Chapter 2

2183 Words
Sumali ako sa isang prestigious pageant para sa mga baklang borta na sobrang ganda kagaya ko, ang Amazing Gay Beauty Pageant. Ito ay para sa mga baklang itsurang lalaki. Yung hindi mo aakalaing badidang pala dahil sa naglalakihan ang katawan at sabayan pa ng gwapong mukha. Pak! Syempre, suportado ako ng pamilya ko. Aligaga sila sa lahat ng mga kakailanganin ko sa contest na iyon. Si mama Emz panay ang tanong, kung ayos na daw ba ang mga gagamitin ko? Yung costumes na isusuot ko? Yung sapatos? Kaloka si Mother earth dahil mas sabik pa sya kesa sa akin. Push!!! “Anak galingan mo ha, proud na proud kami sayo” sabi ni mama Ang sarap naman pakinggan ng lahat ng sinabi ni Mama. Mas lumalakas ang loob ko dahil alam kong tanggap ako ng pamilya ko. Hindi ko kailangang itago ang totoo kong pagkatao. Dahil aminin natin na sa lipunang ito ay kakaunti pa rin ang tumatanggap sa mga kagaya naming nasa LGBT community. “Anak, nariyan na yung jeep na inarkila natin. Pwede na tayong umalis at baka mahuli ka pa sa contest mo.” Sabi naman ni papa Umarkila pa sila ng jeep para lang makarating kami sa event place ng pageant. Gusto kong malunod sa naguumapaw nilang suporta. Niyakap ko ang mga magulang ko at hinalikan ko sa kanilang mga noo.. “Salamat Father at Mother Earth.” Sabi ko Pumasok sa loob ng bahay si Kuya Leighton at binuhat ang box ng mga costumes ko. “Itong box na to ilalagay ko na sa jeep ha.. Alin pa ba ang mga dadalhin?” tanong ng kuya ko Halata ko ang munting pawis sa noo nya dahil sya lahat ang nagsalansan ng mga gamit ko. "Yung malaking bag pa Brother, nanjan kasi ang mga make up at sapatos ko. Salamat.. love you” sabi ko Nandiri ang kapatid ko at nginusuan nya lang ako. Kitang kita namin ang naglalakihang muscle ng kapatid ko ng buhatin ang malaking box. “Love you mo mukha mo, may bayad to ha!!” sigaw nya Napaismid ang mukha ko sa sinabi ni Leighton. “Ay ang taray!! akala ko pa naman bukal sa puso at apdo mo ang pagtulong sa akin?? Hayaan mo kapag nanalo ako, ililibre ko kayo papunta sa NORWAY!!” sigaw ko Lahat ng kapatid ko ay napatingin sa akin, Si Kuya Leighton, halos pasukan ng langaw ang bibig sa laki ng awang nito. “Wow kuya! Totoo? Sa wakas makakapunta na rin ako sa ibang bansa” excited na pagkakasabi ni Kate. Hindi ko mapigilan ang mga tawa ko sa kanilang naging reaksyon. Isa isa nila akong pinalibutan.. Pero kailangan kong putulin ang kanilang kasiyahan. “Joke!!! “ bulalas ko sa kanila Parang naglaglagan ang mga balikat ng mga kapatid ko sa huling sinabi ko. Gusto kong putulin ang nguso ni Kate sa sobrang haba nito. Napasalampak tuloy sya sa sofa. Aba maldita talaga. Hindi na nga sya nagsabi ng goodluck sa akin ay ganyan pa ang inaasta nya. Wala talaga, puro kaartehan lang ang alam! “Kayo naman, di na mabiro! Oh eto na lang.. basta manalo matalo, magdidinner tayo sa labas. Yun lang ang mapapangako ko sa inyo!” bawi ko sa kanila Niyakap ako ng kapatid kong koreana. Naku! Lagi namang ganito kalambing ang sisteret kong ito. “Okay na yun kuya Jordan, mas masaya nga na magkakasama tayong magdinner sa labas eh.. Good luck..” Buti pa talaga ang kapatid kong si Liza, walang kasing bait, sya yung kapatid na papangarapin ng lahat. Parang walang bahid kasalanan ang babaeng ito. “Ah, your so sweet talaga kapatid!’ sabi ko At bigla na lang akong tinapik ni Migz sa likuran “Goodluck Bro!” si Migz na bugnutin. Mas lalo akong natouch sa sinabi ng kapatid kong si Migz. Unti unti yata ay nakakamove on na sya sa pagkawala ni Angel.. “Hoy!!! Ano pa hinihintay nyo?? Baka mahuli pa tayo!!’ sigaw ni mama Emz nang pumasok muli sa bahay namin. Kanina pa pala sila naghihintay ni Papa sa may jeep, puro pa kasi kami biruan ng mga kapatid ko. Parang pinausukan ang mga pwet namin, sa pagmamadaling lumabas ng bahay. Agad na binuhat ni Migz ang iba ko pang mga gamit. Nagmadali na kaming lumabas at walang pagsidlan ang kasabikan at kaligayahan ng puso ko. Sobrang ingay.. Sobrang gulo.. Sobrang kulit ng mga kapatid ko habang sumakay na kami sa jeep na inarkila ni Papa. Habang pinagmamasdan ko ang pamilya ko, pakiramdam ko ay panalong panalo na ako. Sa ganitong klaseng pamilya, wala na ako mahihiling pa.. “Oyyy!! Marian, sumabay ka na dito oh,!” tawag ni Papa Biglang dumagundong ang puso ko sa loob ng ribs ko. Shuta.. bakit ba ako nagkakaganito??? Sinilip ko sya sa may bintana. Aba! Pinaghandaan ng bruha. Nakaoff shoulder dress sya at litaw na litaw ang natural nyang ganda. “Sumakay ka na dito! Wag ka nang aarte arte dyan!” bulyaw ko sa kanya. Marahang kumembot kembot ang bestfriend ko at sumakay na sa jeep. Nag-urungan ang mga kapatid ko at nagbigay ng espasyo sa tabi ko. So no choice sya, kundi ang tumabi sa akin. “Hi Marian!” pagpapacute na naman ni Leighton Pero ang bruhang Marian, naghawi ng buhok at malagkit na ngumiti sa kuya ko. “Hello po Kuya!” sabi nito Ang lakas ng tawa ng iba kong mga kapatid lalo na ang mapang-asar na si Kate. Maging si Mama ay natawa sa sinabi ni Marian. “Ayan na-Kuya zone ka tuloy! Tigil tigilan mo na kasi si Ate Marian, di ka nyan papatusin!!” sabi ni Kate Napahilamos sa kanyang mukha si Leighton at umiling iling na lang. At ako?? Ngiting tagumpay dahil hindi na naman nakapuntos ang kapatid ko sa mala Diyosa kong bestfriend. Nakita kong tumataas ang suot na dress ni Marian kaya panay ang sipat ni Leighton sa makikinis na legs ng bestfriend ko. Kinuha ko ang jacket ni Kuya Wil sa aking bag at ipinatong sa legs ni Marian. Nakita ko ang pagkadismaya ng kuya Leighton ko sa ginawa ko. Ngayon ay hindi na nya makikita ang magandang view na kanina pa nya pinakatitigan. Dakilang manyak talaga to!! Nakakainis! “Sobrang bad!!!” sabi ni Leighton Inarkuhan ko sya ng kilay!!! “Oh! Wala na tayong nakalimutan ha?? Gogora na tayo!!!” sigaw ni Papa Edz “Gora na!!!” sigaw naming lahat. Agad nang pinaandar ni papa ang jeep at nagtungo na kami sa event place sa Quezon City. Punong puno ng ingay ang loob ng jeep. Magsama sama ba naman ang mga anak ni Mama Emz ay talagang rambol at giyera to!!! Kinakabahan ako!! Kahit ano man ang maging resulta nito, alam ko naman na may pamilya pa rin akong mauuwian. Hindi naman siguro nila ako ipagtatabuyan kapag hindi ko nauwe ang korona. Bigla ko na lamang naibaling ang tingin ko sa bestfriend ko.. Nahuli ko syang nakatingin na sa akin. Ano ba ang tinitignan nya? May mali ba sa mukha ko? Yung mga titig nya sa akin ay para nya akong kakainin. Naku!! Naramdaman ko ang pagkislot ni Garnet.. Shuta bakit ba nabubuhay si Garnet ?? Ito naman kasing babaeng ito eh, napakakinis ng leeg.. Naaakit ako sa leeg nya?? Pero bakit? Oh no? Tomboy na ba talaga ako?? Dati naman ay hindi ko to nararamdaman sa kanya. Diring diri nga ako nung kiniskis nya ang malaki nyang dibdib sa braso ko. Shuta! Nakakakilabot yun! Pero ngayon? Parang ang sarap nya lang halikan.. Hindi siguro nakakasawang halikan yung leeg nya.. Eww!! Tama na! Ano ba tong naiisip ko? Ang halay halay ko. “Okay ka lang beshy?” nakakaakit na bulong nya. Ang bruha, nakaluwa ang dibdib sa akin. Parang gusto nyang sunggabin ko ang mga dibdib nya?? Pinapamigay nya sa akin ang malapakwan nyang dibdib? Eww.. tama na.. nabubuhay nga si Garnet eh! Sobrang sakit kasi naipit na si Garnet sa pantalon ko eh! Pahamak talaga ang babaeng ito! “OO ayos lang ako!” sabi ko na may butil ng pawis na sa noo at napapangiwi na sa sakit. Nakita kong ngumisi si Marian at tila ba inaasar pa ako. Sinasadya ba talaga nyang akitin ako. Pwes.. Kung akala nya naakit ako sa kanya.. Well.. ahhmm.. Shuta! Hindi ko alam.. Baka nga??? Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana. Patay malisya na lang ako sa nararamdaman kong ito. Behave! Magbehave nga kayo Garnet at makulit kong puso! Please lang.. Rinding rindi na rin ako sa sigawan ng mga kapatid ko. Lalo na ang boses ni Marikit, sobrang sakit sa tenga!! Bigla ko na lang naramdaman ang paghilig ng ulo ni Marian sa balikat ko. Aba naman talaga ang babaeng to! Ginawa pa akong unan?? Pero ramdam na ramdam, ko ang mainit na katawan nyang nakadikit na sa akin. Alam nyo yung feeling na parang gustong tumalon ng puso ko.. Yung feeling na ang saya lang.. kasi nasa tabi ko sya.. Yung feeling na kampante ka kasi kasama mo sya. Oh my God.. Pero nakakadiri pa rin talaga! Ginalaw ko ang balikat ko! Ibig sabihin ay naiirita ako na nakapatong ang ulo nya sa balikat ko. Tinarayan ko sya at inirapan. “Hala ang arte ng baklang to!’ sabi ni Marian Hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nya. Hinuli at niyakap nya ang katawan ko, at bigla nyang kinagat ang tenga ko. Parang tumigil na naman ang oras nang maramdaman ko ang mainit nyang labi na nakadapo sa tenga ko. Pakiramdam ko nga ay parang dumampi pa ang dila nya na nakapagbigay ng matinding sensasyon sa akin. Nahuli ni Kuya Leighton ang ginawang pagkagat ni Marian sa tenga ko, akala nya siguro ay may malaswang ginagawa si Marian sa akin. “Woooow.. ang sarap naman nyan Marian. Ako din halikan mo ng ganyan!” sigaw ni kuya Agad na kumalas sa pagkakayakap sa akin si Marian. Nagulat sya sa sinabi ni Kuya. Napalunok sya ng titigan pa sya ng malalim ng kuya kong babaero! Lahat ng nakasakay sa jeep ay napatingin tuloy sa amin. Nakita kong pinamulahan ng pisngi ang bestfriend ko. Napahiya sya! Napahiya si Marian dahil sa malisyoso kong kapatid! Pero, hindi ko hahayaan na mapahiya ang kaibigan ko. Ayokong nasasaktan sya. Gusto ko syang ipagtanggol sa lahat ng gustong umapi at umapak sa kanya. “Hoy Leighton, yung mga malalaswa mong gawain wag mong igaya sa iba ha! Malambing lang talaga sa akin ang beshy ko!” pagtatanggol ko sa kanya Hinawakan ko ang kamay ni Marian. Pinakalma ko sya. Naramdaman ko din ang panginginig ng buong katawan nya. Naawa tuloy ako sa babaeng to! Ayan kasi, ang harot harot haliparot! Nakita tuloy sya ng mas maharot. Si Kuya Leighton. “Ang laswa mo din kasi Leighton eh!! Saka hayaan mo na nga sila. Bagay na bagay naman sila eh!! Wag kang epal sa pag-iibigan nila!!” bulyaw ni Mama Umalingawngaw ang tuksuhan sa amin ng iba ko pang mga kapatid. Ayan na sila, nagsimula na sila sa panunukso sa amin ni Marian. Tuwang tuwa sila habang inaasar nila kami. Dyan sila magaling!! “Bakit di pa kasi totohanin??” aba for the first time nakikigulo ang Koreana! “Bagay naman kayo eh.. Ate Marian bet naman kita maging ate. Maganda ka naman kaya bagay ka sa pamilya namin!” dagdag pa ng babaeng uminom ng gluta na si Kate. Umikot ang eye balls ko sa kanila. Ang kukulit talaga ng mga apdo!! Napansin ko ang pagbabago sa awra ni Marian. Aba! Biglang ngumiti at parang kinikilig ang hitad! “Kung ayaw sayo ni jordan. Akin ka na lang!” pangungulit ni Leighton. Naningkit na naman ang mga mata ko sa kanya. Ayaw nya talagang tigilan ang bestfriend ko?? “Ooops.. ayan na naman ang nakakamatay nyang mga tingin!!” sigaw sa akin ni Leighton Lalo ko pang tiinaas ang mga kilay ko sa kanya. “Ayaw mo talagang tigilan ang pagpapantasya sa beshy ko o gagawin kong sisig yang Prostate mo?? “ pagbabanta ko sa kanya. Tinaas nya ang dalawa nyang kamay na para bang suko na sya. “Hala si ate Marian kinikilig! Haluhluhluh!” pambubuyo ni Migz. Napatakip sa mukha ang bestfriend ko. Hindi ko alam kung nahihiya ba sya oh kinikilig. Nakakainis ang bruhang to! Ang harot harot kasi! “Tigilan nyo na nga yan at baka maudlot pa!” dagdag pa ni Papa Sumiksik tuloy sa kilikili ko si Marian. Niyakap ko sya at binugaw ko ang mga kapatid kong mapang-asar!! Pinatigil ko ang mga kapatid ko sa pangbubuyo sa bestfriend ko. Hindi na kaya ni Marian ang kahihiyan. Ayan ang napapala ng maharot! Pinagkaisahan tuloy sya ng pamilya ko. Ewan ko ba sa pamilya kong to, at lagi na lang kami pinipilit ni Marian na magkaroon ng relasyon. Kesyo bagay daw kami. Kesyo kami daw ang destiny. Dati hindi big deal sa akin ang lahat ng pang aasar nila. Pero mula nang mahalikan ko ang labi nya, nung gabing madampian ko ang malambot at mapula nyang labi.. Parang may kakaiba akong naramdaman mula sa kaibuturan ng puso ko. Para bang naging sensitibo ako pagdating kay Marian. Tila ba naging espesyal ang tingin ko sa kanya na lubos kong itinatanggi sa sarili ko. Mahal ko sya. Mahal ko sya bilang kaibigan. At ayokong masira iyon dahil lamang sa nararamdaman kong ito sa kanya. Kaya pilit ko na lang ibinabaon at kinakalimutan ang kung ano man ang nararamdaman ko sa kanya. At isa pa.. ayoko talagang maging tomboy!! Ewww…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD