Chapter 3

2335 Words
“It’s alright darling, I know naman na mas importante ang dinner ng family nyo. Bawi ka na lang next time..” malungkot na sabi ko habang kausap ko sa phone ang boyfriend kong si Paolo. “Love you,,”halos pabulong na sabi ko Bigla na lang naputol ang linya habang kausap ko sya. Malinaw na hindi sya makakapunta sa malaking ganap sa buhay ko. Hindi nya masasaksihan ang pagrampa ko sa entablado. May importanteng dinner date ang family nila, at naiintindihan ko naman iyon. Pamilya naman talaga dapat ang inuuna. At isa pa ay hindi kami legal sa side nila Paolo. Tinatago nya ako sa kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan. Hindi gaya ko, tanggap ng pamilya ko ang tungkol sa amin ni Paolo . Kahit pa ba lagi kami ni Marian ang pinagiinitan ng pamilya ko ay maayos pa rin naman nilang pinakisamahan si Paolo. Tanggap nila ang mga naging desisyon ko sa buhay. Kahit mali sa paningin ng ibang tao, para sa pamilya ko basta wala akong natatapakang tao at masaya ako, ay suportado pa rin nila ako. I'm so blessed to have them talaga.. Kapag nagpupunta naman sa bahay si Paolo ay pinapakisamahan at tinatrato talaga nila ito ng maayos. Itinuturing din nilang parte ng pamilya ang jowa ko. Kaya hanga talaga ako sa pamilyang kinabibilangan ko. Tanggap na tanggap nila ako ng buong buo. Nasa backstage na ako at naghahanda na sa pagsisimula ng pageant. Kasama ko ang bestfriend ko na walang sawang sumusuporta sa akin. Sa kahit anong laban ko ay nariyan din sya gaya ng pamilya ko. “Ano beshy? Hindi ka na naman sisiputin ng jowa mo?? Ayos lang yan. Nandito naman AkO.” sabi ni Marian na may kislap sa mga mata. Nag-uumpisa na naman ang bestfriend kong hindi ko mawari kung anong klaseng sapi ang sumanib sa kanya. Ano ba ang pinapahiwatig ng impaktang to?? Pinaningkitan ko sya ng mata at nakapameywang ako sa harap nya.. Napalunok sya at napakamot sya sa kanyang noo. “Ah.. I mean.. nandito naman ako.. ang pamilya mo.. nandito kami..” sabi nya. Ngumiti sya na para bang hirap na hirap sa palusot na sinabi nya. Napangiwi na din ang labi nya nang pakatitigan ko ang mga mata nya. “Oh. Anong ibig sabihin ng titig na yan? Bakla ka talaga!” sabi nya Bigla ko na lamang syang niyapos ng mahigpit. Gaya ng powerful hug nya.. ganun ko din sya niyakap.. Wala lang.. “Salamat beshy..” sabi ko. Alam kong may kakaiba sa mga ngiti nya ng yakapin ko sya. I don’t know what I really feel for her. Basta ang alam ko kailangan kong pigilan. Minsan naiinis ako dahil sobrang clingy nya, minsan naman hinahanap hanap ko yun. Minsan naasar ako sa pinapakita nyang sweetness sa akin, pero madalas na kinikilig ako sa ganitong sitwasyon. Ang gulo gulo na ng puso ko. What is this?? Nalungkot talaga ako ng bongga nung hindi makakarating si Paolo sa event ko, pero sa tuwing mapapadako ang tingin ko sa bestfriend kong palaging nariyan sa akin ay ngumingiting mag-isa ang puso ko. Aww!! Lande!! Ginawa ko ang best ko para sa pageant na to. Nilakasan ko ang loob ko para sa pamilya ko, kasi sila yung number one supporters ko eh. Kaya lang talagang may minamalas at may sinuswerte. Hindi panahon ng baklang bortang half Italian ngayon, kaya ang naiuwe ko lang ay ang First place. Hindi ko nasungkit ang korona. Pero hindi pa rin talo ang bakla, atleast first place di ba? Wag nang magreklamo. “Di ko maisip bakit nanalo yung mukhang kuhol na yun? Di hamak na mas gwapo at mas maganda ang sagot mo kuya Jordan sa Question and answer! Lamang lang talaga yun sa abs eh, 12packs yata yung kanya eh. Haha!” biro ng kapatid kong tisay na di maka move on sa pagkaligwak ko sa contest. “Naku! Carry na yung first place noh! Thirty Kyaw din naman yun, not bad!” sabi ko Lahat kami ay tahimik na sumakay sa jeep. Ubos na siguro ang lahat ng energy nila kakasigaw nila kanina. Ibuhos daw ba ang lahat ng lakas nila kanina, ayan mga lowbat na!!! Halata ko na rin ang antok sa mga mata nila. Pagod na pagod ang mga bakla.. kawawa naman. Kahit si Mama sobra ang pagod. Inihilig na lang nya ang kanyang ulo kay ate Liza. Nang biglang may umepal na naman at nagbigay ng topic na nakakabwiset. “Pero gusto ko talaga ang sagot ni Jordan sa question and answer portion kanina sa kanya, panalo yun! At may pag-asa na ako sa isa jan!” sabat ni kuya Leighton habang kumindat sya sa bestfriend kong si Marian. Biglang nabuhay ang lahat ng sakay ng jeep na kanina lang ay hinang hina at inaantok na. “Oo.. maganda naman ang sagot ng kapatid natin! The best answer nga yun para sa akin eh!” sabi ni Liza. Ano nga ba yung kontrobersyal na tanong sa akin kanina ng isa sa mga judges? Bakit ba sa dinami dami ng tanong ay yun pa ang naitanong sa akin. Hirap na hirap tuloy ang lola mo sa kakaisip ng isasagot. “What if, you fall in love with your bestfriend? What will you choose? Friendship or Love?” tanong ng judge sa akin Shuta.. nablanko talaga ako sa tanong nya. Sobrang nakarelate ako sa tanong. What if nga kung inlove na ako sa bruhang si Marian?? Ano ba talaga ang pipiliin ko ang friendship or ang love na nararamdaman ko sa kanya?? Pero bigla na lang lumabas sa bibig ko ang mga isinagot ko sa harapan ng maraming tao.. bahala na. “For me, I’d rather choose our friendship than telling about my feelings with her. Because in our friendship, there is no break up, no heartaches, no worries but we still love each other. While if we choose to have a deeper relationship with one another, there is no guarantee that our relationship will last forever. I don’t want to lose her, so I will always choose our friendship, I will never leave her... Thank you!” sagot ko Narinig ko ang hiyawan ng lahat ng tao sa event place pagkatapos kong sabihin iyon. Marami ang umasa na ako talaga ang makakasungkit ng titulo, pero nadismaya din ng hindi ako manalo. “Nalungkot ako sa sagot mo anak, dapat lang talaga hindi ka manalo.” Sabi ni Mama Agad na nagtawanan ang mga kapatid kong impakto at impakta. Si mama apektado sa sagot ko? asang asa pa rin talaga sa amin ni Marian. “Balimbing ka din Ma, eh noh. Kapag anjan si Paolo pakiramdam nya gustong gusto mo sya maging manugang? So ano ang ibig sabihin ng pagtutulak mo sa akin kay Marian? Hala sya!!” sabi ko kay mama Umikot ang mga mata ni mama si akin. “Kung saan ka masaya syempre doon ako. Ayoko makasira ng moment. Saka mabait naman si Paolo. Pero kung pwede naman kayo ni Marian bakit hindi?? Mas magiging maligaya ako kung magiging kayo.. Eh pinaandaran mo kami ng sagot mong ingles kanina, kaya wala na, may nanalo na.. wala ng pag-asa” Makahulugang sabi ni mama “Tita, huwag na kayong umasa.. nakapili na si Jordan.. mas pinipili nya ang friendship namin. So kahit ligawan ko pa sya.. wala talagang pag-asa..” bigla na lang sabat ni Marian. Hala, saan nanggaling ang mga hugot ng babaeng to?? Kala mo naman totoong manliligaw sya.. Sikmuraan ko kaya to sa ovary?? “Bakit liligawan mo ba ako??” confident na tanong ko sa kanya. Alam ko naman ang sagot eh. Isang malaking HINDI! At malabong manliligaw sya sa akin.. Utut nya!! “Bakit kapag nanligaw ba ako sasagutin mo ba ako??” pinukulan nya din ako ng tanong. Aba ang hitad na to, ako pa ang binabaligtad? Ibinato nya sa akin ang tanong na lalong nagpalakas sa ingay ng mga kapatid ko. Napakagat ako sa lips ko. Shuta ka Marian talagang hinahamon mo ako?? “Aaamin na yan!!!” sigaw ni Migz Napatakip ako sa tenga ko. Sobrang ingay nila!!! “Bakit di ka makasagot?? Sasagutin mo ba ako kung manliligaw ako??” tanong ulit ni Marian. Nakikita ko sa mga mata nya na umaasa sya sa positibo kong sagot. Hindi ko talaga alam kung ano ang meron kay Marian? May espesyal na rin ba akong space sa puso nya?? OH my… Pero kailangan kong putulin ang lahat ng ito. Gaya ng sagot ko sa tanong kanina, mas pipiliin ko pa rin ang friendship namin, at hindi ang nararamdaman kong ito na hindi naman ako sigurado?? “Sorry! Basted ka sa akin! Seryoso ako sa sagot kanina. Ayokong masira ang friendship natin dahil lang sa jowa jowa na yan.. Okay?? So, mananahimik na ba kayo?? Saka helloo? Babae rin ako? Ano buh!! ” pagtataray ko. Nakita kong napalitan ng lungkot ang kaninang kumikinang na mga mata ni Marian. Nasaktan ko ba sya? Siguro naman ay alam nyang biruan lang ang lahat at hindi dapat sya nasasaktan.. magkaibigan kami. Yun lang! “Ang KJ mo naman kuya!!” sigaw ni Kate “Kung sakin ka ba naman mapupunta, naku paliligayahin kita!” sabat na naman ni Leighton. Nakita ko ang pagdapo ng tingin ni Marian sa kuya ko. Bahala sya dyan.. Di ako affected.. Maya maya ay tumingin sya sa akin.. “Siguro nga baka kami ni Leighton ang destiny? Pagbigyan ko na kaya tita? Ano sa palagay nyo? Payag po ba kayo??” isang nakakagulat na pahayag ng babaeng hitad. Namilog lalo ang mata ko kasabay ng bibig ko sa mga sinabi nya? Alam ko, inaasar nya lang ako. Hindi nya magagawang patulan ang kuya kong manyak. Kala nya ha, isang malaking joke ang sinasabi nya. “Kung ikaw naman ang makakapagbago sa anak kong si Leighton, ay sige.. Kayo na lang!” sabat naman ni mama Emz Hala sya. Balimbing talaga ang nanay ko. Kung kani kanino pinapamigay ang bestfrikend ko. Naku.. Bahala sila dyan. Alam ko namang isang nakakatawang biro lang yan eh!! Kilala ko si Marian, di nya papatusin ang kuya ko. “Ano Marian, kelan kita pwede i-date??” hayok na tanong ng kuya ko. Hay naku, mapapagod lang ang kuya Leighton dahil wala na rin syang pag-asa sa babaeng yan. Nabriefing ko na yan ng tungkol sa kawalanghiyaan nya.. kilalang kilala ni Marian si Leighton na hindi nagseseryoso. Para lang syang kumuha ng bato na ipupukol sa ulo nya. “Sige, free ako tomorrow night!” sabi ni Marian Napatingin ako sa bestfriend ko. Seryoso ba to?? “Yesss!!!” tuwang tuwa na sigaw ni Leighton. Shutang inamers.. Bigla akong kinabahan.. “OH.. Jordan ikaw naman ang huwag makialam sa kanila ha, hayaan mo silang makilala ang isat isa!!” bulyaw ni papa habang nagdadrive. Lalong umingay sa loob ng jeep dahil sa mga kapatid ko. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa may bintana. Sa totoo lang naiinis ako. Hindi ko alam, naasar ako!!! Kung sasama man si Marian kay kuya bukas, hindi ko na sya papansinin. Bahala na syang sirain ang buhay nya. At habang nasa byahe ay panay na ang tampulan nila ng tukso kay Marian at kay Kuya Leighton. Badtrip!!! Magsama silang mga shutang ina sila!!! Nilingon ko pang muli si Marian. Nakita ko ang malalagkit na titigan nila ng kuya Leighton. Biglang may parang pumigil sa paghinga ko. Yung puso ko para bang sinasakal at pinipiga.. Masakit eh.. pero bakit??? Shuta.. Gulong gulo na ako.. Pagdating namin sa bahay ay padabog akong bumaba. Kinuha ko ang mga gamit sa loob ng jeep. Si kuya Leighton ay panay ang pacute habang kausap si Marian. Nakita kong inalalayan pa nya ang bruha. Hindi na nila ako pinapansin. Masaya na silang nag-uusap. Pero paano kung matuloy sila bukas ng gabi? Sa totoo lang nag-aalala ako sa kaibigan ko. Kilala ko ang kuya ko pagdating sa mga babae. Kaya nyang paibigin ang kahit sinong babae. At kapag baliw na sa kanya ay bigla na lang nyang iiwan. Iiwanan na nya ang babae dahil sawa na sya.. dahil hahanap na naman sya ng bagong target nya. At ayokong maging ganun ang kapalaran ni Marian sa kamay ng kapatid ko. Mahalaga sa akin si Marian.. Pipigilan ko sila.. hindi pwedeng makuha ni kuya Leighton si Marian. Hindi pwede!! Agad kong hinatak ang braso ni Marian. Napatingin sya sa galit na galit na mukha ko. Habang si kuya ay nakakunot na din ang mga noo sa akin. "Umuwe ka na! Ihahatid na kita!" Sabi ko na lalaking lalaki ang boses. Pero nakita kong napanguso sya sa akin. Hinawi nya ang kamay kong nakakapit sa braso nya ng mahigpit. "Para kang tanga Jordan. Kaya ko na ang sarili ko. Saka lagi mo na lang akong hinahatid, hindi na kailangan. Di ba hindi naman kita jowa!!" Sabi ng hitad "Basta!!" Sabi ko. Hinatak ko ang braso nya at kinaladkad papunta sa bahay nila na di kalayuan sa amin. "Hoy bro! Ingatan mo naman yang loviedabs ko! Teka ako na nga ang maghahatid sa kanya!" Sigaw ni Leighton Lumingon pa akong muli sa kapatid ko. Sa puntong ito. Seryoso ako! Galit ako! At ayoko talaga ng ideya na magiging sila ni Marian. "Pwede ba Leighton! Saktan mo nang lahat ang babae sa mundo wag lang to!" Madiin na sabi ko habang hinatak ko ang braso ni Marian at ipinapakita sa kanya ang babaeng hindi nya dapat paglaruan. Hinatak ko na si Marian at mabilis na naglakad papunta sa bahay nila. Halos madapa ang lokaret sa lakas ng paghatak ko sa kanya. Habang naglalakad kami ay nakita kong nakamasid sa akin si Marian. May munti syang ngiti sa labi. "Anong klaseng ngiti yan haliparot???" Tanong ko sa kanya. Pero mas pinakita pa nya sa akin ang mga ngiti nyang hindi ko pinagsasawaan. "Ano yan bruha ka!!" Sabi ko pa Pero kumalas sya sa pagkakahawak ko sa kanya. Niyapos nya ako ng mahigpit at parang batang lumingkis sa braso ko. "Parang tanga!!" Sabi ko sabay gulo ko sa buhok nya Basta.. walang makakapanakit sa kaibigan ko. Ipagtatanggol ko sya kahit kanino. Yan naman ang laging promise ko sa kanya.. Ang kaibigan ko na hindi ko alam ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Dahil sa pesteng halik na yan.. Shuta... May magpapalit na ba ng katauhan? Oh no!!! Hindi pwede..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD