Chapter 2

2034 Words
"Hello.. ahhmm. Yes this is Ashley Sandoval. Ohh Im sorry but I'm not available for the interview. Thank you." Pagkababa ko ng cellphone ay nagulat ako sa presendya ni Matteo sa aking likuran. Magkasalubong ang dalawang kilay nya. Kanina pa ba sya nakikinig sa usapan namin? Kinabahan tuloy ako. "Yung inapplyan ba natin iyon? Bakit mo tinatanggihan? Bakit hindi puntahan ang interview Ash?" May tono ng galit sa kanyang mga tanong  Napabuntong hininga na lamang ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Mas gusto kitang samahan sa lahat ng tatahakin mo ngayon. Sa mga shooting, sa taping mo.. di ba nangako ako sayo, na hindi kita iiwan sa laban mo. Kakayanin kong isuko ang trabahong iyon para sa iyo" Naaantig ko yata ang puso ng boyfriend ko. Maya maya ay nasilayan ko ang napakaganda nyang ngiti. Kinurot nya ang tagiliran ko.. "Swerte ko talaga sa girlfriend ko eh.." "Oo noh.. kaya matulog ka na at maaga pa tayo bukas. May taping kayo sa morning show di ba . At dun ipapakilala sayo si Andrea. Excited na akong makita sya. Sobrang ganda nya siguro sa personal. Da Tv pa nga lang ay napakaganda na eh!" Nasasabik na wika ko  "Mas maganda ka dun noh! Sige na matulog na tayo." paglalambing ni Matteo sa akin "Loko ka, wala nga ako sa kalingkingan ni Andrea." Wika ko Niyakap ako ng mahigpit ni Matteo at binigyan ng matamis na halik sa labi. Ipinapadama sa palagi sa akin na ako ang pinakamagandang babae para sa kanya. Hindi nya gusto ang ideyang tinatapakan ko ang sarili ko sa harapan nya. Napakaswerte ko rin at nakahanap ako ng boyfriend na hindi tumitingin sa panlabas na anyo. Natulog kami ng masaya dahil alam naming kasama namin ang isa't-isa! -- Kakalipat lang pala namin sa condo na kasama sa napanalunan nya sa contest. Napakaganda at napakalaki nito. Kumpleto na rin sa gamit ang loob ,kung kayat hindi na kami nahirapan pa. At kinaumagahan nga ay nag-aayos na kami para sa taping nya. Mas nauuna akong nagigising dahil nagluluto pa ako ng breakfast nya at inihahanda ko pa lahat ng dadalhin nya sa taping. Paggising nya ay bumungad ang isang napakasarap na halik at yakap sa akin. Ang sarap naman ng umagang ito. "Salamat Ash, hindi ka napapagod na pagsilbihan ako." Wika nya "Sus.. araw araw ganyan ang gagawin ko. Hindi talaga ako magsasawa noh!  Sige na at baka ma late tayo." Sambit ko naman Isang napakagandang ngiti ang ibinungad nya saakin. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito kami. Panibagong pagsubok na naman ang tinatahak namin na magkasama. At hinding hindi ako magsasawang pagsilbihan sya. Nagtaxi kami papunta sa tv network. Sa totoo lang ako ang kinakabahan. Dahil maraming bigating tao kaming makakasalamuha namin araw araw. Nang nasa set na kami, ay pinakilala sa amin ang magiging manager ni Matteo. Si sir Randy Montalban. Ang sikat na manager at madami nang napasikat na artista.. Nakangiti ako sa manager ni Matteo habang tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Para bang sinusuri nya ang buong pagkatao ko. "At sino naman ito?" Sabay turo saakin. "Ahh. Sir. Sya po si Ashley. Girlfriend ko." Namilog ang mata ni Sir Randy at lahat ng nakarinig kay Matteo. Ang iba ay binalikan ako ng tingin. Hindinnila alam kung matatawa ba sila o mandidiri sa sinabi nito. Napalunok si sir Randy at mahabang napabuntong hininga. "Kung gusto mong tumagal sa industriya. Kailangan ay single ka." Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi naman pwedeng maghiwalay kami dahil lang dito. Hindi pwede. Rebelde kong sabi sa isip ko. Napangisi si Sir Randy. "Hindi naman kayo maghihiwalay. Itatago nyo lang yang relasyon nyo. Kunwari na lang na sya ang P.A mo, mukha naman eh. Ayy sorry I'm just joking. Haha!" Pang-aasar ni Sir Randy Napayuko lang ako sa sinabi nya. Alam ko naman na nagmumukha talaga akong alalay ni Matteo dahil hindi naman ako ganun kaganda. Ngunit naramdaman ko na lang ang mahigpit na paghawak ni Matteo sa mga kamay ko. Dahil dito ay napanatag ako. " Maraming artistang lalaki naman na babae ang P.A, kaya keri na yan. Basta ha. Sa lahat ng interview ay SINGLE KA. Pag may nagtanong kung sino sya.. P.A mo lang sya,  yan ang sabihin mo. Okay" Dahil sa napakastrikto ng pagkakasabi nya ay napatango na lang kaming dalawa na ang ibigsabin ay sumang ayon kami sa lahat ng sinabi nya. Malapit na magsimula ang taping. Dumating na rin ang mga host ng morning show. Natutuwa ako at nakita ko sila sa personal.. Maya maya lang ay dumating na si Andrea Mendez. MalaDyosa ang kagandahan nya. Napanganga ako sa sobrang ganda nya ng dumaan sya sa aking harapan. Napakaliit ng mukha nya sa personal, napakakinis at maputi ang balat nya. At sobrang sexy dahil mahilig itong magwork out. Napalihis ako ng tingin kay Mateo. Nakaletrang O ang bibig nya. Simbolo ng pagkamangha nya sa dalaga. Agad hinatak ni Sir randy si Matteo upang ipakilala ng personal sa mga host at kay Ms. Andrea. Kitang kita kong namula sa hiya si Matteo ng mahawakan ang kamay ni Andrea. Yung ngiti nya ay parang ngayon ko lng nakita. Siguro nanibago lang sya sa mga nangyayari sa knya. Pero bakit ganun. May kaba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung anu iyon.. Nang magsimula ang interview ay agad na tinanong ng host ang bagay na ito. "Maraming nagtatanong, lalo na ang mga kababaihan kung Single ka daw ba?" Naghiyawan ang mga tao sa loob. Ang ibang babae ay hindi magkandamayaw at naglulupasay sa kilig. Tinignan ako ni Matteo at may matipid na ngiti. Na para bang nagsasabi na huwag maniwala sa mga babanggitin nya. "Yes po. Single na single po ako!" Muli na namang may kumurot sa aking puso. Alam kong sinabi nya lang iyon para sa kanyang career. Pero bakit ang sakit sakit. Sobrang ingay at hiyawan na ang naririnig ko sa buong studio ng sandaling iyon. Lumipas ang buwan.. Pumatok sa mga tao ang mga teleserye at pelikula ng MattDrea. Natalo na rin nila ang love team sa kabilang istasyon na unang sumikat sa kanila ang LisRen. Unang sabak pa lang sa pelikula ay blockbuster na ang pelikula nila. At sobrang daming mga taga hanga ang sumusuporta sa love team nila. Natutuwa akong nagbabasa ng mga messages at comment sa social media.. Malayo na ang narating ni Mateo. Kahit sa kaunting panahon ng pagaartista nya ay naging successful sya dito. Samantalang ako ay nandito pa rin sa tabi nya. Kahit personal alalay ang tingin nila sakin ay ayos lang. Alam ko naman na ako pa rin ang mahal nya. Kaya dito lang ako. Dito lng ako sa tabi nya. Tuwing sunday ay off or pahinga din ni Matteo. May isang araw din namang pahinga ang mga artista. Depende nalang kung may guesting sya sa isang sunday show or may minamadaling tapusin na shoot.. Pero sa ngayun ay wala pa naman. Kaya nung gabi ng sabado ay niyaya si Matteo ng ibang cast ng pelikula na mag bar at bilang selebrasyon na rin ng tagumpay ng pelikula nila.. May taping ng teleserye noon si Matteo. Kaya matiyaga akong nag aantay sa loob ng tent hanggang sa matapos sila. Dahil sa pagod ay nakatulog ako. Naalimpungatan ako dahil nagliligpit na ang ibang propsmen ng mga gamit. Nagtanong ako kung asan si Matteo. "Kanina pa umalis.. sabi nya sabihin ko na lang daw sayo na umalis na sya at mauna ka na daw sa condo nya." Napakagat labi ako at nanlumo.. "Ganyan talaga ang malalaking artista. Pag P.A ka lang pag hihintayin ka lang nila, mauuna ka rin naman nilang pauwiin kasi hindi ka kasama sa mga personal na event nila." Sabi pa ni kuya. Sa sobrang inis ko ay padabog kong inayos ang mga gamit ni Matteo. Tinignan ko ang cellphone ko at wala man lang text or tawag kung saan sya pupunta. Mag isa akong umuwi sa condo .Ala una na ng madaling araw. Tinatawagan ko ang cellphone nya pero can not be reach na ito. Nagaalala na ako. Kanina pa ako paikot ikot sa sala. Hindi ako makatulog. Hanggang sa mag 5am na ng umaga at tumunog ang doorbell. Dali dali kong binuksan ang pinto. Nagulat ako dahil nakalaylay na ang ulo ni Matteo habang inaakay ni Jeric Fuentes, ang sikat na aktor na nakasama nila sa pelikula. "Ang lakas pala uminom ni Matt. Oh ikaw na bahala sa kanya ha." Sabi nito na amoy na amoy ko pa ang alak. Inalalayan ko sya sa loob ng kwarto at kumuha ng plangganitang may tubig at bimpo. Pinunasan ko ang mukha nya para maging maaliwalas ang kanyang pakiramdam. Maya maya ay unti unti syang namulat. Halatang antok na ang mga mata nya. Hinatak nya ako at napaibabaw ako sa kanyang dibdib. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. Tinitigan nya ako at ngumiti. Marahan nya akong hinalikan. Habang patagal ng patagal ay dumidiin ang mga halik nya. Sinabayan ko ang mga halik nya at sinipsip ang kanyang mga labi. Matagal na pala naming hindi nagagawa ito. Dahil sobrang busy nya. Labas masok ang dila nya sa aking bibig at para bang hayok na hayok at uhaw na uhaw sa halik. "Im sorry.. and thank you.." bulong nya.. at tuluyan na syang nakatulog.. Napangiti ako at masaya ko syang tinitigan. Ang buong pagkatao nya ang labis na ngpapaligaya sa akin. Itinuloy ko nlng ang paglilinis sa katawan nya at pag katapos noon ay saka pa lamang ako nakatulog. Pero 7am dapat gising na ako. Dahil sunday ngayon at madami akong gagawin. Maglilinis ako ng condo at maglalaba ng mga damit ni Matteo. Hindi kailangang tatamad tamad. Halos kakatulog ko pa lamang nh tumunog ang alarm clock. Napakabigat ng aking katawan . Pero kailangan kong bumangon. Maraming gawaing bahay ang naghihintay sa akin. Nagluto muna ako ng almusal para pag gising ni Matteo ay nakahanda na ang kanyang kakainin. Pagkatapos nun ay tinanggal ko lahat ang mga punda ng mga unan at kobre kama upang malabhan at malinisan ito. Kinuha ko rin ang maduduming damit ni Mateo para malabhan. Hindi ko pinapaubaya sa laundry shop ang mga damit ni mateo, gusto ko ay ako ang maglalaba ng lahat ng ito. Pagkatapos ay naglinis ako ng buong condo.. alas onse na ng umaga ng matapos sa paglilinis. Nagluto na ako ng aming pananghalian. Itinabi ko muna ang almusal na inihanda ko kanina dahil hindi naman nya ito nakain. Sa sobrang kalasingan ay tulog pa sya hanggang ngayon. Magaalas dose na ng nagising at lumabas ng kwarto si Matteo. Nagulat sya sa aking itsura. Puno ng pawis ang aking katawan at wala ng ayos. Nagpadagdag pa sa kapangitan ko ang malaking eyebag dahil hindi ako nakatulog ng maayos. "Kain na tayo. Pinagluto kita ng paborito mong sinigang" pagyaya ko sa knya. Napatingin si Matteo sa buong paligid at namangha sa nakitang kalinisan sa kanyang condo.. "Sige mauna ka na muna Ash.. Hindi pa kasi ako nagugutom at Wala rin akong ganang kumain." Nalungkot ako sa sinabi nyang iyon. Pero Hihintayin ko na lang sya para sabay na kaming kumain. Naupo sya sa may sofa at nagbukas ng t.v. maya maya ay tumunog ang cellphone nya. May nagtext sa kanya. Tinignan ko ang mukha nya. Namuo ang ngiti sa kanyang labi. Sino kaya ang katext nya. Ayoko na rin magtanong ng mga nangyari kagabi at kung sino ang mga kasama nya. Ang mahalaga ay nandito sya sa tabi ko ngayon.. Sunday ngayon kaya kming dalawa naman ang magbobonding.. namimiss ko na rin kasi sya.. hindi na nawala sa mukha ko ang ngiti habang ininiisip ang mga gagawin namin ngayun. "Ash.. aalis ako ha.. may nagyaya lang eh. Mas maganda siguro kung pumunta ka rin ng mall para malibang ka naman" Nagmamadali nyang kinuha ang tuwalya at agad pumasok sa banyo. Biglang sumikip ang dibdib ko.. hindi ko alam pero ang sakit. Ang sakit sakit na yung araw na dapat para saming dalawa ay hinayaan pa nyang mapunta sa iba.. Naiwan akong mag isa sa condo. Nahiga na lamang ako at di namalayang nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod.. Madalas nya gawin sakin ang ganitong pangyayari. Pero tinitiis ko nalang kasi mahal ko sya.. mahal na mahal ko sya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD