na nasa harapan ko nga pala sya. Hindi ko na sya pinapansin pa dahil nga ayoko sa kanya.
"Wala akong panahong makipag-asaran sayo." Mataray na wika ko
Binuklat ko ang libro at nagbasa na lang ng lecture.
Ilang saglit pa ay bigla na lamang nyang hinablot ang salamin ko sa mata. Hindi nya alam na hindi ako makakita ng maayos kapag wala ang salamin ko.
"Enzo! Akin na yan!" Sigaw ko
Sinubukan ko syang habulin kahit medyo blurred ang paningin ko. Naririnig ko ang malakas nyang tawa.
"Habulin mo ako Amag!" Sigaw pa nya
Hindi ko napansin na may silya sa harapan ko kung kaya't natalisod ako sa bagay na iyon.
Alam kong mawawalan na ako ng balanse. Para akong lumalangoy sa dagat sa itsura ng mga braso ko. Hindi ko alam kung paano ko malalamapasan ang aksidenteng ito!
"Ahhhh!" Sigaw ko
Ngunit naramdaman kong may sumalo sa akin. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng pabango nya. Napakabango nya. Sobra akong nahuhumaling sa amoy na iyon.
Hindi ko sya masyadong maaninag dahil wala nga akong salamin.
"Are you okay?"
Kilala ko sya. Si Ethan. Si Ethan ang sumalo sa akin. Nakabalik na pala sya. Kanina lang ay lumabas sya ng classroom at tamang tama ang dating nya. Sinagip ako ni Mr. Killer Smile.
Nang makasiguro syang nakatayo na ako ng maayos ay agad syang umalis sa harapan ko. Parang pinuntahan nya ang pwesto ni Enzo yabang.
"Bad Boy!" Sigaw ni Ethan
Ilang saglit pa ay agad kong naramdaman na isinuot ni Ethan sa akin ang aking salamin. Inayos nya ang pagkakasuot nito. Sya ang kumuha ng aking salamin sa kamay ng mayabang na Enzo na iyon.
Pagmulat ng mga mata ko ay kitang kita ko ang lalaking pangarap ko. Si Ethan Enriquez.
"Pagpasensyahan mo na si Enzo, wala lang syang magawa." Wika nya habang patuloy na inaayos ang salamin ko at hinahawi pa ang ilang takas na buhok ko.
Hindi ako makakilos dahil sobrang lapit nya sa akin. Ang buong presensya nya ang nagpapangatog ng buong katawan ko.
Sobrang bait nya sa akin.
"Wow! May tagapagtanggol na pala si Amag?" Naiiritang wika ni Enzo
Lumapit sya sa amin ni Ethan.
Naiinis talaga ako sa lalaking ito. Napakawalang modo nya
Hinimas himas nya ang kanyang labi. Inikutan nya kami ni Ethan na para bang may gusto syang sabihin. Ano na naman kaya ang iniisip nya?
"From now on, my lucky girlfriend, will be--- Athena!" Wika ni Enzo
Nanlaki ang mga mata ko. Anong kalokohan ang sinasabi ni Enzo? Bakit ako ang pinipili nya? Ayoko! Ayoko sa kanya!
Biglang pumasok naman sa eksena ang babaerong si Galvert.
"Sa akin naman si Amara. You are my lucky girlfriend!" Wika nya sabay kindat sa matapang kong kaibigan.
Napatayo si Amara at akmang susuntukin si Galvert ngunit napangunahan nya agad ito ng yakap. Nasaksihan kong niyakap ng babaerong si Galvert ang kaibigan kong galit na galit sa kanila.
Pero ang matapang na si Amara ay wala ring nagawa at tila nakulong sya sa mga bisig ni Galvert. Kakaiba pala ang karisma ng isang ito, dahil kahit ang pinakamatapang na babae sa buong University ay napaamo nya.
Lumayo sa amin si Ethan at tila may hinahanap. Nakita nya si Alodia na nakaupo sa may sulok, nilapitan nya ito at hinawakan nya ang mga kamay ng kaibigan ko. Para akong nahilo sa mga nakita ko. Hawak ni Ethan ang kamay ni Alodia..
"Can you be my lucky girlfriend?" Tanong ni Ethan
Hindi makapagsalita si Alodia at tanging pagtango lang ang naisagot nya kay Ethan.
Parang sinaksakan ng napakaraming kutsilyo ang puso ko dahil si Alodia ang pinili ni Ethan. Pwede bang magpalit kami ni Alodia dahil ang gusto naman nya ay ang baby Enzo nya? At ako naman ay may lihim na pagtingin kay Ethan. Pwede ba yon? Gosh!
"You're mine now!" Dinig kong wika ni Enzo
Hinablot nya ang braso ko at hinatak nya akong palapit sa kanya. Wala akong nagawa at napasubsob ako sa matipuno nyang dibdib. Kitang kita ko ang malalaki nyang ngiti nang tingalain ko sya.
Gusto ko na lang magpakain ng buhay sa mga tigre at leon kaysa makasama at maging lucky girlfriend ng isang Enzo Zobel!
Kainis!