Napabuntong hininga na lamang ako.. Kailangan kong mabuhay ng wala si Matteo.
Maaga akong gumising para maghanap ng trabaho. Sayang naman ang pinagaralan ko. Hindi ko pa nagamit mula ng grumaduate kami. Dahil nga buong buhay ko ay inalay ko kay Matteo.
Nag ayos na ako ng aking sarili at pinuntahan ang mga job interviews ko. Mahirap pala maghanap ng trabaho lalo na at wala pang experience. Lagi pang tanong ay kung ano ang ginawa ko after graduation bakit hindi agad ako nakakuha ng trabaho. Dun ako bumabagsak.. wala akong maisagot.
Nakaupo ako sa labas ng isang coffee shop at doon muna nagpalipas ng oras. Malalim ang iniisip ko..Nang biglang..
"Hi mga KaPapakBoys. So eto na si ate girl. Tatanungin na natin sya."
Nagulat ako dahil may dalawang lalaki ang lumapit sa akin. ang isa ay may hawak ng camera at pilit nila akong kinukuhaan ng video. Ang pangalawa ay yung nagsasalita sa video at parang iniinterview ako.
"So eto na. Ate girl. Boyfriend material ba ako or hindi..? alam ko hindi tayo magkakilala. Pero magbase ka na lang sa looks. "
Ngumiti sya sa akin at lumitaw ang napakalalim na dimples nito. Ang cute nya.
Pero napakapresko.!
Nang hindi ako sumagot ay inilapit nya ang kanyang mukha sa akin para matitigan ko pa syang mabuti. Maganda ang mga mata nya.. napakatangos ng ilong.. napakapula ng mga labi.. pero napakapresko nya talaga ehh..
Nang akmang hahalikan nya ako ay hindi ko napigilang sampalin sya.. para bang tumigil ang mundo ko.
"Woohhh" sigaw ng nagvivideo
Nabigla din ako sa pangyayari. Bigla na lamang dumampi yung palad ko sa pisngi nya. Nakuhaan ng video ang eksenang iyon..
"So- sorry..."
Tumayo ako at dali daling umalis..
Iniwanan ko doon ang dalawang lalaki..
"Oh.. ang sakit ba bro.. sanay ka naman jan di ba.? Sanay kang masampal ng mga babae lalo na at nalalaman nila na pinagsasabay mo sila." Sabay tawa ni Joe ung camera man kanina.
Hawak pa din ni Rowell ang pisngi nya habang tinitignan nyang lumayo ang babaeng nanampal sa kanya..
"Pero iba yun ah.. weird. Cute pa naman sya." Sabi nito.
Ilang araw pa ang lumipas ay hindi pa rin ako nawalan ng pagasa na makahanap ng trabaho. Habang umiinom ako ng kape ay dali daling tumakbo sa akin si Patty. Humahangos sya galing sa itaas sa kanyang kwarto. Hawak nya ang kanyang cellphone.
"Hoy girl trending ka na naman.!"
Sabi nito.
Napakamot na lang ako sa ulo.
"Ano na naman yan? Di naman na ako nanggugulo kila Matteo ah.. naku.. tigilan na nila ako!!"
Isinubsob ko ang mukha ko sa throw pillow na katabi ko. Ayoko na makarinig ng balita mula sa kanila tama na. Ang sakit sakit na.
"Tangek. Hindi naman tungkol kay Matteo eh.. eto oh.. trending ka kasi hinahanap ka ni KapapakBoys Rowell.. sinampal mo ba naman eh."
Nagulat ako sa sinabi nya. Agad akong napatayo at hinablot ang cellphone ni Patty at pinanood ko ang
video. Makikita sa video na may mga nauna na palang mga babae ang tinanong niya kung sya ba ay isang boyfriend material. Si rowell. Lahat ng babae ay kinilig sa kanya, maliban sa akin. At nakuha ko pa syang sampalin. Napreskuhan naman kasi talga ako sakanya at isa pa..hindi ko naman sya kilala. Dahil wala akong time manood ng Go tube.
"Ayan girl. Hinahanap ka ni Rowell. Magsosorry daw sya sayo oh.. haha nagloloko pa ung katropa nyang si Joe na baka ikaw na daw ang makapagbago sa kanya.. "
"Bakit ano ba yan kriminal?" Natatawa kong tanong.
"Hindi.. super fuckboy lang. Ewan ko kung totoo. Yun lang kasi ang chismis."
Napakunot noo ako... ano yung Fuckboy.?
Pinaliwanag ni Patty.. na sila pala yung mga lalaki na mahilig lang sa s*x pero walang love. Kapag may natipuhang babae ay makukuha daw nila ito agad agad. Pero after ng s*x ay wala na.. parang hindi na sila magkakilala.. ganun pala sya.
Naku sayang naman ang kagwapuhan nya.
"Grabe 1hour pa lang nya inupload ang video na to halos 1million views na. grabe talaga ang kasikatan nya sa Go Tube."
Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik sa sofa na kinauupuan ko..
"Wala akong time sa mga ganyan..."
"Sige ikaw bahala"
Naiwan ako sa sala at napaisip sa lahat ng sinabi ni Patty. Grabe. May ganung klase ng lalaki pala talaga..
Kinaumagahan ay nagpunta kami ni Patty sa grocery para mamili ng mga kakailanganin namin pra sa isang linggo.
Habang masaya kaming namimili ay bigla na lamang may kumalabit sa likuran ko..
Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko ng may camera na namang nakaabang sakin at heto na naman sa harapan ko yung Rowell. Naningkit yung mata ko nung nakita ko sya. Ano na naman kaya ito?
"Hey hey hey.. mga kapapakboys.. guess who's here sa grocery? Si ate Girl na nanampal sakin.. ano ba to Destiny? Soulmate? Ang laki ng Pilipinas pero nagkita pa rin kami."
Ang laki ng ngiti nya kaya kitang kita ko na namn ang malalim nyang dimples...
Kilig na kilig naman si Patty na nasa gilid ko at nagalabas ng cellphone para makuhaan ng picture si fuckboy. Ah.. si rowell pala..
Nang akma na akong aalis at itutulak na palayo ang grocery cart ko ay pinigilan ito ni Rowell.
"Wait lang. Gusto ko lng magsorry..
Lumingon ako sakanya at napatitig.
"Okay Apology accepted.. sorry din sa pananampal ko .. nabigla lang ako sa kapreskuhan mo"
"Woohhh" ayan na naman ang pambubuyo ni Joe ung cameraman..
"So ok na.. pwede na kaming umalis?" Binigyan ko sila ng tipid na ngiti
Bigla hinawakan ni Rowell ang mga kamay ko.. nagulat ako sa ginawa nya.. bakit ganun.. biglang kumabog ang dibdib ko.. lalo na nung nginitian nya ako.. pang akit nya tlga yung malalim nyang dimples eh. lumihis ako ng tingin sa kanya . At napalunok.
" Ano pa ba ang kailangan nyo?"
"Please mag usap tayo.. may offer ako sayo.. please kahit saglit lang.. mag usap tayo.."
Yung mukha nya nagmamakawa. O nagpapacute.. basta .. di ko alam ang nararamdaman ko..
Dahil sa kakulitan ay pinayagan ko syang makausap ako. Sa isang malapit na restaurant. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang usapan na ito. Basta para matapos lang ay pinakinggan ko sila.
Umorder sya para sa amin. Dalawang orders ng Creamy Carbonara, 2 orders ng buffalo wings. 2 orders ng spaghetti bolognese good for 4 na ito, one 18 inches na deluxe pizza at 4 na coke in can.
Sobrang dami ng order nya. Grabeh. Pero ok lang. Sya naman nagbayad lahat nyan.
"So , magpapakilala muna kami sainyo. Im Rowell Fajardo, and isa akong vlogger. And ito ang kasama kong si Joe San Jose."
Nakaabang ang mga kamay nya sakin.
"Ashley Sandoval. And sya naman ung bestfriend kong si Patricia Meneses."
"Ok nice to meet you girls. By the way familiar ba kayo sa isang vlogger?
Umiling ako. Bigla na lamang silang natawa.
"Sya lang yung hindi alam ang pagiging vlogger.. pero ako, alam ko ha." Singit ni Patty
Lalo pa silang natawa habang ako ay malaking question pa din kung ano yun.
"Ok gumagawa kami ng mga videos at inaupload sa Go Tube. Nung una katuwaan lang. Pero habang tumatagal dumami mga followers at subscribers namin. At natutuwa sa mga videos na ginagawa namin kahit kalokohan lang.." dagdag pa ni Rowell
"Oo. halos lahat napanood ko mga videos nyo" kinikilig na sagot ni Patty
"Wow.. thank you.. dahil sa inyo kaya nagpupursige pa kami na gumawa ng mga nakakaaliw na videos."
"Ah para rin kayong mga artista pala noh.. pinapanood ng marami at may mga fans din kayo.." sabi ko
"Yes exactly"
Bigla na lang sumagi sa isip ko si Matteo. Halos parehas pala sila ng trabajo
Naguguluhan na ako kung saan papunta ang usapan na ito.
"So. Ayun nakaisip kami ng idea paano magiging interesting pa sa viewers yung channel namin.. yung pagvlog namin.. dapat kasi laging may bago. madami na rin kasi ang mga vloggers ngayun. kailangan ng new ideas."
Napainom ako ng coke habang narinig yun.. mukhang may binabalak ito para sa channel nya .. na kasama ako..
"Inshort gusto ka naming kunin para sa channel namin.. as kalove team ni rowell. Yun lang.. "
Sabi ni joe.
Muntikan ko ng mabuga ang iniinom kong coke sa narinig ko. Hinampas naman ni rowell ang hita ni joe.. dahil masyado itong mabilis..
"Aray. Di ba ganun naman yun. Ang bagal mo kasi magsalita." Dugtong ni joe na hinihimas ang hita nya.
"Para kasi maintindihan ni ms. ashley. So, gaya ng sabi nya. Gusto ka naming kunin as ka love team ko.. "
Kinuha nya ang cellphone nya sa bag at may pinakita sa kin..
"Eto ms. Ashley oh.. tignan mo ung mga comment sa huling vlog namin.. yung sinampal mo ako. Sabi ni Annie Reyes : WOW BAGAY KAYO HA.
Oh eto pang isa..
BAGAY KAYO NI ATE GIRL. KINILIG AKO DUN HA, KASI ANG SUNGIT NYA SAYO..
At madami pa syang pinakita sa akin na magagandang comments at nacurious sa pagkatao ko.
Malalim ang paghinga ko.. hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dito..
"Yun kasi ang naisip namin. kunwari ay nahanap kita uli at isasama na kita sa mga vlog ko. Then unti unti, kunwari mafafall ako sayo. hanggang sa kiligin na ung viewers natin at aabangan na nila mga next videos natin. Ganun lang.." dagdag pa nito
"Scripted din pla yan?" Tanong ko..
Napakamot sa bibig nya si Rowell at napailing..
"Hindi nman lahat scripted. May iba kaming nahahagip ng camera na bigla na lamang nangyari. Dapat alam na namin ung content ng vlog, pero once na magshoot na ,lahat totoo. Walang script. Kung anu gusto mo ilabas or sabihin pwede. Mas maganda kasi yun realistic." Pagpapaliwanag nito.
"Sige paano kung malaman nila na hindi naman tayo totoo. Baka mabash lang tayo.."
"Wag mo munang isipin yun. Ang mahalaga yung ngayon. Wag kang nega.." sabay ngiti na nagpapakita na naman ng dimples.
"Saka kumikita din tayo dito ah. Hindi nman to wala lang. Pwede kang kumita dito."
Napapalakpak si Patty..
"Tamang tama tambay yan si ashley naghahanap pa ng trabaho." agad kong hinatak ang buhok ni patty na sobrang daldal..
"Ouch!! Totoo naman di ba. Igrab mo na yan habang wala ka pang work."
Idinetalye pa ni Rowell kung paano ba sila kumikita dito. Habang nagsasalita ito ay nakatitig lamang ako sa kanyang mga labi. Sa tuwing ngingiti sya ay para bang tumitigil ung ikot ng mundo. Nakadagdag appeal pa sakanya ung malalim nyang mga dimples.
Hindi ako makatulog. Iniisip ko ang offer ni Rowell. Wala pa naman akong trabaho kaya pwede ko muna pasukin ang mundo ng pagvlog.
Binigyan nya naman ako ng time na makapag isip para sa offer nya. Habang nagiisip ay pinanuod ko muna lahat ng mga videos nya. Totoo nga at nakakatuwa pala sya. Kaya pala maraming nahuhumaling sa kanya. Sobrang hot pa nya.
Ilang araw ang lumipas at nakapagdesisyon na rin ako. Sasama ako sa vlog nya bilang ka love team nya. Kailangan ko rin naman ito.
Kinausap ko sa sa cellphone.
"Wow. Yes yes.. thank you ashley.. thank you. Sige ishoshoot na natin ung vlog natin this week agad. Kasi madaming followers ang naghihintay.."
Walang pagsidlan ang tuwa ni Rowell nang pumayag ako sa set up niya.
Agad agad ay sinimulan na nga namin ang pagshoot sa first vlog ko na kasama ang kapapakboys.
Pagpunta ko sa set ay nagbalik lahat sa akin ang alaala ni Matteo. Halos parehas kasi ng set up. May camera (pero hindi naman kagaya ng sa totoong tv shoot). May mga ilaw din para maganda ang appearance sa video. At may mga tao sa likod ng camera.
Agad akong niyakap ni Rowell. Napasubsob ako sa malaking dibdib nito. Napakatigas ng dibdib nya at amoy na amoy
ko ang panlalaking amoy na humahalimuyak sa kanyang katawan. Nakakaakit ang amoy.
"Finally you're here. So, ano ready ka na.? "
Kinabahan ako sa tanong nya..
"Ano ba ang gagawin natin?"
"Simple lang muna. Ung title is Ramdom Questions with Ate Girl? So may mga questions kami para sayo. And sasagutin mo lang yun. On the spot.Ganun lang."
Napatango ako. At hindi pa rin ako mapakali. Pinipisil pisil ko ang mga daliri ko dahil kinakabahan ako. Bka magkamali kasi ako.
At nagsimula na ngang magshoot.
Nagbigay ng intro si rowell.
"Hi !!! Mga kapapakBoys. Maraming salamat sa lahat ng solid na supporters namin.. keep on supporting us lang guys ha. And as you wish. nahanap ko na si Ate Girl na nanampal sa akin. Andito sya para sagutin ang mga random questions at para makilala pa natin sya. Her name is Ashley Sandoval. Say hi ashley.. "
Napangiwi ako. Hindi ako sanay na ako ang nasa harap ng camera. Madalas kasi nasa likod lang ako palagi.
"Hi!!"
"Ok napakatipid ng pagbati satin ni Ashley. Okay simulan na natin ang pagtatanong."
"Bakit mo ako sinampal sa last vlog ko.?"
Nakatingin sya sakin. At binasa pa nya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila. Anu ba ito. Nangaakit talaga?
"Ah.. eh.. napreskuhan kasi ako sayo. Kung ang ibang babae naakit sayo at kinikilig sayo pwes ako hindi".. sagot ko sakanya
Napakamot ulo si Rowell at napalunok..
"Ang sakit nun ah.. okay well yan ang totoo eh. Yan ang nararamdaman nya eh.
Next question na tayo. Mukha kang inosente, pero nahalikan ka na ba ng lalaki? Oh wow.. hahha"
Nagsalubong ang kilay ko. Ano bang klaseng tanong yun. Anu ba? Hays sabi nya magpakatotoo lang daw ako. Pero napakapribado naman na ng tanong nya.
Bahala na.
Tumango ako sa kanya..
"Yes." Matipid kong sagot.
Kitang kita ko ang pagkagulat ni Rowell sa sagot ko..
"Okay matipid talagang sumagot si ate girl. Next question. kung nahalikan ka na, eh virgin ka pa ba? Para sa mga open minded lang ang tanong na to ha."
Parang gusto kong himatayin sa tanong nya. Nakakahiya. Parang ang bastos. Boba ka talaga ashley. Yan napala mo dahil pumayag ka dito. Wala ka ng kawala jan. At sagutin mo nalang ang tanong.
Tumango ako kay rowell at isang matipid na "yes" ang sinagot ko sa kanya.
Natawa si rowell sa naging sagot ko..
"Oh. nahalikan ka na di ba? pero di naituloy doon? wow! Sino ba yang lalaki na yan at icocongrats ko. Di ko kaya yan mga tsong. hahalikan ko yung babae tapos wala na? Hindi galawang Rowell yan"
Nagtawanan ang ibang nanonood ng shooting namin. Anu bang mali sa sinabi ko? ginagalang lang talaga ako ni Matteo kaya walang nangyari sa amin.
Fuckboy nga pala ang lalaking ito.
"Okay next question na. Hindi ako nakamove on dun mga kapapakBoys. Ano naman ang ideal boyfriend mo?"
Dito napaisip talaga ako.Nakatitig ako sa kanyang mga mata
"Gusto ko sa lalaki ay mabait, marespeto sa babae, tanggap ako, kung sino at ano lang ako
At gusto ko rin yung virgin" pilya akong ngumiti sa kanya.
Napakamot na naman sa ulo si Rowell.
"Okay mga kapapakboys. Malinaw na malinaw na hindi ako ang lahat ng sinabi nya. Lalo na yung huling sinabi nya. Sablay na ako doon. Pasensya na sa lahat ng umasa!" Lahat ay nagatawanan at nagbiruan. Walang minuto na hindi sila masaya. Pati ako ay napapangiti at natutuwa sa mga banat ni Rowell.
Napapasaya nya ako. Sobrang dedicated sya sa ginagawa nya. Mahal nya ang trabaho nya. Ang gusto lang naman nya ay ang magpasaya ng maraming tao.
Habang tinitignan ko sya. At di ko maiwasang ikumpara sya kay Matteo. Malayong malayo sila sa isat isa. Pero may kanya kanya silang katangian na mamahalin mo ng sobra.
Masaya ako. Hindi ko alam pero pansamantalang nawala or nakalimutan ko ang sakit na binigay ni Matteo. Siguro ay nalilibang ako at napakasaya naman talaga ng tropang ito. Kaya pansamantala ay nakalimutan ko si Matteo.
Tapos na rin ang pagshoot at uuwe na ako.
"Wait lang Ash.." pahabol ni Rowell
Nakaramdam ako ng kaunting inis . May naalala ako kapag tinatawag akong Ash..
"Dont call me Ash ... please.. Ashley na lang.." matipid na ngiti ang binigay ko sa kanya..
Sunod sunod na tango ang ibinigay sa akin ni Rowell..
"Ah.. okay. ihahatid na kita sainyo. Para hindi ka na gumastos pa. Dont worry everytime may shoot tayo ay hatid sundo kita."
Ahh. Isang magandang ngiti na nman ang binibigay ng lalaking ito sa akin. Kapag ginagawa nya yun ay nahuhulog ang puso ko.
Bakit ko ba ito nararamdaman? Siguro malungkot lang talaga ako. At yung mga ngiti nya ay talaga nga namang nakakagamot sa puso ko..
Inalalayan nya kong makaakyat sa kotse nya. Para namang Prinsesa yung trato nya sakin. Wala naman ng mga camera.
"Uy ang O.A ah.. wala ng camera. kahit hindi mo na gawin yan. Sige ka baka mahulog talaga ko sayo"
Nabigla lang ako sa sinabi ko. Napakagat labi ako at napatingin sa reaksyon nya. Nakakahiya . Baka isipin nya ang dali kong makuha. Kagaya ng mga babaeng nakukuha nya..
Tumawa ako ng malakas..
"Haha.. JOke lang"
Umiling iling si Rowell.
"Sus.. akala ko naman totoo na.. kinikilig na ako eh.. " naglabas na nman sya ng cute na dimples .
Bahagyang may lumabas na ngiti sa labi ko pero alam ko naman na ginagawa nya lang yun para maging makatotohanan yung mga susunod pa naming vlog. At ginagalingan naman nya ang pag arte. Kasi paminsan minsan ay nakukuha ng lalaking ito ang atensyon ko. Binubuhay nya yung natutulog na p********e ko.
Habang nasa byahe ay nagkakwentuhan kami ng tungkol sa buhay nya.
Ang mga magulang nya ay nasa America at doon na nkatira kasama ng dalawang kapatid nyang babae. Ang papa nya ay Amerikano, kaya pala may pagkatisoy sya. At Dahil sya ay pasaway na anak ay naiwan sya dito sa Pilipinas at binuhay ang kanyang sarili.
Pinangarap nya din maging artista pero hindi pinalad sa mga auditions.
Kaya napadpad sya sa mundo ng pgvovlog. Habang tumatagal ay nagugustuhan na nya ito. Bukod sa kumikita sya, ay nageenjoy pa sya sa ginagawa nya.
Ang mga tropa nya ring pasaway ang kasa kasama nya sa buhay. Sa iisang condo sila nakatira para mas madali kung may ishoshoot silang video ay magkakasama na sila. Walang nale late sa shooting.
Si Joe ang pinakabestfriend nya at ang madalas na cameraman din. Si Erik at Marco naman mga tumutulong sa kanya mag edit ng mga videos at paminsan minsan ay lumalabas din sa vlog nya. Lalo na pag kalokohan. Kumpleto sila sa video.
Lahat sila makukulit. Lahat sila patawa. Lahat sila masaya at masarap kasama kaya nga madali kong minahal ang barkadahan nila.
Nakarating na kami sa bahay.
"Uy salamat sa paghatid."
"Wala yun.. salamat din.. tuwing sunday pla tayo naguupload ng mga videos. And ang shooting ay Monday or tuesday.. mahirap din kasi magedit. kailangan ng matinding mga effects para hindi boring.."
So next week ulit ha. tatawagan na lang kita..
"Ok sige"
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang papalayo na ang sasakyan nya. One week pa pala bago ulit kami magkita. May pilyang ngiti na lumabas sa akin. napailing na lang ako at pumasok na sa loob.
At syempre nag aabang naman sa loob ang kilig na kilig kong bestfriend at pinipilit akong magkwento.
Kahit pagod ako. Naikwento ko sa knya lahat. ultimo maliit na detalye ng nangyari kanina. Ewan ko ba. ganado akong magkwento ngayon.
Lumipas na nga ang mga araw ay wala pa akong natatanggap na text or call galing kay Rowell. Sa bagay.. trabaho lang naman ang lahat. Ano pa ba ang inaasahan mo Ashley, na kakamustahin ka nya? Para saan? Wala lang ganun?
Padabog kong hinagis ang cellphone sa aking kama.
Maya maya lang ay may tumunog na notification.
Naupload na pala nila yung video..
Dali dali akong umupo at pinanood ang video.
Habang pinpanood ito ay walang pagsidlan yung mga tawa at halakhak ko. Bawat eksena kasi ay nakakatawa. Ang galing pala talaga pag naedit na ito.
May mga eksena pa na kahit ako mismo ay kinikilig. Kasi finofocus sa camera yung mukha ni Rowell. Yung mga tingin nya sa akin na sobrang kakaiba. Na hindi ko napansin nung nagshoshoot kami kasi hindi ko nman sya madalas tignan.
Ang galing ng pagkakaedit at pagkakaarte. Kung ako ay isa sa mga followers.. maniniwala talaga akong mejo nahuhulog sya sa akin.
Agad umakyat sa kwarto ko si Patty. Alam na alam ko na ang sasabihin nya. Alam kong napanood na nya.
"Ayyyyeeeeee!!!! Grabe.. kinikilig ako ha. Infainess parang totoo sya ha. Ang galing grabehh".. sabay hampas sa mga braso ko..
Tinapunan ko sya ng unan at pinaalis na sa kwarto ko..
Pero bakit ganun. May part na masakit. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ano ba ito. Yung puso ko ang lakas ng kabog ng dibdib. Hindi ko alam ang gusto ko. Or ayaw ko lng aminin ang totoo?
Masakit kapag naiisip ko na fake lang ang lahat . Na umaarte lang si Rowell na may gusto sa akin..
Ah. Ano ba tong naiisip ko. Saglit na panahon pa lang kami magkakilala. Hindi pwede ito. Hindi pwedeng mahulog ako sa kanya.