bc

My Love is a Superstar BOOK 4: JET

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
family
friends to lovers
CEO
comedy
twisted
sweet
witty
city
first love
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE WORLDWIDE HANDSOME, KIM SEOKJIN)

Ang akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Jet Kingsley ay isa sa lead vocalist ng grupong Bullet Proof Boys. Makailang ulit nyang nakuha ang award na Most Handsome Face in the World. Bukod sa gwapong mukha, ay hinangaan ng mga Soldiers ang galing nya sa pag-awit at pagsasayaw.

Ngunit may lihim na paghanga sya kay Luna Addison na anak ni Mr. Clark Addison, ang CEO ng High Labels Corporation na nakadiskubre sa kanila limang taon na ang naklilipas.

Lingid sa kaalaman nya, ay may lihim ding pagtingin sa kanya ang dalaga, ngunit kagaya nya ay mas pinili nyang itago ito sa kanyang puso.

Mapipigilan pa ba ang sigaw ng kanilang damdamin, kung hindi nila malimutan ang isang gabi nilang pagkakasala. Ang gabing pinagsaluhan nila ang init ng kanilang katawan na hindi nila pinagsisihan kailanman.

Paano nila ipaglalaban ang kanilang pag-ibig sa gitna ng kasikatan ni Jet Kingsley?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Luna Addison POV Ang Daddy kong si Clark Addision ang syang CEO ng High Labels Corporation na syang nakadiskubre sa pinakasikat na grupo ngayon, ang Bullet Boys. Nasaksihan ko kung paano naghirap ang Daddy mapalaki at mapalago lang nya ang aming kumpanya. Isang malaking swerte din sa aming pamilya ang pagkakadiskubre sa Bullet Boys dahil ang dating maliit at kinukutyang kumpanya ng High Labels ay isa nang pinakamalaking kumpanya sa buong bansa ngayon. Namatay ang Mommy ko noong pitong taong gulang pa lamang ako, kung kaya't mas doble ang paghihirap ni Daddy sa pagsasaayos ng aming kumpanya. Si Mommy sana ang katuwang nya dito ngunit maaga syang kinuha sa amin ng maykapal. Ganun na lamang ang pagsusumikap ni Daddy upang lumago ang High Labels Corporation ngunit sadyang hindi agad ibinibigay ng Diyos ang bawat kahilingan natin. Ilang beses bumagsak ngunit bumangong muli si Daddy. Hanggang sa nakilala nya ang pitong kabataan na nalulugmok sa daan na kagaya nya ay tila wala na ring pag-asa. Tinulungan nya ang pitong kabataang ito upang abutin ang kanilang mga pangarap. Lahat sila ay nagtulong-tulong upang maabot ang kung anuman ang nais nilang makamtan sa buhay. At hindi naglaon, nakamit din nila pare-pareho ang rurok ng tagumpay na matagal na nilang inaasam. Bata pa lamang ako ay lihim na akong nakasubaybay sa Bullet Boys. Ngunit hindi ako masyadong nakikisalamuha sa kanila dahil pakiramdam ko ay napakalayo ng mundo nila sa akin. Sa murang edad nila ay kinailangan na nilang magtrabaho upang buhayin ang kanilang mga sarili. Sila ay lumaki sa bahay ampunan kung kaya't napakataas ng paghanga ko sa kanilang lahat. Samantalang ako ay kailangan kong makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan si Daddy sa lalong lumalaki naming kumpanya. When I graduated in college, I already accepted the big responsibility that my Dad offers me. I became the Vice President of High Labels Corporation. Sa edad na twenty three years old ay isang napakalaking responsibilidad na ang nakapatong sa mga balikat ko. I don't have time for my personal life. Lagi na lang trabaho ang inaatupag ko. At kahit ang aking love life ay masasabi kong napakaboring at walang kabuhay buhay. But honestly, may lihim akong nagugustuhan at minamahal sa Bullet Boys. I was just really scared that my Dad will knew about my feelings towards this specific member. Bata pa lamang ako ay nabighani na ako sa kagwapuhang taglay nya. Gustong gusto ko syang pinapanood habang sumasayaw at kumakanta sa mga rehearsals nila. But from that moment, I already knew that I will never get a chance to have him in my life. Lalo pa ngayon na nagbigay kami ng kontrata sa Bullet Boys na bawal magkaroon ng love life ang kahit sino sa kanila upang makapagfocus sa kanilang career. At alam kong hanggang dito na lang ako. Mananatili akong lihim na humahanga, sumusuporta at nagmamahal sa isang Jet Kingsley. "Ma'am Luna, here's the proposal letter of Ms. Hailey from Paris France. They would love to invite Bullet Boys to have a concert in their country. Sobrang daming Soldiers daw talaga sa Paris. Iba na talaga ang nararating ng mga Boys natin." Saad ni Mylene ang aking sekretarya Kinuha ko ang folder na hawak nya at kaagad na binasa ang letter na nakasulat doon. Unti-unting nasilayan ang mga ngiti sa aking labi. Ang tagumpay ng Bullet Boys ay masasabi kong tagumpay din ng kumpanya. Kilala na sila sa buong mundo at hindi na mapigilan pa ang kanilang kasikatan. "Okay, I will read it later. May inaayos pa akong contract ng isang photoshoot ng Telecommunications company para sa mga boys. Sobrang daming projects ang dumadating sa kanila ngayon. Sometimes, it's really hard to manage. By the way thanks, Mylene." Wika ko na halata ang pagkastress sa aking boses "Ma'am, I think you need to have a break. You need to unwind and go to a specific place na magtatanggal ng stress mo. Tamang-tama! Sa birthday party ni Jethro mamaya!" Nasasabik na wika ni Mylene Bumilog ang bibig ko sa mga sinabi nya. I almost forgot the birthday celebration of the youngest member of Bullet Boys na si Jethro. Dahil sa sobrang abala ako ay nakaligtaan ko na ang party nya na gagawin sa Cocoon Paradise Hotel sa Taguig. Sa pinakaelegante at mamahaling hotel idaraos ng buong High Labels Corporation ang birthday party ni Jethro. Hindi maaari ang isang simpleng selebrasyon para sa kanya, it must be the most elegant and grandest birthday celebration. Ito rin naman kasi ang utos ni Daddy. "You know me Mylene, after ng ilang programa sa party ay umuuwi na agad ako. Iniiwan ko ang mga boys kasama ang ibang mga staff na nagpapakalunod sa alak. I don't drink, at alam mo yan." Sabi ko Ipinatong ko ang hawak kong folder sa ibabaw ng iba pang mga papeles na nasa mesa ko. Napabuntong hininga sa akin si Mylene. "You really missed the half of your life. Panay trabaho na lang ang inaatupag mo. Sige ikaw rin, baka tumanda kang wala pa ring alam sa happy life. Like, party at night with friends. Yung mga ganun." Wika pa nya sa akin Kung magsalita sya ay parang hindi ako ang Boss nya. Sabagay, I don't treat her as an employee, Mylene is really a friend of mine whom I can share my problems and secrets. Actually, she's my best friend. "Bahala na, Mylene. Masaya naman ako kahit paulit-ulit na lang ang routine ng buhay ko. Believe me." Sabi nya "Weh? Sige na nga ikaw ang bahala." Wika nya Tinalikuran na nya ako at nagtungo sa kanyang table. Pero napaisip ako sa sinabi ni Mylene. Tama naman sya, wala na akong inatupag kundi ang magtrabaho. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang lasa ng alak. Wala naman kasi talaga akong interes sa mga bagay na iyon. Isang buong maghapon ang dumaan at kagaya ng mga eksena ko araw-araw dito sa opisina ay isang tambak na trabaho ang tinapos ko. Bahagyang sumakit ang sintido ko kung kaya't kinailangan kong uminom ng gamot para dito. Mga thirty minutes pa bago umepekto ang gamot. Kumikirot ito hanggang sa likod ng aking utak. Sobrang stressful talaga ang trabaho ko sa kumpanyang ito. "Magkita na lang tayo sa party huh. Magpapa-salon muna ako." Wika ni Mylene sa akin at dere-deretso na syang lumabas ng opisina. Napailing na lang talaga ako sa kaibigan ko. She is so excited every time there is a party which includes the Bullet Boys. She is in love with Grayson. The funny guy of the group. Umuwi muna ako sa aming mansyon dahil ako lang ang mag-aayos sa aking sarili. Hindi kagaya ni Mylene na gumagastos pa sa salon sa tuwing may party kaming dadaluhan. Wala na akong time magpasalon. Tanging sarili ko lang ang inaasahan ko. Though, I have enough money to spend in some services in a Salon, I trust my ability with regards to makeup and fashion. Alas siyete na ng gabi. Suot ko ang isang knee length formal off shoulder dress na tinernuhan ng isang gem-encrusted satin block heels with ankle strap. Regalo sa akin ito ni Daddy noong last birthday ko. Hindi ko pa naman ito nagagamit kaya naisipan kong isuot ito ngayon. Lumabas na ako ng aming mansyon at nagmamadali nang sumakay ng kotse. Alas otso ang party at baka matraffic pa ako sa daan. Sa loob pa lamang ng kotse ay nakaramdam na ako ng kaba. Kinakabahan ako sa tuwing maiisip na magkikitang muli kami ni Jet. Sa kanya lang ako nakakaramdam ng matinding kaba. Kahit nung bata pa lamang ako, sa tuwing mahuhuli nya ako na nakasulyap sa kanya habang sumasayaw sya ay halos matanggal ang puso ko sa kaba. Sa kanya lang halos umiikot ang mundo ko noon. Kapag tapos na ang klase ko ay tahimik akong nanonood ng rehearsals nila. Lihim akong pumapalakpak kay Jet. Lihim akong humahanga sa kanya. Aaminin ko, he is my first love. Natatawa na lamang ako kapag naaalala ko ang lahat ng ito. Sariwa pa rin sa akin kung gaano ako nababaliw sa isang tulad nya. Hanggang ngayong malalaki na kami ay ganito pa rin ang nararamdaman ko sa kanya. Mas lalo pa ngang lumalalim at tumitindi ang damdamin ko para sa kanya. Pero hanggang ngayon ay pilit ko pa rin itong itinatago sa puso ko. Walang dapat makaalam, dahil isang malaking eskandalo ito kapag nagkataon. Ilang oras din akong nasa daan hanggang sa marating ko ang Cocoon Paradise Hotel. Kailangan ko nang magmadali. Limang minuto na lang at magsisimula na ang programa. Pagkababa ko sa aking kotse... "Ang tagal mo naman Miss Luna. Kanina pa ako dito." Parang hindi ako makahinga nang iangat ko ang ulo ko at masilayan ang lalaking nagsalita, na nasa aking harapan. Para rin akong naestatwa nang bigla nyang hawakan ang mga kamay ko at alalayan nya ako. Isang bilyong beses yatang tumibok ang puso ko dahil hawak ko ang kamay ni Jet Kingsley. Ang lalaking nagpapatigil ng mundo ko simula mga bata pa lamang kami. Ngunit bakit nya ako hinihintay? Bakit nya ako inaalalayan ngayon? Bakit ang ganda ng mga ngiti nya sa akin? Ang kaninang kaba na nararamdaman ko ay napalitan ng kaligayahan at kasabikan dahil kasama ko ngayon ang lalaking gusto kong maangkin ngunit hindi naman maaari. "Sabi kasi ng Daddy mo ay alalayan daw kita ngayon at hintayin dito. Halika na sa loob Ms. Luna." Sabi nya sa akin sabay kindat Bagsak balikat akong sumunod sa kanya. Tila gumuho ang kaligayahan na kanina lang ay nararamdaman ko. Bahagyang nasaktan ang puso ko sa sinabi nya. Akala ko pa naman ay kusa nyang ginawa ang bagay na ito. Iyon naman pala ay ipinag-utos lang ng Daddy ko. Nakakainis! Parang napahiya ako sa sarili ko dahil kung anu-ano na ang pumasok sa utak ko. Mabait lang talaga si Jet at napakasunurin sa Daddy ko. Wala nang iba pang dahilan ang paghihintay nya sa akin ngayon. "You look beautiful tonight Ms. Luna. Bumagay sayo ang light make up. Mas maganda ka kapag walang kahit na anong make up sa mukha. Natural beauty." Sambit ni Jet Napalunok ako ng dalawang beses. I feel like a teenager sa mga sinabi nyang iyon. Kinikilig ako at hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman kong ito. "Thanks." Matipid na sagot ko He smiled at me. Ito yung mga ngiting hinahanap hanap ko at masasabi kong kaya kong mabuhay sa mundo na tanging ito lang ang masisilayan ko. Jet, kung maaari ko lang ipagsigawan sa mundo kung gaano kita kamahal ay matagal ko ng ginawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook