bc

My Love is a Superstar BOOK 6: ERYX

book_age18+
20
FOLLOW
1K
READ
billionaire
friends to lovers
aloof
inspirational
instrumentalist
drama
comedy
twisted
city
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO MY SUGA BABE, ALSO KNOWN AS MIN YOONGI)

Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Eryx Parker ay isa sa mga rapper ng grupong Bullet Proof Boys. Marami syang tagahanga kahit kapansin-pansin ang pagiging tahimik at suplado nito.

Babaguhin ni Nathalie Mendoza na isang Haunted Soldier (tawag sa mga tagahanga na labis ang kabaliwan sa grupo), ang pananaw ni Eryx pagdating sa pag-ibig.

Subalit dahil sa kabaliwan ng dalaga sa binata ay humiling si Eryx na kalimutan na lamang sya nito dahil mas matimbang pa rin ang kanilang karera kaysa sa anumang bagay sa mundo.

Ngunit ano ang gagawin nya kung literal na nakalimutan sya ng dalaga pagkalipas ng dalawang taong pagkakawalay? Nabura ang lahat ng memorya ni Nathalie, lalo na ang mga alaala nya kay Eryx. Paano maibabalik ng binata ang pagmamahal ni Nathalie na syang binura na ng tadhana?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nathalie Mendoza POV Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko nang matapos ang duty ko sa Hotel na pinapasukan ko. Isa akong receptionist sa isang Hotel sa Maynila. Kailangan ko nang magmadali dahil baka hindi ko magawa ang plano ko ngayong gabi. Kailangan kong makaabot sa oras para magawa kong muli ang nagpapaligaya sa akin. "Oh, Nathalie. Nagmamadali ka na naman? Susundan mo na naman ang Bullet Boys?" Wika sa akin ni Julia, ang kasamahan ko sa trabaho. Nilingon ko sya habang patuloy na inaayos ang mga gamit sa back pack na dala ko. Halos hindi ko na maisara ang bag na ito sa dami kong dala. "Six ng gabi ang flight nila papunta sa Hawaii. Kailangan ko silang makita ngayon. Lalo na si Eryx ko, isang Linggo sila sa Hawaii kaya mamimiss ko sya!" Sambit ko Nasira pa yata ang zipper ng bag ko dahil sa dami ng dala ko kaya hindi ko talaga ito maisara. "Kainis naman ang zipper na ito, hindi marunong makisama oh! Kung kailan nagmamadali ako!" Sambit ko Gigil na gigil ako sa bag! "Grabe ka talaga! Ikaw talaga ang tunay na baliw sa kanila. Kahit saan ay sinusundan mo sila. Kung marami ka sigurong pera, baka nasundan mo na sila sa Hawaii." Biro pa ng kaibigan ko Sa wakas ay naisara ko na rin ang zipper ng bag ko. Nakisama na rin ito sa akin. Muli kong ibinaling ang tingin ko kay Julia. "Kaya nga ako nag-iipon para masundan sila kahit saan. Yun talaga ang pangarap ko! Kaya ako nagsusumikap dahil gusto ko silang makasama araw-araw! Marami na akong ipon baka hindi mo alam." Sambit ko Napangiwi sa akin si Julia at napakamot sa kanyang ulo. Akala nya yata ay nagbibiro ako sa mga sinabi ko. Totoong nag-iipon ako para masundan kahit saan ang aking Bullet Boys, lalo na si Eryx Parker. Kaya naman dito pa lang sa bansa ay madalas ko na silang sundan. Basta kaya kong mapuntahan ang lugar kung saan sila naroroon ay walang makapipigil sa akin. Ganito ako kabaliw sa kanila. Ganito ko kamahal si Eryx. Sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Hindi ako kuntento sa mga magazines at video na napapanood ko. Mas maligaya ako kapag nasisilayan ko sya ng personal. Kaya naman kahit malayo at kahit mapagod ako ay ayos lang sa akin makita ko lang sya. Gusto kong ipagsigawan kung gaano ako kabaliw sa kanya. Ang kanyang gummy smile ang nagbibigay lakas sa akin araw-araw. Mahal ko si Eryx. Mahal na mahal ko sya. "Bye!" Wika ko "Okay, ingat ka friend. Good luck na lang sayo." Banggit pa nya Habang papalabas ako ng Hotel ay kaagad kong kinuha ang card na ginawa ko para kay Eryx. Nakasulat sa card na ito kung gaano ko kamahal ang Bullet Boys, lalo na si Eryx. Kailangan kong maibigay ito sa kanya. Kailangan ko syang mayakap at mahalikan ngayong gabi. Wala akong pakialam kung napakarami ng mga body guards ang nakabantay sa kanya. Ang mahalaga ay maisagawa ko ang mga plano ko. Bago man lang sya lumipad papunta sa ibang bansa ay mapabaunan ko man lang sya ng matatamis kong halik. Alam kong kabaliwan ito ngunit ito ang nagpapaligaya sa akin. Mas lalo akong malulugmok sa kalungkutan kapag hindi ko ito naisakatuparan. Isinilid ko ang ginawa kong espesyal na card sa bulsa ng maong jacket na suot ko at kaagad na akong nagtungo sa terminal 3 ng airport. Sa Bullet Boys nababaliw ang mundo ko. Mag-isa lang ako dito sa Maynila dahil halos lahat ng aking kamag-anak at pamilya ay nasa Leyte. Ginawa kong inspirasyon ang Bullet, lalo na si Eryx upang magpatuloy ako sa buhay. Sila ang naging lakas ko para mabuhay sa magulong mundo na ito. Ang kanilang mga awitin ay nakatatak sa aking puso. Bawat letra ng kanilang awitin ay isinasabuhay ko. Lagi nilang sinasabi na huwag sumuko sa buhay. Walang naging madali sa pag-abot ng pangarap dahil lahat ay kailangang dumaan sa paghihirap. Isa na sila sa mga nagpatotoo nito, dahil ang kanilang buhay noon ay hindi naging madali. Dumaan din sila sa napakaraming pagsubok bago nila matamasa ang lahat ng mayroon sila ngayon. Kaya nga nakaka-inspire talaga ang kanilang kwento. Isa ito sa mga hinangaan ng mga milyong Soldiers sa iba't-ibang panig ng mundo. Hindi sila basta sumuko sa buhay, kaya naman deserve nila ang anumang bagay na mayroon sila ngayon. Ang hirap nilang abutin. Ang hirap na nilang malapitan dahil sa kasikatan na natatamasa nila. Pero walang makakahadlang sa akin. Gagawin ko ang mga bagay na magpapasaya sa akin. Hindi ako susuko! Isa akong Haunted Soldier. Ito ang tawag sa mga tagahanga ng Bullet Boys na sobrang nababaliw sa kanila. Hindi sapat ang salitang sobrang baliw para ilarawan kami, dahil mas higit pa kami roon. Ang totoo ay kinaiinisan kami ng ibang mga Soldier dahil natatakot daw sa amin ang mga boys. Wala na kasi silang privacy sa kakasunod namin sa kanila. Sa mga mata naming Haunted Soldier ay walang makakahadlang sa amin para makalapit sa aming mga iniidolo. Walang gustong malaman ang side namin bilang tagahanga. Ang alam lang nila ay masama kaming fans at kailangang burahin sa mundo. Ngunit hindi nila alam na mas mahal namin ang Bullet Boys dahil kami lang ang nagbibigay palagi ng oras sa kanila. Kami ang matiyagang sumusunod sa kanila dahil ganun namin sila kamahal. Kami yung mga fans na laging gustong ipagsigawan sa kanila kung gaano namin sila kamahal. Sa palagay ko ay kami talaga ang number 1 fan nila. Kaya naman bingi at bulag na kami sa mga negatibong bagay na ibinabato sa amin. Sanay na ako sa mga ito. Nagbigay na nga ng pahayag ang management ng Bullet Boys na lilimitahan na nila ang paggawa ng mga concerts at pagshoot ng mga commercial dahil sa aming mga Haunted Soldiers. Pero hindi kami natinag! Kasama pa nga ako ng ilan dati, na nagmasid sa labas ng condo ng mga boys. Ang tanging nais lang namin ay masilayan sila. At sa oras na lumabas sila sa condo na iyon ay wala nang makakapigil sa amin. Talagang sinusunggaban namin ang miyembrong gusto naming mayakap at mahalikan. Halos magkagulo sa labas ng condo nila dahil sa aming mga haunted soldiers. Ayos lang ang pambabatok, pagsabunot at pagkaladkad sa akin ng kanilang bodyguards. Ang mahalaga ay nalapitan ko ang mga iniidolo kong international artists. Hindi ko pa nagagawang mayakap at mahalikan si Eryx dahil sa tuwing gagawin ko ito ay nauunahan na ako ng bodyguard nya. Ang laking tao pa naman ng mga bodyguards nya at nagmumukha akong kuting sa tuwing bibitbitin ako nito palayo. Para akong pusa na basta na lang nyang binitbit palayo sa pinakamamahal kong si Eryx. Kaya naman hindi ko na palalampasin ang gabing ito. Kailangan kong maisakatuparan ang plano ko para kay Eryx Parker. Kailangan ko syang mayakap at mahalikan. Ito ang target ko ngayon. Kung kinakailangang makipag-bardagulan muli sa mga bantay ng Bullet Boys ay gagawin ko. Handa ako sa sakit na maaari kong maramdaman ngayon. Walang makakapigil sa akin. Pagdating ko sa airport... Kagaya ng aking inaasahan ay marami na namang Soldiers ang nag-aabang dito para masilayan ang Bullet Boys. Pero hindi ako papatalo sa kanila. Hindi ako makukuntento sa pasigaw-sigaw at pakaway-kaway lang sa kanila. Hindi ito ang gawain ng isang masugid na tagasuporta. Kailangan ay mayakap at mahalikan ko si Eryx ngayon. Napakagat labi ako sa tuwing maiisip ko na madadampian ng labi nya ang labi ko, parang mahihimatay na ako sa kilig. Ang buong presensya nya ang nakakapagbigay sa akin ng labis na kuryente na dumadaloy sa aking buong katawan. Pag-iilusyon pa lang ay parang hihimatayin na ako sa labis na kaligayahan. Paano na lang kaya kung totoo nang nakadampi ang mga labi ko sa labi ng mahal ko. Baka ikamatay ko ito. Hindi na ako makapaghintay. Isiniksik ko ang sarili ko sa kumpulan ng mga Soldiers na nasa harapan. Sinakop na nila ang daan na syang kinainisan ko. Pero sabi ko nga, walang makakapigil sa akin! Kung kinakailangang itulak ko sila ay gagawin ko. Wala akong pakialam kung magalit man sila sa akin. Kung hindi ako madiskarte ay walang mangyayari sa akin. "Aray! Magdahan-dahan ka naman Miss. Nauna kami dito. Doon ka sa likod!" Sigaw ng babaeng naitulak ko dahil nakaharang sya sa aking daraanan. Nakipagtitigan ako sa kanya ng masama. Walang karapatan ang sinuman na magpaalis sa pwesto ko dito. Kung nagawa nyang paalisin ang iba, ay hindi ako! Handa akong makipagpatayan sa pwestong ito! "Bakit? Nabili mo na ba itong pwesto na to??" Galit na sigaw ko sa kanya. Lalo ko pang tinaasan ang kilay ko sa kanya. Bahagya syang napaurong at tila natakot sa akin. Nagkamali sya ng pinagsasabihan. Isa akong Haunted Soldiers at wala akong inuurungan! Sanay akong makatikim ng mga suntok, sabunot at sampal. Eh sya? Baka ikamatay nya kapag binigyan ko sya ng sapak sa mukha! "Ayan na ang mga Boys!" Sigaw ng isang Soldier Biglang umingay ang buong paligid dahil sa pagdating ng Bullet Boys. Kanya-kanyang sigawan ang umalingawmgaw sa airport. Ang gagwapo talaga ng mga Bullet Boys. Lahat sila ay nakangiti sa amin at kumakaway. Ngunit maliban lang sa Eryx ko na likas na masungit at wala sa mood. Lagi lang syang tahimik at hindi palangiti. Nasilayan ko si Rocky at Jethro na parehong nakasuot ng itim na jacket na syang lalong nagpagwapo sa kanila. Napakacool naman nina Hunter at Axel sa suot nilang simpleng shirt at maong pants. Sina Grayson at Jet naman ay napakagwapo sa suot nilang sweatshirt. At nang masilayan kong muli si Eryx ay parang maaari na akong kunin ng maykapal anumang oras. Mahal na mahal ko ang lalaking hindi marunong ngumiti at napakasungit na naglalakad sa gitna ng airport na ito. Nakayuko sya habang naglalakad. Ngunit nang tignan nya ang lahat ng Soldiers na nag-aabang sa kanila at magbigay sya ng isang napakagandang ngiti ay nagkagulo ang mga fans. Sobrang gwapo nya! Minsan lang sya ngumiti kaya naman espesyal na para sa amin ang mga ngiting iyon. Hindi na ako dapat mag-aksaya pa ng panahon. Kailangan ko na syang mayakap at mahalikan. Kailangan kong tuparin ang matagal ko nang pinapangarap. Lumusot ako sa pagitan ng mga hita ng mga guards. Kaagad naman akong akong napansin ng isa. Hinablot ng isang guard ang kamay ko ngunit dumulas lamang ito sa mga palad nya. Hindi nya ako nahuli! Parang ang bagal ng oras ng mangyari ang eksenang ito. Para akong nakatakas na preso na hinahabol ng mga body guards ng Bullet. Pero buo na ang loob ko, gagawin ko ang matagal ko nang gustong gawin kay Eryx. Nang huminto ako sa harapan nya ay nagulat sya sa aking presensya. Nakangiti ako habang nakatitig sa kanyang mga mata. Nasa harapan ko na ngayon ang lalaking pinapangarap ko. Kaagad ko syang niyakap at hindi ko na pinalampas ang bawat minuto ng buhay ko. Kaagad ko ring inilagay ang espesyal na card sa bulsa ng kanyang pantalon. Mabilisan ang mga pangyayaring iyon. Kaagad kong hinawakan ang magkabila nyang mukha at inilapat ko ang aking labi sa kanyang labi. Pakiramdam ko ay nawala ang mga tao sa paligid. Dinama ko ang kanyang labi na nakadampi sa labi ko. Napakalambot nito. Napakasarap ng una kong halik. Sa wakas ay naisakutaparan ko na rin ang matagal ko nang pangarap. Ang mayakap at mahalikan si Eryx Parker. Parang ayoko nang maalis ang labi nyang iyon sa akin. Mas lalo akong nababaliw sa kanya. "Ahhh! Haunted Soldier sya!!!" Sigawan ng iba Agad kong naramdaman ang malaking palad ng lalaking guard sa likuran ko. Hinatak nya akong palayo kay Eryx. Muli kaming nagkatitigan ng mahal ko. Napangiti ako. Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing ito. Ang gabi nang una kong halik! Unti-unti nang lumalayo ang Bullet Proof Boys. Mas dinoble nila ang pagbabantay dahil sa ginawa kong eskandalo. Naramdaman ko na lang ang ilang batok, sampal at sipa sa akin ng ibang Soldiers nang malaman nila na isa akong Haunted Soldier. Kaagad kong tinanggap ang masasakit na ginagawa nila sa akin. Wala na akong nararamdaman dahil talagang nababaliw ako sa halik ng isang Eryx Parker. "Kayo talaga ang sakit ng ulo namin!" Sigaw pa nung guard na humatak palayo sa akin kanina kay Eryx. Pero tila bingi pa rin ako sa lahat ng nangyayaring ito, dahil hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang malambot na labi ni Eryx na syang natikman ko kanina. Napakasaya ko kahit sandamakmak na naman ang bugbog ko sa katawan. Hindi ko alam kung paano ako makakatulog nito mamaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook