bc

Destiny Book 3: Liza Park

book_age18+
1.7K
FOLLOW
8.4K
READ
billionaire
second chance
dominant
powerful
drama
sweet
mystery
intersex
like
intro-logo
Blurb

Half Korean si Liza Park. Pangatlo sya sa magkakapatid. Mabait, malambing at tahimik lang ang kanyang pagkatao.

Ngunit magbabago ang kanyang mundo nang maging sekretarya sya ni Brent Razon, ang may-ari ng pinakamalaki at sikat na kumpanya ng pintura sa buong bansa.

Paano nya haharapin ang pagiging possessive sa kanya ng kanyang boss? Mahalin pa rin kaya nya si Brent kapag nalaman nya ang maitim na lihim ng binata?

Sapat na ba ang tunay na pag-ibig para matanggap ang pagkatao ni Brent Razon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ako na yata ang pinakatahimik, pinakaboring at sa palagay ko ay walang kabuhay buhay ang pagkatao sa aming magkakapatid. kumpara kasi sa apat kong mga kapatid ay likas akong mahiyain. Hindi gaya ng mga kapatid ko na sadyang nakakatawa at malakas ang loob, ako ay laging nakamasid lang at hindi man lang nagbibigay ng opinyon. Ang lahat ng mga sinasabi ko ay kanilang sineseryoso, kahit na nga nagjojoke na ako ay hindi nila iyon makuha, kaya ang ending walang natatawa sa joke ko. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ako makasabay sa mga kwela kong kapatid, sabayan pa ng cool na mama Emz at Papa Edz. Ako si Liza Park, half korean. Gaya ng ibang mga kapatid ko na may foreigner na ama, ay minahal din ni Mama ang tatay kong si Park Eun Jin. Happy ending na sana dahil sabi ni Mama ay sobrang bait daw ng tatay ko. Kaya lang, siguro hindi talaga sila ang destiny dahil namatay sa isang aksidente si Park Eun Jin. Nabigo sya sa mga tatay ni Kuya Leighton na isang Morrocan at Kuya Jordan na isang Italian ang ama,kaya akala nya ay magiging masaya na sila ng tatay ko, pero nangyari nga ang hindi inaasahang aksidente. Umuwe sya ng Pilipinas na bitbit nya ako. Halos tampulan na ng tukso at chismis si Mama kasi pangatlong anak na nya akong inuwe nya sa Pilipinas at gaya ng inaasahan ng lahat ay ibang lahi at ibang lalaki na naman ang ama ng batang inuwe nya. Ang lola namin ang nag-alaga sa amin habang paalis-alis si Mama para magtrabaho sa ibang bansa. Nakarating sya ng Spain at doon naman nabuo si Migz. At sa Luxembourg at umuwe syang dala nya ang napakagandang baby na si Marikit. Ang tatay ni Marikit ang huling lalaking minahal ni Mama. Mabuti na lang at nakilala nya si Papa Edz namin. Minahal sya ng totoo ni Papa at syempre damay na din kami sa pagmamahal nya. Napakaswerte din namin kay Papa. Wala silang naging anak pero ayos lang dahil sa amin pa lang ay damang dama nya ang pagiging tatay sa amin. Todo kayod sila mama at papa para makapagtapos kami. May tindahan ng ukay ukay si Mama at tricycle driver naman si Papa. Pero dahil lumalaki na kami at pamahal na ng pamahal ang mga gastusin ay nagpasyang tumigil sa pag-aaral sila Kuya Leighton at Kuya Jordan. Masakit iyon para kila mama at papa, pero talagang mahirap ang buhay. Kaya naging katuwang nila sa pagtatrabaho si Kuya Leighton at Jordan. Nagmomodelo si Kuya Leighton habang si Kuya Jordan ay isang call center agent. Nagbunga naman ang paghihirap nila dahil nakatapos ako sa aking kursong B.S Psychology. Makakatulong na rin ako sa pag-papaaral ng dalawa ko pang kapatid na si Migz at Marikit. Sabi nila ako daw ang pinakamabait sa lahat. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako. Mabait siguro sa paningin nila ang boring na kagaya ko. Pagdating sa mga gawaing bahay ay ako ang maasahan. Hindi ako nagrereklamo kahit ako na lang palagi ang naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Ako ang dakilang taga laba, taga plantsa ng mga damit nila. Tuwang tuwa ang mga kapatid ko dahil halos hindi na sila kumilos dahil inaako ko ang lahat ng gawaing bahay. "Bakit ba lagi na lang si Liza ang naghuhugas?? Kate! Ikaw naman ang maghugas hindi yung puro paganda ang inaatupag mo dyan. Tulungan mo ang ate mo!!" Utos ni Mama Nililigpit ko ang mga pinagkainan namin habang nagbubunganga si Mama. Nakita kong napakamot ulo ang kapatid ko. "Si kuya Jordan na lang muna! Bago ang cutix ko ma.. masisira!" Sabi ng maarte kong kapatid Agad na dumapo ang malaking palad ni Kuya Jordan sa braso ni Kate! "Hoy! Sige! ako ang maghuhugas at ikaw na ang magtrabaho bukas! Aba! Nakakita ka ng uutusan ha!" Galit na sabi ni Kuya Jordan Sinimangutan sya ni Kate. Agad na hinatak ni kuya Jordan ang buhok ni Kate at nag-umpisa silang magharutan. Napailing lang ako sa kanilang dalawa. "Okay lang Ma. Ako na ang maghuhugas. Sa susunod na lang si Kate. " malumanay na sabi ko "Super bait na anak at kapatid award goes to.. LIZA PARK!!" pang-aasar ni Kuya Leighton. Nagtawanan sila ni Kuya Jordan. Tumayo si Migz. Inabot nya sa akin ang ibang mga plato. Tinulungan nya ako. Mabuti pa ang kapatid kong si Migz napakabait din, mukhang tutulungan nya akong maghugas ngayon. "Sarah! Pagkatapos mo jan ay magbalat ka ng mga patatas!" Natatawang sabi ni Migz. Aba! Akala ko ay tutulungan nya ako. Mang-aasar lang din pala. Sumiksik sya sa kinaroroonan nila kuya Jordan at Kuya Leighton at hindi napatid ang mga tawanan nila. Tinuloy ko na lang ang pagliligpit at paghuhugas. Sanay na sanay na ako sa mga kapatid ko. Naalala ko rin nung time na nagkasakit si Kuya Leighton, sobrang taas ng lagnat nya. Wala sila Mama at Papa dahil sobrang abala sa pgtatrabaho. Inalagaan ko si Kuya dahil ayaw din syang alagaan ng iba kong kapatid, may kanya kanya silang ginagawa. Kaya bilang mabait na kapatid ay ako ang nag-alaga kay Kuya Leighton. Hindi sya halos makagalaw sa kama nya kaya sinubuan ko sya ng mainit na lugaw dahil hindi pa sya kumakain mula kanina. Wala talagang pumapansin sa kanya. Mabuti na lang at wala ang prof namin sa Zoology kaya maaga akong nakauwe. Pinainom ko din sya ng gamot para bumaba ang lagnat nya. "Salamat Liza.. ikaw lang talaga ang maasahan dito. Kung kagaya ka ng iba nating kapatid na walang pakialam baka namatay akong dilat ang mata dito sa kwarto.." sabi ni Kuya Leighton. Nakakatawa talaga si Kuya. Hindi ko alam kung nagjojoke ba sya o seryoso. Pero natuwa ako dahil naappreciate nya ako sa ganitong paraan. Hindi kasi sya nakikipagkwentuhan sa akin eh. Ang madalas nyang harutin ay si Marikit. Marunong kasing lumaban si Marikit kaya natutuwa syang asarin ito. Kapag ako kasi ang inasar nila hindi ko sila pinapatulan, madalas na ngiti lang ang binibigay ko sa kanila. Kaya yun, magsisipag-alisan na lang yan sa harapan ko at di na ako bibiruin, napakaboring ko daw. Naalala ko pa nung isang umaga na nag-iiyak si Marikit dahil nasira ang bag nya. Dahil maarte ang kapatid ko ay ayaw nyang pumasok nang hindi nakakabili ng bagong bag. Paano naman makakabili sila mama at Papa ng bagong bag sa mga oras na iyon? Kaya todo sermon sa kanya si Kuya Leighton at Jordan at binulyawan nila si Marikit. "Sobrang liit lang ng punit nyan Kate! Pwede mo pang gamitin yan! Bibili tayo kapag sirang sira na talaga!" Bulyaw ni Kuya Jordan "Saka ka na maginarte kapag ikaw na ang nagtatrabaho ha!" Pagsusungit ni Kuya Leighton Nakabusangot ang kapatid kong si Kate sa kanila. Napanguso sya at sumalampak sa sofa. Nakahalukipkip din ang mga braso nya sa kanyang dibdib at halatang gusto nang umiyak. "Hindi talaga ako papasok!" Pagmamatigas nya. Napahawak na sa kanilang mga batok ang mga kuya ko.. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang aking bag at tinanggal ko ang mga gamit ko na nasa loob ng bag. Namilog ang mga mata nila ng iabot ko ang bag ko sa kapatid kong nagmamaktol. "Sige na gamitin mo na ang bag ko! Di ba type mo din naman to?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Nakita ko ang malalaking ngiti ng kapatid ko. Alam kong napaligaya ko sya kahit sa simpleng paraan. Kinuha nya ang bag at inilipat nya ang mga gamit nya sa ibinigay kong bag. Kinuha ko ang bag na inaayawan nya. Konti lang naman ang sira nito, natastas lang sa may bandang zipper. Yayakapin ko na lang para hindi halata. Nakita ko ang pag-iling ni kuya Jordan. "Sobrang arte talaga neto! Ikaw naman napakabait mo, pwede kang inominate na Santa balang araw!!" Sabi ni Kuya Jordan "Wag mong spoiled yan! Naku.. lahat tayo mahihirapan!" Si kuya Leighton "O sya! Mag-ayos na kayo at magsipasok na sa eskwelahan!" Sabi naman ni Papa Edz. Niyakap ako ng bunso namin.. "Thanks ate. The best ate in the world ka talaga!" Sabi ni Marikit. Kahit napakaarte ng kapatid ko ay napakalambing naman nito. Kaya naman lahat ng hilingin nya ay sinusunod ko. May isa pa akong naaalala na magpapatunay sa kabaitang taglay ko. Nung time na lagi kong tinutulungan si Migz sa paggawa ng mga tula para sa girlfriend nyang si Angel. Ilang beses pumapasok sa kwarto ko si Migz nang des oras ng gabi at pilit akong gigisingin. "Ate! Gising.. tignan mo muna tong ginawa kong tula para kay Angel .. please ate. Tignan mo kung okay na!" Pamimilit ng kapatid ko. Naalimpungatan ako sa kanya. Naistorbo ang mahimbing kong pagtulog. Pero hindi ako nagreklamo. Hindi ako nagalit sa kanya, ayos lang dahil kapatid ko naman sya. Umupo ako sa aking kama. Nagponytail ako ng buhok at kinuha ko ang notebook na hawak nya. Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok pero pinilit kong basahin ang tula ng kapatid ko. Matiyaga kong binasa ang tula nya para kay Angel. Napangiti ako dahil sobra sobrang pagmamahal ang ibinuhos nya sa tulang iyon.. lalo na sa part na.. -Wala akong ibang hinangad kundi ang makita ka sa gitna ng simbahan... papalapit sa akin habang naglalakad ng marahan.- Niyakap ko ang kapatid ko at binigyan ng matamis na halik sa noo. "Ang galing mo na gumawa ng tula. Mas magaling ka na sa akin!" Sabi ko "Basta.. gigisingin pa rin kita kapag kailangan kita Ate.." sabi ni Migz "Okay. Baby bro.. ate will always be here for you!" Sabi ko. Ilang beses man nya akong gisingin ay hindi ako magagalit sa kanya. Kapatid ko sya at mahal na mahal ko sya. Kaya nang pumanaw si Angel ay hindi ko sya iniwan. Pinadama ko sa kanya na nandito ako palagi sa tabi nya. Pwede nya akong gisingin kapag kailangan nya ng maiiyakan. Ilabas nya lang lahat ang sakit at handa akong makinig sa kanya. Pagdating naman kay Jordan. Bilang kapatid nya ay tinitiis ko ang lahat ng pang-aasar nya. "Kapatid virgin ka pa?" Bigla nyang tanong. Namilog ang mata ko sa tanong nya. Namula rin ang pisngi ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Hinihintay nila ang sagot ko. "Anong klaseng tanong yan! Para kang sira!" Pag-iwas ko Tumatawa lang sa akin si Jordan.. "Kwento mo na! sige na! tayo tayo lang naman!" Pangbubwiset ni Jordan sa akin. Nakita ko ang reaksyon ni mama. Nakaarko na ang kilay sa akin. Siguro panahon na para magbiro sa kanila. Ako naman ang magpapatawa sa kanila. "Ahhh! Hindi na eh. Hindi na ako virgin!" Sabi ko. Malaki ang mga ngiti ko sa labi dahil alam kong tatawanan lang nila ang sinabi ko. Pero lahat sila ay namilog ang mata at bibig sa akin. Napatayo pa si Kuya Leighton sa upuan nya at umaktong parang sinusuntok ang isang palad. "Sino yang magaling na lalaki ang nakavirgin sayo?? Paduduguin ko talaga ang mukha nang mokong na yan!" Galit na galit na sabi ni Kuya Leighton. Hindi ko akalain na ganun ang magiging reaksyon nya. Si mama ay lumapit sa akin at hinatak ang buhok ko. Napangiwi ako sa ginawa ni mama "Kaya pala lagi kang ginagabi nung mga nakalipas na araw?? Sabi mo thesis ang ginagawa nyo, may iba ka na palang pinagkakaabalahan!" Galit na sabi din ni Mama Habang si Jordan ay napahawak sa bibig nya .. "Shutang ina!! Hindi ko naman akalain na hindi ka na virgin. Nagbibiro lang naman ako!" Si Jordan. Tinignan ko silang lahat.. napakaseryoso nila.. "Hindi nyo ba magetz ang joke ko? Nagjojoke ako!" Paliwanag ko. Pero lahat sila ay nakatingin pa rin sa akin. Talagang hindi ko na yata sila mapapatawa. Wala talaga akong sense of humour. Nakakalungkot! "Tigil tigilan mo ako Liza ha! Kapag ikaw nabuntis agad naku sinasabi ko sayo!" Si Mama "Ihahatid sundo ko yan si Liza, Ma. Titignan ko kung sino ang lalaki na sinasabi nya! Humanda sa akin yun!" Sabi naman ni Kuya Leighton. Napahilamos ako sa aking mukha. Hindi nila talaga nagetz ang joke ko.. mas lumala pa!! At simula nga nun ay hatid sundo na ako ni Kuya Leighton. Ayoko nang magpaliwanag sa kanila, sumunod na lang ako sa kagustuhan ng pamilya ko. Nagpakawala ako ng malalim na hangin habang inaabot ni kuya ang bag ko. Para tuloy akong elementary na hinahatid at sinusundo. "Eksaktong alas kwatro hihintayin kita dito ha!" Sabi ni Kuya Leighton Tumango lang ako sa kanya at naglakad na papasok sa gate ng University. Nilingon ko pa si Kuya Leighton, hindi sya umaalis hanggat hindi ako tuluyang nakakapasok sa loob ng University.. Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan nang naglakad. Yakap ko ang mga libro habang malalim na nag-iisip. Bakit ba kasi hindi ako marunong magjoke???

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
535.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

A Night With My Professor

read
496.7K
bc

The Professor's Wife

read
449.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook