bc

The Billionaire's adopted lass

book_age0+
6.3K
FOLLOW
70.5K
READ
billionaire
possessive
friends to lovers
arrogant
dominant
powerful
confident
drama
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Ulila na si Anna Micaela, sa kasamaang palad ay ibinenta pa sya ng kanyang tiyahin sa isang casa. Nang makahanap ng tiyempo ay tumakas sya sa casa at sinubukang lumayo. Nakilala nya si Gabriel Sebastian. Madali nya itong nakagaanan ng loob dahil kagaya nya ay laki sa hirap at sabak sa trabaho ang binatang ito.

Tinulungan sya ng binata na mamasukan bilang katulong sa pinakamayamang pamilya. Sa pamilyang Montenegro. Ang trabaho nya ay ang linisin ang mga silid sa buong mansyon maliban sa isa. Pinagbawalan syang pumasok sa silid na nasa dulo ng pasilyo. Madami ang tanong sa isip nya kung ano ang meron sa silid na iyon? Doon kaya nakatago ang lahat ng yaman ng mga Montenegro.

Dahil sa awa ay inampon ni Mr. Fernando Montenegro si Anna Micaela. Pinag-aral sya sa pinaka sikat na paaralan. Lahat ng luho ay ibinigay sa kanya. At

dahil sa kanyang yaman ay nagbago ang kanyang pag-uugali. Maging ang kanyang kaibigang si Gabriel ay pinagtabuyan nya dahil sa tingin nya ay hindi na sila bagay. Dahil magkaiba ang kanilang katayuan sa buhay.

Labis na nasaktan si Gabriel kung kaya't tinuruan sya nito ng leksyon para maalala nito ang kanyang pinanggalingan.

Sa huli ay nabunyag sa kanya at napasok nya ang lihim na silid na matagal na nyang gustong pasukin. Nagimbal sya nang makita ang laman ng silid na iyon.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Walang tigil ako sa pagtakbo, hindi ko alam kung saan ako makakarating. Ang mahalaga sa akin ay matakasan ko si Mamu. Hindi ko ramdam ang hingal at pagod ng pagtakbo ko. Kapag huminto ako ay katapusan ko na. Ako si Anna Micaela Arrevalo, ibinenta ako ng aking tiyahin kay Mamu, ang may ari ng isang casa malapit sa amin. Ang casa na nagbebenta ng mga babae sa ibat ibang mayayamang lalaki. Ulila na ako at naiwan ako sa puder ng aking Tiya Celia. Pero malupit ang naging buhay ko sa kamay ng aking Tiya. Hanggang elementarya lang ang natapos ko at pagkatapos nun ay pinagtrabaho na agad nya ako. Naging katulong ako sa isang mayamang pamilya kung kayat sa murang edad ay sabak na ako sa trabaho. Ngunit hindi naging sapat kay Tiya Celia ang kinikita ko sa pagiging katulong kung kayat ibinenta nya ako kay Mamu. Nagmamakaawa ako sa kanya na huwag akong ibigay pero nasilaw sa malaking halaga ang aking Tiya Celia. Kaya nang makakuha ako ng tiyempo na makatakas ay ginawa ko. Malalaki ang hakbang ko palayo sa kanya. Ayoko sa lugar na iyon. Gusto kong maging maayos ang aking buhay. Maya maya pa ay may isang nakakasilaw na ilaw ang tumama sa aking mga mata. Pag gawi ko sa aking kanan ay nakita ko ang isang kotse na paparating sa aking harapan. Tumigil ang mundo ko. Umagos ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa papalapit na kotse.  Ang tanging naririnig ko ay ang malakas na busina nito. Katapusan ko na ba? Pero hindi pwede! Gusto ko pang mag aral. Gusto ko pang makahanap ng magandang trabaho. Gusto ko pang maging maayos ang buhay ko. Napapikit ako at napakapit sa aking lumang kasuotan . Inaantay ang mga susunod na mangyayari. Nang biglang. "HOY MISS. Magpapakamatay ka ba? Huwag kang mandamay!" Sigaw ng isang lalaki Agad kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang kotse na sobrang lapit na sa katawan ko. Buti at nakapreno agad ang may dala ng kotse at walang nangyari sa akin. Kinapa ko ang aking sarili para masuri kung totoong buhay pa ako. Kumaripas ako ng takbo sa lalaking sumigaw kanina para humingi ng tulong. Kailangan kong lumayo sa lugar na iyon. Nakabukas ng buo ang bintana ng kanyang sasakyan kung kayat kitang kita ko ang mga sakay nito. Buong akala ko ay sya lang ang laman ng kotse pero hindi pala. May kasama pa syang dalawang babae sa likuran at dalawa ring lalaki. Wala akong masyadong alam sa alak pero ang alam ko ay mga nakainom na sila. Ang dalawang babae ay parang wala na sa katinuan dahil mayat maya ay panay ang pakikipag halikan sa iisang lalaki at parang di alintana na muntik na silang mabangga kanina. Habang ang isang lalaki ay walang pakialam at abala sa kanyang cellphone. "So what do you want huh? You look terrible!" sabi nito. Napayuko ako at nanliit sa aking sarili dahil hindi ko sya maintindihan. Alam ko ay ingles ang sinabi nya. Alam ko din na parang anak mayayaman ang lahat ng nasa loob ng sasakyan. "Gusto ko lang po sanang humingi ng tulong. Tulungan nyo po akong makarating kahit saan huwag lang dito" pagmamakaawa ko sa kanila Agad dumungaw ang mga babae at inusisa ako. "Woh. She looks desperate. Kawawa naman si baby girl. Neng how old are you na ba?" Tanong nito Napakagat labi ako. Pero sa puntong iyon ay naintindihan ko ang tanong nya. "Kinse anyos na po ako" sagot ko sa kanya Tinignan ako ng may hawak ng manibela mula ulo hanggang paa. Para bang inuusisa ako. Kinakalkula ang aking pagkatao. "Gusto mo bang sumama samin para makalayo ka sa lugar na ito?" Sabi nito Napangiti ako at pinagdikit ang aking mga palad. "Opo sasama ako sa inyo. Salamat po" sabi ko na walang pagsidlan ang mga ngiti "Pero kailangan mong sundin lahat ng sasabihin namin at susunod ka sa lahat ng TRIP namin okay ba yun baby girl?" Sabi pa nito. Nakakunot ang mga noo ko. Hindi ko sila maintindihan. Pero wala na akong ibang paraan. Kailangan kong makatakas sa lugar na iyon. Ang tanging naisip ko lang ay sumama sa kanila at sundin lahat ng trip nila sa buhay. "Opo." Halos pabulong ko lang na sagot. Nagsigawan at naghiyawan sila sa sagot ko na yon. Agad naman akong pinagbuksan nung lalaki kanina na abala kakacellphone. "Hey. Dude. Sobrang bata nito ah" biro pa ng babae Agad na akong sumakay at tumabi sa lalaking may misteryosong pagkatao. Kung saan ako dadalhin ng mga ito ay hindi ko alam. Basta ang alam ko lang ay gusto kong takasan si Mamu at ng makalayo na sa lugar na ito. Sa loob ng kotse ay panay sila katuwaan at Kantyawan. Ang iba ay nagyoyosi pa kaya parang hindi ako makahinga. Pero hindi ako maaaring magreklamo dahil sila ang tumulong sa akin. Napatingin ako sa katabi kong lalaki. Napakatangos ng ilong nya . Ang mga pilik mata nya ay napakahaba na para bang babae. Mapupula ang labi nya at napakaganda ng pangangatawan. Ang kanyang balikat ay malapad na para bang kayang kaya ka nitong ipagtanggol sa lahat. Naaamoy ko ang halimuyak ng pabango nya. Nakakaakit! Kung titignan, ay sya ang pinakamabait sa kanilang lahat. Nagpakilala sila sa akin isa isa. Si Wilbert Silva, sinasabi nilang boss nila. Sya ang pinakamayaman sa kanila o lider ng barkada nila. Yung lalaking nakikipaghalikan sa dalawang babae kanina. Gwapo din ito pero napakayabang ng aura. Siga sya dahil kung ano ang gusto nya ay yun ang susundin nilang lahat. Si Casey Flores naman, ay napakagandang babae. Sosyal at sobrang classy. Siguro lahat ng lalaki ay pinapangarap ang isang tulad nya. Si Bea Mendoza naman ay napakasimpleng babae, pero wild din ito ng kaunti dahil kaya nyang makipagsabayan sa lahat. Si Arthur Santos naman ang nagmamaneho ng kotse at sya ang joker ng grupo nila. Halata mo din na galing sya sa isang may kayang pamilya dahil sa kinis ng balat nya. Kahit lalaki sya ay nakikita ko na maalaga sya sa katawan katulad ng isang babae. At si Gabriel Sebastian, ang lalaking seryoso at tahimik. Sya lang pala ang hindi masyadong may kaya sa kanila. kaya pala kung utos utusan nila ito ay ganun na lang. Napasama sya sa grupong ito dahil anak pala sya ng driver nila Wilbert. Mas magaan ang loob ko sa kanya dahil hindi nalalayo ang buhay ko sa kanya. Sa totoo lang ay ayokong makisama sa mga mayayaman dahil karamihan dito ay matataas ang tingin sa sarili. Gaya na lang nung namasukan akong katulong dati. Kung laitin at apihin ako ay para bang nabili na nila ang mundo. Habang nasa biyahe ay nakaramdam ako ng antok. Napagod ako ng sobra kanina sa pagtakbo kaya inaantok ako. Pero pinipigilan ko ang sarili ko na makatulog. Gusto kong imemorya ang daan kung saan sila pupunta. Pero hindi ko na napigilan kaya unti unting napapahilig ang aking ulo kay Gabriel. Hindi ko namalayan na napasarap na pala ang pagkakapatong ng ulo ko sa balikat nito. Hindi ako nagising dahil hinayaan din ni Gabriel na makatulog ako sa kanyang balikat. Sa tingin ko ay may dalawang oras ang ibinyahe namin at wala na talagang malay dahil sa sarap ng aking pagkakatulog. Nagising na lamang ako sa mahinang tapik sa aking pisngi. Dahan dahan kong minulat ang aking mata. At nang naging malinaw ang aking paningin ay saka pumasok sa isip ko na  tumatakas nga pala ako at nakasama ako sa grupong ito. Agad kong inalis ang aking ulo sa mga balikat ni Gabriel. Nagtama ang aming mga mata. Halos mamula ang aking pisngi sa hiya dahil sa pagkakatulog ko sa kanyang balikat. Isa isa na silang bumaba ng kotse. Sa isang napakagandang hacienda kami nanuluyan. Ito daw ay pagmamay ari nila Wilbert. Bahay bakasyunan ng kanilang pamilya kaya tanging mga katiwala lang ang nandito. Nauna nang pumasok ang apat habang naiwan si Gilbert na inaayos ang mga dalang gamit ng kaibigan nya. Hindi ko nga alam kung kaibigan ba ang turing nila dito dahil hinahayaan nila itong gawin ang mga bagay na ito sa kanya. Kung tutuusin may mga kamay naman sila kaya dapat ay kanya kanya sila ng bitbit ng gamit. Napabuntong hininga ako at tinulungan ko sya. Sanay naman ako sa mga ganitong buhatan. Nung nasa puder pa ako ni Tiya Celia ang dami nyang pinapabuhat sa akin sa tuwing mamamalengke kami. Nagulat si Gabriel sa ginawa ko dahil ang bilis kong naibaba ang ibang mga gamit. "Wow. Ang bilis at ang lakas mo ah. Para kang amazona." Biro nito. Hindi ko alam kung tatawa ko o maiinis sa biro nya. Sabay na kaming pumasok sa loob bitbit ang mga bagahe ng mga kaibigan nya. Pagpasok ko sa loob ay namangha ako. Napalaki at napakaganda ng haciendang ito. Ang mga muwebles ay halatang mamahalin. May isang malaking chandelier pa na nakasabit pagpasok sa loob. Nakaawang ang mga panga ko sa pagkamangha. Maya maya pa ay lumapit na sa amin si Wilbert. Nakaakbay na sya kay Casey na halatang lasing, dahil sa pagkapula ng mukha nito. "Ok guys. So we are here to enjoy!" Malakas na sigaw nito. Natuwa ang lahat at nagsigawan. Maliban sa amin ni Gabriel. Hinalikan pa ni Wilbert si Casey sa harap naming lahat. Napalunok ako sa ginagawa nila. Hindi ko pa kasi nasubukan ang kanilang ginagawa kaya nagulat ako. Sandaling pinutol ni Wilbert ang paghalik nya kay Casey. "But, of course we will add a pinch of thrill." Sabi pa nito. Lahat na naman ay nagulat at parang naexcite sa sinabi nito na hindi ko naiintindihan. "We will play a game. The name of the game is CHANGING PARTNERS". Pagbabalita pa nito. Nakita ko ang pagkasabik sa mga mukha nila. Pero si Gabriel ay walang reaksyon. Hindi ko alam kung gusto nya ba ito o hindi. Gusto ko sana itanong kung ano ang sinasabi ni Wilbert pero nahihiya ako. "So magkakaroon tayo ng kanya kanyang partners for one month. You can do what ever you want to your partners. Have s*x, have fun with each other. So kahit ano pwede." Dagdag pa nito. Unti unti akong nakaramdam ng kaba sa mga narinig ko. Hindi pa malinaw sa akin ang lahat pero alam ko hindi ko ito magugustuhan. "But, the most thrilling part of the game is after one month we need to change partners" sabi pa nito na lalong nagpalupasay sa kanila. Mas lalong umingay at nagtawanan ang lahat. Wala akong ideya sa sinasabi nila. Nakatingin lang ako kay Gabriel na sobrang tahimik pa din. "For this month, my partner will be Casey, then Arthur and Bea. Tapos kayo ni Anna ang partner Gab." Sabi pa nito. Napatingin ako kay Gabriel. Hindi ko pa rin maintindihan ang game nila. Bakit may partner daw? Bakit may s*x akong narinig? Bakit masaya sila at sobrang excited. At bakit ako ipinares kay Gabriel? Ano ang mangyayari sa akin dito?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.4K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
580.7K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.5K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.2K
bc

His Property

read
946.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook