Dumating na nga ang araw ng 2nd shoot namin. Nakakaramdam ako ng excitement sa tuwing magkikita kami ni Rowell.
At gaya nga ng pangako nya ay sinundo nya ako sa bahay para ihatid sa place na pagshoshootingan namin. Pero nagulat ako dahil kumpleto ang barkada sa loob ng kotse.
Hindi ako nakakaramdam ng kaba kapag kasama ko sila. Kahit mga mukha silang hindi mapagkakatiwalaan.
Si Eric ang nagdrive ng kotse. Pagpasok ko pa lang ay naghihiyawan at nagkakantyawan pa ang iba.
Nagtaka naman ako sa mga inaasal nila .
Naupo ako sa tabi ni Rowell. Medyo awkward lang ng feeling.
"So ngayun ashley, ang title ng vlog natin ay I-MAKE OVER NATIN SI ATE GIRL"
bungad ni Rowell
Napanganga ako. Make over? Sobrang pangit ko ba talaga? Hay. Pero pinapaubaya ko na lang sa kanila ang lahat. Mas maalam naman sila kesa sakin eh.
Sa loob pa lang ng kotse ay nagshoshoot na kami..
"Hi mga KapapakBoys! So eto ulit kami, kasama na ang buong tropa. With Ms. Ashley ofcourse. Say Hi Guys!" Paunang bati ni Rowell
"Hi!!!" Sabay sabay na sigaw nila habang pinapaikot ni Rowell sa buong kotse nya ang hawak nyang camera. Nang tumapat sa akin ang camera ay nagbigay lang ako ng isang matipid na ngiti. Camera shy pa rin ako hanggang ngayon. Pero nagulat na lang ako dahil kinurot ni Rowell ang pisngi ko. Lalo tuloy akong nahiya.
"Ayeeeee!" Sigawan pa ng buong tropa
Nakakainis! Ang lakas nilang mang-alaska!
"Kung napapansin nyo mga Kapapaks na nasa car kami. Wow Car??? sosyal huh!"
Nagtawanan ang lahat at nagbatukan sa sinabi ni Rowell..
"Teka. Tama na. So ayun na nga. Pupunta kami sa isang Parlor ngayon--"
Hindi pa nga natatapos ni Rowell ang litanya nya ay binanatan na naman sya ng mga kaibigan nyang loko loko!
"Parlor??? Very 90's naman yan . Lumalabas na edad mo tsong!" Biro ni Marco.
Hindi na maituloy pa ni Rowell ang sinasabi nya dahil nagtawanan na naman sila sa sinabi nito. Para silang baliw . Samantalang ako walang reaksyon.
Hindi makapagsalita si Rowell sa kakatawa pero tinuloy pa rin nila.
"Ano ba.. da-dapat tsong? Wala kasi akong alam sa mga ganyan. its a girl thing you know. Hahha" natatawa pa nitong sabi.
"Salon.. tsong dun tayo pupunta. Yun na tawag dun eh. Bobo." Sabay batok ni Joe sa kaibigan.
Masaya silang pagmasdan. Nakakahawa ang mga tawanan nila pero pinipigilan ko. Bawat linyang binibitawan puro tawanan lang at harutan.
"So eto na nga. Serious na kasi mga tsong, ang gugulo nyo! Pupunta nga tayo sa isang SALON.. o ayan ha tama na yan.. happy na? Happy na kayo guys? " pigil na tawa nito.
Halos mamula ang pisngi ni Rowell sa pagpigil ng kanyang tawa. Natatawa sya sa sarili nyang kagaguhan.
"Pupunta nga tayo doon para I-make over si Ate Girl .. woohh" sigaw pa nya
Nakafocus sakin ang camera at sumesenyas sila na ngumiti ako. Pero ako? Ngiting aso ang ginawa ko.
"So ayun tignan natin kung may magbabago ba sa kanya after nito. Maganda naman si Ms.Ashley. pero try natin kung anu magiging itsura nya after ng make over. So mga kapapakz, Arat na!" dagdag pa nito
"Ashley, di ba uso foundation or lipstick sa inyo? Halika at ipapakilala ka namin sa knya! Lets Go!" Pang aasar pa ni Marco
Napanguso ako sa mga pang-aasar ni Marco. Alam ko namang wala akong ganda kaya hindi na kailangan pang ipangalandakan. Hindi ako mahilig mag-ayos ng sarili dahil nga nauubos ang oras ko noon sa pag-aasikaso kay Matteo. Nagsimulang balutin muli ng kalungkutan ang puso ko. Naalala ko na naman ang masakit na pinagdaanan ko kay Matteo.
Nakarating na nga kami sa isang Sikat na salon. Sa totoo lang ay first time ko talaga ito. Hindi pa ako nakakapasok sa mga Salon para magpaayos . Haircut lang ang pinapagawa ko dito at wala ng iba..
Sinet up na nila ang camera habang ako ay inaayusan ng isang staff doon..
Habang inaayusan ako ay nakafocus sa akin ang camera. Para makita ang step by step na ginagawa sa akin.
Inayos nila ang aking buhok. Dahil sa natural na kulot ito ay ginupitan nila ito ng straight cut na hanggang sa ibaba ng tenga. Sa nakikita ko ay medyo bumata ako sa ganitong gupit.
Inayos din ni Mother ang kilay ko na first time maTrim. Masakit ito. Parang gusto kong umiyak sa sakit. Sabi nia maganda ang kilay ko dahil makapal ito kaya madaling ayusin.
Next naman ay ang paglalagay ng Make up. Nagrequest si Rowell na light make up lang para lumabas pa rin ang aking natural na ganda. Sus, wala naman akong ganda since birth eh. Pero sinunod na lang sya ni Mother, light make up lang ang iponahid nya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang bawat brush na pinapahid sa mukha ko. Para bang pinipinturahan ito. Nakakakiliti. At ang huling inilagay ay yung matte lipstick. Nude ang kulay nito for natural look lang .
After nito ay nakita ko sila na nakanganga at nabigla sa resulta. agad akong napatingin sa salamin baka may mali sa itsura ko. Baka ginawa akong panghallooween ni Mother!
"Ang ganda naman pala ni Ashley, kulang ka lang talaga sa ayos!" Wika ni Mother
Pero Kahit ako ay namangha. Ako ba talaga ito? Malayong malayo sa itsura ko noon lalo na kapag sabak sa gawaing bahay. Kahit pagsusuklay ay di ko magawa. Kahit kaunting powder or anu man ay wala akong nilalagay sa mukha ko. Kaya ang tingin nila sa akin or kahit na sarili ko pa , ay hindi maganda..
Pero kaunting ayos lang pla at light na make up ay gumaganda pala talaga ang isang babae.
Sabi ni mother dapat alagaan ko daw ang mukha ko. Madami daw products na mgaganda lalo na ung mga rejuvenating sets. Pampaglow ng skin. Hindi ko alam kung magagawa ko iyon. Wala naman kasi akong hilig sa mga ganyan.
Ibinigay sa akin ni Rowell ang isang paper bag.
"Oh anu nman ito"
"Isuot mo yan. Alam kong babagay sayo yan." Nahihiyang sabi nito.
Natawa ako sa reaksyon nya. Pero sinunod ko na lang sya at sinuot ko ang damit na binigay nya.
Isang skinny jeans na black na tinernuhan ng white sleeveless. Bumakat ang kurba ng katawan ko. Kahit hindi ako nagwowork out ay maganda pala ang hubog ng katawan ko. Hindi naman kasi ako tabain.
Bumagay pa dito ang stelletos na sapatos. Kung titignan ay ibang iba na ang itsura ko .Puro kasi tshirt , maong pants at rubber shoes ang mga damit ko kaya lalo akong napagkakamalang alalay ni Matteo.
Pero kapag suot ko ito ay ramdam na ramdam ko ang pagiging babae ko.
Nang lumabas ako ng dressing room ay nakaabang na pala silang lahat sa akin.
Para bang tumigil ang mundo kay Rowell. Hindi nya maalis ang mata nya sa akin. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa. Sa huli ay napasabi sya ng "Wow!"
Nahihiya akong naglakad papunta sa kanila. Nakangiti ako habang marahan akong umikot ikot upang makita nila ang kabuuan ng make over sa akin. Walang nagsasalita sa kanila. Lahat ng kanilang mga mata ay nakatuon sa akin. Para bang ngayon lang sila nakakita ng babae sa reaksyon nilang iyon. Ang weird nila huh!
Natapos ang pagvlog namin at syempre gaya ng inaasahan ko ay masayang masaya na naman ako. Pinasaya na naman ako ng PapakBoys.
Inihatid muli ako ni Rowell sa bahay. Inalalayan nya akong bumaba. Hindi pa rin sya nagbago. Ganun pa din gaya nung una kaming nagkakilala. Napakasweet at gentleman pa rin nya.
Nakatitig lang sya sakin na para bang namamangha pa rin .
"Huy! Ano ba nangyayari sayo. Ako lang to ha! " biro ko sakanya.
Natawa na lang sya at lumabas na naman yung mga dimples nya na kanina ko pa inaantay.
"Wala, na amaze lang ako. Sobrang ganda mo pala. Well di ko sinasabi na di ka maganda dati ah. Mas lalo lang lumabas yung ganda mo ngayon.."
Umihip ang malamig na hangin at napahawak ako sa mga braso ko. May kakaibang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko papunta sa aking puso dahil sa mga sinabi nya.
"So ano? Pasado na ba ko sa list mo? One night stand" biro ko..
Pero yung biro ko ay hindi pala nakakatawa para sa kanya. Parang tanga lang. Parang baliw ganun.
Umiling iling si Rowell sa akin. Hinawakan nya ang mga kamay ko. Malamig ang kamay nya. Baka dahil na din sa lamig ng panahon. Pero habang tumatagal ay umiinit ang mga ito. Pinisil pa nyang mabuti ang mga kamay ko. Nagdulot iyon ng matinding kuryente sa buo kong katawan.
"Hindi ka ganong klase ng babae. Yung mga tipo mo ang dinadala sa altar. Hindi pangKama lang okay?"
Nagulat ako ng halikan nya ang mga kamay ko.
Teka. Kasama pa ba ito sa pagpapanggap. O ginagawa nya lang ang mga ito para maging totoo kami kapag lumalabas kami sa mga video.
Rowell Fajardo, ano ba? Tigilan mo na yan. Unti unti na akong nahuhulog sayo .
Lumipas ang araw, buwan at marami pa kaming ginawang mga vlogs. Tinawag kaming AshWell love team. Umaabot sa 20million views ang mga ginagawa naming video. Hindi ko alam kung saan namin nakukuha ang mga viewers namin , pero unti unti na rin kaming nakilala.
Kapag nagmamall kami ay may nagpapapicture sa amin. Feeling artista na rin kami sa mga ganitong eksena. Marami ang nagmamahal sa love team namin na nagsimula sa Go Tube.
Hindi na rin ako naiilang sa kanila. Yung mga patawa at banat nila ay unti unti kong natutunan. Kahit hindi nila ako itext or tawagan basta gusto ko pumunta sa condo nila ay malaya ko ng nagagawa. Minsan pinapanood ko din kung paano nila iedit ang mga videos namin. Madami akong natutunan sa kanila .Sila yung mga naging tunay kong kaibigan at sandalan simula nung iwan ako ni Matteo. Masayang masaya ang puso ko kapag kasama ko ang buong tropa!
Isang araw nagpasya ako na pumunta sa condo nila. Sosorpresahin ko sila at ipagluluto ng masarap na lunch.
Nung nagdoorbell ako ay si Eric ang nagbukas ng pinto. Laking gulat nya sa akin. Para namang may iba kay Eric ngayon, nagulat pa sya sa presensya ko. Hindi pa ba sya sanay na araw araw akong nandito sa condo nila
Dere derecho ako sa kusina nila para ilatag yung mga pinamili ko.
"Anong ginagawa mo dito? " gulat na tanong ni Eric
"Bakit ka ba nagugulat eh lagi naman ako nagpupunta dito basta gusto ko."
Habang hinahanda ko ang mga lulutuin ay lumabas na si Joe at Marco sa kwarto nila.
"Si Rowell tulog pa ba?" Masaya kong bati sa kanila.
Nakita kong napahilamos sa kanyang mukha si Joe. Para bang may malaki syang problemang itinatago. Tila ba nababalot ng kaba at takot ang puso nya!
Nagtataka ako sa kinikilos nila. Para bang kinakabahan silang lahat. Ang weird na naman nila.
"Ano bang nangyayari sa inyo?"
Binato ko ng unan si Joe. Pero lahat sila ay walang imik. Hindi tumatawa at lahat sila seryoso.
Maya maya pa ay laking gulat ko ng may lumabas na isang sexy at napakagandang babae sa kwarto ni Rowell.
Hindi ako makapagsalita. Sumikip yung dibdib ko. Siguro kaya pala sila nagulat sa akin nung bigla na lamang ako pumunta sa condo nila ay dahil may itinatagong babae si Rowell sa kwarto nya.
Naiinis ako sa nararamdaman ko. Kapareho kasi nito yung naramdaman ko nung time na umamin sa akin si Matteo na girlfriend na nya si Andrea. Bakit ang sakit? Sobrang sakit!
"Oh. Hi Ashley" bati sa akin ng babae at nakita ko na masaya ito na nakita nya ako.
Pero naiirita ako sa kanya. May kaunting inis akong naramdaman sa babaeng ito!
"Idol na idol ko talaga kayo ni Well eh.. grabe kahit ako kinikilig." Wika pa ng babae
Napangiwi ako. At talagang Well ang tawag nya kay Rowell , it means sobrang close nila.
Nagbigay ako ng matipid na ngiti sa babae.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagluluto ko at hindi ko na sila pinansin pa. Pero yung sakit sa puso ko ay nandito pa rin eh.
Mas lalo pang bumigat ang nararamdaman ng puso ko. Teka bakit ba ganito nararamdaman ko? Magkaibigan lang kami ni Rowell at alam ko naman nung una pa lang na babaero na sya. Ano pa ba ang nakakapagtaka doon?
Nakita ko na nagbubulungan ang tatlong mokong na para bang gusto nilang itago pa sakin ang lahat ng ito.
Maya maya pa ay lumabas na si Rowell. Nakaboxer shorts lang ito at pinagpapawisan. Hindi ko maiwasang tumingin sa maganda nitong katawan. Hindi ko rin maiwasang itanong sa sarili ko kung ano ang ginawa nila sa loob ng kwarto.
Agad naman akong binati ni Rowell.
"Oh Ashley, nandito ka pala? Magkakilala na ba kayo ni Mitch?"
Hinatak nya ang babae at inakbayan ito. Kinagat kagat pa nya sa ilong ang babae.
Sa harap ko pa talaga sila naglandian? Halos madurog ang puso ko sa pinaggagawa nila sa harapan ko. Napatalikod ako sa kanila at pinagpatuloy ang pagluluto ko. Hindi ko na nga alam kung nalagyan ko na ba ng asin, patis o toyo ang niluluto ko. Wala na ako sa wisyong magluto!
Parang gusto kong bumagsak sa kinatatayuan ko. Bigla akong nanghina. Ano ba tong nararamdaman ko?Ganitong ganito talaga yung naramdaman ko nung sinabi ni Matteo na nahuhulog na sya kay Andrea. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko.? Magkaibigan lang kami ni Rowell at kung may nagugustuhan syang ibang babae ay dapat na suportahan ko sya-- dahil magkaibigan kami!
Nagpaalam na yung babae sa amin. Kitang kita ko pa rin kung gaano kasweet si Rowell sa babae na yun. Inihatid pa nya sa labas si Mitch na syang lalong nagpabigat ng damdamin ko.
Kinausap ko ang tatlo kung sino ba yun at kung saan nya nakilala yun.
"Tropa din namin yun si Mitch!" Kabadong paliwanag ni Joe
"Tropa lang? Doon natulog sa kwarto ni Rowell?"
Nanginginig ako at gumigilid na ang luha ko.
Maya maya pa ay dumating na si Rowell.
"Oh anong nangyayari dito bakit ang tatahimik nyo?"