Chapter 2

2180 Words
Amara Pagtungtong pa lamang namin ni Alodia sa Maynila ay nakaramdam agad ako ng kaba. Mahigpit akong humawak sa aking bag. Mas matapang ako sa kanya ngunit bakit tila umuurong ako sa kaba. Tama si Nanay Amanda. Masyadong malaki ang Maynila para sa amin. Sadyang mapanganib at kailangang magdoble ingat. Kaagad kaming nagtungo sa The Student Dormitory kung saan kami mananatili ni Alodia habang kami ay nag-aaral. Maganda ang dorm na ito dahil malapit sa Universidad. Sa kwarto namin ni Alodia ay kitang kita ang malaking building ng Golden Valley University. Nakamasid ako doon at iniisip ang mga maaaring mangyari sa amin ni Alodia. Sana ay puro masasayang alaala ang ibigay sa amin ng Golden Valley. Sa makalawa ay makakatapak na rin kami sa magandang Universidad na iyon. Halo-halong  emosyon ang nararamdaman ko. Nasasabik ako para sa panibagong yugto ng buhay namin ni Alodia. Maya maya lang ay biglang nagring ang cellphone ko. Tumatawag si Nanay Amanda. "Hello Nay. Opo maayos po kaming nakarating ni Alodia. Opo Nay. Wag na kayong mag-alala." "Mag-iingat kayo palagi anak ha. Lagi akong tatawag sayo. O kaya kapag may time ka, ikaw ang tumawag sa akin para hindi ako nakakaistorbo sa pag-aaral mo. Miss na agad kita." Bahagyang may kumurot sa aking puso. Sandaling panahon pa lang kaming nagkakawalay ni Nanay ay namimiss na namin ang isa't-isa. "Mag-iingat ka rin dyan Nay. Maraming salamat po sa lahat. Miss ko na din kayo. I love you Nay." Sambit ko "I love you too, Anak." Ang sarap sa pakiramdam habang naririnig ko ang boses ni Nanay. Hindi dapat ako nalulungkot. Para sa amin ang lahat ng pagsasakripisyo kong ito. Mag-aaral akong mabuti dahil may isang nanay Amanda ang lubos na naniniwala sa akin. -- Masaya akong nag-aayos ng mga gamit sa loob ng cabinet, habang si Alodia ay abalang abala sa pagkabit ng mga larawan ng Black Fire Trio. Ang sikat daw na grupo ng mga mayayaman at gwapong lalaki ng Golden Valley. May isang napakalaking larawan pa ang idinikit nya sa may dingding. Iyon naman ang larawan ng kinababaliwan nyang leader ng grupong BFT, si Lorenzo Zobel o mas kilala sa tawag na Enzo. Napapailing na lang ako sa tuwing makikita ko si Alodia na halos mabaliw dahil kinakausap nya ang mga larawang iyon. Pero ako? Wala akong interes sa mga yan. Pag-aaral ang ipinunta ko dito. Hinding-hindi ako kailanman magpapaapekto sa kanila. Gwapo lang sila, pero wala silang mga dating sa akin. "Baby Enzo, malapit na tayong magkita. Nasasabik na ako." Kilig na kilig na wika ni Alodia Rumolyo ang mga mata ko sa kaibigan kong hibang na hibang sa BFT. "Hindi ka naman mapapansin ng mga yan. Sa dami ba naman ng mayayaman at magagandang babae sa University?" Sabi ko Nginusuan lang ako ni Alodia habang nakamasid pa rin sa mga larawan. "Grabe ka naman Amara! Tiwala lang friend. Alam kong mapapansin din nila tayo. Kahit gawin lang nila tayong Girlfriend of the month nila ay masaya na ako." Wika nya na parang nababaliw na. "Huwag mo akong idamay. Hindi ko gustong mapansin ng mga yan. Saka ano 'tong girlfriend of the month na sinasabi mo? Hoy! Pag-aaral ang ipinunta natin dito baka nakakalimutan mo." Sabi ko sa kanya para magising sya sa katotohanan. Naupo ng maayos sa kanyang kama si Alodia habang nakaharap sya sa akin. "May nakakakilig na game ang Black Fire Trio. Iyon ay pipili sila ng mga lucky girlfriends nila for one month. Sa loob ng isang buwan ay ipaparanas nila sa mga babaeng napili nila kung paano maging boyfriend ang isang BFT. Kahit isang buwan lang. Kahit nagkukunwari lang, sobrang mapapasaya na ako nito. Basta si Enzo ang pipili sa akin. Ahhhhhh!" Kilig na kilig na wika ni Alodia Napataas ang kilay ko. Anong kalokohan ang mga sinasabi niya? Girlfriend of the month daw? Nahihibang na talaga ang Black Fire Trio na yan. Nakaramdam tuloy ako ng matinding inis sa mga lalaking iyon. Pinaglalaruan nila ang puso ng mga babae. Akala nila ay nakakatuwa sila. "Mga baliw kamo ang Black Fire Trio na yan!" Sigaw ko sa aking kaibigan Hinagisan ako ni Alodia ng unan dahil sa sobrang galit nya sa akin. Talagang para syang nahipnostismo ng mga lalaking iyon. "Huwag mong sasabihang baliw ang mga mahal ko. Mag-aaway talaga tayo." Sambit nya Nakakatakot na ang epekto nila sa aking kaibigan. Parang nasasapian ito ng kung ano. Mabuti na lang at hindi ako natulad sa kanya. "Bahala ka nga dyan." Wika ko Nagpatuloy na lang ako sa pag-aayos ng aking mga gamit habang si Alodia ay nagpatuloy din sa pagmasid sa kinababaliwan nyang BFT. Makailang ulit akong umiling dahil hindi ko nagugustuhan ang inaasal nya sa tatlong lalaki na iyon. -- Kailangan naming magtrabaho upang may pangtustos sa pang-araw-araw na gastusin. Naisipan naming mag-apply ng trabaho sa isang fast food chain kung saan priority nila ang mga working student gaya namin. Kailangang maging masipag upang mabuhay kami dito. Pagkatapos naman ng aming mga paghihirap ay alam kong giginhawa  na rin ang aming mga buhay. "Tuwing alas sais ng gabi hanggang alas diyes ang duty nyo dito. Bawal ang late. Kailangan nyong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Alam kong kakayanin nyo gaya ng ibang mga estudyanteng nakapagtapos ng pag-aaral. Good luck!" Wika ni Ms. Ariane ang Branch Manager ng papasukan naming fast food restaurant. Mabuti naman at umaayon sa amin ni Alodia ang kapalaran. May maayos kaming matutuluyan dito sa Maynila at kaagad naman kaming nakahanap ng mapapasukan para may maipanggastos sa aming pag-aaral. Kahit mahirap ay titiisin ko matupad lang ang lahat ng aking mga pangarap. Kinabukasan... Handang handa na kami ng aking kaibigan para sa unang araw ng klase. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang mangyayari sa unang araw namin sa Golden Valley. Pagpasok pa lang namin ng gate ay napansin ko na agad ang mga estudyante na nagpapabonggahan ng kanilang mga gamit. Nag-uusap ang ilan kung saan sila nagtungo nitong bakasyon. Ang iba ay sa Boracay, Cebu at Siargao. Ang iba naman ay sa labas ng bansa gaya ng South Korea, Thailand at Vietnam. Ganito ba talaga dito? Pinag-uusapan nila ang mga bagay na hindi pa namin nararanasan ni Alodia. Malayong malayo talaga ang estado ng aming mga buhay sa karamihan ng mga estudyante dito. Hanggang sa nasaksihan na lamang namin ni Alodia ang isang babaeng estudyante na nakasalampak sa sahig at pinagtutulungan ng tatlong mga estudyanteng babae. Mga bully! Ako ang harapin nila at pagbubuhulin ko ang mga buhok nilang tatlo! Napag-alaman ko kay Alodia na ang grupo ng mga bruhildang babaeng iyon ay sina Myrtle, Chloe at Zabrina. Sadyang mga bully dahil sa estado ng kanilang buhay. Galing sila sa mayayamang pamilya kaya ganun na lamang kung umasta. Awang awa ako sa babaeng nakasalampak sa sahig. Lalo na ng pagsalitaan nila ito ng hindi maganda. "Never block our pathways! The moment you saw us, you must give way because the campus Queens are here!" Sigaw ni Myrtle Napakasama talaga ng mga ugali nila. Naggalawan ang mga panga ko sa sobrang inis at galit sa tatlong bruhilda na iyon. Hinawakan ako ng mahigpit ni Alodia dahil nakita nyang susugod na ako doon upang tulungan ang babaeng nakasalampak sa sahig. Sa sobrang tapang ko ay hindi ko na alintana na baka makagawa ako ng malaking gulo sa gagawin ko. Baka maapektuhan ang scholarship namin ni Alodia. "Next time, be careful. Tumingin ka lagi sa dinaraanan mo."  Dinig kong sambit ng isang lalaki. Halos mamula ang mga braso ko sa sobrang paghampas sa akin ni Alodia dahil nakakita na naman sya ng isa sa mga miyembro ng Black Fire Trio. Si Ethan Enriquez. Sya ang tumulong sa babaeng nakasalampak kanina. Sya raw ang good boy ng trio. Infairness, mabait talaga sya at sobrang gwapo kagaya ng mga kwento ni Alodia sa akin. Pero umiling ako! Galit pa rin ako sa nakakasuklam na game nilang Girlfriend of the month! Hindi ako dapat na nagpapauto sa kanila. Nang umalis sa harapan nya ang gwapong si Ethan ay sya namang pagpasok muli sa eksena ng tatlong bruhilda. "Don't you ever think that Ethan will like you! Sa itsura mong yan? Mukha kang desperadang nerd!" Sigaw nung Myrtle daw na sandamakmak ang foundation sa mukha, doon sa babaeng estudyanteng binully nila. Nakaramdam na naman ako ng matinding inis sa mga babaeng iyon. Sumusobra na sila. Kaya nang makaalis ang mga babaeng iyon ay kaagad naming pinuntahan ang kaawa-awang babae. Gusto naming kaibiganin ang babaeng estudyante na hindi kayang ipagtanggol ang kanyang sarili. "Hi! Miss, ayos ka lang? Sorry ha hindi ka namin natulungan kanina laban don sa mga bruhildang ang kakapal ng make up." Wika ni Alodia. Lumingon sya sa amin at halata ko sa kanyang mga mata ang takot. Mas lalo akong naiinis sa mga bully na mga  babae na iyon. Talagang kung hindi ako makakapagtimpi ay masasapak ko ang mga iyon. Pero kailangan kong kumalma para sa scholarship namin. "Naku! Kung hindi ako pinigilan  ni Alodia, kanina pa talaga ako sumugod para masapak yung tatlong bruha na yon!" Wika ko "By the way, I'm Alodia. Freshman students din kami ni Amara." Pagpapakilala ng kaibigan ko "Ako naman si Amara, galit sa maaarte at mayamang bruha gaya nila. Naku! May araw din ang mga yon!" Wika ko Ngumiti sya sa amin at bahagyang nawala ang takot sa kanyang mga mata. "I'm Athena, freshman student din ako. Hinahanap ko nga ang room 375, kaya lang bigla na lang nila akong tinulak." Sabi ng kaawa-awang babae kanina. Ikinatuwa namin na nakilala namin si Athena. Classmate din pala namin sya na hinahanap ang room 375. Katulad namin ay nakakuha rin sya ng scholarship at tinutupad ang kanyang mga pangarap. Sa nakikita ko ay sadyang napakabait ni Athena at madali syang pakisamahan. Kami ang magkakauri at malayong malayo sa tatlong bruhilda kanina. Minabuti naming kaibiganin si Athena dahil malamang na wala namang ibang makikipagkaibigan sa amin na nakapasok lang sa University dahil sa scholarship. Sabay-sabay kaming naghanap sa room 375. Bago pa kami makarating doon ay nadaanan namin ang comfort room ng Universidad. "Wait lang, gagamit ako ng banyo. Kayo ba?" Tanong ko Sabay na umiling sina Alodia at Athena. "Go girl, ilabas mo muna yan." Sabi ng lokang si Alodia Hinintay nila ako sa may hallway. Ako naman ay nagmamadaling pumasok  sa dulong bahagi ng pasilyo kung saan naroroon ang comfort room. Pagliko ko sa gawing kanan ay nakasalubong ko ang isang lalaki na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa bilis ng kanyang takbo ay alam kong mababangga nya ako. Wala na akong oras upang umiwas sa kanya. Ilang segundo lang ang lumipas ay bumangga sa akin ang lalaki. Ngunit sadyang malakas ang kanyang mga binti at braso at agad syang nakakuha ng balanse. Naramdaman ko na lang na nakadapo na ang kanyang malapad na braso sa palibot ng aking katawan. Sinusubukan nyang iligtas ako at huwag kaming bumagsak sa sahig. Nagmistulang bumagal ang oras habang nakayakap sya sa akin. Kitang-kita ko ang napakakinis at napakaperpekto nyang mukha. Ang kanyang mga mata na kulay brown ang syang una kong napansin sa kanya ay para akong tinutunaw. Ang ilong nyang napakatangos ay mistulang ang sarap kurutin minu-minuto. Ang mga labi nyang sobrang pula ang labis na nagpadaloy ng kuryente sa buong katawan ko. Pamilyar ang kanyang itsura ngunit hindi ko alam kung nagkita na ba kami noon. Ngunit saan naman ako makakakita ng ganito kagwapong lalaki? Sa panaginip ko na lang yata. Ngayon ko lang naramdaman ang pagpintig ng puso ko nang ganito kabilis. Sa sobrang bilis ay para akong lumilipad sa alapaap at hindi ko maipaliwanang ang aking nararamdaman. "Ooopss! I'm sorry My loves. Sorry." Wika ng estrangherong lalaki na nakakuha ng aking atensyon. Tinawag nya akong My Loves? Pero bakit? Naramdaman ko ang pag-ayos nya ng aking uniporme na bahagyang nalukot dahil sa pagkakayakap nya sa akin kanina. Wala akong naging reaksyon dahil tila naestatwa ako sa kagwapuhan nyang taglay. Ang mga palad nya na dumadampi sa likuran ko ay labis na nagbibigay kuryente at kakaibang kiliti sa akin. Ano ba ang ibig sabihin nito? Kinabig nya ang aking balakang at binulungan nya ako. "I love your curves, huh." Sambit nya Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Aba! Napakabastos naman nya! Bago pa ako makapagsalita ay tinalikuran na nya ako iniwanan na lang. Naiinis ako sa kanya. Ngayon ko lang napagtanto na hinawakan nya ang baywang ko hanggang sa balakang kaya nya nasabi iyon. Bastos! Nakamasid lang ako habang papalayo sya sa akin. Kapansin pansin ang matipuno nyang mga balikat. Nakasuot sya ng sumbrero na syang nakabaligtad at mistulang artista na naglalakad sa pasilyo. Lahat ng mga babaeng nakakasalubong nya ay kilig na kilig sa kanya. Lahat ay kinakawayan sya. Sino ba sya? Bakit ganun? Bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko? Oh God! Hindi pwede! Pag-aaral ang priority ko at hindi ang kung ano man ang nararamdaman ng puso ko. Makailang ulit akong umiling at kinalimutan ang misteryosong lalaking nagbigay ng kakaibang kilig sa akin. Siguro naman, sa sobrang laki ng Golden Valley University ay hindi na muling magkukrus ang aming mga landas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD