Chapter 3

1826 Words
Axel Carter POV "Nakita niyo na ba yung mga model sa Tuna commercial? Ang gaganda! Nakasalubong ko ang iba sa kanila sa lobby. Wohoo! Ahhrggh!" Sambit ko sa mga kapatid ko na tila nanggigigil sa paraan ng pagkakwento ko. Nakaupo silang lahat sa mahabang sofa at may kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Naririto kami ngayon sa isa sa mga opisina ng High Labels dahil may meeting kami kasama ang aming CEO na si Clark Addison. Si Hunter lang ang lumingon sa akin dahil magkapareho kami ng ugali pagdating sa mga babae. "Talaga ba Axel? Sayang! Sana pala ay sumama ako sayo kanina." Panghihinayang ni Hunter Nilapitan ko sya at naupo sa tabi nya. Kinuha ko ang unan at niyakap ko iyon sa harapan nya. "Ang sarap siguro nilang yakapin. Ahhhh" pag-iilusyon ko habang yakap ang unan. Kaagad na hinatak ni Hunter ang unan na yakap ko at sya naman ang yumakap nito. "Uhhmm! Baby, please hug me so tight!" Bulong nya Kaagad na dumapo ang kamay ni Rocky sa aming mga batok. Para kasi kaming mga baliw ni Hunter na nangangarap na makayakap ng isang tunay na babae. "Tigang lang? Umayos nga kayo! Mas atupagin nyo ang career natin. Wala tayong panahon para sa mga babae." Masungit na wika ng leader at Kuya naming si Rocky. Napakamot lang kami ni Hunter sa aming mga batok. Minsan talaga panira ng magandang moment itong si Rocky eh, mas focus talaga sya sa mga career namin. Simula nang masaktan sya sa pag-ibig ay hindi na sya tumingin pa ulit sa mga babae. Kawawa naman si Rocky, napakalungkot ng buhay pag-ibig nya. "Wala namang bago kina Hunter at Axel, panay ang sipat sa mga sexy girls nyan kahit nasa gitna tayo ng concert." Sambit ni Jet "Siguro yung mga tatay nyo magkumpare nung kabataan pa nila." Biro ni Grayson Tumawa ang lahat sa mga sinabi ni Grayson. Ewan ko ba, talagang magkasundo kami ni Hunter pagdating sa pagtingin ng mga sexy at magagandang babae. Likas na talaga sa amin ang ganitong ugali. "Naalala ko yung kwento ni Sister Elena tungkol sa dalawang mokong na yan, yung  magazine ng mga sexy girls na tinatago nila sa ilalim ng unan nila. Sa murang edad pa lang napaghahalataan na talagang mahihilig na eh!" Biglang sambit ni Eryx "Sobrang bata pa ako nung nangyari 'yon, hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko galit na galit si Sister." Wika naman ni Jethro Lahat kami ay hindi na napigilan ang tawanan dahil sa naungkat na pangyayari ni Eryx. Ang tagal na ng pangyayaring iyon pero sariwa pa rin sa akin ang lahat. JANUARY 2003 "Oh, heto mga hijo. Itago nyong mabuti kay Sister ang mga yan dahil tiyak na pagagalitan kayo nun. Wag nyong sabihin na ako ang may bigay nyan sa inyo. Baka mawalan ako ng trabaho dito." Wika ni Mang Jun ang hardinero ng Home of Dreams na syang kinalakihan ng Bullet Proof Boys. Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Hunter nang masilayan ang magazine na ibinigay sa amin ni Mang Jun. Nanginginig ako nang mahawakan iyon. Puro mga nakabikini at halos masilayan na ang maseselang parte ng katawan ng mga babaeng modelo ang nasa sa magazine na iyon. "Itago nyo na! Huwag nyo dito bulatlatin yan." Pagbabawal ni Mang Jun Kaagad kong itinago sa loob ng aking t-shirt ang magazine. "Salamat po Mang Jun." Sabay na wika namin ni Hunter at tumakbo na kaming palayo sa kanya. Halos madapa kami ni Hunter nang takbuhin namin ang likurang bahagi ng bahay ampunan. Sa may tambak ng mga sirang gamit kami pumwesto ng mokong. Naupo kami sa may sirang sofa doon at tahimik na binuklat ang pahina ng magazine. "Bilisan mo, nasasabik na akong makakita ng mga babaeng nakabikini. Hindi pa ako nakakakita nyan." Sabik na sabik na wika ni Hunter "Eto na! Sandali naman!" Sabi ko Bawat buklat ng magazine ay gumagana ang aming imahinasyon ni Hunter. Bawat babae sa magazine na iyon ay aming pinapantasya. Pakiramdam namin ay buhay na buhay ang mga ito sa harapan namin. "Ohhhh!" Sabay kaming napasigaw ni Hunter. Nakita namin ang isang modelo na tanging band aid lang ang suot sa kanyang dibdib at tanging ang mga kamay nya lang ang nagtatakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan. "Bakit parang nagiging bato yung alaga ko? Ganito rin ba ang nangyayari sayo?" Kyuryoso kong tanong kay Hunter Napatingin sa akin si Hunter at biglang natawa. "Kanina pa parang bato ang alaga ko simula nang iabot ni Mang Jun ang magazine." Natatawa nyang wika Nagkatinginan kami ni Hunter. Pigil ang mga tawa namin. Kaagad kaming tumayo ay nag-unahang pumunta sa may banyo. Ang bilis ng mga takbo naming dalawa. Habang malalaki ang hakbang ko ay unti-unti kong sinisilid ang magazine sa ilalim ng short ko. Kailangan ko ring maunahan si Hunter sa banyo. "Ako muna ang gagamit ng banyo!" Sigaw nya sa akin Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa kanya. "Ako muna! Hindi ko na 'to mapipigilan!" Sigaw ko "Bahala ka! Basta mauuna na ako!" Sigaw pa rin nya at tuluyan na syang tumakbo palayo sa akin. Dahil sa magazine na nasa loob ng shorts ko kaya bumagal ang takbo ko. Nakakainis si Hunter, mauunahan na naman nya akong gumamit ng C.R! Pero hindi ako papatalo! Hingal na hingal kaming napahinto sa tapat ng banyo. Pareho naming hawak ang door knob. Nagkatitigan kaming dalawa at parehong asar ang mga mukha. "Sabay na lang tayo!" Sambit naming dalawa "Basta walang tinginan! Talikuran tayo!" Pag-papaalala ko "Oo naman!" Wika ni Hunter Napalingon kami sa kaliwa at kanan, at nang makasigurado na walang tao sa paligid ay sabay kaming pumasok sa loob ng banyo upang ilabas ang  dapat ilabas doon. Isang normal na mga kabataan din kami ni Hunter na ginagawa ang mga bagay na pumupukaw sa aming makamundong isipan. Napagdaanan namin ito ni Hunter at mas nauna kaming namulat sa ganitong mundo dahil na rin kay Mang Jun na syang pasimuno ng mga kalokohan. Mas naging malapit kami ni Hunter dahil sa mga kalokohang ito. Tatawa-tawa pa kaming dalawa habang pabalik sa aming mga kwarto. Walang kaalam alam ang iba tungkol sa kalokohang pinaggagagawa namin ni Hunter. Akala ko ay habang buhay ang lihim naming iyon ng kapatid ko. Ngunit pagpasok namin sa aming kwarto... Nagulat kami sa presensya ni Sister Elena na naroroon. Nasaksihan namin ang magkasalubong nyang mga kilay. Galit na galit sya? Ngunit bakit? Maya maya pa ay itinaas nya ang isang magazine na kapareho ng magazine na itinatago ko sa ilalim ng aking shorts. Mas lalong bumilog ang mga mata namin ni Hunter. Ang magazine na hawak ni Sister ay ang itinago ko sa ilalim ng aking unan. Ang iba naming mga kapatid ay nakaupo lang sa sulok ng kama at tila tensyonado na rin dahil sa pangyayari. Napapikit na lang kami ni Hunter dahil sa kahihiyan. "Kayong dalawa, sumama kayo sa opisina ngayon din!" Galit na sambit ni Sister Elena Humugot ako ng malalim na hangin dahil alam kong galit si Sister sa amin. Hindi ko rin alam kung paano ipapaliwanag ang lahat ng ito. Pagdating sa opisina... Samu't saring pangaral ang narinig namin kay Sister Elena. Kagaya ng isang ina ay pinapangaralan nya kami palagi upang mapunta kami sa tamang landas. "May mga bagay na dapat gawin sa tamang panahon. Ang babata nyo pa. Hayaan nyong ienjoy ang kabataan nyo sa ibang bagay na mas nararapat sa edad nyo. Ayoko nang mauulit ang bagay na ito. Mas mabuting maging produktibo sa ibang mga gawain kaysa nalululong kayo sa ganitong klaseng babasahin."  Wika ni Sister Kahit nagkasala kami ni Hunter kay Sister Elena ay naging magaan ang mga pananalita nya sa amin. Lagi kaming ginagabayan ni Sister sa tuwing bahagyang nalilihis kami ng landas. Si Sister na ang tumayong ina naming lahat kaya naman malaki ang pasasalamat namin sa kanya. "Saan nyo ba nakuha ang mga ito?" Tanong nya Napalunok akong bigla sa tanong ni Sister. Nangako kami kay Mang Jun na hindi namin isisiwalat na sya ang nagbibigay sa amin ng mga malalaswang magazine. Baka mapatalsik sya sa bahay ampunan at mawalan ng trabaho. Ayaw naman naming mangyar iyon. Ngunit... "Kay Mang Jun po." Sagot agad ni Hunter Napanganga ako sa sinabi ng kapatid ko. Nakakainis sya. Bakit ba sya umamin agad. Lagot kami nito kay Mang Jun. Ilang beses umiling si Sister Elena. Patay na! Baka mawalan ng trabaho si Mang Jun dahil sa pag-amin ni Hunter. "Sister, huwag nyo po syang tatanggalan ng trabaho. Maawa po kayo sa pamilya nya " pagmamakaawa ko Muling napatingin sa akin si Sister Elena. Bakas sa mga mata ko ang pag-aalala para kay Mang Jun. "Huwag kayong mag-alala. Hindi ko naman tatanggalin sa trabaho si Jun. Pagsasabihan ko lang. Hala, sige na mga anak. Magsibalik na kayo sa mga kwarto nyo. Maghanda na kayo para sa novena mamaya." Malambing na wika ni Sister. Napanatag ako sa mga sinabi ni Sister. Mabuti naman at hindi matatanggalan ng trabaho si Mang Jun. Kami lang naman ni Hunter ang nagpumilit sa kanya na humingi ng mga ganoong klaseng magazine. Hindi maaatim ng konsensya ko kung mawalan sya ng trabaho dahil sa amin. "Salamat po Sister at sobrang pasensya na po kayo sa ginawa namin." Sambit ko "Oo nga po Sister, hindi na po mauulit." Sambit naman ni Hunter. Kaagad na kaming bumalik sa kwarto at hinding hindi ko malilimutan ang mga pangaral sa amin ni Sister Elena. --- "Halika, silipin natin sa 8th Floor ang mga model!" Pagyaya ko kay Hunter "Sige! Sige! Gusto ko yan!" Sagot nya sa akin Napailing na lamang si Rocky sa amin dahil hindi nya kami kayang pigilan pagdating sa mga babae. Kaagad kaming lumabas ng opisina ni Hunter na magkaakbay at kilig na kilig akong nagkwento sa kanya. "May tipo kasi akong babae doon eh, sobrang astig ng mukha nya. Napakaganda." Kinikilig na kwento ko "Pati tuloy ako nasasabik kung gaano kagaganda ang mga modelo sa 8th floor." Wika ni Hunter Pareho kaming napabungisngis dahil sa kilig na nararamdaman namin. Pagdating namin sa 8th floor kung saan ang photoshoot ay agad kong inilibot ang mga mata ko para hanapin ang babaeng umagaw ng atensyon ko kanina. Dinig na dinig namin ni Hunter ang maliliit na tilian ng mga babaeng modelo. Sanay na kami sa ganitong eksena. Ang halos mamatay sa kilig ang mga kababaihan kapag nakikita kami. Parang bigla akong nalungkot dahil wala dito ang babaeng nginitian ko kanina sa lobby. Nasaan kaya sya? "Sir, naririto na ba ang lahat ng modelo?" Tanong ko sa director Ngumiti sa amin ang director ng photoshoot na iyon. "Oo Axel, nandito na silang lahat." Sagot nito sa akin. Nagkunot ang mga noo ko. Bakit wala dito ang babaeng nakita ko kanina? Ang alam ko ay modelo rin sya para sa Tuna Commercial. Nakapagtataka naman yata ay wala sya rito. Sino kaya ang misteryosang babae na iyon kanina? Sa totoo lang, bawat pikit ng mata ko ay nakikita ko sya. Sana, magkita ulit kami ng napakagandang babae na iyon. Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD