Chapter 2

1875 Words
Luna He grabbed my hands and slowly wrapped it around his arms. Nagulat ako sa naramdaman kong kakaiba sa kailaliman ng puso ko. Si Jet lang talaga ang nakakagawa ng ganitong klaseng pakiramdam sa akin. I heaved a sigh. Alam ko naman na kaya nya lamang ginagawa ang mga bagay na ito ay dahil ipinag-utos ito sa kanya ni Daddy. Nothing so special about it. Naglakad kami sa gitna ng red carpet habang nakatutok ang mga camera sa amin. Alam ng mga Soldiers na ginagawa lamang ito sa akin ni Jet dahil ako ay anak ng CEO na nakadiskubre sa Bullet Boys. Pinagkakatiwalaan ako ng kanilang mga taga-hanga dahil alam nila na nasaksihan ko ang tagumpay ng grupong ito. Kabilang ako sa mga taong tumulong at nagbigay ng lakas ng loob sa kanila kung kaya’t ganun na lamang ang respetong ibinibigay ng mga Soldiers sa akin. Hindi ko dapat wasakin ang tiwalang ibinibigay nila sa akin. But, they don’t have an idea that I am secretly in love with Jet Kingsley. At mananatili itong lihim, habambuhay. Agad kaming nagtungo sa kinauupuan ni Jethro at ng mga boys. Napalingon sa amin ang ibang miyembro ng Bullet Boys at kinawayan nila kami. Kaagad kaming sinalubong ni Jethro. “Happy Birthday Baby boy.” Pagbati ko Yumakap sa akin ang pinamalambing na miyembro ng Bullet Boys. He even gave me the sweetest kiss on my cheek. Talagang isang kapatid na rin ang turing ko sa kanya. Mga bata pa lamang kami ay napakabait at likas na malambing na talaga sya. Hindi maitatanggi na sya ang may pinaka-malakas ang karisma, pero kay Jet pa rin nahulog ang puso ko. “Magtira ka naman Jethro.” Biglang narinig kong wika ni Jet. Nilingon ko sya ngunit parang nahiya sya sa mga titig ko. I don’t have any idea with what he uttered. “Ano daw? Selos ka naman agad Jet.” Biro pa ni Grayson They all burst into laughters after he said that. Pero ako? Nanatili akong walang ideya sa mga pinagsasabi nila. Is he really Jealous? Hinalikan ako ni Jethro at talaga nga bang nagseselos si Jet? Parang may kung anong kulisap ang syang nagliliparan sa loob ng stomach ko. Hindi ko ito maipaliwanag. Kung totoo mang nagseselos si Jet ay malaking palaisipan sa akin ito. Kagad naman akong napabuntong hininga. Kung anu-ano na naman ang naiisip kong ito. They are just fooling each other. Parang hindi ko naman sila kilala, simula mga bata pa lamang sila ay ang lakas na nilang mag-asaran. Iniabot ko rin kay Jethro ang simple gift ko para sa kanya. “Thank you, Ms. Luna.” malambing na wika nya sa akin Nagsimula muli ang kantiyawan at asaran ng mga Boys. “Sinabing tama na Jethro, may nasasaktan!” sambit ni Hunter Nasaksihan ko na ginulo-gulo nila ang buhok ni Jet na syang naging dahilan ng pamumula ng kanyang pisngi. Hindi ko pa rin maintindihan ang kanilang mga biruan. Ang dating kasi sa akin nito ay nagseselos at nasasaktan si Jet dahil naging malambing sa akin si Jethro. But why? Ayoko nang mag-assume, sobrang sakit nito sa dibdib. “Tama na yan Guys, baka kung ano ang isipin ni Miss Luna sa atin.” Pagsasaway ni Rocky, ang kanilang matalinong leader. “Minsan yung mga kakulitan nyo ilugar nyo naman.” Banggit naman ni Eryx, ang pinakatahimik at masungit sa kanilang lahat. “Wooohh! Ayan na, nagsanib pwersa na ang maseselan.” Wika pa ni Axel Hindi pa rin mapigilan ng ibang makukulit na miyembro ang magtawanan kahit na sinuway na sila ng dalawa. “It’s okay lang naman. Just enjoy the night okay.” saad ko “Yes Miss Luna, we will surely enjoy this wonderful night. Wala bang mga chicks na naimbitahan?” biro pa ulit ni Hunter “Malalagot talaga tayo sa mga Soldiers dahil sa mga ganyan nyo ni Axel eh.” Naiinis na wika na ni Eryx. “Bakit nadamay ako? Mabait na ako noh.” Si Axel Napailing na lamang ako sa kanilang lahat. Sadyang makukulit ang grupong ito, na pinangungunahan nina Hunter, Axel, Grayson at Jet. “Tama na nga yan, nananahimik na si Jet oh! Thank you nga pala Miss Luna, alam ko naman na talagang mag-eenjoy kami ngayong gabi. Sana ay makasama ka namin hanggang matapos ang party.” Wika ni Grayson Napatingin ako kay Jet. Halata ko nga na tahimik sya ngayon at walang imik. Nakakapanibago naman yata sya ngayon. Mukhang may malaking dahilan ang pananahimik nya ngayon. “Let’s see kung makaabot ako hanggang mamaya.” Wika ko Ngumiti ako sa kanila at saka ko na sila tinalikuran. Nagtungo ako sa table na nakalaan para sa akin. Sa table kung saan nakaupo ang mga stock holders ng kumpanya. Pagkaupo ko sa aking silya ay muli akong sumulyap sa Bullet Boys. Hanggang ngayon ay tila pinagkakaisahan nila si Jet. Panay pa rin ang batok, hampas at ginugulo nila ang buhok nito. Samantalang si Jet ay walang magawa kundi saluhin ang lahat ng ginagawa sa kanya ng mga kagrupo nya. Ang sarap nilang pagmasdan. Parang kailan lang ay mga simpleng kabataan lang sila na halos wala ng patutunguhan ang buhay. Pero ngayon? Kung titignan ko sila ay naabot na nila ang tagumpay na matagal na nilang inaasam. Gustuhin ko mang itago ang nararamdaman ko ay tila kusang lumalabas ito sa akin. Napapangiti na lamang akong bigla. Pakiramdam ko kasi ay may malalim na dahilan ang pang-aalaska nila kay Jet kanina. Pakiramdam ko ay may laman ang bawat pang-aasar nila sa lalaking matagal ko nang hinahangaan. Biglang napatingin sa akin si Jet. Bigla rin akong nahiya sa kanya. Inilihis ko ang aking mga mata sa kanya at nagkunwaring walang nakita. Sa isang napakagaling na performance ng Bullet Boys nagsimula ang party. Hindi naalis ang mga tingin ko kay Jet. Bawat galaw at kilos nya ay hinahangaan ko. Bawat letra ng musika na kanyang inaawit ay kinikilig ang puso ko. Bawat pitik ng kanyang mga kamay at paa ay nakatutok ako. Nababaliw ako sa kanya. At ang pinaka nakakainis ay hindi ko ito pwedeng ipagsigawan sa mundo. Naging masaya ang programa para sa pinakapaboritong miyembro ng grupo na si Jethro. Bumaha ng mga mamahaling regalo para sa kanya. Actually, lahat naman sila ay mayroong bonggang selebrasyon para sa kanilang kaarawan. Lahat sila ay nakakatanggap ng mga espesyal na regalo. Ganito sila kamahal ng mga tao. "Let's start the party!!!" Sigaw ng host ng party Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan at sigawan ng mga bisita. Napatingin muli ako sa Bullet Boys at kitang kita ko ang kasabikan nila nang marinig ang mga katagang iyon mula sa Host. Sa mga ganitong klaseng party nakakabawi ang mga Boys mula sa puspusang pagtatrabaho nila nitong mga nakalipas na araw. "Hey Besty! Ano na? Uuwe ka na? Ikaw din, baka manghinayang ka." Biglang wika sa akin ni Mylene. May hawak na syang wine glass at nagsisimula nang uminom ng alak. Umiindak indak na rin sya sa harapan ko at tila nag-eenjoy na. Maya-maya pa... Biglang may nag-abot ng isang baso ng wine sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ako sanay uminom ng alak. Paglingon ko sa aking likuran ay nakita ko si Hunter na nakangiti sa akin. "Miss Luna, mag-enjoy muna tayo dito. Iwan muna natin ang trabaho. Next week na ulit natin isipin yan okay?" Saad nya "Hunter--" Wika ko "Go Miss Luna, kahit ngayon lang." Sabi ni naman ni Axel Bigla na lamang akong pinalibutan ng makukulit na Bullet Boys. Maging si Jet ay nakangiti sa akin at itinaas nya ang hawak nyang wine glass. Napatingin ako kay Mylene na noo'y kilig na kilig na dahil sa presensya ng mga international artists na ito. Marahan kong inabot ang glass wine na hawak ni Hunter. Nang mahawakan ko ang baso ay kaagad na nagsigawan ang mga Boys. Lahat sila ay nasabik dahil sa unang pagkakataon ay titikman ko ang alak na kinababaliwan nila. Sa edad kong ito, marahil ay nasa tamang panahon na upang masubukan ang mga bagay na hindi ko alam. Nang mainom ko ang alak ay halos maduwal ako dito. Ngunit habang tumatagal ay sumasarap ang lasa nito. Ito pala ang alak. Kakaibang pakiramdam ang idinidulot nito sa akin. Tila namumula na ang mga pisngi ko. Tila namamanhid na ang aking mukha. Bawat lagok ng alak ay may kakaibang kaligayahan ang nararamdaman ang puso ko. Tila nagkaroon din ako ng lakas ng loob sa mga bagay na hindi ko naman ginagawa. "Doon tayo sa dance floor Miss Luna." Pagyaya ni Jethro Dahil sa impluwensya ng alak ay kusa akong nagpahatak sa kanila. Sa gitna ng event place na ito ay walang humpay kaming sumayaw. Hindi ko na alintana na may mga matang nakamasid sa amin. Ang mahalaga ay masaya ako. Masaya kami ng mga kababata kong Bullet Boys. Lahat kami ay may ngiti sa labi. Ganito pala kasaya ang bagay na ito. Sana ay noon ko pa ginawa para naman kahit paano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ko dahil sa trabaho. Maya maya pa ay biglang tumigil ang nakakaindak na musika at napalitan ito ng isang romantikong tugtugin. Nagulat ako nang hawakan ni Grayson ang aking kamay at isinayaw nya ako na parang hinehele. Panay ang tawa ko sa kanya dahil ang lakas nyang magbigay ng mga nakakatawang facial expressions. Ilang saglit pa ay hinatak ako ni Hunter mula sa kanya at kami naman ang nagsayaw sa gitna. Sumunod sa kanya si Axel. Pagkatapos ay si Rocky. Nahihiya man sa akin, ay isinayaw rin ako ni Eryx. Nakakatuwa ang mapula nyang mga pisngi na halatang naimpluwensyahan na sya ng alak. At hindi rin nagpahuli si Jethro sa kanya. Marahan nya akong inalalayan at isinayaw sa gitna ng dance floor. Ramdam ko ang malaking respeto nila sa akin. They are my siblings, and I love them so much. "Maraming salamat Miss Luna, malaki ang naging parte mo sa buhay namin." Bulong ni Jethro Ngumiti ako at pakiramdam ko ay gusto kong maluha sa mga sinabi nya. Ramdam ko ang sinseridad ng kanyang pagpapasalamat. Ilang saglit lang ay bigla kong naramdaman na may humawak sa mga kamay ko. Napakainit ng kanyang mga palad. Parang tumigil muli ang aking mundo nang masilayan ang napakagwapong mukha ni Jet. Nakangiti sya sa akin at halatang halata ko rin ang espiritu ng alak sa kanyang mga mata. Inilagay nya ang magkabila kong mga kamay sa kanyang mga balikat. Ngayon lang namin tinitigan ang isa't -isa nang sobrang tagal. It feels like we are the only person here at the event place, and I really love what I'm feeling right now. Marahan kong inihilig ang aking ulo sa kanyang matipunong dibdib. Ang sarap magpahinga sa dibdib nya. Sana--- Sana ay magkaroon ng himala at masabi kong sa akin na lang sya. "Sa akin ka na lang.." bulong ko Naramdaman kong bigla ang yakap sa akin ni Jet Kingsley. Mainit. Mahigpit. At napakasarap ang mga yakap nya sa akin. Tila sinagot nya ang mga sinabi ko sa kanya. Sana nga, dumating ang araw na masasabi kong sa akin lang si Jet Kingsley. Iyon bang malaya naming maipagsisigawan sa mundo ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Ngunit, lahat ng ito pala ay hinding-hindi maaaring magkatotoo. Hanggang ilusyon na lang. Hanggang pangarap na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD