bc

The Seductive Mafia Boss Series 1: LEON

book_age18+
1.3K
FOLLOW
5.6K
READ
dark
possessive
age gap
badboy
badgirl
gangster
drama
sweet
first love
intersex
like
intro-logo
Blurb

Si Ehra Dela Torre ay nabubuhay na may malaking galit at inggit para sa kanyang pinsan na si Charmaine. Ginawa nyang miserable ang buhay nito at inagaw nyang lahat nang mayroon ang pinsan nya. Ngunit may hangganan ang kanyang kasamaan at bumaliktad ang mundo para sa kanya. Nakuhang muli ni Charmaine ang nararapat na sa kanya at tuluyang nalugmok sa kalungkutan si Ehra.

Tumakas sya at sa kasamaang palad ay dinukot sya ng Mafia Boss na si Major General  Leonardo Maranzano a.k.a Leon. Isa sa mga leader ng sikat na sindikato na BuLeAg Gang!

Ikinulong sya nito sa isang malapalasyong mansyon at ibinigay sa kanya ang pagmamahal na matagal na nyang inaasam.

Mahalin  rin kaya ni Ehra si Major General Leonardo Maranzano sa kabila ng isang nakakasuklam nitong lihim? May pag-asa bang magwagi ang pag-ibig na napaliligiran ng kasamaan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ehra Dela Torre POV "Hindi na tayo magkakaayos pa Rose! Wala na akong nararamdaman sayo. Sawa na ako sa paulit ulit na away nating dalawa!" Sigaw ni Papa isang umaga Napabalikwas ako sa aking kama ng marinig ang bangayan ng mga magulang ko. Normal na lang sa akin ang ganitong eksena, ngunit iba ang away nilang ito. Pakiramdam ko ay may mangyayari ngayon na matagal ko nang kinatatakutan. Mangyayari na ba ang mga naiisip ko? Lumabas ako ng aking kwarto. Marahan  akong nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Habang nasa kusina ako ay dinig na dinig ko pa din ang away nilang dalawa. "Lumayas ka na dito Roger at magpunta ka na sa kerida mo! Magsama kayong dalawa mga hayop!!" Sigaw ni Mama kay Papa Hindi ko namalayan na napuno na pala ng tubig ang basong hawak ko. Nahimasmasan lang ako ng magkalat ang tubig sa lamesa. Inilapag ko ang hawak kong pitsel at saka ako kumuha  ng basahan upang agad na punasan ang natapong tubig. Hindi ko na rin namalayan na may namumuo nang luha sa mga mata ko. Halos sakalin ang puso ko sa tindi ng sakit na nararamdaman nito. "Aba! Nagsalita ang walang kabit! Matagal ko nang alam Rose! May relasyon kayo ni Pareng Anton! Kayong dalawa ang magsama! Mga demonyo kayo!" Bulyaw ni Papa. Agad kong ininom ang tubig sa baso para mawala ang bigat na nararamdaman ko. Agad kong inubos ito sa pag-aakalang magiging maayos ako. Napagpasyahan kong magtungo sa sala. Ngunit nakasalubong ko doon si Papa bitbit ang malaking backpack nya. Saan pupunta si Papa? Aalis na ba sya? Iiwanan na nya kami? Tinitigan ako ni Papa sa mata. Ramdam ko din ang matinding inis at galit nya. Pero bakit? Galit din ba sya sa akin? "Mga bwiset!" Ito lang ang tanging nabanggit nya at tuluyan na syang lumabas ng bahay. Sinubukan ko syang habulin. Sinubukan kong pabalikin sya. Susubukan kong mabago pa ang isip nya. Baka pwede pa? Baka may pag-asa pa! Hinabol ko si Papa. Tumakbo ako ng mabilis para lang maabutan ko sya. "Papa!" Umiiyak kong tawag sa kanya. Ngunit hindi na nya ako nilingon pa. Natisod ako sa isang bato na syang dahilan ng pagkadapa at pagsalampak ko sa lupa. Nasugatan ang mga palad ko at biglang kumirot  ang aking tuhod dahil sa nangyari. "Pa!" Muli kong tawag Ngunit hindi na nya ako pinansin pa at tila bingi sya sa mga tawag ko. Nakita kong sumakay na sya ng tricycle at tuluyan na nya akong iniwanan! Tuluyan na nyang tinalikuran ang kanyang pamilya at dito na gumuho ang aking mundo! Bumuhos din ang luha na galing sa mga mata ko. Sobrang sakit dahil iniwanan na kami ni Papa. Sobrang sakit dahil tuluyan ng nawasak ang pamilyang mahal na mahal ko at pinakaiingatan ko. Bagsak balikat akong nagbalik sa aming bahay. At hindi natigil sa pagragasa ang mga luha sa mata ko. Ngunit pagbalik ko doon ay nakita ko si Mama na bitbit ang bag ko. Madilim ang mukha ni mama habang hawak nya ang mga gamit ko. "Ma?" Ibinagsak nya sa harapan ko ang mga gamit. Alam kong galit sya. Galit din ba sya sa akin? Ngunit bakit? Bakit sa akin nila ibinubunton ang galit nila sa isa't isa. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang lahat ng ito sa akin. Wala silang alam sa nararamdaman ko. Wala silang pakialam sa bigat na dala dala ko. "Ihahatid kita sa Tiya Marcela mo. Sa kanya ka na titira mula ngayon. Huwag mong pasakitin ang ulo ng tiyang mo!" Sabi ni Mama Dito ay lalo akong nakaramdam ng matinding poot at kalungkutan. Tuluyan na ba nila akong iiwan? Hindi na ba mahalaga sa kanila pamilya namin? Wala na ba talaga akong halaga para sa kanila? "Ma, sasama na lang ako sayo. Please mama..." pagmamakaawa ko sa aking ina Ngunit isang galit na galit na mukha ang ibinigay nya sa akin! "Magiging pabigat ka lang sa akin! Doon ka na lang manatili sa tiyang Norma mo!" Wika nya Lumuhod ako sa kanya at nagmakaawa na huwag akong ipamigay sa iba. Ngunit tila bato na ang puso ng aking ina. Tila ba pangkaraniwang tao lang ako kung tratuhin nya. Hinampas nya ang mga kamay kong nakadapo sa braso nya. "Bitawan mo ako! Naiirita ako sayo!" Sigaw nya Napahawak ako sa aking bibig dahil pinipilit kong pigilan ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit hindi ko kaya! Tuluyan akong lumuhod sa harapan nya at doon ay bumuhos ang sakit na aking nadarama! -- Isang linggo na ako sa pangangalaga ni Tiya Marcela at naging miserable lamang ang buhay ko sa kanya kasama ang dalawa nyang anak na sila Betty at Amira. "Ehra!!! Asan na ba yung tubig na pampaligo ko??" Sigaw sa akin ni Betty isang umaga Nagluluto pa ako ng kanilang almusal nang bulyawan nya ako. "Pagkatapos kong magluto Betty, saka ako mag-iigib." Wika ko. Ngunit naramdaman ko ang pagpingot nya sa tenga ko na syang naging dahilan para matapon sa sahig ang hotdog na niluluto ko. "Ang tamad tamad mo kasi! Lagi mong uunahin ang pampaligo ko! Boba!" Sigaw nya sa akin. Maya maya pa ay naabutan kami ni Tiya Marcela sa ganitong eksena. "Ano ba yan? Ang aga aga ang iingay nyo!" Sigaw nya Nakita ni Tiya Marcela ang hotdog na nasa sahig. "Bakit ka nag-aaksaya ng pagkain? Kainin mo to!" Sigaw ni Tiya Marcela Kinuha nya ang hotdog na nalaglag sa sahig at pilit nyang isinalampak ito sa bibig ko. Dahil sa mainit pa ang hotdog ay napaso ang bibig ko sa ginawa ni Tiya Marcela. Nagpumiglas ako ngunit huli na ang lahat. Nagkadurog durog ang hotdog at nalaglag muli sa sahig. "Yan ang kainin mo ngayon!" Sambit pa ni Tiya Marcela Hinimas ko ang aking bibig na bahagyang napaso at umalis na ang mag-ina sa harapan ko. Naiwan akong masakit ang aking dibdib. Ayoko ng umiyak. Ayoko ng magdamdam ngunit hindi ko na naman mapigilan. Pinulot ko ang nalaglag na hotdog at tinapon ko ito sa basurahan. Tumingala ako at pilit na pinipigilan ang papalabas na luha sa mga mata ko. Wag kang iiyak! Paulit ulit na bulong ko sa isip ko. Huminga ako ng malalim at saka ko ipinagpatuloy ang pagluluto ng agahan. Sa murang edad ay natutunan ko ang mga gawaing bahay. Kapag hindi ko ito nagawa ay tiyak na pagagalitan at sasaktan ako ng aking Tiya Marcela at ito ang pinaka ayokong mangyari sa buhay ko. Sa tuwing sasaktan nya ako ay mas lalo kong nararamdaman na mag-isa lang ako sa buhay. Wala na akong kakampi pa. Wala ng nagmamahal sa akin. Pagkatapos kong magluto ay inihain ko na ang mga ito sa hapag kainan. Umupo sila Tiya Marcela, Betty at Amira sa harapan ng hapag habang masama ang mga titig nila sa akin. Napahawak ako sa aking tiyan. Kumakalam na ang sikmura ko. Mula kagabi ay hindi pa ako kumakain. Sabi ni Tiya Marcela ay magtipid daw kami kaya hindi nya ako pinakain kagabi. Sila lang ang kumain ng hapunan habang ako ay tiniis na lamang ang kumakalam na sikmura. Natulog akong panay ang pagkalam ng aking tiyan. "Ano pang tinitignan mo dyan? Mag-igib ka na ng tubig para sa pampaligo ng mga pinsan mo!" Bulyaw sa akin ni Tiya Marcela Isinara ko ang aking mga kamay  at tumango ako sa kanya. Hindi ko dapat sinusuway ang utos nya dahil isang malaking gulo kapag hindi ko sya sinunod. Kinuha ko ang dalawang balde at saka ako lumabas para mag-igib sa poso na bahagyang may kalayuan sa bahay nila Tiya Marcela. 'Wag kang iiyak! Banggit ko muli sa aking sarili. Wala akong ibang kakampi ngayon kundi ang aking sarili lamang. Marahan ang mga lakad ko at pakiramdam ko ay nanghihina na rin ako dahil sa walang laman ang tiyan ko mula kagabi. Pagdating pa sa poso ay nakapila  ang mga mag-iigib ng tubig. Pumila ako sa bandang likuran at naghintay ng aking pagkakataon. Gustong gusto ko ng kumain, halos magrambulan na ang mga bituka sa tiyan ko. Marahil ay nagbibiro lang si Tiya Marcela kanina nang sabihin nya na ang hotdog na nahulog sa sahig ang pwede ko lang kaininin. Pakiramdam ko ay kinakain na ng malaki kong bituka ang maliit na bituka ko. Sobrang hapdi na ng sikmura ko. Nang mapuno ko ang dalawang balde ay agad na akong nagbalik sa bahay nila Tiya Marcela. Ingat na ingat ako na huwag matapon ang tubig na iniigib ko. Paminsan minsan ay nilalapag ko ng ilang segundo ang mga balde bago ako magpatuloy sa paglalakad. Pinupunasan ng aking braso ang namumuong pawis sa aking noo. Hingal, pagod at matinding gutom na ang nararamdaman ko. Pagdating ko sa bahay ay agad kong inilagay sa banyo ang mga baldeng may lamang tubig. "Ang tagal tagal mo naman!" Bulyaw sa akin ni Amira Hindi ko na lang sya pinansin dahil gusto ko ng matapos ang trabaho kong ito. Gamit ang aking suot na tshirt ay pinunasan ko ang aking mukha dahil sa matinding pawis na lumabas sa akin. Nagmamadali akong nagpunta sa hapag para kumain. Naabutan ko si Tiya Marcela na umiinom ng kape. "Hugasan mo na ang mga pinggan!" Wika nya Nakatingin ako sa mga pinggan at wala na itong mga laman. Napakagat labi ako. "Tiya Marcela, ano pong kakainin ko? Gutom na gutom na po ako." Wika ko sa kanya Tumayo sya mula sa pagkakaupo at nilapitan nya ako. Yumuko ako nang tumigil sya sa harapan ko. "Hindi ba't ang sabi ko sayo na yung hotdog na nahulog sa sahig ang kainin mo ngayon. Huwag kang masyadong mag-aksaya!" Bulyaw nya. Sa pagkakataong ito ay tuluyan nang bumugso ang mga luha sa mata ko. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay masahol pa sa hayop ang trato sa akin nila Tiya Marcela. Umalis na sa aking harapan si Tiya Marcela at iniwanan nya ako na puno ng paghihinagpis ang damdamin ko. Pinahid ko ang mga luha na wala ng tigil sa pag-agos. Marahan akong nagtungo sa basurahan kung saan ko itinapon ang hotdog na nahulog sa sahig kanina. Nanginginig kong kinuha ang maduming pagkain. Napahikbi ako ng mahawakan ko ang hotdog na iyon at saka ko ito kinain. Kasabay ng pagnguya ko ay syang lalong pagragasa ng luha sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ang lahat ng ito sa akin. Ngayon ko mas lalong napatunayan na wala  ni isa man ang nag-aalala para sa akin. Wala  ng nagmamahal sa akin. Wala nang nagpapahalaga sa nararamdaman ko. -- Kapag may pasok sila Betty at Amira ay hindi sila sa bahay nananghalian. Samantalang si Tiya Marcela naman ay nagtitinda sa palengke at doon na kumakain ng kanyang pananghalian. Kung kaya't ang mahigpit na bilin sa akin ni Tiya ay huwag na akong magluto dahil lahat naman sila ay wala sa bahay. Pinagkakasya ko na lamang ang kanin na natira kaninang umaga para iyon ang maging tanghalian ko. Kahit papaano ay malamanan man lang ang sikmura ko. Pagkatapos kong mahugas, maglinis ng bahay at maglaba ng kanilang mga damit ay mag-isa akong nakamasid sa binta ng bahay. Nakatingin lang ako sa kalangitan at nagtatanong kung kailan ba matatapos ang paghihirap ko? Ayokong malugmok sa ganitong klaseng buhay. Ayokong panghabang buhay akong alipin nila Tiya Marcela. Gusto kong mag-aral ngunit paano? Hindi na ako binigyan ng pagkakataon ni Tiya Marcela na makapag-aral dahil sa dalawang anak pa nga lang daw nya ay hirap na hirap na sya. Napayakap ako sa aking mga tuhod habang nakaupo sa aking kama. Doon ay bumuhos lalo ang matinding sakit na kinikimkim ko sa aking puso! -- Dahil sa hindi ko na natiis pa ang pang-aapi ng aking tiyahin at mga pinsan ay nagawa ko silang takasan. Tinakasan ko ang mala-impyernong buhay ko sa puder nila. Bumalik ako sa aming bahay. Binalikan ko si Mama. Halos kapusin ako ng hangin nang marating ko ang luma naming bahay. Nakahawak ako sa lumang gate ng aming bahay. "Mama.." pagtawag ko Ngunit saka ko lang napansin ang malaking kadena na nakapulupot sa gate. Hindi ako makahinga habang hawak ko ang kadena. Mahigpit ang  aking hawak sa kadenang ito. Ang sakit sakit sa dibdib na hindi ko na makikita pa ang mga magulang ko. Tuluyan na nila akong pinabayaan. Tuluyan na nilang tinalikuran ang kanilang anak na syang nagmamahal sa kanila ng lubusan. "Ehra.." Agad kong nilingon ang malaking boses na iyon. Ngunit malabo sya sa mga paningin ko dahil sa mga luhang tumatabing sa mga mata ko. Nang kumurap ako ng dalawang beses ay saka ko naaninag ang kanyang mukha. Nabuhayan ako ng pag-asa! Nakakita ako ng liwanag. "Uncle Jaime" halos paos na ang boses ko ng tawagin ko sya. Agad nya akong sinalubong ng yakap! Napayakap din ako kay Uncle at sa kanyang mga bisig ay doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo. "It's alright hija, mula ngayon ay sa akin ka na titira. Ako na ang mangangalaga sa iyo." Aniya Tiningala ko sya at walang humpay na kaligayahan ang humaplos sa buong pagkatao ko. Isa si Uncle Jaime sa mabubuting kapatid ni Papa. Alam kong kayang kaya nya akong buhayin dahil sya lang ang nakakaangat sa pamilya namin. Sya lang ang masipag at nagsusumikap sa buhay kaya naman narating nya ang karangyaan na mayroon sya ngayon. Isinakay ako ni Uncle Jaime sa kanyang magarang sasakyan. Habang sakay ako ng kanyang kotse ay nakaramdam ako ng pagkasabik sa magiging buhay ko sa puder ng mayaman kong Uncle.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.6K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.0K
bc

He's Cold Hearted

read
160.5K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook