bc

Destiny Book 1: Bb. Marikit

book_age18+
794
FOLLOW
6.6K
READ
powerful
independent
brave
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
mystery
intersex
like
intro-logo
Blurb

Malaki ang galit ni Marikit sa kanyang ama. Bukod sa binigyan sya ng isang napakapanget na apelyido, kailanman ay hindi nya naramdaman ang pagmamahal ng tunay nyang ama. Mabuti na lamang at nabiyayaan sya ng napkagandang mukha na namana nya sa kanyang foreigner na ama. Sya si Marikit Ramos Kantout! Tama! Nabasa nyo ng tama ang kanyang apelyido. Ang kanyang ama ay nagmula sa bansang Luxembourg, ngunit nasa sinapupunan pa lang sya ng kanyang ina ay iniwan na sila ng kanyang ama na si William Kantout.

Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil pinagtagpo sila ni Makisig Peniss. Ang lalaking patay na patay sa kanya. Katulad nya ay mayroon din syang nakakatuwang apelyido. Kung kaya't ganun na lamang ang inis, galit at pagka-irita nya sa lalaking si Peniss. Hindi nagsawa si Makisig Peniss na suyuin si Marikit kantout kahit pa ba tampulan na sila ng tukso.

Isang araw ay nagimbal na lamang si Marikit sa isang katotohanang isa pala syang prinsesa sa bansang Luxembourg, na nakatakda nang ikasal sa isang napakagwapong prinsepe na si Prince Charlie Miller. Katulad ni Makisig ay seryoso ang pag-ibig nya para sa dalaga.

Sino nga ba ang mas matimbang sa puso nya? Ang gwapong prinsepe na pinapangarap ng lahat? O ang lalaking kinamumuhian nya ang apelyido pero ibinigay sa kanya ang lahat?

Handa ba syang maging isang ganap na Prinsesa? O handa ba syang maging Mrs. Marikit Kantout Peniss?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Syet! Anong oras na? First day ko sa college ngayon. My god? Hindi nag-alarm ang cellphone ko? Nagmamadali akong tumayo sa kama at agad na nagpunta ng banyo para maligo. "Good morning baby namin!" Bati ni Papa Edz Napanguso ako kay Papa Edz. "Pa! Hindi mo ako ginising? Baka ma-late kami ni kuya Migz nyan. First day pa naman ng klase ngayon ohh!" Pagrereklamo ko sa aking Papa Ok Wait. Hindi si Papa Edz ang biological father namin pero mahal na mahal nya kaming magkakapatid. "Ang aga pa anak ah! 5:30 pa lang." Sabi nya Umiling iling ako. "Pa.. alam mo namang ang dami kong ritwal kapag papasok!" Sabi ko pa Napakamot na lang ng ulo si Papa Edz, sanay na kasi sya sa kaartehan at mga pagrereklamo ko sa buhay. Paglabas ni Ate Liza ng banyo ay agad akong pumasok at nagmadaling maligo. Pero hindi ko yata kayang magmadali kasi matagal talaga akong maligo. Kaya nga dapat 4:30 pa lang ay nag-aayos na ako. Nagtagal ako sa banyo ng kalahating oras. Isang oras kalahati talaga ako kung maligo pero dahi late ako nagising ay binilisan ko na lang. Aba! Kaya ko pa lang bilisan. Pero pakiramdam ko hindi ako naligo. Nakakainis! Paglabas ko ng banyo.. "Hoy! Bilisan mo naman ang kilos mo. Ayokong mahuli sa klase ko ha!" Salubong sa akin ni Kuya Migz. Umiinom sya sa hawak nyang tasa ng kape habang magkasalubong ang kilay nya sa akin. Kumuha pa sya ng pandesal at nilublob sa kapeng iniinom nya. "Eww.. so mahirap talaga!" Sabi ko. Binato nya ako ng tuwalyang nakasukbit sa balikat nya. Alam ko naiirita na naman ang kuya Migz ko. Magkasabay kasi kami pumapasok sa St. Francis University. Inaangkas nya ako sa kanyang motor papasok sa universidad na pinapasukan namin. Kahit ayaw kong umangkas ay wala akong magagawa dahil simula highschool kami ay kami na ang laging sabay pumasok. At nang makakuha sya ng motor, ay doon na kami sumasakay papasok sa eskwela. Ang lakas makahuggard ng motor nya. Sana isang araw kotse na ang bilhin ng kuya ko. Naku. Wish ko lang na makabili sya ng kotse . Nandidiri akong hinawakan ang tuwalya nya at binato sa mukha nya. Agad akong tumakbo sa kwarto ko para magbihis. This is it! Gagawin ko na ang aking ritwal. Kinuha ko ang toner at nilagyan ng konting amount ang bulak. Pinahid ko sa buong mukha ko at pati na sa aking leeg. Perfect! Pangalawa kong pinahid sa maganda kong mukha ang moisturizer at marahan kong minassage ang aking mukha. Ohlala sa ganda! Sunod kong pinahid sa mukha ko ang day cream with spf na rin ito dahil paniguradong maiinitan ako sa pag-angkas kay kuya Migz mamaya. Maya maya lang ay pinatuyo ko ang aking buhok gamit ang aking blower. Kinulot ko pa ang dulo ng aking buhok. Wow! So gorgeous! Kinuha ko ang aking make up kit at naglagay ng Liquid matte foundation. Konti lang naman ang nilalagay ko dahil likas naman akong maganda. Hindi kailangan ng sobrang make up. Hindi ko na rin kailangan magkilay dahil likas na maganda ang mga kilay ko. Naglagay lang ako ng mascarra sa aking pilikmata para kahit paano ay maganda ang pilantik nito. Hindi ko na rin kailangang magcontact lense dahil natural na kulay asul ang mga mata ko. Naglagay ako ng lipstick at blush on. Nagpout ako ng lips sa harap ng salamin. "Ang ganda mo talaga kate! Para kang Prinsesa!" Sabi ko sa sarili ko. Agad na akong bumaba para sumabay ng almusal sa magulo pero masaya kong pamilya. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan, lakad prinsesa ang ginagawa ko. Pangarap ko kasi maging Prinsesa talaga. Ahh sana nga magkatotoo ang pangarap ko! "Ay wow! Andito na ang Prinsesa ah!" Pang-aasar ni Kuya Jordan Lahat sila ay nakatingin sa akin habang pababa ako ng hagdan. Lahat sila ay nakaupo na sa mahaba naming lamesa. Ang laki kasi ng pamilya namin. Winagayway ko pa ang mahaba kong buhok at umupo na ako sa pwesto ko. Lahat sila ay hindi maalis ang tingin sa akin. "Oyy! Kalma.. ako lang to ohh! Yung kapatid nyong maganda. Hala sige kain na!" Sabi ko sa kanila. Napangiwi si Kuya Jordan "Feeling naman netong baklang to!" Sabi nya sa akin. Tumusok sya ng hotdog at nilagay sa plato nya. Si ate Liza naman ay pangiti ngiti lang sa akin, habang si Kuya Migz ay tumayo na para maligo. Sanay na sanay na silang lahat sa kaartehan ko. Nakangiti akong tumusok ng hotdog. Maya maya lang ay humahangos at nagmamadaling tumatakbo si Kuya Leighton. Para bang may pinagtataguan sya. Nataranta din si Mama Emz ng makita ang kuya namin na parang takot na takot at may iniiwasan. "Hoy Tong tong! Anong kalokohan na naman ang ginawa mo??" Bulyaw ni Mama Emz Napakamot sa ulo ang kuya ko. "Ma, kapag may naghanap sa akin sabihin mo wala. Hindi na dito nakatira!" Sabi ni kuya Leighton. Agad na umakyat si Kuya. Nakamasid lang kami sa mga nangyayari. Napailing lang si Ate Liza sa kanila. Si Kuya Jordan naman ay nakaarko na ang kilay. Si Papa Edz naman ay sinilip pa ang kuya ko sa taas. Naku. Mukhang alam ko na kung sino ang susugod sa bahay. "Tao po!" Boses ng babae I knew it. Babae na naman ang sumusugod dito. Mga babaeng patay na patay sa kuya ko. Agad na pinapasok ni Mama Emz ang babae. Napanganga kami nang makita ang babae. Sa tingin ko kaedad ko lang ang isang to. Diseotso anyos? Naku! Kawawang babae. "Si Leighton po?" Halos garalgal na sabi nito Naningkit ang mata ng nanay namin. Agad na umakyat si Mama Emz sa kwarto ni kuya Leighton. Pagbaba nya ay kasama na nya ang kuya Leighton namin. Nangangamot pa rin sya ng ulo. Hinarap nya ang babae. "Babe.. ano bang problema? Bakit mo ako tinataguan?" Halos paiyak na ang babae. Huminga ng malalim si kuya Leighton. Tinitigan nya sa mata ang kawawang babae. "I'm sorry Bea! Hindi mo ba naintindihan na s*x lang ang gusto ko. Ayokong pumasok sa relasyon. Sorry!" Sabi ni kuya. Isang malakas na sampal ang ibinigay ng babae sa kanya. Galit na galit ang babae. Napapikit na lamang kami ni Kuya Jordan ng masaksihan ang pagsampal ng babae sa kuya namin. "Oohh.. sakit!" Bulong ko Umalis ang babae na umiiyak. Gaya ng mga dating eksena na nasasaksihan namin. Isa na namang babae ang umiyak at nasaktan dahil sa kuya Leighton ko. Si Kuya Leighton Aloui ay half Morrocan. Sya ang panganay sa aming magkakapatid. Likas na gwapo. Matangkad, matangos ang ilong, may makapal na kilay at mahabang pilik mata. At matipuno ang katawan. Isa syang tunay na babaero! Hindi marunong magseryoso. Ayokong makakita ng kagaya ni kuya Leighton na hindi marunong magmahal. Pero mahal na mahal namin ang kuya namin kasi isa sya sa mga nagtaguyod sa pamilya namin. Part time model sya at doon nya kinukuha ang pangtustos sa amin. Basta lahat ng raket tungkol sa modeling industry ay pinapasok nya. "Hoy Tong tong! Kelan ka ba magtitino? Alalahanin mo may mga kapatid kang babae. Magtino ka naman anak. Sa edad mo pwede ka nang mag-asawa!" Sermon ni Mama Emz. Nagkibit balikat lang si Kuya at naupo na sa pwesto nya sa hapag kainan,sa tabi ni Kuya Jordan. Kumuha sya ng pandesal at sinubo ng buo ang tinapay. Parang wala syang naririnig. "Hayaan mo muna magenjoy ang anak natin sa buhay binata. Ikaw naman oh!" Sabi ni Papa Edz. NagApir pa sila kuya at papa, talagang magkasundo sila. Maya maya lang. "Good morning po!" Si ate Marian. Dere derechong pumasok si Ate Marian sa bahay namin. Parang pamilya na rin namin si Ate Marian, ang bestfriend ni Kuya Jordan. Bukod sa amin ni Ate Liza, pantasya ng baranggay din si Ate Marian. Kagaya namin ay may lahing foreigner din sya. Half British sya ang alam ko. "Hi Marian. Ang ganda ganda mo naman!" Pagbati ni kuya Leighton sabay kindat Ngumiti lang sa kanya si Ate Marian. Nakita kong nagsalubong ang kilay ni Kuya Jordan sa isa ko pang kuya. Kumuha ng tinidor si Kuya Jordan at itinutok sa mukha ni Kuya Leighton. "Hoy!! Leighton! Ubusin at tikman mo na ang lahat ng babae dito sa barangay. Huwag lang si Marian! Binabalaan kita.." galit na sabi ni Kuya Jordan. Tinaas ni Kuya Leighton ang kamay nya. Parang suko na sya sa lahat ng sinabi ng kuya Jordan. Si Kuya Jordan Bianchi ay half Italian. Pangalawa sya sa aming magkakapatid. Isa syang baklang borta. Likas na gwapo din at gaya ni kuya Leighton ay malaki ang pangangatawan nya. Marami ding humahabol na babae sa kanya kahit pa ba may pusong babae sya. At ang bestfriend nyang si Marian ay mahal na mahal nya, kahit ayaw nyang aminin. Sobrang pinoprotektahan ni kuya Jordan ang bestfriend nya, lalo na kay kuya Leighton na babaero. Isa call center agent si kuya Jordan, kakauwe nya lang galing sa work at sinasabayan nya kami lagi mag-almusal. Maya maya lang ay matutulog na rin sya. Pero bago sya matulog ay lagi syang dinadalaw ni ate Marian, hindi ko alam kung ano ang meron sa kanila.. Hinatak ni Kuya Jordan si Ate Marian at naupo sila sa sala. Bantay sarado talaga! Tumayo na si Ate Liza at niligpit ang pinagkainan nya. Si ate Liza Park ay half Korean. Sya ang pangatlo sa aming magkakapatid. Sa aming lahat, sya ang pinakamabait, pinakamalambing at pinakamasunurin. Kahit kailan ay hindi sya naging sakit ng ulo nila mama at papa. Napakaperpekto nya. Sya na ang perfect na anak at kapatid. Wala akong masasabi sa ate ko. Sobrang bait talaga nya. Kahit anong hilingin ko sa kanya ay lagi nyang binibigay. Naku! Napakaswerte din nya sa boyfriend nyang bilyonaryo. Sekretarya lang sya nung una pero nagulat kami nang manligaw ang boss nya at pumunta pa dito sa bahay. Nakakakilig! Pero hindi ako magpapatalo kay Ate Liza, hahanap din ako ng sobrang yaman na lalaki. Yung literal na prinsepe na nagmamay-ari ng mga malalaking lupain. Yun ang pangarap ko talaga! My prince charming, I'm still waiting... "Ate. Yung crop top na gusto ko kelan mo bibilhin?" Hirit ko Inilapag ni Ate Liza ang mga pinagkainan nya sa lababo at napatingin sa akin.. "Sige mamaya bibilhin ko na. Sorry lagi ko nakakalimutan. Mamaya pupunta kami ni Brent sa mall" sabi nya. Hindi talaga ako matitiis ng ate ko. Napakabait talaga nya. "Hoy! Kuting! Bilis bilisan mo na ha!" Si kuya Migz kong masungit na napakagwapo sa suot nyang uniporme. Si kuya Miguel Montecastro ay half Spanish. Sya ang pang-apat sa amin. Sya ang sinundan ko. Nung mga bata kami hanggang maghighschool ay sya ang pinakabully sa aming lahat. Masayahin at maloko. Pero nagbago sya nang mamatay si Angel, ang first love nya, two years ago. Bigla na lang syang naging tahimik, masungit at bugnutin. Sa totoo lang namimiss ko na ang dating pagkatao ng kuya ko. Sabi ni mama Emz ay intindihin nalang namin si Kuya Migz. Kailangan nya ng tulong namin dahil baka mauwe daw sa depression. Alam ko isang araw babalik din ang kuya ko sa dati. "Josko naman anak, dalaga ka na. Dapat alam mo na ayusin to oh!" Si mama Emz Inayos ni mama Emz ang kwelyo ng blouse ko. Ako pa rin ang bunsong prinsesa nya. Si mama Emily Ramos, sya ang aming maganda at mapagmahal na ina. Limang beses syang nasaktan. Kaya naman lima kaming naging anak nya sa ibat ibang foreigner na lalaki. Dati kasing Ofw si Mama kaya ayan bawat bansang pinuntahan nya ay may souvenir sya. Sa ngayon ay may small business syang ukay-ukay. Dumukot si Papa Edz ng pera sa bulsa nya at inabot nya ang baon namin ni Kuya Migz. Si Papa Edgar Santos, the best papa in the world. Minahal nya ang nanay namin at tinanggap nya ang lima nitong mga anak. Minahal kami ni Papa Edz na parang tunay nyang mga anak. Hindi na ako naghanap ng ama dahil sa kanya pa lang ay sobrang sapat na. Isa syang dakilang tricycle driver at dahil sa pamamasada nya ay nabuhay nya kami. Proud ako kay Papa. "Oh. Mag-aral mabuti mga anak ha! Mag-ingat kayo!" Sabi pa ni Papa Hinalikan ko si Papa at niyakap ng mahigpit, ganun din ang ginawa ko kay Mama. Lumabas na kami ni kuya Migz. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral sila Kuya Leighton at Kuya Jordan. Maaga silang nagtrabaho at tinulungan sila mama at papa para pag-aralin kaming tatlo. (Si ate Liza , kuya Migz at ako.) Nakapagtapos na si Ate Liza at may maganda nang trabaho, kaya nakakataulong na rin sya kila Mama at Papa. At ako.. ako naman si Marikit Ramos Kantout, a.k.a Kate ang bunso ng pamilya. Half Luxembourgers. Oo, may ganyang lahi talaga. Galing ang tunay kong ama sa bansang Luxembourg. Dahil kay papa Edz ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon na hanapin ang tatay ko. Actually lahat kami. Hindi na namin hinanap ang mga tunay naming ama kasi mahal na mahal naman kami ni Papa Edz. Well anyways, super hate ko ang pangalan ko. Nang maghighschool ako mas naramdaman ko ang matinding pambubully sa akin dahil sa apelyido kong Kantout? Grabe pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa pangalan ko. Buti na lang at maganda ako! "Mama, bakit ba naman kasi Marikit ang pinangalan mo sa akin eh? Ang pangit na nga ng surname ko tinernuhan mo pa ng mabahong pangalan.." pag-iinarte ko Nakita ko naman ang pagbabago ng mood ni Mama. Sa tuwing tatanungin ko kung bakit ganito ang pangalan ko ay naiirita sya. Hindi ko alam kung ano ba ang lihim sa likod ng pangalan ko. Umakbay si Papa Edz kay mama. At ngumiti samin.. "Sige na. Baka mahuli na kayo!" Sabi ni papa edz. Habang si Mama ay hindi na bumalik ang ngiti sa mga labi. Umupo na ako sa likurang bahagi ng motor ni kuya Migz. Sinuot ko ang helmet. Pero naiirita na rin ako. "Ano ba yan. Masisira ang buhok ko nito eh!" Sabi ko. "Sino ba nagsabing magkulot ka?? Alam mo naman aangkas ka sa akin eh. Arte arte mo!" Sabi ng kuya Migz ko. Sinimangutan ko sya. Nilingon kong muli sila mama at papa. Gustong kong malaman kung bakit ba lagi na lang naiinis si Mama sa tuwing mababanggit ko kung bakit ba Marikit ang pinangalan nya sa akin.. Aalamin ko yun.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.4K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.7K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

OSCAR

read
226.8K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Reckless Hearts

read
256.4K
bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
453.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook