Chapter 2

1797 Words
Sandara "Hoy Miss! Sasakay ka ba ng elevator? Wag mo nang tangkaing habulin si Axel at baka kuyugin ka ng mga Soldiers!" Sigaw ng  babae na isang elevator operator. Hawak nya ang isang button ng elevator upang hindi ito magsara agad dahil sa paghihintay nya sa akin. Natulala kasi ako sa pagdaan ni Axel sa harapan ko kung kaya't napako ang mga paa ko na para bang hindi na ako makagalaw. Napakagat labi ako at dali-dali akong tumakbo papasok ng elevator. Kasabay ko ang ibang mga modelo na halos mabaliw sa kilig kakatingin ng kanilang mga cellphones. Ikinukumpara nila ang mga larawan ni Axel na kanilang nakunan. Sayang, hindi maganda ang cellphone ko kung kaya't hindi ako nakakuha ng pagkakataong makunan sya ng larawan. Di bale na, kapag nakuha ko ang trabaho bilang make up artist nila ay hindi ako magsasawang kunan sila ng larawan. "Lahat kayo ay sa Tuna Commercial photoshoot sa 8th floor di ba?" Wika ni ateng elevator operator. Kaagad nyang pinindot ang number 8 sa button ng elevator. "Naku! Teh, sa 6th floor po ako. Aplikante po ako." Sambit ko Pinagtinginan ako ng mga nasa loob ng elevator. Maging si Ateng operator ay tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Sigurado ka? Mag-aaply kang make up artist? Sa pustura mo mukha kang modelo eh." Pambobola pa ni Ate. Sumingit naman sa usapan ang isang babae. "Ate, ako nga mas gusto ko na lang mag-apply bilang staff ng Bullet Proof Boys para araw-araw ay lagi ko silang kasama. But I'm sure my Dad will not allow me." Wika ng isang magandang modelo na nasa likuran ko. Narinig ko ang kanilang bungisngisan. Maging sila ay gusto na lang din magtrabaho kasama ang Bullet Proof Boys kagaya ng pangarap ng lahat ng Soldiers. Kaagad na pinindot ni Ateng operator ang 6 at saka tumahimik ang buong paligid. Hindi talaga ako sanay na pinupuri ng ibang tao. Sa totoo lang ay ayokong napapansin ang itsura ko. Iyon talaga ang kahinaan ko. Pagkabukas ng elevator sa may 6th floor ay kaagad na akong lumabas. Nagmamadali akong nagtungo sa opisina ng H.R. Tama ang hinala ko na sobrang dami ng mga aplikante sa labas ng opisina. Malaki ang mga hakbang ko habang papunta sa dulong bahagi ng pila ng mga aplikante na iyon. Marahan ang mga hakbang ko patungo sa dulong pila. Halos hingalin ako sa ginawa kong ito. Biglang may lumabas na staff sa opisina at kaagad na kinuha ang mga resume ng mga aplikante. "Thank you Lord!" Banggit ko Buti at umabot pa ako. Buti na lang at ngayon lang naisipan ng staff na kolektahin ang mga resume. "Excuse me Miss, kasama ka ba dito kanina? Ang alam ko ay ako ang panghuling pinapasok ng guard kanina." Tanong ng aplikanteng nasa unahan ko. Napalunok ako sa mga tanong nya. Kailangan ba nyang alamin iyon? Ang dapat na pinagtutuunan nya ng pansin ay ang pagiging maswerte nya dahil sya ang ikalimampung aplikante na nakapasok dito. "Oo kanina pa ako dito. Nasa harapan ako kanina kaya lang lumipat na ako dito sa huli, ang iingay kasi ng mga tao dun." Sabi ko Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa na tila nakaarko pa ang kilay. Hindi ko alam kung naiinis sya sa akin pero alam kong hindi nya gusto ang presensya ko. Nang mapadako sa amin ang staff ay agad kong iniabot ang resume ko. Maganda rin ang ngiti ko sa kanya. Ang saya ko dahil pakiramdam ko talaga ay makukuha ko ang trabahong ito. Pinagmasdan din nya ako na tila inuusisa ang buo kong pagkatao. "Sa ganda mong yan mag-aaply ka lang na make up artist? Baka naman gusto mo lang mapalapit sa Bullet Proof Boys at akitin sila?" Mataray na wika ng babaeng staff na nangolekta ng mga resume. Bahagyang nasaktan ako sa mga sinabi nya. Ganito na ba talaga ang tingin nya sa lahat ng mga aplikante rito? Sabagay, totoo naman ang mga sinabi nya. Naririto nga ako para makasama ko si Axel, pero hindi para akitin sya. "Hindi naman po Ma'am." Mahinang banggit ko sa kanya. Napailing lang sya sa akin. Tila nawawalan na naman ako ng pag-asa. Nararamdaman ko na hindi rin ako gusto ng staff na ito. Paano kung dahil sa itsura ko ay hindi nila ako tanggapin? Napasandal ako sa pader at huminga ako ng malalim. Sandali akong pumikit at nagdasal sa maykapal na sana ay makuha ko ang trabahong ito. Sana ay ako ang mapiling make up artist ng Bullet Proof Boys. Bukod sa gusto ko talagang makasama si Axel araw-araw, ay kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. Nag-umpisa na ang interview. Lima-lima ang pinapapasok nila sa loob. Lalo akong kinakabahan dahil parang bagsak balikat ang mga aplikante kapag lumalabas ng opisina na iyon. Sinasabi na ba agad kung pasado or hindi? Sa sobrang kaba ko ay kailangan kong gumamit ng banyo dahil talagang punong puno na ang pantog ko. Siguro naman ay hindi pa ako tatawagin dahil mas maraming nauna sa akin. Nagmamadali akong nagtungo sa banyo dahil talagang parang lalabas na ang mga ininom kong kape at tubig kanina. Kaagad akong pumasok sa cubicle at naupo na parang trono ko ang lugar na iyon. Ang laking ginhawa ng mailabas ko ang dapat kong mailabas. Maya maya lang... Kumalabog ang pintuan. May pumasok sa C.r. Habang inaayos ko ang pencil cut skirt ko... "Ang daming aplikante noh." Wika ng isang babae "Lahat sila ay gustong mapalapit sa Bullet Proof  Boys. Ang daming Soldiers na aplikante." Wika pa ng isa "Ang hindi nila alam, ang pipiliin natin ay iyong hindi umiidolo sa Bullet Proof Boys. Kapag pumili kasi tayo ng Soldiers ay malamang na mas lalo lamang silang mababaliw at baka hindi na trabaho ang atupagin nila." Pagbubulgar ng isang babae Napahawak ako sa aking bibig dahil sa mga natuklasan ko. Marahil ay isa sila sa mga nag-iinterview sa mga aplikante. Kung susuwertihin nga naman ako. "Yung isa nga sa kanila ay dala-dala ang lahat ng albums ng Bullet Proof Boys. Akala nya siguro ay  dagdag points iyon sa kanya. Hindi sya makakapagfocus sa trabaho kapag sya ang pinili natin. Baka ang laging laman ng social media account nya ay ang araw-araw na trabaho nya kasama ang mga boys." Sambit pa ng isa "Mas maganda kasi na simple lang at hindi masyadong nababaliw sa mga Boys para maging maayos ang trabaho nya. Hindi kagaya ni Monique na pinatalsik ng kumpanya dahil sobrang nabaliw sa Bullet kaya hindi na masyadong naayos ang trabaho. Kawawa naman." Dinig kong sabi pa ng isang babae "Halika na girl at madami pa tayong for interviews." Narinig ko ang mga takong ng sapatos nila na papalabas ng C.R. Nanatili ako sa loob ng cubicle. Wala silang kamalay malay na narinig ko ang lahat ng mga sinabi nila. Mabuti na lang at narinig ko ang mga pinagsasabi nila dahil nakakuha ako ng ideya. Marahan akong lumabas ng cubicle. Nakita ko roon ang isang janitress na nag-momop ng sahig. "Miss, bakit ka nakapasok dito? For employees lang ang C.R na ito?" Sambit ng Janitress Namilog ang mga mata ko. Sa kakamadali ko kanina ay akala ko para sa lahat ang C.R na ito. "Ayyy! Sorry po!" Wika ko Kaagad na akong lumabas ng C.R na iyon. Napakagaling naman talaga. Humiling ako sa Diyos kanina na sana ay makuha ko ang trabahong ito, iyon pala ay bibigyan nya  ako ng tip kung paano ko makukuha ito. Kung hindi ako napadpad sa C.R na para sa mga empleyado ay hindi ko malalaman ang mga katangian ng aplikante na kanilang kukunin. Ang gusto nila ay iyong mga hindi Soldiers at walang interes sa Bullet Proof Boys. Ngayon ay alam ko na. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil dito. Pagbalik ko sa aking pwesto ay halos nangalahati na ang mga aplikante. Isa-isa ko silang pinagmasdan. Halos lahat sila ay masasabi kong Soldier dahil sa mga gamit nilang puro mukha ng Bullet Proof Boys. Malaki na ang lamang ko sa kanila dahil dito. Alam kong makukuha ko ang trabahong ito. Unti-unting lumitaw ang mga ngiti sa aking labi. Isang ngiti ng tagumpay kahit hindi ko pa naman ito nakukuha. Lumipas pa ang isang oras... "Miss Sandara Cortez." Pagtawag sa aking pangalan. Kaagad akong lumapit sa  staff na tumawag sa akin. "This way ma'am." Sabi nya Itinuro nya ako sa lugar kung nasaan ang interviewer. Kinakabahan pa rin ako. Pero alam ko na ang mga isasagot ko kapag tinanong ako tungkol sa Bullet Proof Boys. Hindi nila ako fan at wala akong masyadong ideya tungkol sa kanila. Hindi ako Soldier. Hindi ako nababaliw sa kanila. Hindi ko sila mahal! Kahit ang hirap isipin ay kailangan kong magpanggap para makuha ang pangarap kong trabaho. "Good morning Ms. Cortez." Bungad ng interviewer "Good morning ma'am." Masaya kong bati sa kanya. Pinasadahan nya ng tingin ang aking resume. Ilang segundo nya iyong tinitigan. "Very impressive work experience. But I have a question, do you know Bullet Proof Boys?" Tanong nito Gusto kong matawa sa harapan nya. Alam ko ang nais nyang marinig mula sa akin. Mabuti na lang talaga at napadpad ako sa C.R ng mga empleyado kanina. "Actually Ma'am, I don't know who are the members of that group, but I already heard that they are really popular all around the world. I don't have time for them because I am busy with my own life. I am so sorry Ma'am. But rest assured that I will do my job professionally since they are an international artists." Sagot ko sa kanya Halos mawalan ako ng hangin pagkatapos kong sabihin iyon. Patawarin sana ako ng Bullet Proof Boys dahil sa pagsisinungaling ko. Ginagawa ko lang ito para makuha ko ang trabaho at makasama ko na sila. Unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi ng babaeng kaharap ko. Pagkatapos nyang marinig ang kasinungalingan ko ay tinanong na nya ako tungkol sa laman ng resume ko. Syempre, hindi ako magpapahuli pagdating sa mga sagutan. Matagal ko na itong pinaghandaan at mukha namang satisfied sya sa lahat ng mga sagot ko. Tumagal yata ng labing limang minuto ang pag-uusap namin ni Ms. Ramirez. Hindi ko alam kung matatanggap ako sa trabaho. Ang huling nabanggit nya sa akin ay-- "Thank you for your time Ms. Cortez. I really enjoyed speaking with you. Just wait for our call  if we will offer you the position." Sambit nya Pakiramdam ko kapag ganito na ang eksena ay hindi na matatanggap sa trabaho. Bakit kailangan pang maghintay ng tawag? Ano ba ang mali sa mga nabanggit ko? Tumayo na ako at bagsak balikat ding lumabas ng opisina kagaya ng ibang mga aplikanteng nauna sa akin. Hindi ko alam kung nakuha ko ang trabaho. Ginawa ko na ang lahat. Ang dami kong pinagdaanan makapasok lang sa building na ito. Masasayang lang ba ang lahat ng mga pinaghirapan ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD