bc

My Love is a Superstar BOOK 1: ROCKY

book_age18+
42
FOLLOW
1K
READ
independent
confident
drama
sweet
male lead
city
first love
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE BEST LEADER OF THE BIGGEST GROUP IN THE WORLD, RM also known as KIM NAMJOON)

Ang lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Rocky Davis ang matalino at gwapong leader ng sikat na grupo ng mang-aawit at mananayaw na Bullet Proof Boys. Dahil sa natatamasang kasikatan at tagumpay ay isinantabi muna nya ang kanyang buhay pag-ibig upang matuunan pang lalo ng pansin ang namamayagpag nilang karera.

Ngunit ano ang kanyang gagawin kung magkrus ang landas nila ng isang certified Soldier (Soldier tawag sa tagahanga at tagasuporta ng Bullet Proof Boys), na si Aela Morgan na syang pupukaw sa kanyang natutulog na puso.

Paano kung ang first love nya ay may malubhang karamdaman at nalalabi na lang ang araw sa mundo? Ibabaon na lamang ba nya sa limot ang pagmamahal na iyon, o susubukan pa rin umibig kahit kapalit nito ay isang matinding sakit at pighati sa kanyang buhay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Aela Morgan POV Ipinatong ko sa malaking estante ang "Grenade" album ng Bullet Boys, saka ako naupo sa aking kama habang pinagmamasdan ang buong kwarto ko. I just realized na mapupuno na pala ng mga merchandise items ng Bullet ang silid na ito. I have all the collecting items of my favorite Pop group, lalo na ang mga items ng pinakapaborito kong miyembro at leader nilang si Rocky. I must say that I am a fortunate Soldier, who can afford to buy these items. Soldier nga pala ang tawag sa aming mga taga-hanga, taga-suporta at nagmamahal sa Bullet Boys. I am a true blooded Soldier and I am very proud of it. Lahat ng kanilang mga concerts sa iba't-ibang dako ng Pilipinas, pati na rin sa buong mundo ay napuntahan ko na. Ganito ako kabaliw sa isang Rocky Davis. I have extreme feelings of attachment to him, though he never knew about me. I think about him constantly and I am craving to spend time with him. Kahit saglit lang ng buhay ko. Kahit isa, dalawa o tatlong minuto lang na mayakap ko sya at masabi ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal, ay maaari na akong mamatay sa oras na mangyari iyon. "Hija, nainom mo na ba ang gamot mo?" Si Manang Imelda ang pumasok sa aking kwarto upang kamustahin ako. Sya na ang nag-alaga sa akin mula nung bata pa lamang ako. Simula ng mamatay ang aking ina dahil sa malubhang karamdaman ay si Manang Imelda na ang kasa-kasama ko. "Aba, dumating na pala ang Grenade album na matagal mo nang hinihintay. Napakasosyal naman ng album na yan. Uyyy, ang gwapo naman ni Rocky oh!" Wika ni Manang habang nakatanaw din sa album. Hindi fangirl si Manang pero dahil sa akin ay kilalang kilala nya ang Bullet Boys, lalo na si Rocky Davis na syang pinakamahal ko sa kanilang lahat. "Nainom ko na po ang gamot ko Manang. Salamat sa laging pagpapaalala." Sabi ko sabay yakap ko sa kanya. "Ayy, naglalambing na naman ang alaga ko. May gusto ka na naman bang ipagawa sa akin?" Sambit nya Ngumisi ako sa kanya. Talagang kilalang kilala nya ako. Kapag ganitong malambing na ako kay Manang ay alam na nyang mayroon akong nais na hilingin sa kanya. "May concert sa Seoul, South Korea ang Bullet Boys next month. Gusto kong samahan mo ulit ako Manang. Ayokong aksayahin ang pagkakataong iyon. Baka sakaling makilala ko na doon ng personal si Rocky." Nasasabik na pagkukwento ko sa kanya. Si Manang Imelda ang lagi kong kasama sa mga concert ng paborito kong grupo. Hindi naman nya ako matanggihan dahil bukod sa nakakapunta na raw sya sa ibang bansa ay para na rin syang may libreng bakasyon. "Wow! Anyeong Haseyo! Go ako dyan! Pangarap ko ring mapuntahan ang bansang yan." Sabi nya "Yehey!" Para akong bata na muling yumakap sa kanya. Hindi kasi ako papayagan ng Daddy kong si Henry Morgan na mag-isang manood ng mga concert, lalo pa at nag-iisang anak nya lang ako. Si Daddy ay laging abala sa Rm Cola business namin na syang sikat na softdrinks sa buong mundo. Lahat naman ng mga luho ko ay ibinibigay nya. Lahat ng hilingin ko sa kanya na materyal na bagay ay kaagad naman nyang iginagawad sa akin. Ganun naman siguro talaga ang gagawin ng isang ama para sa kanyang anak na may malubhang sakit. Lahat ay gagawin o ibibigay ng ama para sa kanyang anak, lumigaya lamang ito. I have stage 3 pancreatic cancer. Lumalaban ako sa buhay para kay Daddy at Manang Imelda. At ang Bullet Boys ang isa sa mga dahilan kung bakit ako maligaya. Sila ang nagbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa akin. Sila ang dahilan ng kalakasan ko. Kung papipiliin ako ng buhay, tiyak na mas pipiliin ko ay iyong kahit na mahirap lang ang pamilya namin basta malusog at wala naman akong karamdaman. Nasa amin nga ang yaman sa buong mundo ngayon, ngunit hinhintay na lang siguro namin kung kailan ako kukunin ng maykapal. Araw-araw ay binibigyan ako ni Rocky ng lakas para lumaban. Gabi-gabi akong nanonood ng mga videos nila at sya ang nagpapagaan ng loob ko. Pakiramdam ko ay wala na akong malubhang sakit sa tuwing makikita ko sya na nagpeperform sa stage. Mahal ko si Rocky. Gusto kong ipagsigawan sa kanya iyon habang naririto pa ako sa mundong ito. Seoul, South Korea Sobra-sobrang galak ang nararamdaman ko habang sinasabayan ng libo-libong mga Soldiers ang awitin ng Bullet Boys. Laging VIP tickets ang kinukuha ko para masilayan ko ng malapitan si Rocky. Palaging nasa aking tabi si Manang Imelda at sinusuportahan din ang pagiging fangirl ko. Tahimik lang akong nakatanaw kay Rocky habang kumakanta at sumasayaw sya sa napakalaking stage. Para syang halimaw kapag nagpeperform na sya sa stage na iyon. Ang mga babaeng Soldiers ay halos himatayin sa sobrang kaligayahan at kasabikan. Pagkatapos ng concert ay talagang nakipagsiksikan ako sa harapan. Malapit sa concert fence daraan ang Bullet Boys. Umakyat ako sa concert fence na iyon para makita ko ng personal si Rocky. Aabangan ko sya. Ipagsisigawan ko kung gaano ako kabaliw sa kanya. Sana ay mapansin nya ako. Sana ay tumingin sya sa mga mata ko. Biglang umingay ang buong paligid dahil isa-isa nang naglabasan ang mga miyembro ng Bullet Boys. Pinangunahan ito ni Jethro na syang pinakamaraming tagasuporta sa kanila. Lahat ay talagang napakagwapo at may angking karisma na hindi mo pagsasawaan. At ang pinakahuling lumabas ay si Rocky na syang leader nila. Parang tumigil ang oras ng masilayan ko syang naglalakad sa gilid ng concert fence na syang inaapakan ko. Parang biglang tumahimik ang paligid nang masilayan ko ang napakaganda nyang mga ngiti. Hindi ko na nga namalayan na pumatak ang luha sa mga mata ko. Nag-uumapaw kasi na kaligayahan ang idinudulot nito sa akin. "Rocky! Mahal kita!" Sigaw ko Pero dahil sa ingay ng ibang Soldiers ay hindi nya ako marinig. Hindi ko sasayangin ang oras na ito kung kaya't inilabas ko ang isang malaking papel kung saan nakasulat ang mga katagang -- I HAVE STAGE 3 CANCER. CAN YOU GIVE ME A HUG? Kaagad na napansin ni Rocky ang hawak-hawak kong papel. Napukaw nito ang kanyang atensyon na syang labis kong ikinatuwa. Napansin nya ako. Nakita nya ako! Maaari na talaga akong mamatay sa oras na pagbigyan nya ang hiling ko. Unti-unti syang nagpunta sa aking pwesto. Nakatitig sya sa mga mata ko at nagbigay ng isang napakagandang ngiti sa akin. Marahil ay naantig ang puso nya sa kalagayan ko. Marahil ay natuwa sya dahil sa kabila ng karamdaman ko ay naririto pa rin ako sumusuporta sa kanila. Sa kanya. Bumagal pang lalo ang kamay ng orasan nang maramdaman kong yakap na ako ni Rocky Davis. Pumikit ako at dinama ang kanyang mainit na yakap sa akin. Mahigpit din akong yumakap sa kanya at hindi ko pinalampas ang pagkakataong iyon. "Mahal kita Rocky. Mahal na mahal kita." Bulong ko sa kanya Mas ikinagulat ko ang ibinulong nya sa akin. "Mas mahal kita. Magpagaling ka, marami ka pang panunuoring mga concerts." Bulong nya Tumigil na ng tuluyan ang mundo ko nang bigyan nya ako ng isang matamis na halik sa pisngi. Yakap lang ang hinihiling ko sa kanya ngunit binigyan pa nya ako ng isang halik na syang lalong nagpasabog ng puso ko. Maingat na hinatak ng mga guards si Rocky palayo sa akin. Nanatili akong nakatulala habang pinagmamasdan ko ang paglayo nya sa akin. Marahan kong hinawakan ang pisngi ko na syang hinalikan nya. Nagkagulo sa harapan ng concert fence dahil sa ginawa ni Rocky. Wala na ako sa ulirat dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ng lalaking pangarap ko, na syang pangarap din ng buong mundo. -- Pagbalik namin ni Manang Imelda sa Pilipinas ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasayaran ng malambot na labi ni Rocky ang pisngi ko. Hanggang ngayon ay mistula pa rin akong lutang at nananaginip. Ngunit pagbalik ko dito ay wala akong ideya na laman na ako ng mga balita. Ang ibang Soldiers ay kinaiinisan, kinaiinggitan at kinamumuhian ako. Nakuhaan ng larawan ng isang Soldier ang eksena namin ni Rocky kung saan hinalikan nya ang pisngi ko. Nagselos ang ibang Soldier sa eksenang ito. Ang pinakamatindi dito ay napakasakit ng mga nababasa kong komento mula sa kanila. -Sana magkasakit na lang din ako para mahalikan ako ni Rocky. -Palabas lang yan ni ate girl para makuha ang atensyon ng leader nating si Rocky. Nagwagi naman sya dahil hinalikan pa sya sa pisngi. Kaasar! Ang landi! -magandang technique 'to ah. Magaya nga si ate girl. Ay! Hindi ko pala afford ang pumunta sa Seoul. -kawawa naman si ate. Pero atleast bago sya matsugi ay nahalikan naman sya ni Rocky. Magandang alaala na rin yan sa langit. Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ganito kalupit ang mga tao. Pati ang karamdaman ko ay ginawan nila ng kwento. Kung maaari nga lang na ipasa ko sa iba ang karamdaman kong ito, kung iyon ang kinaiinggitan nila para mapansin lang ni Rocky. Pero hindi ko rin gusto na magkasakit sila dahil ayokong maranasan ng iba ang paghihirap ko. Wala silang ideya sa hirap ng pinagdadaanan ko. Si Rocky na lang ang nagpapaligaya sa akin, pero karibal ko pa rin pala ang mapanghusgang mundo. "What is this mess all about? Sabi ko naman sayo na itigil mo na ang kabaliwan mo sa Rocky na yan! I always let you do whatever makes you happy, but if this is the result,then I want you to stop this kind of crazy act." Galit na sambit ni Daddy sa akin. Nakarating sa kanya ang balitang pinagtutulungan at pinagtatawanan ako ng mga tao sa iba't-ibang social media accounts. As a father, he never wants me to be in pain. He always wants the best for me. Pero ito na nga ang nangyari sa akin pagkatapos kong magtungo sa Seoul, South Korea. "I'm sorry Daddy. Pero masaya po ako kapag nakikita ko ang Bullet Boys, lalo na po si Rocky. Please Dad, 'wag mo namang ilayo sa akin ang lalaking nagbibigay sa akin ng inspirasyon." Wika ko Sa harapan ni Daddy ay hindi ko napigilang maluha. Naaawa ako sa aking sarili pati na rin kay Daddy dahil ang tanging gusto nya lang ay ang tunay na kaligayahan ko, ngunit heto pa ang sinapit ko, inaapi ako ng buong mundo. Naramdaman ko ang mainit na palad ni Daddy na dumapo sa aking likuran. Nais nya akong pakalmahin dahil sa paghikbing ginagawa ko. "I'm sorry Darling. I'm sorry. I will not force you anymore to dislike him. Kung saan ka masaya, ay iyon ang laging pipiliin ni Daddy. Ayoko lang na nasasaktan ka. Hindi ko kaya. Hindi ko kaya anak." Wika ni Daddy. Kaagad ko namang pinahid ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko ang labis na pagmamahal sa akin ni Daddy. Tumitig ako sa mga mata nya. Gusto kong humiling sa kanya sa huling pagkakataon. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako sa mundong ito kung kaya't ayoko nang sayangin ang pagkakataong ito. "Daddy, may gusto sana akong hilingin sayo." Seryoso kong wika sa kanya. Ngumiti si Daddy. Wala pa syang tinanggihan sa lahat ng hinihiling ko. Alam kong mapagbibigyan pa rin nya ako sa pagkakataong ito. "Okay, name it! I will give you everything in this world Darling." Pangako sa akin ni Daddy. Unti-unting umusbong ang mga ngiti sa aking labi. Huminga ako ng malalim. "Daddy! I really need Rocky in my life. Please. Pakiusapan mo sya or ang management nya na papuntahin sya dito para makasama ko araw-araw. I know my idea is really insane, but please, ito na lang ang paraan ko para makalimutan ang lahat ng problema ko." Nababaliw kong wika kay Daddy. Alam kong ikinagulat ni Daddy ang plano ko. Ngunit ito na lang ang naiisip kong paraan upang makasama ko si Rocky sa nalalabing araw ng buhay ko. Gusto kong makasama sya araw-araw ng buhay ko para mas lalo akong maging masaya at mabigyan ng bagong pag-asa. Kahit magbayad pa kami ng malaki, mapagbigyan lang ako ni Rocky. I need him. I desperately want him in my life. "I'll try my best, Darling. Kakausapin ko si Clark, ang producer nila. Kung ito talaga ang mas lalong magpapaligaya sayo, ay gagawin ko." Mahinahong wika ni Daddy Niyakap ko sya ng mahigpit at nasabik akong bigla sa kanyang mga sinabi. Alam kong hindi ako bibiguin ni Daddy. Alam kong kayang-kaya nyang makuha si Rocky para makasama ko sa mansyong ito araw-araw. At kapag dumating ang panahong iyon ay hindi ako mag-aaksaya ng oras o minuto para ipadama sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Rocky Davis, hihintayin kita. Alam kong malapit na kitang makasama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook