bc

Destiny Book 5: Jordan Bianchi

book_age18+
613
FOLLOW
5.2K
READ
family
friends to lovers
pregnant
dare to love and hate
drama
comedy
sweet
bisexual
childhood crush
passionate
like
intro-logo
Blurb

Half Italian si Jordan Bianchi. Pangalawa sya sa magkakapatid. Sya ay isang baklang borta. Gwapo, matipuno ang katawan at habulin ng mga babae, ngunit may pusong babae rin.

Masaya ang kanyang buhay pag-ibig sa kanyang boyfriend for 5 years na si Paolo.

Madalas syang sumali sa mga Gay beauty contest at naiuuwe nya ang korona. Bukod sa kanyang pamilya ay suportado din sya ng kanyang bestfriend na si Marian.

Ngunit gumuho ang kanyang mundo nang malaman na nabuntis ng kanyang boyfriend ang bestfriend nyang si Marian. Labis na sakit ang dinulot nito sa puso nya.

May lugar pa ba sa puso nya ang pagpapatawad para sa kaibigan nya na ayaw nyang amining napamahal na sa kanya?

Tunghayan ang nakakatawa at nakakabaliw na kwento ni Jordan at Marian.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Pinagmamasdan ko ang kagandahan ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Sobrang ganda ko talaga! Kung naging babae siguro ako ay mas maganda pa ako sa kapatid kong Koreana at sa maarteng tisay na kumain ng gluta na si Kate. Pinisil pisil ko pa ang pisngi ko.. “Ganda mo!! Ganda!! Wohoo!!" sabi ko. Marahan kong hinawakan ang labi ko. Napapikit ako.. Dinama ko ang perpektong hubog ng labi ko.. Nang bigla akong may naalala.. Bumilog na parang holen ang mga mata ko sa aking naalala . Kinilabutan ako! Napaurong ako sa tapat ng salamin. Nagdive ako sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Mababaliw ako sa naalala ko. Shutang ina! Naghalikan nga pala kami ni Marian kagabi.. Si Marian Smith. Yung bestfriend kong half British, Yung babaeng lokaret na pantasya ng bayan. Lalo na ni Kuya Leighton. Pantasya nyang tikman. Hindi ko lubos maisip na nadampian ng labi nya ang mga labi kong para lang sana sa Boyfriend kong si Paolo. Shuta?? Nagtataksil na ako sa jowa ko?? Hindi maaari, loyal ako eh. Loyal na loyal ako. Hindi ako tumitingin sa ibang mga lalaki. Si Paolo lang ang laman ng puso at isip ko. Pero bakit parang nag-iba ang ihip ng hangin ng halikan ko si Marian?? Bakit? Nandidiri ako sa sarili ko. Isa na ba akong tomboy?? Natitibo na ba aKo? Naalala ko kasi nung hinalikan ko sya, biglang nabuhay si “Garnet” (tawag ko sa malaki at mahaba kong alaga na nasa loob ng aking briefangga). Pero bakit nagugustuhan ni Garnet ang paghalik ko kay Marian? Isa na talaga akong Shibuli boom boom Paw? NO Way, Hi way!! Ayoko nang uminom. Ayoko na ng alak. Isinusumpa ko na ang kahit anong nakalalasing na inumin. Mas mabuti pang layuan ko muna ang Bestfriend ko. Peri kaya ko kaya na lumayo sa kanya? Bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama? Tumayo na ako sa aking kama nang bigla kong narinig si Mama. “Sige Marian pasukin mo na sa kwarto nya. Gusto ko paglabas mo buntis ka na ha!” biro ni Mama Emz. Naku ang Nanay kong ito talaga, nangangarap pa rin na magkatuluyan kami ni Marian. Baka magtatalon sa tuwa si Mama kapag nalaman nyang naghalikan na kami ng babaeng haliparot na to!! Nakasandal ako sa pader at nagtatago ako dahil alam kong papasok na sya sa aking kwarto anumang oras. Sinilip ko pa sa maliit na awang ng pinto ang bruha kong bestfriend. Naku! Gaya ng inaasahan ko nakasuot na naman ng miniskirt at tube ang babaeng ito. Gusto talaga magpagahasa?? Nakita kong lumabas si Kuya Leighton sa kwarto nya. Napasipol ang babaero kong kapatid nang makasalubong si Marian at parang hinuhubaran nya ng tingin ang bestfriend ko. Aba! Talaga 'tong kapatid kong manyakis ang tinik talaga sa chicks. “Good morning sexy Marian. San punta mo?” bati ng kapatid kong ma-el! “Sa kwarto po ni Jordan, Kuya..” sagot naman ng hitad kong bestfriend “Aray naman! Dalawang taon lang naman ang tanda ko sayo.. ikaw talaga oh!” pagpapacute ng kuya kong mukhang tanga. Kinurot pa nya ang tagiliran ni Marian. Napaurong ang bestfriend ko nang tumama ang daliri ni Kuya Leighton sa maliit na beywang ng bestfriend kong baliw! Para-paraan talaga ang kapatid kong ito!! “Si Jordan ba hanap mo? Nasa kwarto ko sya. Halika samahan kita don..” pang-aakit ng kuya kong malandi. Sumusobra na talaga ang lalaki na to!! Nakita kong hinawakan ni Kuya Leighton ang kamay ng bestfriend ko at hinatak papasok sa kwarto nya. Nagmamadali pa si Kuya na para bang tirador ng baboy sa palengke. Nakaramdam ako ng inis nang makita ko ang ginawa ni Kuya. Agad kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at mabilis kong hinatak ang kamay ni Marian. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras nang mapalingon sya sa akin at unti unti syang nahulog sa mga bisig ko. Nabitawan na rin sya ni Kuya Leighton kung kaya yakap ko na sya ng buong buo. Nagkatitigan kami ni Marian. Napalunok ako nang makita ko ang kagandahan ng mukha nya. Ganun pala talaga kaganda ang bestfriend ko? Parang diyosa! Para akong naestatwa nang pakatitigan ko pang mabuti ang kabuuan ng kanyang mukha. Naramdaman ko ang pagkabuhay ni Garnet! Shutang ina? Bakit ko ba nararamdaman to ngayon sa bestfriend ko. Bigla kong binitawan si Marian kaya napasalampak sya sa sahig. “Aray naman beshy! Bitawan daw ba ako?” pagrereklamo nya Parang si Superman na sumaklolo ang kapatid kong manyak. “Ano ka ba Jordan, pag-ingatan mo naman ang ganito kagandang binibini!” sabi ni kuya habang inalalayan ang bestfriend ko. Pinagpag pa nya ang miniskirt ng bestfriend ko. Para-paraan talaga makahipo! Tinarayan ko si Marian, Naiinis ako sa kanya dahil madali syang nauuto ng kapatid kong fuc.kboy! “Ikaw namang babae ka! Ang dali mong maniwala. Talagang sasama ka sa kwarto ng kapatid kong to?? Gagahasain ka lang nyan. Alam mo naman ang hilatsa ng pagkatao nyan di ba? Mag isip ka nga!” galit nag alit na sabi ko Napakamot sa ulo ang Kuya ko. “Naku magdadramahan na naman kayo. Bahala kayo dyan. Babye!” sabi ni Kuya at tinalikuran na nya kami. Bumaba na ang loko para siguro kumain ng agahan. Naiwan kami ni Marian. Nakacross ang mga braso ko sa aking dibdib na simbolo ng matinding pagkairita ko sa kanya. Hinatak ko na sya sa aking kwarto. Naupo kami sa aking kama. Sumandal ako sa head board ng kama ko. Nakaarko pa rin ang kilay ko habang pinagmamasdan ko sya. Tahimik lang kaming dalawa. Walang gustong mauna magsalita. Nang bigla ko na namang naalala ang matinding halikan na ginawa namin kagabi. Shuta! Biglang naging awkward ang moment na to! Nagulat ako nang hawakan nya ang mga kamay ko. Parang may matinding kuryente ang idinulot ng paghawak nya sa akin. Ano ba ang gusto nitong babae na to? “Beshy.. galit ka ba sa akin. Sorry na. Hindi ko lang napigilan talaga kagabi eh. Lasing na lasing na ako!” sabi nya Yumakap sya sa akin ng mahigpit gaya ng lagi naman nyang ginagawa sa akin. Sobrang sweet din naman kasi sa akin ng bestfriend kong ito eh. Pero nakakainis talaga sya kapag nalalasing, Kung wala ako sa tabi nya ay malamang na nagahasa na sya. Hindi na nya alam ang mga ginagawa nya. Buti na lang at lagi akong nasa tabi nya. “Huwag na huwag kang iinom nang hindi mo ko kasama! Kilalang kilala na kita! Hindi mo talaga kaya ang sarili mong haliparot ka!” sabi ko sa kanya. Binatukan ko sya para magising sya sa katotohanan. Napanguso sa akin ang bestfriend kong maganda. “Aray ha nakakailan ka na sa akin.. pero alam mo.. ang galing mo pala humalik.. nagustuhan ko” sabi ni Marian. Bigla akong nandiri sa mga sinabi nya sa akin. Bigla ko ulit naalala ang nakakasukang pangyayari sa amin kagabi. “Eww! Tigil tigilan mo nga ako! Kapag yan kumalat, sinasabi ko talaga sayo kakalbuhin kita! Nakakahiya! Ano na lang ang sasasbihin sa akin ng mga sisteret ko?? Na tumiwalag na ako sa grupo?? Nakakahiya!!” “Diring diri ka sa akin? Talo ka pa ba?? Eh yung kuya mo nga lagi ako pinagpapantasyahan eh. Patulan ko na rin kaya sya?” sabi ni Marian Biglang nagpantig ang tenga ko sa mga narinig ko sa kanya. Nagbibiro ba sya o nang-aasar?? Hindi ko rin alam ang nararamdaman kong ito? Pero naiinis talaga ako. Parang may kurot ng pinong pino sa puso ko. Ang sakit eh! Tagos sa puso ang biro nyang iyon. “Bahala Ka!!” tinapunan ko sya ng unan at nahiga na lang akong muli sa aking kama. Mula nang sabihin nya yun ay nawala na ako sa mood. Nakakainis sya! Naiirita ako sa kanya! Tinusok tusok ni Marian ang pisngi ko. Aba! Nang-aasar talaga ang babae na to? Tusukin ko kaya ang kipay nya ng mangisay sya dyan. “Ano ba tigilan mo ako!” pagkairita ko sa kanya. Pero niyakap nya ako ng pamatay nyang powerful hug! Yung mga yakap nya na nakakagaan ng loob. Ang sarap lang sa pakiramdam habang yakap nya ako. Siniksik pa nya ang mukha nya sa kili kili ko. Ang hilig nyang mang amoy ng kilikili. Butinat lagi akong fresh at mabango. “Di ka na mabiro beshy! Alam ko naman ugali ng kuya mo eh! Don’t worry sayo lang ako!’ sabi nya Mas ikinagulat ko ang mga sinabi nya. Nabingi lang ba ako sa sinabi nyang sa akin lang daw sya?? “Anong akin ka lang?” tanong ko Dalawang beses kumurap sa akin ang bestfriend ko. Nakita ko din ang paglunok nya na tila ba kinabahan sa mga tanong ko.. “Ah.. Eh. Wala. Eto naman. Joke lang yun! Sayo lang ako. Bestfriends tayo di ba? kaya lahat ng sinasabi mo ginagawa ko, kaya sayo lang ako.. Sayo lang ako susunod.” Paliwanang nya. Napatango ako sa kanya na nakaarko pa rin ang mga kilay ko. Siguraduhin nyang iyon lang talaga ang ibig sabihin nun. Pakiramdam ko kasi ay may gusto sya sa akin eh.. Oh No?? ano ba ang naiisip ko? Bestfriend ko sya. At hindi pwedeng magkagusto sya sa akin dahil.. pareho kaming babae. Kinagat ko ang daliri nya na lagi kong ginagawa. At gaya dati ay namilipit sya sa sakit. “Masyado ka!! Mapanakit ka talagang bakla ka!!” sigaw nya sa akin Umapaw ang mga halakhak namin nang mga oras na iyon. Napahiga sya sa aking dibdib na madalas naman nyang gawin kapag nandito sya sa kwarto ko. Tumitig ako sa mga mata nya. “I love you..” sabi ko Ngumiti sya sa akin. Sobrang ganda talaga ng mga ngiti nya.. “Love you too.. beshy..” sabi nya Ganito kami palagi ni Marian. Harutan. Inisan. Kulitan at barubalan. Sya ang bestfriend kong mahal na mahal ko. At dahil sa isang halik na nangyari sa amin kagabi ay para bang may pagbabago na sa nararamdaman ko sa kanya. Ewan. Parang mas naging espesyal. Ako si Jordan Bianchi. Italyano ang tatay ko. Pangalawa ako sa magkakapatid at may pusong babae. Nalaman nila mama Emz at papa Edz ang tungkol sa pagkatao ko nung elementary pa lang ako. Akala ko ay hindi nila ako matatanggap pero sobrang saya ko kasi sinusuportahan pa nila ako sa kung anu mang tahakin ko sa buhay. Gaya ng pagsali ko sa mga gay beauty pageant? Ay Day! Push na push ang pamilya ko dyan. Talagang todo suporta pa sila sa akin. By the way, gaya ng mga kwento ng iba kong kapatid. Umibig si Mama sa tatay kong Italyano. Dahil sa dakilang tanga si Mama ay pinangakuan sya nito na pakakasalan pag-uwe sa Pilipinas. Pero nang umuwe si Mama sa Pilipinas kasama ako, ay nawalan na sila ng komunikasyon ng Tatay ko. Tanga lang noh?? Di pa nakatunog si Mama na pinagtatabuyan na sya ng tatay ko kaya pinapauwe na sya ng Pilipinas. At naulit pa ng tatlong beses ang katangahan nya sa lalaki. Kaya naman isinilang ang mga kapatid kong sina Liza Park, half Korean. Si Migz Montecastro half Spanish at pinakamaarte naming bunso na si Marikit Kantout, half Luxembourgers. Nakakaloka ang apelyido nya. Bagay lang sa kanya yun, dahil napakaarte nya. Ayan tuloy ang laswa ng apelyido nya! Pero mabuti na lang talaga at nakilala ni Mama Emz ang Papa Edz namin. Bukod sa mahal na mahal nya si mama ay tanggap pa nya kaming mga anak nya. Saludo ako kay Papa. Bumaba na kami ni Marian sa kusina para kumain ng almusal. Laging nasa bahay si Marian kaya minsan sawang sawa na ako sa pagmumukha nya! “Hi ulit sexy!” bati na naman ni Kuya Leighton. Mapang akit na kumagat ng pandesal ang kuya ko habang nakatingin sa bestfriend ko. Dinampian ko ng malapad kong kamay ang noo ng kapatid kong hayok sa bababe. Halos mabilaukan si Leighton sa ginawa ko. Hinatak ko si Marian sa kabilang side ng lamesa kung saan malayo sa kapatid kong panganay. “Todo makabakod si Kuya Jordan kay Ate Marian ah. Kala mo naman jowa nya!!" pang aasar ng kapatid kong uminom ng gluta, si Kate. Agad kong hinatak ang tenga ng kapatid kong chismosa. Ginantihan nya ako ng batok. Hindi talaga nagpapatalo ang isang ito oh! Nakita ko ang kislap sa mga mata ni Mama at Papa. Ano na naman ang gusto nila?? Ang jowain ko talaga ang bestfriend ko? Hindi pwede!! Hindi ko kaya. “Maghintay lang kayo, malay nyo si Marian talaga ang makatuluyan ng kuya nyo!” parang kinikilig na sabi ni mama Nagsalubong ang kilay ko sa mga sinabi ni mama. Ayaw talaga nila akong tigilan?? “Naku Jordan.. Paliligayahin mo kami pag nangyari yan!” sabi pa ni Papa Napakamot ako sa batok ko. Ang kukulit ng mga pantog ng mga to! Sinabi nang hindi kami bagay ni Marian. Magkaibigan lang kami. “Bakit nyo ba ako ginagawang tomboy?? “ sabi ko “Bago sya mapunta kay Jordan pwede sakin muna” biro na naman ni Kuya Leighton Agad syang kinaltukan ni Migz. Aba. Nagulat ako sa ginawa ng kapatid kong hindi na umiimik simula ng mamatay ang girlfriend nya. How sad? “kuya, pwede ba magtino ka na! Magmahal ka naman ng totoo!” sabi ni Migz. Sumeryoso ang paligid sa sinabi ni Migz. Ang lalim talaga ng mga hugot ng kapatid ko. Naging malungkutin na sya simula nang mawala ang jowa nya. Pero ang tagal na nun. Three years na ata, hindi parin ba sya nakakamove on?? Nagwalk out ang kapatid kong si Migz. At syempre to the rescue ang kapatid naming perfect sa pagiging mabait na si Liza. Nariyan sya sa aming lahat para maging sandalan kapag may problema kami. Love na love ko ang sisteret kong to eh.. “Oh sya. Kumain na kyao. Huwag nyo na muna pansinin ang kapatid nyo. Intindihin nyo na lang muna sya.” Sabi ni Mama “Balik tayo sa usapan. Jordan wala bang pag-asa si Marian? Ke ganda ganda iniisnab mo?” sabi ni Papa Gusto kong iluwa ang hotdog na nginunguya ko sa tanong ni Papa “Pa, bakit ba laging ako?? Natanong nyo na ba si Marian kung gusto nya ako?? Syempre hindi nya ako magugustuhan di ba kasi pareho kaming babae! Tumigil na nga kayo!” sabi ko Pero nakita ko na naman ang magagandang ngiti ni Marian sa akin. Parang tanga talaga. “Nandito lang naman ako palagi eh.. naghihintay!” sabi ng bestfriend ko Umawang ang labi ko sa mga sinabi nya! Raulo to ah. Pinagtitripan ba ako netong babaeng hitad na to?? “Boom!” sabi ni Kuya Leighton Kaya naman si mama panay ang hampas sa mga braso ni Papa. Tuwang tuwa at kilig na kilig sila sa sinabi ni Marian. Para silang tanga! Nagjojoke lang naman si Marian. Nagbibiro lang ang bestfriend ko para mapasaya sila nito. Napalingon ako sa bestfriend ko. Nakita ko ang pamumula ng mga pisngi nya.. Parang ang bagal bagal ng oras habang tinitignan ko sya.. bawat hawi nya sa kanyang buhok ay parang kay bagal bagal.. Ultimo maliit na detalye ng kanyang ginagawa ay kitang kita ko.. Ahh!! Ano ba ang ginawa sakin ng bestfriend ko?? Hindi pwede! Hindi ako pwede maging tomboy!!! Shuta kayo!!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.5K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
453.3K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.8K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook