bc

Destiny Book 4: Migz Montecastro

book_age18+
777
FOLLOW
2.9K
READ
sensitive
brave
confident
drama
tragedy
twisted
sweet
loser
first love
intersex
like
intro-logo
Blurb

Half Spanish si Miguel Montecastro. Pang-apat sya sa magkakapatid. Kalog, masayahin at ang pinakabully sa kanila.

Pero nagbago ang lahat ng pumanaw ang first love nyang si Angel Medina dahil sa malubhang sakit. Ang dating masayahin at makulit na si Miguel ay bigla na lamang naging tahimik, malungkutin at masungit.

Bumalik kaya ang dati nyang pagakatao kapag nakilala nya ni Angela Pacheco? Ang pangalawang anghel sa buhay nya. Ang babaeng nakilala nya sa isang art exhibition.

Ang isang gabing pagkakamali ba nila ang magbubukas sa puso ng binata para makalimutan ang unang babaeng minahal nya? Paano kung malaman nya ang tunay na pakay ni Angela sa kanya. Tanggapin nya kaya ang dalaga sa buhay nya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ahhhh!!! Kuya Migz!!!!" Sigaw ng kapatid kong si Marikit na half Luxembourgers, nang lagyan ko ng gagamba ang loob ng bag nya. Walang patid ang tawa ko sa likod ng pintuan ng kusina habang nagsisigaw sya at nag-iiyak sa may sala. Bata pa lang kami ay paborito ko na syang asarin. Paborito ko na syang paiyakin. Hindi lang pala sya ang inaasar ko kundi ang iba ko pang mga kapatid na half foreigners din. Natutuwa kasi talaga ako sa mga itsura nila kapag nabubully ko. "Miguel!!!" Pagtawag ni Papa Edz Napakamot ako sa aking ulo. Tiyak na pagagalitan na naman ako ni Papa. Si Papa na hindi namin tunay na tatay pero minahal kami ng sobra. Nakangisi akong humarap kay Papa habang may dala syang pamalo. Ayan naman ang magic pamalo nya na kasama ko na sa paglaki. Kinalakihan ko na ang pamalo na iyan. Kilalang kilala na nya ang pwet ko. Close na close kami ng pamalo ni Papa. "Maloko ka talagang bata ka? Miguel kelan ka ba magtitino? Inaasar mo na naman ang kapatid mo!" Galit na sigaw ni Papa Hinataw nya ang pwet ko ng hawak nyang patpat. Kahit highschool na ako ay pinapalo pa rin nya ako basta may kasalanan ako. Nakapikit lang ako habang sinasalo ko ang palo nya. Sanay na ako sa parusang ito. "Hala hulihin mo ang gagamba na yan sa bag ng kapatid mo!" Sigaw pa nya Tinignan ko ang kapatid kong puno ng luha ang mga mata. Ang panget talaga neto kapag umiiyak! Kaya ang sarap asarin eh! Nginisuan ko sya at tinawanan. "Ano ba yan at ang iingay nyo?" Si mama Emz galing sa pamamalengke. Nakapameywang na si Papa at pinagmamasdan ako habang hinuhuli ang alaga kong gagamba. "Itong si Migz tinakot na naman si Kate ng alaga nyang gagamba!" Pagsusumbong ni Papa Inilagay ko sa bote ang malaking gagamba at ipinatong ko sa lamesa. "Ilayo mo yan!!!" Sigaw pa ng kapatid kong pangit! "Hoy Miguel! Tigil tigilan mo na ang pang-aasar. Nagbibinata ka na ganyan ka pa din?" Pagsesermon naman ni Mama Napahawak ako sa aking batok. Heto na naman po sila. Walang sawa na naman ang panenermon sa akin. "Nakakatawa kasi si Kate eh! Ang pangit kapag umiiyak!" Pang aasar ko pa Tinatawanan ko pa sya habang kinuha ko ang bote ng gagamba at pinakita ko sa kanya. Takot na takot talaga sya sa gagamba. Para syang hihimatayin kapag nakakakita nito. Kaya ano na lang ang itsura nya nang makita ito sa loob ng bag nya. Laughtrip talaga yun! "Mama ohh!" Pagsusumbong ng kapatid kong bunso. Napailing na lang si Mama at dumerecho na sa kusina. Samantalang si papa ay kinuha ang remote at nanonood na lang ng t.v. Ipinatong pa ni papa ang paa nya sa lamesita. Ayan. Kalmado na si Papa. Nang aktong papaakyat na ako sa aking kwarto.. "Miguel!!! Shutang ina ka!!!" Sigaw ni kuya Jordan ang kuya kong bading na half Italian. Pinigilan ko ang tawa ko ng makita ko ang mukha nya. Hawak nya ang mukha nya na may malagkit na bagay na nakadikit sa kanyang mukha. Naalala ko na pinalitan ko nga pala ng glue ang pampahid nyang cream sa mukha. Glue na pala ang nakikita kong nakadikit sa mukha ng maarte kong kuya na binabae. Halos maubusan ako ng hangin kakatawa sa kanya. Ang pangit din ng kapatid ko na to kapag nagagalit eh. Mas babae pa sa mga kapatid kong babae. Kung makapagtapis pa ng tuwalya hanggang dibdib. Wala naman makikita sa dibdib nya. "Ano to??? Bakit glue ang laman nito?? Wala ka talagang magawa?? Maliligo na naman tuloy ako!" Asar na asar na sigaw ng kuya ko "Astig nga Bro eh, instant peel na yan! Tanggal lahat ng white heads mo!" Sabi ko Habang tinatawanan ko sya. Binato nya ako ng lagayan ng cream na hawak nya. "Ma! Palayasin nyo na nga yan dito! Puro pambubully ang ginagawa dito!" Sigaw nya Dumerecho na sa banyo si Kuya Jordan para maligo ulit. Maasim pa naman ang amoy ng glue. Nakakatawa talaga ang mukha ng kapatid ko. Agad na lumabas sa kusina si Mama Emz. Nakapameywang na sya sa akin. Nakikita ko ang galit nya. Magkasalubong na ang dalawa nyang kilay. Parang anumang sandali ay sasabog na sa galit ang nanay ko! "Miguel. Sumusobra ka na talaga! Hala! Umakyat ka sa kwarto mo at wag kang lalabas ng hindi ko sinasabi!" Sigaw nya Nakita ko rin si Papa na napapakamot na ng ulo dahil parang suko na sa akin. Tinalikuran ko na sila.. pero hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi. "Bro!! Anak ka nang pating! Nakita ni Kim yung brief ko! Nilagay mo sa bag nya! Hayop ka!!" Sigaw naman ni Kuya Leighton ang half Morrocan na panganay naming kapatid. Likas na matinik sa chicks at kung magpalit ng babae ay parang nagpapalit lang ng damit. Sobrang bilis. Pahakbang na ako paakyat sa kwarto ko ng pumasok si Kuya sa bahay. Galit na galit din sya!! Nung dumalaw ang girlfriend nyang si Kim dito, palihim kong nilagay ang lumang brief ni kuya Leighton sa bag nya. Yung parang bacon na yung garter sa kalumaan. Iniimagine ko tuloy ang itsura ni Kim nung makita nya ang brief na bacon sa bag nya. Laughtrip siguro talaga yun!! Agad akong hinablot ni Kuya at ginulo gulo nya ang buhok ko. "Wala ka talagang magawa! Sige gaganti ako. Pag pinapunta mo yang girlfriend mo dito sisiraan kita! Sabihin ko madami kang dinadalang babae ditong hayop ka!!!" Galit na galit na sabi ni kuya Hawak nya ang buong katawan ko habang ginugulo gulo pa rin ang buhok ko. "Hindi maniniwala yun Bro! Sorry ka!" Pang-aasar ko pa sa kanya Lalo akong kinulong ni Kuya sa mga bisig nya at aktong parang sinasakal na ako. Nauubusan na ako ng hangin kasi puro tawa lang ang ginagawa ko sa kanya. Pero hindi naman nya ako sinasaktan. Nang lumabas si Kuya Jordan sa banyo ay sumugod sya sa akin at kumuha ng unan para ihampas sa akin! Gusto nya akong gantihan sa mga pambubully ko sa kanya kaya ang paghampas ng unan lang ang nagawa nya sa akin. Gigil na gigil sila sa kalokohan ko! Si Kate naman ay may mahihinang suntok sa mga braso ko. Pinagtutulungan na nila akong lahat. Kahit matinding pambubully ang ginagawa ko sa kanila ay hindi naman nila ako sinasaktan ng sobra. Maiinis lang sila ng konti pero mamaya ay ayos na. Kakalimutan na lang nila iyon. Ganun siguro talaga kapag magkakapatid. Maya maya ay pumasok si Ate Liza, ang half korean kong kapatid. Sa lahat ng kapatid ko ay sya ang pinakamabait. Kaya nga sya lang ang hindi ko masyadong binubully kasi walang epekto eh, hindi man lang nagagalit. Napakabait talaga ni ate Liza. Kumawala ako sa pambubugbog ng iba kong mga kapatid at sumiksik ako sa kili kili ng ate Liza ko. Para akong bata na nagsumbong sa kanya. "Ate Liza, binubugbog nila ako oh!" Pagsusumbong ko. Napanguso lang si Ate.. "Tama lang sayo yan kasi mapang-asar ka!" Nagulat ako sa sinabi ni Ate. First time ko syang narinig na sabihin ang mga iyon sa akin. Galit na ba sya? Hinablot nya rin ako at ginulo gulo ang buhok. Lahat ng kapatid ko ay sumugod sa akin.. parang may wrestling sa may sala dahil andun kami sa sahig at masayang nagrarambulan. Hindi ko na alam kung kaninong mga kamay ang dumadapo sa mukha ko, sa braso ko. At may nangingiliti pa ng tagiliran ko. Lagi kaming ganito kasaya, kagulo at kaingay sa bahay. Kung wala ako malamang tahimik lang silang lahat. Ako ang nagpapabuhay sa kanilang lahat. Ako ang mapang-asar nilang kapatid na hinding hindi nila kayang ipagpalit! Sobrang saya ko talaga kasi napunta ako sa pamilyang ito na kailanman ay hindi ko rin kayang ipagpapalit. Ako si Miguel Montecastro, pangalawa sa bunso. Lahing espanyol ang tatay ko. Matapos mabigo ni Mama sa tatay ni Ate Liza ay muli syang nakipagsapalaran sa ibang bansa at maswerteng napadpad sa Spain. Doon nya nakilala si Alfonso Montecastro. Ang akala nya ay ito na ang huling lalaking mamahalin nya at pakakasalan sya. Pero hindi talaga sila ang destiny ng tatay ko eh, kasi may tunay na pamilya pala ang tatay ko sa Barcelona. Nagbabakasyon lang pala ito sa Madrid kung saan sila nagkakilala. Umuwe na namang luhaan si Mama sa Pilipinas at syempre may bitbit na naman syang anak na may foreigner na tatay. Tiniis na lang ni Mama Emz ang lahat ng pangungutya sa kanya ng mga tao, lalo na ng iuwe nya si Kate at may iba na namang foreigner na tatay. Sa huli ay nakatagpo din sya ng tunay nyang pag-ibig kay Papa Edz. Maswerte kami dahil tanggap kaming lahat ni Papa. At speaking of Destiny.. Nakilala ko na ang destiny ko nung second year highschool pa lang ako. Si Angel.. Napakaganda nya. Napakabait nya. Isa talaga syang tunay na anghel. Mahal na mahal ko sya. Kaya hindi ako sumuko sa panliligaw hanggat hindi ko nakukuha ang matamis nyang oo. Madami akong karibal sa pag-ibig nya. Pati yung campus crush na vocalist ng banda ng school ay karibal ko. Si Archie Miranda! Pero hindi ako nagpatalo sa kanya. Pinatunayan ko na totoo ang hangarin ko para kay Angel. Hindi gaya ng bokalista na yun na parang si Kuya Leighton na nangongolekta ng babae. At ayokong mapunta sya sa mga kamay ng babaero na yon! Hindi pwede! "Pre! Kung ako sayo ititigil ko na ang ilusyon kay Angel! Hindi mo ba alam ang nababalitang ako talaga ang first crush at first love nya! Matagal na nyang secret yun. Kaya nga ngayon pasasayahin ko sya dahil yung pinapangarap nyang lalaki ay makukuha na nya! Kaya nga nililigawan ko na sya eh!" Pang-aasar sa akin ni Archie. Hindi lingid sa kaalaman ko ang bagay na iyon. Talagang si Archie ang first crush ni Angel. Pero first love?? Yun ang hindi ako sigurado. Alam kong humahanga lang si Angel dahil sa galing kumanta at humawak ng mga instrumento ni Archie. Pero ako? Totoong pag-ibig lang ang laban ko sa kanya. Idagdag pa ang kagwapuhan. Saktong sakto na para sagutin ako ni Angel. Kaya sobra sobra ang kaligayahan ko nung time na sagutin ako ni Angel.. natalo ko rin sa wakas ang mayabang na si Archie Miranda. "Alam mo Miguel, sa lahat ng mga nanliligaw sa akin. Sayo ko lang naramdaman yung parang spark. Yung tumitigil ang oras kapag nakikita kita, tapos wala akong ibang naririnig kundi yung t***k lang ng puso ko.. ikaw na yata ang Destiny ko! Kaya ikaw ang pinipili ko." Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko nang marinig ko yun kay Angel. Walang hanggang kaligayahan ang binigay nya sa akin. At nangangako ako sa kanya na aalagaan ko sya at hinding hindi ko iiwan. Pagkatapos ng klase namin ay tumatambay muna kami sa park na malapit sa school. Masaya naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Binuksan ko ang baon naming chips. Kumuha ako at sinubo ko sa kanya. Ganito kami palagi kasaya kapag magkasama. Kung ano ang pang-aasar at pambubully ko sa mga kapatid ko ay sya namang pag-aalaga at pagprotekta ko kay Angel. Kahit kailan ay hindi ako gumagawa ng ikalulungkot nya. Gusto ko lang na lagi syang masaya kapag kasama ako. Pinunasan ko ang gilid ng kanyang bibig, gamit ang aking daliri na nalagyan ng cheese powder dahil sa kinain nyang chips. "Parang bata ka naman mahal, may mga cheese powder sa gilid ng lips mo!" Sabi ko. Napanguso sa akin ang girlfriend ko. "Nagsasawa ka na bang alagaan ako.? Paano yan kapag kumakain talaga ako laging ganyan eh may naiiwan sa bibig ko!" Sabi ni Angel. Kinurot ko ang ilong nya. At hinalikan ko ang mga ito. "Hindi ako magsasawang punasan yan. Hindi ako magsasawang alagaan ka! I love you.." bulong ko sa kanya "I love you too.." sagot nya sa akin. Habang masaya kaming nagkukwentuhan ay iginuguhit ko sya. Ang pagguhit ang isa sa mga talento ko. Basta may lapis at papel ako ay masaya na ako sa pagguhit. "Mahal, ang galing mo talagang magsketch! Balang araw alam ko maididisplay ang mga gawa mo sa museum kasi isa ka nang sikat na artist. Tapos.. nandun lang ako sa gilid lihim na nagchecheer para sa yo!" Sabi ni Angel. Napangiti ako sa mga panagarap na sinabi nya sa akin. At alam ko balang araw ay magkakatotoo ang mga sinabi nya.. Binigyan ko sya ng halik sa noo.. "Salamat mahal.. basta dapat lagi ka lang nandyan para sa akin ha. Ikaw ang pinakamagandang masterpiece na gagawin ko.!" Sabi ko. Magkayakap kami at masaya naming pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Mahal na mahal ko si Angel.. hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko kung mawawala sya sa akin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.5K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
431.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

His Cheating Heart

read
41.2K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.6K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook