bc

My One and Only Superstar

book_age18+
1.3K
FOLLOW
8.1K
READ
playboy
others
badboy
brave
journalists
drama
comedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Matatag ang relasyon ni Ashley Sandoval at ang sikat na artistang si Matteo Sanchez. Ngunit babaguhin nito ang kanilang kapalaran dahil sa kasikatan ng binata. Lingid sa kaalaman ni Ashley na mas magbabago ang kanyang buhay nang makilala ang sikat na vlogger/chickboy/fuckboy na si Rowell Fajardo.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"AH... she's... just a fan.. hmmm just a fan girl.." Yan ang sinabi ni Matt sa lahat ng tao sa mall at kunin nya saakin ang mikropono. Nakatingin sya sa akin na may kalahating ngiti sa labi. Habang lahat ng tao ay nakatingin sa akin, nagbubulungan at ang iba ay nagtatawanan. Nanliit ako sa aking sarili at di namalayan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. . Hinawakan na rin ako ng security at hindi na pinalapit pa sa kanya. Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita ko na lamang na unti unti ng papalayo si Mateo hawak ang kanyang napakagandang ka love team at sinasabing real life girlfriend daw na si Andrea Mendez. Sila ang sikat na sikat na love team ngayun ang bumubuo sa MATTDREA. Milyon milyon ang kinikita ng kanilang pelikula. Kaliwat kanan ang kanilang mga endorsement at ang mga teleserye na ginagawa nila ay laging number 1 sa ratings. Hindi makakaila na sila ang mga bigating artista ng panahon ngayun. Pero sino ba ako? Sino ba ako sa buhay ni Mateo Sanchez?Ako si Ashley Sandoval ang tunay na girlfriend ng isang Mateo Sanchez. Pero dahil sa kasikatan ay kailangan naming itago sa publiko ang aming relasyon. Hindi ko lang inaasahan na itatanggi ako ni Matt sa harap ng maraming tao.. pero ano pa ba ang inaasahan ko? Una pa lang alam ko ng hindi pwede. Napakaboba ko naman kasi at kahit alam kong bawal ay pumunta pa rin ako sa isang event nila sa mall. Ang sakit sakit na kasi. Ang sakit na itago ako sa publiko at nawawalan na sya ng panahon sakin. SA AMIN. SA RELASYON NAMIN. Kaya sa katangahan ko ay umakyat ako sa stage at hinatak ko ang mikropono nya at hinalikan ko sya. AT sinigaw ko na AKO ANG GIRLFRIEND NI MATEO. Kaya lahat ng tao nagulat. At ang iba tinawanan ako. Wala naman kasi ako kalingkingan ni Andrea. Sobrang ganda nya. May pagkatisay. Napakinis ng balat nya at sobrang ganda ng katawan. Samantalang ako. Napakasimple. Hindi pa yata ako aabot sa 1/4 ng kagandahan nya. Ako, Filipina beauty, syempre morena. Pero walang beauty, inshort hindi maganda. Kaya nung time na pinangalandakan ko na ako ang tunay na girlfriend, madami ang nagtaas ng kilay ang iba ay tinawanan ako. At sinabihan pa akong loka loka. Ayan trending tuloy ang ate girl nyo sa social media #AkoAngTunayNaGelprenPrank #ambisyosa #baliwNaFanGirl Ang daming bad comments. Ang daming lumabas na mga memes na puro mukha ko at puro negative ang mensahe. Ayoko ng mabuhay. Ayoko ng lumabas ng bahay. Umalis ako sa condo ni Matt pagkatapos ng pangyayaring iyon. Yes, simula ng maging artista sya ay pinalabas din namin na P.A nya ako. As in personal Alalay. At sa iisang condo kami nakatira. Kaya ngayung trending ako at pinahiya ako ni Matt sa maraming tao ay nakituloy muna ako kay Patty. Ang bestfriend namin since highschool. Inalagaan ako ni Patty. Pinakalma at dinamayan. Halos isang linggo na nung mangyari ang eskandalo na yun. At hindi pa rin nakakalimutan ng tao ang tungkol dito. Isang linggo na ring hindi man lang ako tinawagan o kinamusta ni Matt? Wala na ba syang pakialam talaga? 8 years lang naman ang pinagsamahan namin. 8 years lang. Maya maya ay nakareceive ako ng isang text message. Nagtatalon ang puso ko ng mabasa ang pangalan ni Matt sa inbox ko. Sasabog na yata ang puso ko. "DITO AKO SA LABAS" Dali dali akong lumabas. Hindi man lang ako nagsuklay ng buhok . Walang kaayos ayos. Nakita ko syang nakasandal sa pulang kotse nya. Nakapamulsa sya sa kanyang itim na pantalon. Kahit madilim ang lugar ay kitang kita pa din ang kanyang kagwapuhan. Agad ko syang niyakap. Sobrang higpit. Parang hindi na sya makakawala sa higpit ng yakap ko. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng katawan nya. Miss na miss ko na sya. Pero teka lang. Bakit hindi sya bumalik ng yakap sakin. Tumingala ako sakanya at nakita ko ang lungkot sa buong mukha nya . "Bakit?" Agad kong tanong Napabuntong hininga sya at agad inalis ang aking mga kamay mula sa pagkakayakap sa kanya. "Ash.. im.. sorry" Wala pa man ay bigla na lamang tumulo ang aking luha. Alam kong may mali. Alam kong lubos akong masasaktan sa susunod na sasabihin nya. "Ash.. di ba mahal mo ako? Kung mahal mo ako ay palalayain mo ako" Napahagulgol na ako sa iyak at hindi na nakapagsalita pa. Halos mamula na ang mata ko kakapunas sa aking mga luha. "Ash mahal ko na si Andrea. Totoo na yung nararamdaman ko sa knya. Im sorry.. " Dito nya ako niyakap ng mahigpit at pinakalma nya ako. Hinaplos ang aking likuran habang nakasubsob ako sa mga balikat nya at bumuhos lahat ng sakit. Lahat ng luha ay nailabas ko na. Hindi ko na kayang marinig pa ang mga susunod na sasabihin nya kayat naitulak ko sya palayo. At tumakbo na ako pabalik sa loob ng bahay ni Patty. Pagsara ko ng pinto ay nakaabang na pala sakin ang bestfriend kong si Patty . Agad nya kong niyakap. "Ilabas mo lang yan bhez.. sige iiyak mo lang. Basta bukas o sa isang araw dapat wala na yan. Hindi ka na iiyak". Lalo akong naiyak sa mga sinabi ni Patty. Magdamag akong umiyak. Ibinuhos lahat ng sakit ng nararamdaman ko . Hindi ko lubos maisip na itatapon lang ni Matteo ang 8years na pinagsamahan namin dahil sa kasikatan. At syempre sino naman ang hindi maiinlove kay Andrea na pinapantasya ng bayan. Napakatanga kong naniwala na may KAMI hanggang sa HULI. 8 years Ago.. "KULOT SALOT" Ito ang tawag sakin ni Sabrina sabay tulak sakin at napasalampak ako sa sahig ng canteen. Natapon din ang sopas na binili ko para sa meryenda. Tinawanan pa ako ng ibang estudyante. Hindi ko alam ang problema ng babaeng ito sa akin. At kahit kelan ay hindi ko sya pinapatulan. Maya maya pa ay may humatak sa kamay ko para ako ay itayo. Paglingon ko. Si Mateo Sanchez. Ang campus crush. Namula ako at kumabog ang dibdib ko. May ibang kuryente akong naramdaman ng hawakan nya ang mga kamay ko. "Bakit nyo inaapi ang Girlfriend ko?" Bumilog ang mga mata ko at nagulat sa mga sinabi nya. Nahagip naman ng mata ko ang reaksyon ni Sabrina. Napangiwi sya at nanginginig sa galit. "Girlfriend mo yan???" Parang may pandidiri sa kanyang tanong. "Oo. Girlfriend ko si Ashley Sandoval. Ang sinomang mang api sa kanya . Ako makakalaban nyo!" Lalo pa akong namangha dahil alam nya ang buong pangalan ko. Kilala ako ni Matteo. Hinatak nya ako palabas at pumunta kami sa may hardin ng eskwelahan. Kumuha sya ng panyo at ibinigay sa akin. "Bakit mo sinabi na girlfriend mo ko? Hindi naman sila maniniwala" Sabi ko habang pinupunasan ko ang aking damit. Napangiti si Matteo at inilapit ang napakagwapo nyang mukha sa aking mukha. Napalunok ako. At muli na nmang kumabog ang puso ko. Nakakatunaw ang mga titig nya. "Crush kasi kita, Ash.." bulong nito Napanganga ako sa sinabi nya. Agad syang tumalikod sakin at umalis na. "Teka yung panyo mo" Ikinaway nya ang kanyang kamay at tuluyan ng umalis. Naiwan akong namamangha pa din. Yung puso ko parang malalaglag na. Sobrang kinikilig ako . Sa totoo lang may lihim akong pagtingin kay Matteo pero tinatago ko na lang kasi alam ko naman na wala na akong panama sa mga nagkakagusto sakanya. Lalo na si Sabrina na isang Cheerleader. Wala na. Talo na. Pero ng marinig ko na crush nya ko. Nabuhayan ako ng pagasa. "Aray.." Yan ang ilang beses kong sinabi kay Patty dahil ilang beses nya rin akong binatukan para magising na daw ako sa katotohanan na hindi kami bagay. Naikwento ko kasi lahat ng nangyari kanina. At syempre bilang bestfriend ay sinasabi nya lang ang katotohanan. Haay. Hanggang pangarap na lang sya. Isang hapon. Habang nagpapractice kami ng choir ay bigla na lamang hinatak ni Kevin ang clip ko sa buhok. Lagi na lamang nya ginagawa iyon sa kin. Madalas nya ako asarin. "Kevin, Akin na yan" Nagpahabol pa ang mokong. Hindi namn ako nagagalit sa pangaasar nya dahil napakabait naman ni Kevin sakin. Sa huli ay nagtawanan na lang kami. Maya maya pa ay.. "ASH!!!" Napalingon ako sa boses na iyon. Halatang galit ang tono nya. Laking gulat ko.. "MATTEO? anong ginagawa mo dito?" Lahat ng mga choir members ay nagulat din kay Matteo dahil bibihira naman na may napapadaan sa practice namin, at ang isang Matteo pa tlga ang napadaan.? Mahigpit na hinawakan ni Matteo ang mga kamay ko at dinala nya ako sa may gilid kung saan hindi kami masyadong kita ng iba. Kitang kita ko ang galit nya. Hindi ko alam ang dahilan pero natatakot ako. "Sino yun? Bakit ka nya hinaharot?" Madiin nyang tanong "Ah si ke-kevin ba? Member din sya ng choir kaibigan ko." Bigla na lamang kumalma si Matteo at tinitigan ako. Heto na naman sya. Alam na alam nya ang kahinaan ko.. "Ayoko na may ibang humaharot sayo. Ayoko na napapalapit ka sa ibang lalaki." Kumabog na naman ang puso ko. Ano ba ito? Binibiro ba nya ako.? Pero bakit? Daig pa nya ang isang boyfriend kung magmando. "B-bkit? Kaibigan ko sya eh" Tumalim ang tingin sakin ni Matteo. Mas lalo pa nyang hinigpitan ang hawak sa aking pulsuhan. "Basta. Sabihan mo sya na layuan ka. Anong oras ang uwe nyo? Hihintayin kita sa may gate" Namilog na naman ang aking mga mata at pati na ang bibig ko sa aking narinig. Bakit kakaiba ang kinikilos ni Matteo. Pero lihim akong natuwa sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung totoong aantayin nya ako or baka pinagtitripan nya lang ako. Hay sana matapos na ang practice, kaya lang kakaumpisa pa lang namin eh. Ang daming tanong sa isip ko. Ano ba ang nangyayari? Nang matapos na ang aming practice ay kinakabahan na ako. Kung andun man sya ano ang gagawin ko. Ano ang sasabihin ko? Ngingiti ba ako? Or sisimangutan ko ba sya kasi alam ko naman na binibiro nya lang ako. Ano na?? malapit na akong makarating sa gate. Yung puso ko parang may tumatambol sa kaba. Mahihimatay na yata ako. Pero paglabas ko ng gate ay nilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Wala sya. Wala si Matteo. Ewan ko ba at bigla akong nanlumo. Sinuntok suntok ko din ng marahan ang ulo ko. "Tanga tanga ka tlga Ashley, nagexpect ka talaga na magaantay sya doon. Niloloko ka lang nya. Sino ka ba naman di ba? Tanga ka talaga!!" Naglakad na akong palayo . Dala dala ang bigat ng puso ko. Maya maya pa ay may humatak sa aking bag mula sa likuran. Lumiwanag ang mga mata ko at sobrang natuwa ang puso ko. "Matteo?" Kinuha nya ang aking bag at binitbit nya ito.. "Mula ngayon ay ako na ang magbibitbit ng mga gamit mo . Aantayin na rin kita at ihahatid sa inyo." Napakunot noo ako at napalunok ako sa mga sinabi ni Matteo. "Pero bakit?" Natawa si Matteo at pinisil pisil ang pisngi ko. "Ano pa? E di manliligaw ako para maging girlfriend na talaga kita." Napakaganda ng ngiti ni Mateo. Hindi ako magsasawang pagmasdan iyon. Napamangha na naman ako at hindi makapaniwala sa kanyang mga sinabi. Bakit ba ako? Marami namang mas mgagandang babae jan. Pero sa totoo lng sobrang saya ng puso ko. Parang malulunod sa kaligayahan. Mula noon ay araw araw na nya akong pinapasaya. Kapag andyan sya ay sobrang kampante ako at alam kong hindi nya ako pababayaan. Walang minuto ang hindi ko sya iniisip. Lahat ng babae sa eskwela ay galit na galit sakin at inggit na inggit. Pero wala na akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga masaya ako. Masaya kaming dalawa. Yung bestfriend kong si Patty ay hindi rin makapaniwala pero naging masaya pa rin sya para sakin. Halos anim na buwan nya akong niligawan. Anim na buwan ang hinintay nya para sa aking sagot.. At sa mismong birthday nya ay ibinigay ko na sa kanya ang matamis kong OO. Walang pagsidlan ang saya na naramdaman nya nung sinagot ko sya. Yun daw ang pinakamagandang regalo na natanggap nya. Simula noon ay mas lumalim pa ang aming relasyon . Mas nakilala namin ang isat isa. Kahit na napakabata ko pa ay pabor ang aking mga magulang na magkaroon kami ng relasyon ni Matt. Basta daw huwag pabayaan ang aming pagaaral. Hanggang umabot na kmi ng two years. At dumating ang ika 18th birthday ko. Isang simpleng selebrasyon lang ang inihanda sakin nila nanay at tatay pero masaya ako dahil lahat ng importanteng tao sa buhay ko ay nandoon. Hinintay ni Matteo na matapos ang pagtitipon bago nya ibigay ang kanyang regalo. Niyaya nya ako sa likuran ng aming bahay. May bangkito sa likuran namin at doon kami naupo. Napakalamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking katawan. Maya maya pa ay kinuha nya ang maliit na kahon sa kanyang bulsa . Binuksan nya ang kahon at bumungad sakin ang isang napakagandang kwintas. May cute na pendant ito na letter A. for ASHLEY. Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi habang isinusuot nya sa akin ang kwintas. Hanggang sa nanahimik ang paligid. Kung kayat dinig na dinig ko ang kabog ng puso ko. Lalo pa akong kinabahan ng tinitigan ako ni Matt. Dahan dahang lumalapit ang kanyang napakagwapong mukha sa aking mukha. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isat isa. Kitang kita ko ang bawat detalye ng kanyang buong mukha. Napalunok ako at hindi ko alam ang nasa isip nya. Napapikit na lamang ako at pinaubaya na sa kanya ang susunod na mangyayari. Bigla ko na lamang naramdaman ang kanyang labi na dumampi sa aking mga labi. Marahan nya akong hinalikan. Napakainit ng kanyang mga labi. Nararamdaman ko ang pagbuka ng mga labi nya at ang marahang pagsipsip nito sa mga labi ko. "Please labanan mo ang ginagawa ko" marahan nyang utos Tinugunan ko ang kanyang utos. Nakipaglaban ako sakanya ng halikan. Mariin, at sinipsip din ang kanyang mga labi. May kakaibang sensasyon akong nararamdamam habang ginagawa namin ito. Dumadaloy sa buo kong katawan. Napamulat ako ng kaunti at nakita ko si Matteo na sarap na sarap sa pakikipaghalikan sa akin. Sobrang saya ng nararamdaman ko. Para akong nalulunod sa sarap. Hanggang sa bigla na lamang kami nakarinig ng ingay sa aming likuran. Napabalikwas kami at tumigil sa pakikipaghalikan. Nang nilingon namin ang aming likuran ay.. "Meow" Napailing si Matteo at natawa. "Muning. Panira ka ng moment eh" Natawa din ako sa nasabi ni Mateo. Dahil sa di inaasahang panggugulo ay napatayo na si Matteo at nagpaalam na sakin. "Ash, uuwe na ako. Gabi na rin eh.. happy birthday ulit.. i love you.." Parang musika sa pandinig ko yun.. Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi.. "I love you too Matty.. ingat ka.. salamat." Yun ang unang halik sa akin ni Matt. Hinintay nya talaga na magdalaga ako para gawin iyon. Hindi ako nakatulog pagkatapos ng mga nangyari. Buong magdamag kong inisip at sinamsam ang mga ginawa nyang paghalik sa akin. Sa kasalukuyan. Isang umaga..  Biglang nagring ang cellphone ko. Nagising ako sa lakas ng ringtone. Ni hindi ko maimulat ang aking mata dahil namamaga na ito sa sobrang pag-iyak ko nga pala kagabi. Naalala ko na naman si Matteo. Bigla na namang sumikip ang dibdib ko at bumalik lahat ng sakit. Pero wala na akong mailuha. "Si Inay.." Napabangon ako ng makita ko na ang tumatawag ay si Nanay. Kaagad ko itong sinagot. "Hello , Nay.." "Anak.. ayos ka lang ba jan anak?" Gusto na namang tumulo ng aking luha pero wala na talagang mailabas. Tanging hikbi lang ang narinig ni nanay sakin. Miss na miss ko na sila. 2years ko na rin pala silang hindi nakikita.. "Anak.. bumalik ka nalang dito. Please. Dito ka na lang. Maghanap ka ng trabaho dito para malapit sa amin" Hindi ako umiimik kay nanay.. "Alam ko ang nangyayari sa inyo. Wala na kayo ni Matteo di ba. Napanood ko ang interview nya ngayon lang. Sila na pala nung Andrea. Ashley anak, dito ka nalang kay Nanay oh." Pagmanakaawa nya. Talagang kilala ako ni nanay. Alam na alam nya kapag may problema ako. Pero kailangan kong lumaban ng mag isa. Kailangan kong bumangon kahit wala na si Matteo. "Nay. Okay lang ako promise. Opo masakit dahil iniwanan nya ako pero kailangan kong magpatuloy. Maghahanap muna ako ng trabaho dito Nay." Napabuntong hininga si Nanay.. "O sige anak. Basta kung hindi mo na kaya. Andito lang kami ha." Napahikbi ako sa sinabi ni nanay. Gustong gusto ko syang yakapin ng mga oras na iyon. "Salamat Nay.. i love you.. pakisabi na rin kay tatay.. salamat po sa inyo." Ibinaba ko na ang cellphone ko at nag ayos ako ng sarili. Waa nga pala akong trabaho. Simula ng maging artista si Matteo ay ako na ang kasama nya sa lahat ng oras. Kapag may shooting sya, sa mga taping at commercial shoot nya ay palagi akong nasa tabi nya kaya hindi na ako nakapagtrabaho pa. Lagi akong nasa likod nya ano man ang mangyari. Umikot ang mundo ko sa kanya. Kaya ngayon parang ang hirap hirap bumangon. -- Kakagraduate lang namin ng college noon..  At sobrang galak ang naramdaman namin dahil nakapagtapos kami ng pag-aaral at hindi binigo ang mga magulang namin. Ako ang pumilit kay Matteo na pumunta sa Maynila para dito maghanap ng trabaho. Napadpad kami sa Maynila at sinuong naming dalawa ang hirap ng buhay dito. Buti na lang at dito din nakatira si Patty yung bestfriend nga namin since highschool, atleast may natatakbuhan kami kahit paano. Habang naghahanap kami ng trabaho. Napadaan kami sa isang malaking t.v network. Namangha ako dahil sa telebisyon ko lng nakikita ang building na yun. Ngayun ay nasa harapan na namin ito. May audition pala para sa isang talent search. Pinilit ko si Matteo na magaudition. Katuwaan lang, tutal madami naman na kaming napuntahan ngayong araw.. Ngunit Ayaw nya. "Wala nmng masama eh. Try mo lang. Sige na.. please.. ang gwapo mo kaya. Ikaw pinakagwapo sa mga nakapila jan." sabay kindat sa boyfriend ko. Napakamot ulo nalang si Matteo. At napangiti.. "Ang kulit kulit mo. Sige na. Pagbibigyan na kita. Natatakot kasi ako baka makapasa ako eh panu na ung pagaapply natin?" biro nito Natawa ako kay Matt. Hindi ko naman akalain na yung biro at kinatatakutan nya ay magkakatotoo. Sa lahat ng nag-audition sampu silang kinuha para sa programa. Pero sa totoo lang natutuwa ako sa naachieved ng boyfriend ko. Sobrang proud ako sa gilid sa bawat bigkas ng mga judges na pasok na pasok sya sa programa. Pero napansin ko ang lungkot sa mata ni Matteo. "Bakit Matteo? Hindi ka ba masaya? Sa dami ng nagaudition napili ka. " masaya kong bungad Matipid ang ngiti ni Matt sakin. Inakbayan nya ako at hinalikan sa pisngi. "Hindi ko kasi alam ang mangyayari sakin eh. Basta kahit anong mangyari, huwaag kang aalis sa tabi ko ha. Promise.." Ngumiti ako sa kanya at nangako.. "Promise , Matt. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari.. " Naiyakap nya ako ng mahigpit at nung gabing iyon ay pinanindigan ko ang pangako ko kay Matteo. Hinndi ko sya iiwan. At ganun na nga ang nangyari. Nasa tabi nya lang ako palagi habang nakikipagkumpentensya ang aking boyfriend para sa titulong search for King Idol. Ang mananalo kasi dito ay may exclusive contract na sa network at makakaloveteam ang papasikat pa lamang na actress na si Andrea Mendez. Sa lahat ng laban nya ay nandoon ako. Lihim na nagchecheer para sa kanya. Gusto kong ipagsigawan na "Boyfriend ko yan." Habang papalapit ang grand finals ay pinapalakas ko ang loob nya. Aam kong makukuha nya ang titulo.. laking pasalamat nya dahil lagi akong nasa tabi nya kahit na abutin sya ng gabi o madaling araw ay matiyaga akong naghihintay sa kanya. At dumating na nga ang gabing pinakahihintay ng lahat. Ang pag-aanunsyo sa magwawaging King Idol.. Kinakabahan ako! Tumatalbog ang puso ko. Parang wala akong nakikitang ibang tao kundi si Matteo lang. Nabibingi na rin ako. Sino ba ang mananalo sa gabing ito. Lord kayo na po ang bahala. "And the winner for King Idol is--" Bulto ng kaba ang nasa puso ko, nagdadasal na sana ay matawag ang pangalan ng boyfriend ko. "Matteo Sanchez.." sigaw ng host. Tumigil ang mundo! Ang tanging nakikita ko na lang ay si Matteo na nasa stage at lahat ay kinakamayan sya sa kanyang pagkapanalo. Ibinigay sa kanya ang isang tropeo ng pagiging King Idol. Itinaas nya ito at nakatingin sya sakin. Tuwang tuwa ako ng oras na yun. Hindi ako makapaniwala na nakuha ni Matteo ang titulo! Ngunit ito pala ang simula ng kalbaryo sa buhay ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.5K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
964.2K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook