bc

Black Fire Trio Book 3: Galvert and Amara

book_age18+
1.6K
FOLLOW
9.8K
READ
playboy
goodgirl
powerful
brave
student
comedy
sweet
campus
first love
like
intro-logo
Blurb

Matapang! Yan ang isa sa mga katangian ni Amara Fernandez. Nakakaya nyang ipagsigawan sa lahat kung gaano nya kinamumuhian ang grupong Black Fire Trio.

Isinusumpa nya ang grupo ng mga lalaking ito, na para sa kanya ay wala ng ginawa kundi ang mang-apak ng maliliit na estudyante.

Ngunit ano nga ba ang gagawin nya kung bigla na lang syang panain ng palaso ni kupido at sa pinakababaerong miyembro pa ng Black Fire Trio sya nainlove? Si Galvert Monreal ay kilala bilang isang womanizer at hindi pa nagseseryoso ng babae.

Itinagong mabuti ni Amara ang lihim nyang pagtingin kay Galvert dahil alam nyang masasaktan lamang sya nito. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana dahil isang araw ay napili sya ni Galvert upang gawing girlfriend for one month. Ang sikat na laro ng Black Fire Trio na maaari silang pumili ng mga babaeng gagawing girlfriend sa loob ng isang buwan.

Maitago pa kaya ni Amara ang lihim na pagtingin nya sa binata gayong isang buwan silang magkakasama? Umaasa nga sya, na sana ay panghabambuhay na ang laro nila.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Amara Fernandez POV Nakamasid lang ako sa may bintana at tinatanaw ko ang bughaw na kalangitan. Hindi na naman napigilan ng mga mata ko ang luhang lumalabas mula roon. Tatlong araw na magmula ng mamatay ang aking mga magulang dahil sa aksidente. Nabangga ang sinasakyan nilang bus papunta sa bayan at sa kasamaang palad ay isa sila sa mga nasawi. Sobrang sakit malaman na nag-iisa na lang ako sa buhay. Mabuti na lang at kinupkop ako ng pamilya ng aking matalik na kaibigan na si Alodia. Pero alam ko ang hirap ng buhay dito sa Puerto Prinsesa, Palawan. Gustuhin man nilang manatili ako sa kanilang puder ay alam kong imposible. Hindi man nila masabi sa akin ang tunay na estado ng kanilang buhay ay alam kong mahihirapan sila kapag nanatili ako sa kanilang puder. Ito ang mas lalong nagpapabigat ng aking damdamin. "Ayos lang ang umiyak, hanggang sa mawala na ang sakit." Wika ni Alodia Nakita ko syang nakatayo sa may pintuan. Hindi ko napansin ang kanyang presensya dahil siguro sa kakaisip ng mga bagay na mas labis na nakakapagpabigat sa aking dibdib. Naramdaman ko ang kanyang mga yakap. Sya ang pinakamatalik kong kaibigan na lagi kong karamay sa mga problema. Sa murang edad ay alam na namin ang estado ng aming mga buhay. Mahirap lang kami at walang kakayahang makuha ang mga bagay na gusto namin. Kahit na mumurahing laruan ay hanggang pangarap na lamang namin. "Pasensya ka na Alodia kung nagiging pabigat ako sa inyo. Hayaan mo, aalis din naman ako dito. Titigil na lang siguro ako sa pag-aaral at magtatrabaho na lang." Malungkot na tinig ko Alam kong ikinagulat ni Alodia ang mga nabanggit ko. Hindi sya makapaniwala na galing sa sampung taong gulang na bata ang mga katagang iyon. "Ano ba ang sinasabi mo Amara? Hindi ka titigil sa pag-aaral. Hindi ka rin magtatrabaho." Wika ni Alodia Umiling lang ako sa kanyang harapan dahil hindi nya alam ang mga sinasabi nya. Ulila na ako at wala na akong ibang maaasahan kundi ang aking sarili. Hindi ko dapat iasa ang aking buhay sa pamilya ni Alodia. Naghihikahos din sila at nakakadagdag lamang ako sa kanilang problema. "Tama si Alodia hija." Dinig kong wika ng ina ni Alodia na si Aling Zenaida. Nagulat kami sa kanyang presensya. Dere-deretsong pumasok si Aling Zenaida at naupo sa tabi namin ni Alodia. Hindi ko maintindihan ang mga nabanggit nya. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Hindi raw ako titigil sa pag-aaral at hindi ko na kailangan pang magtrabaho? Pero paano? "Amara, hija. May gustong kumausap sa iyo." Wika pa ni Aling Zenaida Nagkunot ang aking noo sa sinabi nya. Sino ang taong gustong kumausap sa akin? Maya maya lang ay may isang babaeng pumasok sa loob ng bahay. Lahat kami ay napatingin sa kanyang kagandahan. Sa tingin ko ay kaedad nya si Inay kung sakaling nabubuhay pa sya. Ngunit sino ang babaeng ito? Lumapit sya sa akin at malamyos na hinaplos ang aking buhok. Hindi ko na nga napansin na iniwanan pala kami nina Aling Zenaida at Alodia upang makapag-usap kami ng masinsinan ng babaeng nasa aking harapan. "Kamusta ka na, Amara?" Malambing na tanong ng babae sa akin. Sa totoo lang ay magaan ang loob ko sa kanya. Mabait sya at nararamdaman ko ang labis na pag-aalala nya para sa akin. "Nalulungkot pa rin po ako. Pero sinusubukan ko pa ring lumaban." Maikling sagot ko Napansin ko ang nangingilid na luha sa kanyang mga mata. Ngunit bakit? Bakit sya nakikidalamhati sa akin? Sino ba talaga sya? Kaagad kong naramdaman ang kanyang mga yakap. Mahigpit. Mainit. At talagang napakasarap ng kanyang yakap sa akin. "Sino po kayo?" Ang tanging natanong ko habang yakap nya ako. Hindi ko na rin napigilan pa ang luha sa aking mga mata dahil ramdam na ramdam ko ang sinseridad ng kanyang pagdamay sa akin. Hinarap nya ako at pinahid nya ang kanyang mga luha. "Ako si Amanda Chavez. Matalik na kaibigan ako ng iyong ina. Simula ngayon, ako na ang mag-aaruga sayo. Hindi ka na mag-iisa, Amara." Malambing na wika nya Parang nabuhayan ako ng pag-asa sa mga sinabi nya. Totoo ba ang lahat ng ito? Hindi na ako mag-iisa. May mag-aaruga at tutulong na sa akin. "Tatawagin mo na akong Nanay Amanda simula ngayon. Magsisimula tayo ng panibagong buhay." Wika pa nya Wala akong ibang nagawa kundi ang yakapin sya ng mahigpit. Para syang isang anghel na bumaba mula sa langit at ipinadala sa akin ng Diyos. Unti-unti ay humuhilom ang sugat sa aking puso, dahil mayroon na akong isang ina na maaring dumamay sa akin sa tuwing ako ay may problema. -- Mabilis lang lumipas ang pitong taon. Kagaya ng ipinangako ni Nanay Amanda ay hindi nya ako pinabayaan. Ibinigay nya sa akin ang pag-aaruga at pagmamahal na nararapat sa akin. Sya ang naging gabay ko habang ako ay lumalaki. Kaya naman ako nagsisikap sa pag-aaral ay para masuklian kong lahat ang mga ginawa nya para sa akin. Isang gabi habang gumagawa ako ng aking mga takdang aralin ay nilapitan ako ni Nanay Amanda at may dala syang isang baso ng gatas. "Ang sipag talaga ng anak ko. Kaya naman nagsusumikap ako na makahanap ng bagong trabaho para sayo anak." Wika nya Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Nagsara nga pala ang kantina na pinagtatrabahuhan nya kung kaya't wala ng trabaho si Nanay Amanda. Pero kahit na ganito ang nangyari sa kanya ay hindi sya nawawalan ng pag-asa. Matapang nyang hinaharap ang lahat ng hamon ng buhay. Bilib ako sa kanya. Sa kanya ko natutunang maging matapang at hindi dapat basta sumusuko sa buhay. "Bukas mag-aapply ako sa isang hotel. Nangangailangan sila ng mga staff. Sana makuha ako, malaki kasi ang sweldo at sapat na yon para sa atin." Wika nya Ngumiti ako sa kanya. "Ikaw pa ba Nay? Kayang kaya mong makapasok sa hotel na iyon. Ipagdadasal kita na sana makuha mo ang trabaho na iyon." Wika ko Ginulo gulo nya ang aking buhok. "Tiwala lang tayo sa itaas anak. Kahit na mahirap makapasok ng trabaho sa Hotel na iyon, alam kong makakayanan natin to! Laban lang!" Sabi nya Napahalakhak kaming dalawa dahil sa kanyang nasabi. Punong puno kami ng positibong bagay sa loob ng aming mga puso. Hindi kami kailanman nawawalan ng pag-asa. Basta magkasama kaming dalawa ay mapagtatagumapayan namin ang lahat. -- Hindi nga kami nagkamali sa aming mga hiling. Nakakuha ng trabaho si Nanay Amanda sa hotel. Isa na syang staff doon at bahagyang may kalakihan ang sweldo na sumapat sa pangangailangan naming dalawa. Wala na nga siguro akong mahihiling pa dahil nabubuhay kami ng matiwasay ni Nanay Amanda at may maganda syang trabaho. Ngunit may isa pa pala akong gustong hilingin sa maykapal. Gusto kong makapag-aral sa tanyag na Universidad sa Maynila. Ang Golden Valley University. Si Alodia ang unang nakatuklas ng Universidad na iyon. Sa kakaresearch nya ng tungkol sa magagandang Universidad ay dinala sya ni Mr. Google sa Golden Valley. Maganda ang kalidad ng edukasyon sa Universidad na iyon kaya naman mas lalo kaming nasabik ni Alodia na makapag-aral doon. Lalo na nang malaman namin na nagbibigay ng scholarship ang University para sa mga estudyanteng kapus palad kagaya namin. Talino at sipag lang ang puhunan ay maaari nang makapasok sa tanyag na Universidad ng Golden Valley. "Sigurado ka ba talaga anak na gusto mong pumasok sa Universidad na iyon?" Wika ni Nanay Amanda Tumango ako sa kanya ng ilang ulit na para bang nahihibang. Nasasabik kasi akong makapag-aral sa Universidad na iyon. "Anak, baka hindi nyo kayanin ni Alodia ang buhay sa Maynila. Malaki ang Maynila. Mapanganib din para sa mga batang kagaya nyo." Wika pa ni Nanay Bahagya akong nalungkot sa mga sinasabi ni Nanay. Sya ang nagturo sa akin na huwag sumuko sa mga pangarap. Laban lang! Yan ang lagi naming sigaw sa mga sarili namin. Ngunit ngayon ay bakit tila bumabaligtad ang mundo at pinanghihinaan sya ng loob? "Nay, makakayanan namin ang lahat ng hamon ng buhay basta maging malakas at matapang tayo. Nay, ngayon pa ba ako susuko sa pangarap ko? Kapag nakapagtapos ako sa Golden Valley University ay maraming oportunidad ang naghihintay sa akin." Paliwanag ko Matipid na ngumiti si Nanay sa akin. Tila hindi ko pa rin sya nakukumbinse. Hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sa kanya. "Huwag kang mag-alala Nay, magsusumikap akong lalo para maabot lahat ng pangarap ko. Nay, laban nating dalawa to!" Pagpapalakas ko ng loob sa kanya. Nasilayan ko rin sa wakas ang malawak na ngiti ni Nanay sa akin. Nag-uumpisa nang bumalik ang lakas ng loob nya. Kaagad naman kaming nagpasa ni Alodia ng mga requirements para sa scholarship program sa Golden Valley University. Umaasa kami ng isang positibong sagot mula sa kanila. -- Hindi nagtagal ay dininig muli ng Panginoon ang aking kahilingan. Nakatanggap ako ng sulat mula sa Golden Valley University na nagsasabing naipasa ko ang scholarship program at maaari na akong makapag-aral ng libre sa tanyag na Universidad na iyon. Maging si Alodia ay nakatanggap din ng sulat at walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman namin. "Golden Valley University! Parating na kami!!" Sigaw namin ni Alodia habang patuloy na humahalakhak sa kaligayahan. Naging maligaya na rin si Nanay Amanda para sa akin. Unti-unti ko nang matutupad ang pangarap ko. Unti-unti ay nagkakaroon ng liwanag ang lahat ng aking mga mithiin sa buhay. Sa susunod na buwan ay lilisanin na namin ni Amara ang aming bayan upang magtungo sa Maynila. Kailangan naming makalikom ng hindi bababa sa dalawampung libong piso para sa plane ticket, pambayad sa dorm na tutuluyan namin ni Alodia at iba pang mga gastusin. Ang pamilya ni Alodia ay nagbenta ng kalabaw at iba pang mga alagang baboy at manok para lamang makalikom ng pera. Talagang suportado nila ang pag-aaral ng kanilang anak. Napangiti ako sa tindi ng sakripisyo ng mga magulang ni Alodia para sa kaniya. Ganito rin naman sa akin si Nanay Amanda, alam kong gagawa sya ng paraan para makapag-aral ako sa Golden Valley. -- "Hello, Mare. Si Amanda to. Oo, kamusta na.-- ah mabuti naman kung ganun. Mare, may sasabihin sana ako sayo. Pwede mo ba akong pahiramin kahit sampung libo lang. Mag-aaral na kasi ang anak ko sa Maynila. Panggastos nya lang sana. Nagkulang kasi ang inipon kong pera, pandagdag lang sana. Oo Mare, si Amara nga.---" Narinig kong may kausap si Nanay Amanda sa kanyang cellphone isang gabi. Nagtago ako sa likod ng pintuan upang hindi nya ako makita. Pinakinggan ko lang ang usapan nila ng kanyang kumare. Biglang natahimik si Nanay habang kausap sa telepono ang kanyang kumare. Narinig ko ang kanyang pagsinghap. "Ganun ba Mare, sige ayos lang. Salamat Mare ha, pasensya na sa abala." Malungkot ang tinig ni Nanay Ngayon ay alam ko na kung bakit nagdadalawang isip si Nanay sa desisyon kong mag-aral sa Maynila. Hindi pala nya kakayanin ang mga gastusin. Sapat lang ang kinikita nya sa pang-araw araw naming mga gastusin dito sa bahay. Ang pagpasok ko sa Golden Valley ay madalian lamang kung kaya't hindi namin ito napaghandaan. Napayuko ako at napaupo sa likuran ng pintuan. Mukhang dito na magtatapos ang mga pangarap ko. Pangbayad pa lang sa plane ticket ay hindi na namin kakayanin pa. "Anak!" Dinig kong sigaw ni Nanay Amanda Nakita ko syang alalang-alala sa akin dahil sa labis na pag-iyak ko habang nakasalampak sa sahig. "Nay, ayos lang po kung hindi nyo na kaya. Pasensya na po kung sobrang taas ng pangarap ko." Humahagugol na wika ko Kaagad akong niyakap ni Nanay Amanda. Pinakalma nya ako at pinatahan. "Huwag kang magsalita ng ganyan. Makakapag-aral ka sa Maynila. Gagawa ako ng paraan." Wika nya Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi nya. Ngunit hindi na ako umaasa pa, dahil pera ang una at malaki naming problema. -- Kinaumagahan... "Anak! Amara! Anak!" Sigaw ni Nanay Napabalikwas ako sa aking kama dahil sa sigaw ni Nanay. Ang buong akala ko ay nasusunog ang bahay namin dahil sa tindi ng sigaw nya. Humahangos syang pumasok sa kwarto ko. Naabutan nya akong yakap ang kumot at unan dahil sa sobrang takot sa sigaw nya. Nakita ko ang malaking ngiti sa labi nya nang harapin nya ako. Bahagyang nawala ang takot sa puso ko nang makita ko ang kanyang magandang ngiti. "Nay, tinakot mo naman ako. Akala ko kung ano na ang nangyari." Sabi ko Kitang kita ko pa rin ang malawak nyang ngiti habang papalapit sya sa akin. Ang mas ikinagulat ko ay nang iabot nya sa akin ang isang brown envelope. "Ano po ito?" Tanong ko Mas lalo kong nasilayan ang mga ngiti sa labi nya. "Buksan mo anak." Utos nya sa akin. Dali-dali kong binuksan ang envelope upang malaman ang nasa loob nito. Labis na ligaya ang idinulot ng laman ng envelope na iyon sa akin. Hindi ako makapaniwala. "Saan po kayo nakakuha ng ganito kalaking pera?" Naiiyak ko na namang wika Niyapos ako ni Nanay ng sobrang higpit. "Di ba sabi ko sayo, gagawa ng paraan si Nanay. Makakapag-aral ka na sa Golden Valley. Tuparin mo ang mga pangarap mo anak." Malambing na wika nya Pigil ang luha sa mga mata ko. Wala na akong ibang ginawa kundi ang yakapin din sya ng mahigpit at halikan sya ng paulit-ulit. Ngayon ay wala na ngang makakahadlang pa sa mga pangarap ko. Tutuparin ko ang lahat ng iyon at magsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral. Golden Valley University, anong klaseng buhay ang ipaparanas mo sa akin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook