Chapter 2

2068 Words
Habang binabagtas ng jeep ang kahabaan ng Quezon Avenue ay bulto bultong kaba ang nararamdaman ko. Ngayon ang interview ko sa isang malaking kompanya ng pintura, ang Razon's Paint. Ito rin ang unang sabak ko sa isang interview. Hindi ko alam kung bakit ba ako nakagraduate sa aking kurso gayong kailangan ng matinding lakas ng loob para dito. Nag-aapply ako bilang H.R assistant. Ipinagdarasal ko na sana ay matanggap ako para makatulong na rin ako sa aking pamilya. Napaaga ako ng isang oras sa aking interview kung kaya dumaan muna ako sa isang coffeeshop para magkape. Alam kong mas madadagdagan ang kaba ko sa pag-inom ng kape pero bumili na rin ako para makaupo habang hinihintay ang oras. Katapat ng coffeeshop na ito ang napakalaking building na pag-mamay ari din ng Razon's Paint. Sobrang successful ng business nila. Sapalagay ko ay ubod talaga ng yaman ang may-ari nito. "Hot Cappuccino for Liza!" Sigaw ng barista. Agad akong lumapit sa counter at kinuha ang kape ko. "Thank you!" Mahina kong sabi sa kanya. Kinuha ko ang mainit na kape at naghanap ng mauupuan. Napangiti ako ng makakita ako ng upuan malapit sa may pintuan. Pero habang naglalakad ako palapit doon ay bigla na lamang akong binangga ng isang lalaki nakaformal suit Sa sobrang lakas ng pagkakabangga nya ay tumilapon ang kape na hawak ko. Parang bumagal ang oras ng makita ko ang aking kape na lumilipad sa ere. Namilog ang mata ko.. gusto kong habulin ang kape ko dahil maaring makaaksidente pa iyon ng iba. Pero nasilayan ko ang malademonyong mukha ng lalaking bumangga sa akin. Galit na galit sya! Sa akin ba? Hindi ko alam. Hindi ko namalayan na bumagsak ang kape sa lapag! Pero bago bumagsak ay tumapon muna ito sa aking binti na syang nagpadumi sa suot kong skirt. Tumilamsik ang kape sa lalaking nakabangga sa akin na nakasuot pa naman ng suit. Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko nang makita ko ang galit nya. Pinunasan nya ang suit nya na nadumihan na ng kape.. "S.hit!! How bullhead you are!!!" Sigaw ng lalaki habang dinuro duro nya ako. Nanginginig akong tumingin sa paligid dahil lahat ay nakatingin na sa akin. Galit na galit sya dahil nadumihan ang suot nya. Pero hindi ko masabi na sya ang bumangga sa akin. Bakit sa akin pa sya nagagalit? "I'm sorry Sir. I'm sorry!" Sabi ko. Wala akong ibang masabi. Humingi na lang ako ng pasensya para wala ng gulo. Tinignan lang ako ng lalaki mula ulo hanggang paa. Nakita nyang basang basa ang skirt ko ng kape. Namula rin ang binti ko dahil mainit ang kape na natapon sa akin. Agad kaming nilapitan ng manager ng coffee shop. "Are you alright mam? Nagpakuha na po ako ng first aid kit sa isang staff. At papalitan namin ang kape na natapon." Sabi ng mabait na manager Sa totoo lang ay ngayon ko lang naramdaman ang hapdi sa aking binti. Ngayon ko naramdaman ang kirot na dulot ng mainit na kapeng natapon sa akin. "No need! I will take her to the nearest hospital!" Napatingin ako sa masungit na lalaki nang sabihin nya ito. Pero ngayon ay nag-iba ang awra nya. Kanina ay para syang demonyo na galit na galit sa akin. Ngayon naman ay biglang umamo ang mukha nya. Aaminin ko, napakagwapo pala nya. At pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko nang titigan nya ako. Pero ayokong sumama sa kanya. May interview pa ako. Ayokong ma-late sa interview ko. Baka hindi ko pa makuha ang posisyon na gusto ko kung sasama ako sa kanya. At isa pa.. hindi ko sya kilala. Ayokong sumama sa kanya. "Sorry Sir. Pero hindi ako sasama sayo! Okay na ako sa first aid na ibibigay sa akin. Sa-saka may interview po ako sa Razon's Paint. Hindi po ako pwedeng umalis!" Sabi ko sa kanya. Mas ikinagulat ko nang ngumiti sya sa akin. Tumingin sya sa building ng Razon's Paint. "Dadalhin kita sa hospital ngayon. Ako na ang bahala sa interview mo!" Sabi nya sa akin Agad nyang hinawakan ang mga kamay ko at hinatak akong palabas. Hindi ko rin alam kung bakit ba pinayagan ko syang hatakin ako at dalhin sa magara nyang kotse. Parang may magnet ang kamay nya na nakadapo sa akin at ang hirap tanggalin. "Sir.. sorry hindi po ako sasama!" Sigaw ko sa kanya. Pero binuksan ng driver nya ang pinto ng kotse. Nakaramdam ako ng takot. Pakiramdam ko kasi ay kikidnapin nya ako! Wala akong nagawa kundi ang sumakay sa kotse nya. Labis na kaba, takot at pag-aalala ang naramdaman ko ng makasakay ako ng kotse nya. Hindi ako marunong lumaban kaya nangyari sa akin ito. Sana kasi ay nanlaban ako para hindi nya ako napilit na sumakay dito. Pero paano na? Narito na ako sa loob ng kotse nya. Katabi ang lalaking hindi ko kilala. Nakakatakot ang pagkatao nya. "Don't worry hindi ako masamang tao. May malapit naman na hospital dito, doon tayo pupunta!" Sabi nya Nagulat ako sa mga sinabi nya. Napansin nya siguro ang kaba at takot ko sa kanya. Bahagyang napanatag ako sa sinabi nya. Sana nga ay hindi sya masamang tao. Nakarating kami sa ospital. Agad kaming nagtungo sa E.R. Nahihiya ako dahil hindi naman ganun kalala ang nangyari sa akin para magpunta dito. Agad naman akong inasikaso ng mga nurse. Nakita kong nakatayo lang ang lalaking nagdala sa akin dito sa isang gilid at minsan ay nahuhuli kong nakatingin sya sa akin. Pakiramdam ko ay ang pula pula na ng mga pisngi ko dahil sa mga tingin nya. Habang nilalapatan ako ng gamot ay hindi ako mapakali dahil alam kong may mga matang nakamasid sa akin. God! Sana matapos na ito. Nang mapatingin ako sa aking relos ay nanlumo ako dahil 8:30 na ng umaga. Alas otso ang aking interview. Late na ako! At alam kong hindi ko na makukuha ang posisyon na gusto ko. Pagkatapos akong gamutin sa E.R ay bagsak balikat akong naglakad patungo sa lalaking nagdala sa akin dito. "Are you okay Miss?" Tanong nya. Matipid akong ngumiti sa kanya. "Okay na ako Sir. Sasakay na lang ako dito pauwe sa amin! Maraming salamat po" Sabi ko Tinalikuran ko na sya at naglakad akong palabas ng E.R. May mga dumadaang jeep naman papunta sa bahay namin. Pero.. "Miss. You just told me awhile ago that you have an interview in Razon's Paint? Tara na.. ibabalik kita doon!" Sabi nya Pero umiling iling ako. Hindi na ako aattend ng interview. Alam ko namang wala nang pag-asa dahil sobrang late na ako. Hindi magandang record para sa nag-aapply. "Hindi na po ako pupunta Sir. Sobrang late na po!" Sabi ko. Hinawakan nya ulit ang mga kamay ko. He gave me a smile that makes my heart calm. Pero ano ang ibig sabihin nito? "What position are you applying for?" Tanong nya. Nagkunot ang noo ko. Bakit nya kaya tinatanong? "H.R assistant Sir.." sagot ko naman kahit nagtataka ako sa mga tanong nya. Ayan na naman ang mga ngiti nyang nagpapakalabog sa puso ko. "Kung gusto mo gagawin kitang Personal secretary ko? Kung ayaw mo nang magapply as H.R Assistant." Alok nya sa akin. Namilog muli ang mga mata ko sa kanya. Gagawin nya akong Secretary? Ibig sabihin ay mataas ang posisyon ng lalaking ito. Sino nga ba ang lalaking ito? Hinatak na nya akong palabas at sumakay muli sa kanyang kotse. Hindi ako tumitingin sa kanya habang nasa byahe kami. Kinakabahan pa rin ako. Hindi pa naman ako pumayag sa alok nya pero pakiramdam ko ay wala na akong magagawa. Huminto ang kotse sa building ng Razon's Paint. Nagkunot ang mga noo ko? Bakit dito nya ako dinala?? Inalalayan nya akong bumaba. Inayos ko ang skirt ko. Nahihiya pa ako dahil sa suot kong maduming skirt. Parang hindi ako bagay sa lugar na ito. "Sir saan po tayo pupunta?" Tanong ko "Sa opisina ko!" Sabi nya Pero dumerecho sya sa main entrance ng building. Aba! At doon talaga sa building na iyon ang kanyang opisina? Marahan ko lang syang sinundan. Nasaksihan ko ang pagbati sa kanya ng mga empleyadong nakakakita sa kanya. Ang iba ay parang kinakabahan nang makita sya. Bakit kaya?? "Good morning Sir!" Bati sa kanya ng guard. Matipid na ngiti lang ang ibinigay nya sa guard. Sungit! Pero ang gwapo pa rin nya. Agad akong hinarang ng guard. "Miss patingin ng I.D! May appointment ka ba?" Sabi ng guard Agad kong hinanap ang I.D ko sa aking bag. Ang tagal kong hinanap. Nang maalala kong naiwan ko pala sa bahay! God! Paano na ito? Napahawak ako sa aking noo.. "Hindi ka makakapasok kapag wala kang I.D!!" Matapang na sabi ng guard Halos mahalungkat ko ang buong bag ko sa paghahanap wala naman pala akong makikita.. "Let her enter the building! She is my Secretary!" Malaking boses ang umalingawngaw sa may main entrance. Parang nataranta ang guwardiya sa utos ng lalaking ito! Napakapowerful nya. Agad na akong pinapasok ng guard. Humingi sya ng tawad sa akin na hindi naman kailangan. "Sorry po talaga Mam!" "Ayos lang po kuya! Maraming salamat po!" Sabi ko.. Agad na rin akong pumasok sa loob ng napakaeleganteng building. Nakangiti sa akin ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala. Sumakay kami ng elevator at pinindot ang 27th floor. Nalulula ako sa taas ng kanyang opisina. Habang sakay kami ng elevator ay lihim ko syang pinagmamasdan. Parang ang perfect naman ng lalaking ito. Napakagwapo nya. Ang ganda ganda ng mga mata nya pero minsan nakakatakot. Mayroon syang perfect nose bridge, ang sarap kurutin. Ang labi nyang mamula mula na parang ang sarap.. ang sarap? God? Ano ba tong iniisip ko! Pasimple kong inayos ang buhok at suot ko. Hindi ko na rin mapigilan ang ngiti sa labi ko. Ano ba naman to? Pagbukas ng elevator ay bumungad sa amin ang napakalaking signage ng Razon's Paint. Muli syang binati ng mga empleyadong naroroon. Agad na lumapit ang napakagandang babae sa kanya. Sobrang sexy at sophisticated nya. Pero inarkuhan nya ako ng kilay ng mapadako ang tingin nya sa akin. "Sir your meeting with Mr. Lim is cancelled due to.." hindi pa nga tapos ang sinasabi ng magandang babae ay pinutol na nya ito sa pamamagitan ng pagharang nya ng kanyang palad sa harapan ng mukha ng babae. Magkasalubong ang dalawang kilay nya sa napakagandang babae. "From now on she will be my personal secretary! Endorse all your tasks with her. And.. you will go back to marketing position.. hinatak lang naman kita doon di ba?" Utos nya. Nakita ko ang pagkuyom ng mga palad ng magandang babae. Mukhang hindi nya nagustuhan ang balitang ako na ang papalit sa kanyang posisyon. Nilingon ako ng magandang babae at laking gulat ko ng nakatingin sya sa akin ng masama. Yumuko na lang ako at tumingin sa kung saan wag lang sa kanya. Doble dobleng kaba na ang nararamdaman ko kasabay nito ang tensyon sa pagitan namin ng dating sekretarya. Hinawakan ng lalaking hindi ko pa rin alam ang pangalan ang aking mga kamay. Parang may boltaheng dumaloy sa katawan ko nang hawakan nya akong muli. Agad kaming pinagtinginan ng mga empleyado, partikular ang magkahawak naming mga kamay. At ang dati nyang sekretarya ay parang sasabog sa sobrang galit nang masaksihan nya rin ang paghatak ng lalaking ito sa aking mga kamay. Pero sino nga ba ang lalaking ito? Bakit ba ang lahat ng tao sa buong building na ito ay ganun na lamang ang pagtingala sa kanya? Binuksan nya ang pinto ng isang room na may napakagandang signage.. Office of the President Mas lalong bumilog ang mga mata ko. Ang puso ko ay mas triple ang kaba. Napatingin ako sa kamay ko na hawak nya. God? Hindi kaya.. sya ang... "Welcome to my Company! I am Brent Razon the owner of Razon's Paint!" Magandang bati nya sa akin habang nasa loob kami ng kanyang opisina. God! Sya ang may ari ng malaking kumpanyang ito? Sya ang magiging boss ko? Ako ang magiging sekretarya nya?? Agad kong inalis ang mga kamay ko sa pagkakahawak nya. Nahihiya akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napakataas na tao pala nang lalaking kanina ko pa kasama. Nakita ko pa ang mantsa ng kape sa kanyang suit. Mas lalo akong nahiya.. ako ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Ano bang mangyayari sa akin sa kumpanyang ito? Brent Razon? Ano ba ang magiging parte mo sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD