Enzo Pov
“Did you witness her reaction? Dude, sya pa ang nandiri? Nakakatawa talaga ang babaeng iyon. She doesn’t have any idea na maraming nagkakagusto sa isang Lorenzo Zobel.” pagkukwento ko sa dalawa kong matalik na kaibigan na si Galvert at Ethan.
Napailing na lang sa akin si Ethan habang nagbabasa sya ng kanyang paboritong libro. Samantalang si Galvert ay parang walang pakialam habang abala sya sa pagscroll sa kanyang cellphone.
Inagaw ko ang librong hawak ni Ethan dahil naiinis ako sa kanilang dalawa. Pareho silang walang interes sa mga sinasabi ko. Paano nila nagagawa ang mga ganitong bagay sa leader nila?
“Hey! Ano ba? Nagbabasa ako di ba?” galit na bulyaw ni Ethan
Napatingin na rin si Galvert sa amin na tatawa tawa lang kaya mas lalo akong nainis sa kanila.
“Ngayon lang kita nakitang ganyan ka-excited magkwento tungkol sa babae. Huwag mong sabihin na type mo ang isang iyon? Dude, yung mga itsura nila ay wala pa sa kalahati ng mga babaeng nakakasama natin sa University. Mga probinsyanang baduy ang mga iyon.” Sabi ng babaero kong kaibigan na si Galvert.
Medyo napalunok ako sa mga sinabi nya.
“No way! Hindi ako magkakagusto sa isang katulad nya. Naiinis lang ako dahil wala man lang syang interes sa akin? Kahit kaunting kilig ay hindi yata alam ng babaeng iyon. Hindi yata nya kilala kung sino ang magiging boyfriend nya sa loob ng isang buwan. Kung alam lang nya na maraming babae ang gustong pumalit sa pwesto nya. Kaya naiinis ako!”
Halata naman ang pagkadismaya ko sa babaeng iyon. Sanay na sanay ako na halos mahimatay ang mga babae sa tuwing lalapit pa lang ako sa kanila. Pero ang AMaG na iyon ay kakaiba sa lahat.
Napakalamig ng pakikitungo nya sa akin. Parang ordinaryong tao lang ako kapag lumalapit ako sa kanya. Ang weird ng babaeng iyon.
“Hindi mo ba gets Enzo?” biglang banggit ni Galvert
Napatingin kami ni Ethan sa kanya. Curious ako sa mga sasabihin nya. Ano ba ang hindi ko gets?
Ngumisi ng sobrang nakakainis si Galvert sa amin. Marami syang alam pagdating sa mga babae at nahihiwagaan ako sa mga sasabihin nya.
“Your Athena is deeply in love with Ethan.” Pagbubulgar nya.
Naggalawan ang mga panga ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong ito ngayon. Basta mas lalo akong naiinis sa mga sinabi ni Galvert. Totoo ba ang mga ibinulgar nya na si Ethan ang gusto ni Athena? Kaya ba hindi sya kinikilig sa akin ay dahil kinikilig sya kay Ethan?
Kaagad na binato ni Ethan ng hawak nyang libro si Galvert.
“Kung anu-ano ang naiisip mo. Walang gusto sa akin si Athena. Huwag mo ng ulitin yan dahil nasasaktan si Enzo oh.” Biro pa nito
Hindi nila alam na kumukulo na ang dugo ko sa galit. Pero ayokong malaman nila ang nararamdaman ko.
No way!
Gusto kong maalis ang parang mabigat na nakadagan sa dibdib ko. This is my first time to feel this kind of excitement, it is an unusual feeling na nakakabaliw. Hindi nila pwedeng malaman na apektado ako sa mga sinasabi nila.
“Wala akong pakialam kung in love sayo ang Athena na iyon. Pinaglalaruan lang naman natin sila di ba? Kung sakaling may gusto talaga sayo ang babaeng iyon, I’m sure na hindi mo naman sya papatulan di ba Dude?” nakangisi kong tanong kay Ethan
Alam ko naman na hindi ganung klaseng babae ang tipo ng kaibigan ko. Alam kong wala syang pakialam sa babaeng iyon.
“
Actually, I like her. Mas gusto ko ang mga simpleng babae.” Paglalahad nya
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko iyon sa kaibigan ko. Pero bakit ba ako nasasaktan? I feel threatened because of Ethan. But why? Damn! Ano ba talaga ang nararamdaman ko?
“Wow! Oh ayan Enzo, walang samaan ng loob ha. Ikaw naman ang nagsabi na pinaglalaruan lang natin ang mga babaeng iyon. Kaya wag kang magalit kay Ethan, if one day ay ligawan talaga ng kaibigan natin ang babaeng iyon.” Dagdag pa ni Galvert
Hindi na ako nakapagbigay ng opinyon sa kanila. Masyado na akong kinain ng pagka-irita ko sa mga pinag-uusapan namin.
Paulit-ulit kong naririnig sa utak ko ang mga sinabi nyang gusto nya ang Athena na iyon. Pero paninindigan ko ang mga sinabi kong wala akong pakialam dahil pinaglalaruan ko lang naman sya.
Iniwanan ko na silang dalawa sa sala dahil nag-iba na ang mood ko. Magkukulong na lang ako sa kwarto ko. Gusto ko ng katahimikan.
Pero habang nakahiga ako sa kama ko ay paulit-ulit ko namang nakikita sa utak ko ang pagmumukha ng Athena na iyon.
Yung babaeng may makapal na eye glasses at mukhang napakaboring ng buhay ang isa mga biktima ko ngayong buwan. Hindi naman sya maputi at halatang laking probinsya ang balat nya kaya alam kong hindi ko sya gusto.
Pero aaminin ko na maganda ang hubog ng katawan nya. Hindi nga lang sya maganda.
Pangkaraniwan lang ang mukha nya kumpara sa mga kaklase naming magaganda at anak mayaman. Kaya hindi dapat ako maapektuhan sa isang katulad nya.
Marahil ay masyado lang akong nasabik dahil kakaiba ang itsura nya. Baka naman sawa na talaga ako sa magaganda. Maybe?
--
Kinabukasan..
Kagaya ng daily routine ko ay mag-isa akong pumasok sa University sakay ng sports car na niregalo sa akin ng Daddy ko. Kakaiba ang araw ko ngayon dahil nasasabik akong pumasok. Parang gusto kong liparin ang daan papunta sa University para lang makarating agad doon.
Para bang may gusto akong makita na pilit kong itinatago sa sarili ko at syempre lalo na sa dalawang kolokoy na kaibigan ko.
Umiling ako ng ilang ulit.
“I’m okay. Wala lang ‘to.” Bulong ko sa sarili ko
Pinaandar ko na ang sasakyan at handa na akong pumasok ngayon. Handa na akong mang-asar at paglaruan ang damdamin ng Athena na iyon.
Kailangan nyang mainlove sa akin. Hindi pwedeng sa iba nakalaan ang mga mata nya. Masisira ang imahe ko dahil sa ginagawa ng babaeng iyon.
Nang makarating ako sa University ay sanay na ako sa mga babaeng nagtitilian sa tuwing mapapadaan ako sa harapan nila.
“H-hi Enzo. G-good morning!” pagbati sa akin ng estudyanteng hindi ko kilala.
Dahil nasa mood ako ngayon..
“Good morning baby girl.” Pagbati ko
Natulala ang babaeng iyon pati na rin ang mga kaibigan nya dahil sa pagbati ko sa kanya.
Ganitong klaseng reaksyon sana ang gusto kong makita kay Athena pero para syang bato na walang pakiramdam. Nakakainis!
Nilagpasan ko ang grupo ng mga babaeng iyon.
“Grabe, narinig nyo iyon? Binati ako ni Enzo. Pwede na akong mamatay!” dinig kong sabi nung babae
Napailing na lang ako. Talagang nakakamatay ang karisma ko. Hindi ko alam kung bakit ba hindi iyon nakikita ni Athena.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at sa malayo pa lang ay nakita ko nang naglalakad mag-isa si Athena papunta sa classroom.
Napangiti ako.
Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti sa tuwing makikita ko sya. Siguro nakakatawa kasi ang itsura nya kaya nangingiti na lang ako.
Inayos ko ang buhok ko. pati ang suot kong polo ay inayos ko rin. Ewan ko na lang kung hindi pa sya mabihag sa taglay na kagwapuhan ko.
Binilisan ko ang lakad para mahabol ko sya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko habang papalapit ako sa pwesto nya.
Bigla kong hinawakan ang kamay nya.
Nagulat sya sa ginawa ko, Pero dapat ay hindi na sya magulat dahil araw-araw ay mahahawakan na nya ang mga kamay ko na pangarap ng maraming babae. Kaya huwag na syang mag-inarte.
Tinitigan nya ako ng masama. Kagaya ng mga nauna nyang reaksyon ay inalis nya ang mga kamay kong nakahawak sa kanya.
Mas nagulat ako sa ginawa nya. Tinanggihan nya ang kamay ng isang Lorenzo Zobel?
Tinalikuran na nya ako at nagsimula syang maglakad muli. Pinipigilan ko ang sarili kong huwag magalit.
Wala pang nakakagawa ng ganito sa akin buong buhay ko. Kapag hinahawakan ko ang mga babae ay halos himatayin sila sa kilig, kagaya ng mga babaeng nakasalubong ko kanina? Maaari na raw silang mamatay dahil lang binati ko sila ng Good morning.
Pero ang Athena na ito ay parang nandidiri sa akin ng hawakan ko ang kamay nya? Sino ba sya sa palagay nya?
Sa sobrang inis ko ay para akong aso na hahabol habol sa kanya.
“Hey! Baby! Hintayin mo naman ang boyfriend mo!” sigaw ko sa kanya
Pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante. Ang iba ay mababakas ang labis na inggit kay Athena. Pero nilalayuan naman ako ng babaeng ito.
“Baby mo mukha mo! Hindi kita boyfriend!” sigaw nya
Lalong bumilis ang takbo nyang palayo sa akin.
Napahiya ako sa mga sinabi nya. Talagang inuubos nya ang pasensya ko. Talagang isinigaw pa nya sa buong University na hindi nya ako boyfriend? Sumusobra na talaga ang kakapalan ng mukha nya.
Para akong tanga na tumatakbo habang hinahabol ko sya. Hindi ako makapaniwala na ang isang Lorenzo Zobel ay hinahabol ang isang katulad nya.
Maya-maya lang ay nakasalubong nya si Ethan.
Lalo akong nainis sa presensya ng kaibigan kong ito. Para syang Prinsepe na nakatayo at nag-aabang kay Athena.
Dahil sa bilis ng takbo ni Athena ay napasubsob sya sa dibdib ni Ethan.
Aba! Magaling! Parang eksena ito sa isang pelikula. Iyong bidang lalaki ay nakayakap sa bidang babae dahil iniligtas nya ito mula sa pagkakadapa. Bigla akong nainis sa nakita kong ito.
Mas lalo kong binilisan ang takbo ko dahil ayoko ng ideyang yakap ni Ethan ang girlfriend ko.
Ang girlfriend ko ngayong buwan.
Pero nang makarating ako sa pwesto nila ay parang huminto ang mundo para sa kanilang dalawa. At ang babaeng Athena na iyon ay ang ganda ng mga ngiti para sa kaibigan ko?
Lalong uminit ang ulo ko dahil sa mga nakikita ko. Ako ang boyfriend nya pero puro sigaw at busangot na mukha ang ibinabato nya sa akin. Pero sa kaibigan kong si Ethan ay mayroon syang magandang ngiti?
Maniniwala na ba talaga akong may gusto sya sa kaibigan ko?
Sa sobrang inis ko ay hinatak ko ang girlfriend ko na yakap ni Ethan.
“Hey! Sa akin ang isang ito, baka nagkakalimutan tayo.” Pagbabanta ko sa kanya
Mahigpit ang hawak ko kay Athena dahil baka makawala na naman sya sa akin.
Pero ang babaeng walang pakialam sa akin ay pinaghahampas ang kamay ko.
“Ouch! Anu bang ginagawa mo?” naiinis kong tanong
Kagaya ng lagi nyang ipinapakita sa akin ay magkasalubong ang mga kilay nya sa akin.
She’s mad, and she’s unfair! Biglang nawala ang magandang ngiti nya kanina? Para lang ba talaga kay Ethan ang mga ngiti na iyon? Damn!
“Tigilan mo na ako! Hindi kita boyfriend!” sigaw nyang muli
Tinatawanan lang kami ng kaibigan kong si Ethan habang pinapanood nya kung paano ako bugbugin ni Athena.
Ilang saglit lang ay tinalikuran na kami ni Ethan.
Pero ang mga mata ni Athena ay nakasunod sa kaibigan ko. Bakit ba hindi sya ganito tumingin sa akin? Naaapakan nya ang pagka lalaki ko!
Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay nya. Kulang na lang ay madurog ang mga buto nya sa kamay dahil sa lakas ng pagkakahawak ko.
“Aray!” pagmamaktol nya
Pero hindi ko na sya hinayaang mkatakas sa akin.
Hinatak ko ng malakas ang kamay nya kung kaya’t napasubsob sya sa dibdib ko.
Kitang-kita ko na kinabahan sya ng husto dahil ang lapit ng mukha nya sa mukha ko.
Ngayon lang yata sya nakakita ng ganito kagwapo buong buhay nya. Papalag pa ba sya.
“You’re mine! Tandaan mo yan Athena Marie Garcia!" sambit ko sa kanya
Napalunok sya sa mga sinabi ko. Wala syang nagawa ng gawin ko ito sa kanya. Hindi sya nakaalis sa pwestong iyon. Nakatitig lang sya sa mga mata ko.
Alam kong kinikilig na sya. Alam kong ayaw nya lang ipaalam sa iba na may gusto na sya sa akin.
Wala pang tumatanggi sa mga titig ko. Lahat ng babae ay naaakit sa mga mata ko. Kaya siguro ang tagal nyang pinagmamasdan ang mga mata ko ay dahil in love na sya sa akin.
Ngumiti sya sa akin.
Sabi ko na. She really likes me, pero tinatago nya lang.
I also smiled at her. Napapangiti nya pati ang puso ko.
Dahil ang lapit nya sa akin ay saka ko lamang natitigan ang buong mukha nya.
She’s beautiful. Napakasimple nga lang ng ganda nya kaya hindi pansinin pero damn, she’s pretty.
Hindi nawala ang mga ngiti sa labi nya. Alam na alam ko naman na patay na patay sya sa akin eh. Alam ko ang mga ganyang ngiti.
Pero…
Tinulak nya akong palayo!
Nabitawan ko sya!
“Halimaw!” Sigaw nya sa akin.
Hindi ako makapaniwala! Talaga bang ayaw nya sa akin?