Tinupad ko naman ang pangako ko sa pamilya ko na manalo, matalo ako sa pageant ay itetreat ko sila. Pero dahil malaki naman ang papremyo ay nag-outing na lang kami. Magoovernight kami sa isang napakagandang beach resort sa Batanggas.
Mukhang bongga noh? Pero maliit lang ang ginastos ko sa outing. Nasa Pilipinas pa rin naman kami kaya sakto lang sa budget ko.
Syempre kumpleto ang pamilya ko. Kasama sila mama, papa at yung apat na kapatid kong unggoy. Pero pinakiusapan ako ni Migz na may isasama daw syang kaibigang babae. Pumayag naman kami, dahil ngayon pa lang nagsisimulang makamove on ang kapatid kong ito mula sa pagkamatay ng kanyang first love.
At syempre akay din ng kapatid kong si Liza ang boyfriend nyang billionaire na si Brent Razon. Diyos ko day, sinagot lang naman nya ang napakasosyal na mini bus na sasakyan namin. May instant driver na rin ito kaya sobrang komportable ang biyahe ng pamilya Gorabels. Swerte talaga ng sisteret ko sa boyfriend nyang madatung.
Hindi naman ako magpapatalo dahil sinama ko ang boyfriend kong si Paolo. Akala nila sila lang ang happy ang love life?
Si kuya Leighton lang na hindi nagseseryoso at ang kapatid naming bunso ang walang lab layp. Hindi pa yata nila natatagpuan ang mga destiny nila. Napakalungkot naman.
“Oh, wala na ba kayong nakalimutan? Ilagay nang lahat sa bus ha!” sigaw ni papa
Kanya kanyang ayos ng mga gamit ang lahat. Habang ang maarteng si Kate ay panay ang selfie. Sukbit nya ang shoulder bag nyang bigay ni Brent. Napakaarte talaga.
“Ano ba to Kate? Pang isang buwan yata tong dala mong mga damit!” pagrereklamo ni kuya Leighton habang buhat nya ang dalawang maleta ng gamit ni Kate.
Napakamot sa kanyang ulo ang maarteng nakainom ng gluta.
“Gusto ko, madami akong pagpipiliang damit. Dalhin mo na lang yan kuya!” aba utos pa nya sa kuya namin.
Wala naman kaming magagawa sa maarteng kapatid namin na ito, dahil kung pababawasan mo ang dala nya ay mag-iinarte na naman yan at mananakot na hindi na sasama.
“Kala mo naman maglalayas ka na!” bulyaw ko sa kanya
Nakita kong nginusuan nya ako. Ang sarap gupitin ng nguso ng babaeng to.
Pero nagulat kaming lahat ng makita namin ang kasama ng kapatid naming si Migz. Infairness! Nakita muli namin ang malalaking ngiti ni Migz. At ang ganda ng KAIBIGAN nya. Nakikita ko rin na masayang masaya si mama dahil alam nya na sa wakas ay magiging happy na rin si Bro.
Isa isa na rin kaming umakyat sa bus. Lahat ay excited! Lahat ay napakasaya sa bakasyon na ito.
Nakalingkis ako sa boyfriend kong si Paolo nang biglang humahangos si Marian na tumatakbo bitbit ang isang backpack. Agad syang sumampa ng bus.
Muntik ko nang makalimutan na kasama pala ang bestfriend ko.
“Grabe, akala ko iiwan nyo ako!” hinihingal sa sabi nito
“Naku, iiwan ka talaga namin noh, nakalimutan na nga kita eh. Apakabagal mong kumilos!” sabi ko
Tinignan nya kami ni Paolo. Napakagat labi sya at hindi ko alam kung anu na naman ang pinapahiwatig nya. Iba ang tingin nya sa amin ng boyfriend ko.
“Okay, tayo ang partner ngayon Marian ha, lahat sila may pag-ibig tayo lang ang wala!”
Naku! Hindi pa rin talaga tumitigil si Leighton??
Pero napalunok lang ako nang tumabi si Marian sa kanya. Sinulyapan muna ako ng bestfriend ko habang tuluyang naupo sa tabi ng manyak.
Hindi ko sya magawang hablutin dahil kasama ko ang boyfriend ko. Shuta!
Naupo na lang kami ni Paolo sa kabilang side ng kinauupuan nila Marian at kuya Leighton. Aba! Kinulong talaga ni kuya ang bestfriend ko?
Malapit sa bintana nakaupo ang babaeng hitad. Pero kitang kita ko naman sila mula sa kinauupuan ko eh. Isang lingon ko lang, humanda ang kuya ko. May magiging sisig ang prostate gland ngayong gabi , sa isang maling kilos lang. Subukan talaga nya!
“Okay! Are you guys ready for our trip??” sigaw ni Brent
“Yes! We are ready!” sigaw ni mama
Napatingin kaming lahat sa kanya.
“Ay ang taray, nag-english na ang mother earth!” sabi ko
Lahat ay nagtawanan at maya maya lang ay binuhay na ang makina ng bus at agad na kaming nagtungo sa aming destinasyon.
“Wooh! GORA” sigaw naming lahat
Tumayo sa harapan ng bus ang maarteng si kate at nag-selfie sya kasama kami sa likuran.
“Smile!” sabi nya
At nakunan ng camera nya ang ngiti at saya ng bawat isa!
Walang patid pa din ang asaran at tawanan sa loob ng bus habang binabaybay namin ang highway.
"Hoy! Pahingi ng piatos kuya Migz!" Sigaw ni Kate
Hinagisan ng malaking piatos ni Migz ang bunso namin, pero may pang-aasar muna si Migz para sa bunso naming si Kate na maarte.
"Ang taba na ng pisngi mo! Kaya wala kang boypren eh!" Pang aasar ni Migz.
"Bastos ka kuya ha! Antayin mo lang yung Prinsepe ko! Hindi ka makakalapit sa akin kapag dumating na yon!" Pagyayabang ni Kate
"Wow! Tignan natin kung may prinsepeng magkagusto sayo. Baka itsurang palaka yan ha!" Pambubuyo pa ng kapatid namin half Spanish
Binato ni Kate ng bottled water na walang laman si Migz na syang lalong nagpaingay sa buong bus.
Masaya ako dahil bumabalik na ang kapatid naming si Migz sa dati. Mapang-asar, bully at masayahin.
Pero hindi ako mapakali dahil panay ang sulyap ko sa gilid. Sa pwesto nila kuya Leighton. Baka kasi kung anong gawin ng kapatid ko sa bestfriend kong hitad.
Pero may pumipiga na naman sa puso ko. Nakita ko kasing sinusubuan ng chips ni kuya Leighton si Marian. Pero sige, ayos lang ang subuan, hanggang dyan lang!!
“Darling oh, chips!” bulong ni Paolo
Nakita kong nakaready na sa tapat ng bibig ko ang chips at nakangiti sakin si BF. Napangiti naman ako sa lambing nya. Talagang napakalambing ng boylet ko. Grabe!
Kaya minsan nakokonsensya ako sa kalituhan na nararamdaman ko kay Marian. Pero marahil ay gusto ko lang talagang protektahan ang kaibigan ko laban sa mga gustong pasakitan sya at abusuhin ang kahinaan nya . Gaya ni kuya, alam ko naman na gagawin nya lang laruan ang bestfriend ko, kaya ganun na lang ang pag-aalala ko para kay Marian.
Sandaling nabaling ang atensyon ko sa boyfriend ko. Masaya lang kaming nakikinig ng music habang ang iba naman ay may kanya kanya nang pinagkakaabalahan. Pinasadahan ko ng tingin ang bawat isa.
Si Liza ay nakahilig na ang balikat sa kanyang boyfriend at makikita mo talaga kay Brent ang labis na pagmamahal nya sa kapatid namin. So lucky naman this girl oh.
Nakahilig na rin sa balikat ng kapatid kong si Migz ang kaibigan nya DAW. At kinikilig ako habang pinagmamasdan ko sila. Alam kong inlove na naman ang kapatid kong ito. Ngumingiti na ang kapatid namin gaya nung mga panahong inlove na inlove sya sa first girlfriend nyang si Angel.
Si kate naman ay solong solo ang isang buong upuan. Tanging ang mahal nyang bag lang ang kayakap nya. Kawawa! Ang arte kasi kaya hate sya ng mga lalaki.
At syempre sila mama at papa ay hindi magpapatalo sa kasweetan. Aba! Nagsusubuan din ng chips. Diosko! Hindi rin nagpaawat ang mga ito.
At nang dumapo ang mga mata ko kila Kuya Leighton at Marian..
Nakita kong nakayuko ang bestfriend ko sa may sandalan ng upuan na nasa harapan nya. Kinabahan ako sa kanyang itsura. Parang may mali?
Shuta! Alam ko na! Kilalang kilala ko sya. Mahiluhin kasi talaga ang babaeng ito at baka magsuka pa! Diyos ko kadiri kapag nagkalat pa sya dito sa loob ng bus.
Napatingin ako kay Paolo at mahimbing na rin ang tulog nya habang nakahilig sa bintana.
Tumayo ako at nilapitan ko si Kuya Leighton na hindi man lang napansin ang pagkahilo ng katabi nya.
“Lumayas ka muna dyan, at baka magsuka yang katabi mo.!” Utos ko
"Huh? Akala ko natutulog lang!" Sabi nya
Napakamot ng ulo si Kuya Leighton. Tumabi ang kuya ko sa boyfriend ko at nagpalit muna kami ng pwesto.
“Ayan! Di ka ba uminom ng gamot kanina?” tanong ko kay Marian
Pero hindi sya umiimik.
Kinuha ko ang lagi kong baong white flower, naglagay ako ng kaunting amount sa hintuturo at marahan kong iminasahe sa kanyang noo. Pinaamoy ko din sa kanya ang botelya.
“Ano? kaya pa? Wala pa ngang alak lasing ka na!” biro ko habang patuloy ko pa rin syang minamasahe.
Kumuha din ako ng isang pirasong menthol candy. Binuksan ko ito at pilit na ipinakain sa babaeng hitad. Ito lang minsan ang nakakawala ng hilo nya. Marahan ko ding inalalayan ang ulo nya at inihilig ko ito sa aking balikat. Diosko parang bata!
Aba! Ang hitad ay mahigpit na lumingkis sa matipuno kong braso. Parang jowang jowa na sya sa pagkakayakap nya sa braso ko.
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa mga braso ko. Naiirita ako sa kanya!
At alam kong naiinis sya sa ginawa ko. Pero kaya ko lang naman tinanggal ang pagkakayakap nya sa akin ay para maakbayan ko sya at ako mismo ang yayakap sa kanya. Di ba ang sweet ko.
Kaya ang babaeng hitad ay tuwang tuwa na nakayakap sa katawan ko. Sige lang pagsawaan mo ako ngayon dahil mamaya, kapag nasa resort na ay bahala sya sa buhay nya!
Naku! Hindi ko rin pala kaya dahil babantayan ko nga pala sya laban sa manyak na si kay Kuya Leighton. Nakakainis, imbes na mag-enjoy ako ay baka ang pagbabantay lang sa kanila ang magawa ko! Imbiyerna!
Ikinuskos pa nya ang mukha nya sa aking dibdib. Ano ba tong babae na to? Parang pusa.
Pero wait!
Shuta, nagigising na naman si Garnet! Bukod sa malamig kasi ay parang nabuhayan sya ng maramdaman ko ang malambot na pisngi ni Marian sa dibdib ko. Aw! Garnet wag ngayon!
Garnet behave!!
Hindi ko alam ang sumapi sa akin, kaya hinapit ko palapit sa akin ang beywang ng bestfriend ko. Wala lang, gusto ko lang syang maramdaman pa. At shuta! Sobrang heaven lang habang yakap ko ang babaeng hitad na to. Enjoy din pala.
Ang amoy nya sobrang nakakaakit!
Yung buhok nyang tumatama sa bibig ko, nakakabaliw!
Yung malambot nyang beywang at makinis na leeg na ang sarap kagatin ay inaakit na naman ako? Shuta, natotomboy na ba talaga ako?
Napapikit na lang ako habang dinarama ko ang masarap na pakiramdam, habang nakalapat sa akin ang katawan ng bestfriend kong hitad.
Mukhang nagugustuhan ko na ang presensya nya. Mukhang naaakit na ako sa kagandahan nya! Shuta.. Pero may parte sa puso ko na umaawat at pinipigilan ang damdaming nag-uumpisa nang umusbong.
Hindi pwede! Bestfriend ko sya. Pigilan mo pa Jordan!
Nararamdaman ko ang hininga nya na tumatama sa leeg ko. Pakiramdam ko ay butil butil na ang pawis sa aking noo. Nakakatense naman!
At yung alaga kong si Garnet, hindi na nakatulog pa. Gising na gising sya! Shuta talaga!
Nakarating kami sa Batangas ng magkayakap ng bestfriend ko. Feeling magjowa lang. Habang yung totoong jowa ko sa kabilang upuan ay tulog na tulog pa rin.
"Hoy! Magsigising na ang mga tulog!" Sigaw ni papa
Isa isa namang napabalikwas ang mga kapatid ko. Napatingin kami sa bintana at kitang kita naming lahat ang napakaganda at nakakarelax na dagat.
Excited kaming bumaba at nag-unahan sa room na nakareserve para sa amin. Dalawang malaking room ang pinareserve namin. Room for girls at room for boys. At isang room para sa mga teenager na sila mama at papa. Para masolo naman nila ang napakagandang place.
Syempre doon ako sa boys para makasama si Bf.
Pero pwede din sa ako sa mga girls para masamahan ko si Marian. Aww! Shuta! Salawahan? Baka makarma!
Alam kong nahihilo pa rin ang bestfriend ko kaya hinawakan ko ang backpack na sukbit nya. Inalalayan ko syang bumaba. Ang babaeng ito talaga ang lakas mahilo sa biyahe.
"Thanks beshy!" Sabi nya sa akin
Pinakita na naman nya yung pamatay nyang smile na nakakahawa kaya napapangiti na rin ako.
"Ako na magbibitbit ng bag mo Marian! Tabi nga jan Jordan!" Biglang singit na naman ni Kuya.
Nagmamadali nyang inagaw ang backpack ni Marian. Nagulat na lang si Marian na nakuha na ng kuya ko ang bag nya.
Tapos ang nakakainis pa ay kinuha nya ang braso ng bestfriend ko at ipinulupot sa kanyang braso. Sapilitan! Hindi nakatanggi ang hitad.
Gusto ko sanang pigilan pero..
"Darling!" Si Paolo
Umakbay sya sa likuran ko at malambing na niyakap nya ako.
Okay.. hinayaan ko ang bestfriend ko sa kamay ni Kuya Leighton. Focus muna ako kay Bf at baka magtampo.
Pero hindi pa rin ligtas si kuya Leighton sa mga mata ko! Nakamasid pa rin ako sa bawat kilos nya. Baka kasi malingat ako at hindi ko namalayan na pinupulutan na nya si Marian.
Ang babaeng hitad pa naman ay may pagkatanga. Baka bumigay din sya.
Nauna kaming bumaba ni Paolo ng bus. Inilapag namin ang mga gamit sa malapit na table.
Nakatayo ako sa tapat ng pintuan ng bus habang nagseselfie. Ang ganda kasi talaga ng view.
Nang mapatingin ako sa pintuan ng bus ay nakita kong pababa na sina Marian at si Kuya Leighton. Nasa likuran ng hitad ang kuya ko.
Hindi sinasadyang na-out of balance si Marian.
Alam kong mahuhulog sya at maaaring maaksidente mula sa pagkakaout of balance. Parang bumagal ang oras habang nakikita ko syang mahuhulog na.
Para akong si Superman sa sobrang bilis kong tumakbo para lang saluhin sya.
Diosko parang yung mga eksena sa pelikula lang na sasaluhin ng lalaki yung babae. At yun ang naging eksena namin ni Marian.
At sa di inaasahang pagkakataon ay biglang naglapat ang mga labi namin nang subukan ko syang saluhin.
Napahiga na ako sa buhangin habang bumagsak sya sa ibabaw ko. At boom..
Naramdaman ko ang labi nya na nakapatong na din sa labi ko.
Ang galing ni Destiny di ba? Sakto talaga sa labi ko?
Pakiramdam ko ay huminto ang oras. Ang lambot ng labi nya. Parang ang tagal na nakalapat ang labi nya sa akin.
Pero sa kalandian ng hitad, naramdaman ko ang pagkagat nya sa labi ko. Naramdaman ko ang ang munting pagsibasib nya sa loob ng bibig ko.
Bastos na babae! Minanyak pa ako!
Pero infairness. Nagustuhan ko.
Nagustuhan ni Garnet! Shuta.
Kaya ang ginawa ko ay nilabanan ko din ang pagkagat nya sa labi ko. Sinipsip ko din ang labi nya.
Pero bigla na lang syang kumawala sa ginawa ko.
Narinig na kasi namin ang hiyawan ng mga kapatid ko. Tinutukso na naman nila kami.
"Wow! Congratulations! Binata na ang anak ko!" Sigaw ni Mama
Parang gusto kong lumubog sa mundo sa sinabi nya. Agad na akong tumayo at inayos ko ang sarili ko.
Ang babaeng hitad na bestfriend ko ay ang pula pula na ng pisngi. Hiyang hiya din siguro sa mga nangyari.
Shuta! Ito ang most embarassing moment ng buhay ko!