bc

My Love is a Superstar BOOK 3: AXEL

book_age18+
31
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
friends to lovers
playboy
instrumentalist
comedy
sweet
city
secrets
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE CUTEST FACE IN THE WORLD, MY MOCHI, PARK JIMIN)

Ang lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Axel Carter ang lead vocalist ng Bullet Proof Boys na likas ang pagiging chick magnet. Dahil sa kanyang kagwapuhan at natatanging talento ay maraming mga kababaihan ang nabigbighani sa kanya. Isa na rito si Sandara Cortez na isang make up artist.

Ginawa ni Sandara ang lahat upang makapasok sa sikat na kumpanyang High Labels Corporation upang maging make up artist ng Bullet Proof Boys.

Nang pagtagpuin ng tadhana sina Sandara at Axel ay hindi na napigilan pa ng kanilang mga puso ang kanilang nadarama. Ngunit ang kanilang matinding kalaban ay ang namamayagpag na karera ng Bullet Proof Boys.

Inilihim nila sa lahat ang kanilang relasyon upang maprotektahan ang magandang karera ni Axel. Lingid sa kaalaman ng binata na may isang malaking lihim din si Sandara  na ikagigimbal nya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sandara Cortez POV Nagising ako sa ingay ng aking mga kapitbahay dito sa masikip na lugar ng Tondo Manila. Araw-araw naman ay ganito palagi ang eksena sa lugar na ito. Nasasanay na lang din ako dahil wala naman akong ibang malipatang bahay. Hindi sapat ang kinikita ko sa pagiging make up artist ng mga artista sa TV6 network. Nakahiga pa rin ako sa aking kama habang nakatanaw sa kisame ng inuupahan kong bahay. Mag-isa lang ako sa buhay. Mag-isa kong itinataguyod ang sarili ko at sanay na akong walang kasama. Pagbaling ko sa aking kaliwa ay napangiti ako. Kakaibang lakas ang idinudulot ni Axel Carter sa buhay ko. Nakadikit sa pader ang napakalaking poster nya upang lagi ko syang masisilayan sa bawat paggising ko sa umaga. Malaki ang paghanga ko sa Bullet Proof Boys dahil sa kasikatang taglay nila. Lahat sila ay magagaling kumanta at sumayaw. Lalong nabihag ni Axel ang puso ko dahil isa sya sa lead vocals ng grupo. Parang isang anghel na umaawit ang boses nya. Pagdating naman sa sayaw ay hindi rin sya papatalo sa mga kagrupo nya dahil may kakaibang pitik ang kanyang katawan habang sumasayaw na syang kahuhumalingan ng lahat. Kaya naman mahal na mahal din sya ng mga Soldier (tawag sa mga tagahanga at tagasuporta ng Bullet Proof Boys). Hindi gaya ng ibang Soldiers, hindi ako mahilig mangolekta ng mga merch or albums ng Bullet Proof Boys. Tanging ang malaking poster lang ni Axel ang meron ako. Wala naman kasi akong sapat na perang pambili ng mga ito. Isa pa rin akong Soldier kahit na wala ako ng mga bagay na iyon dahil labis ang pagmamahal ko para sa kanila lalo na para kay Axel. Hindi naman basehan ang mga merch para masabing isa kang tunay na Soldier, basta may buo kang suporta at pagmamahal sa kanila ay maaari mo nang tawagin ang iyong sarili bilang Soldier. Hindi ko gusto ang ideya na parang sinasamba ng ibang Soldier ang mga gamit na konektado sa grupo, ang mas magandang gawin ay ang mapalapit mismo sa kanila. Iyon ang plano ko. Ayoko ng mga pillows, slippers o tumblers na may mukha ni Axel. Ang gusto ko ay iyong totoong tao. Yung totoong Axel na maaari kong mayakap araw-araw. Bumangon na ako sa aking kama. Inayos ko ang mga unan at kumot ko. Tumindig ako sa harapan ni Axel at nagbigay ng isang napakagandang ngiti sa kanya. "Axel Carter, makakasama rin kita araw-araw. Tandaan mo yan. Hindi ako susuko hangga't hindi ko nakukuha ang trabaho bilang make up artist ng grupo nyo!" Sambit ko sa nakangiti nyang larawan. Nagpasya akong umalis bilang make up artist ng TV6 dahil sa liit ng kinikita ko. Kaya naman napagdesisyunan kong mag-apply bilang make up artist ng grupong Bullet Proof Boys. Magagawa ko na ang passion ko sa pagmake up, makakasama ko pa ng mas madalas si Axel. Umingay nga ang mundo ng ibon dahil sa pagreresign ng isang make up artist nila. Kung sila raw ang nasa pwesto nito ay kailanman hindi nila iiwan ang napakaswerteng trabahong iyon. Araw-araw ay makakaharap at mahahawakan mo ang Bullet Proof Boys. Saan man sila magtungo ay laging kasama ang kanilang mga make up artist. Sinayang ng make up artist na nagresign ang buhay nya. Pero malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil magkakaroon ako ng pagkakataong mapalapit sa pinakamamahal kong si Axel. Ngayon ang unang araw ng pagbubukas ng application para sa make up artist ng Bullet Proof Boys sa High Labels Corporation. Nasasabik ako dahil pakiramdam ko ay makukuha ko ang pwestong iyon. Tiwala lang sa maykapal. Pagkatapos kong kumain ng agahan at maligo ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Suot ko ang isang white longsleeve at black pencil cut skirt na tinernuhan ko ng black stilletos shoes. Kung titignan ang aking itsura ay mistula akong mag-aaplay na sekretarya sa pinakamalaking kumpanya. Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin saka ako tuluyang umalis ng bahay. Paglabas ko ng bahay ay nagtinginan ang mga tambay sa tindahan ni Aling Pasing. Lagi naman silang ganyan kung makatingin sa tuwing lalabas ako ng bahay. "Aba Sandie, ngayon ba ang araw ng pag-aaply mo sa High Labels Corporation. Ingat ka ha, good luck!" Sigaw ni Aling Pasing Ngumiti ako sa matanda. "Salamat ho, sana nga ay makuha ko ang trabaho." Sigaw ko rin Kumaway ako kay Aling Pasing. Ang mga tambay naman sa tindahan nya ay kumaway din sa akin. "Ingat ka babes!" Wika pa ng isa Nasaksihan ko ang pagbatok ni Aling Pasing sa nagsabi nito. "Itigil nyo na ang pag-iilusyon kay Sandie dahil kaypapangit nyo! Hindi kayo bagay sa magandang dalaga na iyon!" Sigaw pa ng matanda "Grabe naman ho kayo sa amin Aling Pasing. Hindi na ba pwedeng mangarap ang kagaya naming tambay?" Sagot ng isa sa kanila Narinig ko ang kanilang mga tawanan. Napailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Kailangan ko nang magmadali dahil baka napakahaba na ng pila ng mga nag-aaply na make up artist ng Bullet Proof Boys. Pagdating ko nga sa napakataas at eleganteng building ng High Labels ay napakarami nang aplikante ang naroroon. Kailangan ko nang magmadali at baka maunahan pa ako ng ibang nagbabalak ring maging make up artist ni Axel. Sukbit ko ang luma kong shoulder bag at nakipagsiksikan ako sa pwesto ng guard na tila naistress na sa mga makukulit na aplikante. "Sinabi na ngang limampung aplikante lang ang iinterbyuhin nila ngayon. Kung sino ang mga nauna kanina ay iyon lang ang pinapasok namin sa loob. Magsiuwi na kayong lahat." Galit na wika ni Manong Guard "Hala, hindi pwede kuya. Kanina pa kami dito oh." Pagtutol ng isang aplikante At umingay na sa buong paligid. Lahat ay gustong makapasok sa loob upang subukan ang kanilang kapalaran, ngunit paanong mangyayari iyon kung hinarang na kami ni Manong guard. Halatang halata na sobrang stress na si Manong Guard dahil kay aga-aga ay tagaktak na ang pawis nya sa kanyang noo. Parang bumagsak ang buong mundo ko sa mga narinig ko sa kanya. Wala na ba akong pag-asa? Hindi ako umabot sa limampung aplikante na nasa loob? Hindi ito maaari! Hindi ako papayag! Lumayo ako ng kaunti sa mga nagkumpulang aplikante . Nag-isip ako ng paraan upang makapasok sa loob ng building na iyon. Nakahalukipkip ako at nag-isip akong mabuti. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang pwestong iyon. Kailangan kong makuha ang pangarap kong trabaho. Maya-maya lang ay parang kuminang ang mga mata ko. May naisip akong paraan upang makapasok sa building na iyon. Isinilid ko sa aking bag ang folder na dala ko. Nilugay ko ang aking buhok at hinawi ko ito. Naglagay din ako ng makapal na lipstick sa aking makipot na labi at dinagdagan ang pula sa aking pisngi. Kinuha ko ang shades sa bag at isinuot ko ito. Inangat ko pa ng kaunti ang skirt na suot ko upang lalong masilayan ang kurba ng aking katawan. Gagamitin ko na ang aking karisma na madalas mapansin ng ibang tao. Dahil sa sadyang makinis at maputi ang aking balat ay talagang umangat ang itsura ko sa iba. Taas noo akong nagtungo muli sa kumpulan ng mga aplikante. Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana ay magtagumpay ang plano ko. "Ahhm! Excuse me Sir?" Maarte kong banggit Napatingin ang ilan sa mga aplikante sa akin. Nang makita naman ako ni Manong guard ay agad syang napangiti. Tinignan nya rin ako mula ulo hanggang paa. "Good morning Ma'am. Saan po kayo?" Malambing namang wika nya sa akin. Humakbang pa akong palapit kay manong Guard at nakita kong kuminang ang mga mata nya. "Sir, dito po ba ang entrace ng photoshoot para sa Tuna commercial? Isa kasi ako sa mga model eh." Maarte ko pa ring wika sa kanya. Napatulala na rin ang ibang aplikante habang nakatitig sila sa akin. Ang iba naman ay mistulang walang pakialam dahil ang nais nila ay mapabilang sa limampung aplikante na nasa loob na ng building. Nakita ko sa advertisement ng High Labels Corporation ang photoshoot ng isang Tuna Commercial kaya ito ang sinabi kong impormasyon sa kanya. Napaniwala ko naman agad si Manong Guard na isa ako sa mga modelo. Ang hindi nya alam ay gusto ko lang namang maging make up artist ni Axel at ayokong maging modelo! Hindi ko madalas gawin ang bagay na ito. Naiinis nga ako sa tuwing may nagsasabi na maganda ako at maaari akong maging modelo. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan kong dumiskarte para makapasok sa loob ng High Labels Building. "Naligaw ka Miss Ganda. Sa kabilang entrance ang para sa mga magagandang modelo. Halika at ihahatid kita roon." Alok ni Manong "Wow! Thank you!" Maarte ko pa ring sambit Parang kuminang at lumiwanag ang mundo ko sa mga sinabi ni Manong guard. Kaunti na lang at mapapasok ko na ang building na ito. "Del Pilar, ikaw muna ang bahala dyan at ihahatid ko si Ma'am sa kabilang entrance." Utos nya sa kasamahan nyang guard. Ngumiti ako kay Manong guard dahil napakabait nya sa akin. Nang mapadako ang paningin ko sa mga aplikante ay nakaramdam ako ng awa sa kanila. Kitang kita ko ang kagustuhan nilang makapasok din sa High Labels Building. Sa pagkakataong ito ay diskarte ang kailangan para makuha ang pangarap mo, at ito nga ang ginawa ko ngayon. Pagdating ko sa kabilang entrance ay nakita kong pumasok doon ang isang magandang modelo. Napakaperpekto ng kanyang mukha at katawan. Bigla akong nahiya dahil sya talaga ang tunay na modelo na may photoshoot ngayon. Samantalang ako ay nagpapanggap lamang. "Santos! Si Ma'am ganda sinamahan ko dito. Isa sya sa mga modelo na may photoshoot sa 8th Floor." Wika ni Manong "Salamat po." Wika ko "Walang anuman." Mabait na wika ni Manong. Huminga ako ng malalim. Hindi ako makapaniwala na nauto ko si Manong guard. Ang guard na lamang dito sa entrance na para sa mga modelo ang kailangan kong malampasan. Hindi ko alam kung may listahan sya ng mga pangalan ng modelo. Dahil kung meron, talagang katapusan ko na. Ngumiti ako kay Santos. Ang guard na nakaassign dito. Hindi sya ngumingiti at mukhang masungit. Mukha talagang mahihirapan ako sa isang ito. "Pangalan?" Masungit na bungad nya Nakatingin din sya sa log book na hawak nya. Patay na talaga! Nakalista yata roon ang mga pangalan ng mga modelo. Mahirap pala talagang makapasok sa building na ito. Pumikit ako at nag-isip muli. Kailangan kong mag-isip ng mabilis. Kailangan kong makapagbanggit ng pangalan. Pagmulat ng mga mata ko. "Hanah Gray." Sambit ko Naisip ko si Hananh Gray na isang modelo na sinusubaybayan ko sa **. Nagpost kasi sya kagabi na nagreready sya para sa Tuna Commercial sa High Labels Corporation. Nabanggit pa nga nya na sana ay magkrus ang landas nila ng idol nyang si Jethro. Kaya ang ending, kinuyog sya ng mga Soldiers sa **. Selosa ang mga Soldiers at ayaw nila na may magagandang modelo o artista na nagkakagusto sa Bullet Proof Boys. Nakita siguro ni Manong Santos ang pangalan ni Hanah Gray sa kanyang logbook kaya muli syang tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya ng pagkaganda-ganda. Lord, papasukin nyo na po ako sa loob ng building parang awa nyo na po. Taimtim kong panalangin. "Patingin ng I.D?" Sabi ni Santos Bumagsak muli ang mundo ko sa sinabi nya. Katapusan ko na talaga. Wala akong I.D ni Hanah Gray dahil hindi naman talaga ako iyon. Kailangan ko na ba talagang tanggapin na hindi ko makukuha ang trabaho? Gusto ko nang maiyak na lang sa labas ng building na ito! "Santos, papasukin mo na ang lahat ng modelo! Naghihintay na si Boss sa taas" biglang may sumigaw sa kanyang likuran. Nagthumbs up lang si Santos sa kanya. "Ihulog mo sa box na ito ang I.D mo at pwede ka nang pumasok." Wika ni Santos Nagkaroon ulit ako ng pag-asa sa mga sinabi ni Santos. Masyado na syang abala kaya hindi na nya masyadong tinignan ang aking I.D. Agad akong dumukot ng I.D at inihulog ko sa box na sinasabi nya. Hindi na siguro nya mapapansin na ibang I.D ang inilagay ko doon. Babalikan ko na lang ang I.D ko kapag tapos na ang interview. "Bye!" Wika ko Mabilis akong pumasok ng building at nagmamadaling naglakad papunta sa elevator. Nasa 6th floor lang ang H.R department at kailangan ko nang magmadali. Yung puso ko parang sasabog sa tuwa nang makalampas ako sa guard na iyon. Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang galak ko. Nang bumukas ang elevator... Parang isang panaginip ang nangyari sa akin. Para akong lumilipad sa alapaap sa aking nakita. Huminto ang oras nang masaksihan kong papalabas ng elevator ang pinakamamahal kong-- si Axel. Napayakap ako sa aking shoulder bag at tila nanginginig ang buo kong katawan nang makita ko si Axel ng harap harapan. Muling bumagal ang ikot ng mundo nang mapatingin sya sa mga mata ko. At lalong nabihag nya ang puso ko nang unti-unti kong masilayan ang magaganda nyang ngiti sa akin. Ang swerte ko! Napakaswerte ko dahil nasilayan ko ang lalaking pangarap ko! Ayoko nang magising sa isang napakagandang panaginip na ito. Ayoko nang magising.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook