bc

My Love is a Superstar Book 2: HUNTER

book_age18+
22
FOLLOW
1K
READ
playboy
sensitive
brave
comedy
twisted
city
enimies to lovers
brothers
actor
like
intro-logo
Blurb

(THIS NOVEL IS DEDICATED TO THE MOST HANDSOME FACE OF THE YEAR, "V" ALSO KNOWN AS KIM TAEHYUNG)

Ang lahat ng nakasulat sa akdang ito ay nagmula sa malikhaing isip ni Ka Puroy.

Si Hunter Nixon ay isa sa miyembro ng sikat na grupong BulletProof Boys na mahilig tumingin sa magagandang babae sa tuwing sila ay may concert, ngunit takot namang magmahal at masaktan.

Ngunit nang magkrus ang landas nila ng miyembro ng Sexy Kittens na si Miracle Lewis ay nagbago ang pananaw nya sa salitang pag-ibig. Nagkaroon ng espesyal na puwang sa kanyang puso ang dalaga.

Gumuho ang mundo ni Hunter nang malaman nyang matindi ang galit ni Miracle sa kanya dahil ang BulletProof Boys ang matinding kalaban ng Sexy Kittens sa industriya ng musika.

Tunghayan  natin kung paano susuyuin ni Hunter ang mailap na puso ng isang Miracle Lewis.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Miracle Lewis POV Excited na akong malaman kung sino ang Best Pop Group of the year ngayong gabi. Alam ko naman na makukuha na namin ang award dahil may malaking eskandalo ang Bullet Proof Boys dahil sa larawang kumalat sa social media accounts tungkol sa ginawang paghalik ng leader nilang si Rocky doon sa isang babaeng may taning na ang buhay. Sobrang nagtampo at nagalit lang naman ang mga Soldiers nila. Katapusan na sana ng namamayagpang nilang karera. Panahon na upang kami naman ang magreyna sa mga awards night at Billboard Top 100. Nakatanaw ako sa salamin habang inaayusan ako ng make up artist ko. Napangisi ako sa tuwing maiisip na inaabot ko ang magandang tropeo para sa Best Pop group of the year. "Mukhang masayang masaya ka ngayon Miracle." Wika ni Amber Tinignan ko sya mula sa salamin at mas lalong lumawak ang aking mga ngiti sa aking labi. "I was busy thinking of our speech for the Best Pop Group award, Amber. Alam kong para sa atin ang gabing ito." Nakangisi pa rin ako habang binabanggit iyon. Nakita kong napailing si Amber pagkatapos ko iyong sabihin. "Aba, nag-assume ka nang matatalo natin ang mga hari ngayong gabi? Walang makakatalo sa kanila. Bumuto nga ako para sa Bullet Proof Boys eh, napakagwapo kasi ng mahal kong si Hunter Nixon." Natatawang wika ni Charlotte. Kaagad kong naabot ang suklay na nakapatong sa ibabaw ng drawer at ipinukol ko kay Charlotte. Nakakainis na kahit ang kamiyembro ko ay nababaliw din sa Bullet Proof Boys lalo na sa mayabang na Hunter na iyon! "Aray ha! Galit na galit kaya nananakit na?" Pagmamaktol nya Tumitig ako ng masama sa bestfriend kong si Charlotte dahil naiinis talaga ako ginawa nya. "Itigil mo na ang kabaliwan mo sa Hunter yabang na yan. Naiinis ako sayo! Binoto mo pa talaga sila? Anong klaseng ka-miyembro ka?" Galit na sabi ko sa kanya Pero ang loka-lokang si Charlotte ay inaasar lang ako at nagmake face lang sa harapan ng salamin. "Tama na nga yan. Baka masira pa ang mga gabi nyo." Wika naman ni Melody na syang pinakamabait at pinakatahimik sa grupo. Kami ang Sexy Kittens na binubuo ng apat na miyembro ng magaganda at maalindog na mga babae. Si Amber Jones ang itinuturing naming leader na syang laging gumagabay sa amin. Si Charlotte Mckinley naman ang bestfriend kong baliw na baliw sa Bullet Proof Boys lalo na kay Hunter. Si Melody Mcbride na laging tahimik at walang imik ngunit umaapoy kapag nasa ibabaw na ng stage. At syempre, ako si Miracle Lewis ang pinakamaganda, sexy at pinakatalented sa grupong ito. At aaminin ko na malaki ang galit ko sa pitong lalaki na sinakop na ang buong mundo ng kanilang musika. Nakakainis sila! Kami na sana ang pinakasikat na Pop Group kung hindi lang kami naunahan ng swerte ng mga mayayabang na Bullet Proof Boys na 'yon. Kung pagalingan sa pag-awit at pagsasayaw ay hindi rin kami papatalo sa kanila. Lagi rin namang sold out ang mga tickets ng concert namin sa iba't-ibang panig ng mundo. Ngunit hindi ko alam kung bakit mas marami pa ring tagahanga ang mga lalaking iyon. Taas noo akong naglalakad sa red carpet suot ang isang black sexy pull up bodycon dress. Kitang kita ang kurba ng aking katawan sa suot kong ito. Perfect! Hindi naman mapakali ang mga Press na makakuha ng aming larawan. Umawra ako ng umawra sa harapan ng kanilang mamahaling camera. Nararapat lang na kuhaan nila ng magandang larawan ang isang sikat na kagaya ko. Nagpout ako ng lips at nagbigay ng isang fierce look sa kanila. Inilagay ko ang magkabila kong mga kamay sa aking beywang habang nakatitig sa camera na para bang tigre na kakainin sila. Rawrrr! "Ahhm, uhmm, Ms. Miracle okay na po. Pwede na po kayong dumiretso sa upuan nyo sa loob. May iba pa pong artist na paparating para makuhaan namin ng pictures." Nakakaasar na wika ng isang Press Napangiwi at napalunok ako sa sinabi ng isang Press. Bahagya din akong napahiya sa kanilang lahat. Akala ko pa naman ay gustong gusto nilang makakakuha ng napakaraming larawan mula sa amin. Pero para akong basahan na ipinagtabuyan niya. Kaimbyerna! Maya-maya pa... "Ayan na ang mga Hari! Ang Bullet Proof Boys!" Sigaw ng isang Press Nagkagulo ang mga Press at lahat ay gustong makakuha ng larawan ng pitong lalaki na iyon. Samantalang kami ay parang basura na wala nang pumapansin. Lahat ng kanilang atensyon ay nasa mga mayayabang na iyon! Preskong tumindig ang mga lalaking iyon sa harapan ng mga Press at nagbigay ng nakakaakit na mga ngiti. Halos masilaw sila sa dami ng mga ilaw mula sa camera ng mga Press. Nanggagalaiti ako sa galit dahil iba talaga ang trato ng mga Press na ito sa Bullet Proof Boys kaysa sa ibang mga artists. Nanginginig ang mga panga ko na nakamasid pa rin sa kanila habang pinagkakaguluhan sila ng mga Press. Bigla na lamang napatingin sa akin ang Hunter Nixon na iyon at kinindatan ako ng loko-loko! "Nakita mo iyon Miracle? Kinindatan ako ng mahal ko!" Tili ni Charlotte Nagkunot ang noo ko. Ang alam ko ay ako ang kinindatan ng mayabang na iyon. Pero sabi nga ng bestfriend ko ay para sa kanya daw iyon. Banlag yata ang Hunter na iyon eh! Ahh basta, wala naman akong pakialam sa kindat nya. Ang mahalaga sa akin ay makuha ang Best Pop Group award ngayong gabi. Nakakainis lang dahil ang tagal nang nakatayo ng Bullet Proof Boys doon at hindi pa rin nagsasawa ang mga Press kakapindot sa kanilang camera? "Pumasok na tayo sa loob." Utos ng leader naming si Amber Kaagad naman kaming sumunod sa pinag-uutos nya dahil iba kung magalit si Amber kapag hindi kaagad namin sya nasusunod. Muli kong pinagmasdan ang Bullet Proof Boys, at sa pagkakataong ito ay nginitian at kinawayan ako ni Hunter. Aba! Talagang iniinis ako ng mayabang na iyon? Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa puso ko. Alam kong para sa akin ang mga ngiti ng mayabang na iyon. Pero bakit? Anong palabas nya at may pangiti-ngiti pa syang nalalaman para sa mga kalaban nya? Kaagad ko syang inirapan at tinalikuran ko na sya. Naiinis ako sa buong pagkatao ng Hunter Nixon na iyon! Naiinis ako sa Bullet Proof Boys! Padabog akong naupo sa silya na nakalaan para sa Sexy Kittens, at ang pinaka-nakakainis pa ay sa likuran namin nakaupo ang mga mayayabang na Bullet Proof Boys. Sirang-sira na talaga ang gabi ko. "Oh my God, sa likuran natin uupo ang Bullet Proof Boys? Makikita ko ng malapitan si Hunter!" Kilig na kilig na sambit ni Charlotte Nakita kong kinurot ni Amber si Charlotte sa tagiliran. Hindi nagugustuhan ng leader namin ang mga ikinikilos ng bestfriend kong baliw na baliw kay Hunter. "Umayos ka! Kapag nalaman ng mga Soldier na baliw ka sa Hunter na yan, tiyak na tapos na ang karera natin!" Pagbabanta ni Amber Inirapan ko si Charlotte dahil maging ako ay naiinis sa mga ipinapakita nyang iyon sa amin. Tama si Amber, sa oras na malaman ng mga Soldier (Tawag sa mga tagahanga at tagasuporta ng Bullet Proof Boys), na may malaking pagnanasa si Charlotte sa iniidolo nila ay tiyak na kukuyugin nila ang aming grupo. Selosa at madaling mainis pa naman ang mga iyon kapag may mga artista o singer na nagkakagusto sa kanilang idol. Ang gusto nila ay sa kanila lang mapunta ang mga lalaki na iyon. Ganyan ang mga tagahanga nila, masyadong mga baliw! Maya-maya pa ay narinig na namin ang tawanan ng pitong lalaki na iyon. Ang iingay nila, kaya mas lalo akong naiirita. Samantalang si Charlotte ay pigil na pigil ang sarili na huwag kiligin. Pero halatang halata pa rin sa kanyang mga mata kung gaano nya kamahal si Hunter Nixon. Hindi na ako lumingon simula nang maupo sa likurang bahagi namin ang pitong lalaki. Marahil ay nakatuon ang kanilang mga mata sa napakakinis at napakasexy kong likod. Mabulag sana sila sa kakatingin sa likod ko. Bahagya ko silang sinulyapan para hulihin kung talagang nakatingin sila sa sexy back ko. Nang mabilisan akong tumingin sa kanila ay nagulat ako dahil tanging si Hunter lang ang nakatingin sa akin. Nagkatitigan kami sa mata at binigyan nya ako ng napakacute na ngiti, at inalayan pa nya ako ng isang finger heart? Napanganga ako sa ginawa nya. Akala nya siguro ay kikiligin ako sa mga paandar nyang iyon? Hindi ako gaya ng mga Soldiers nila na marurupok! Pinakitaan ko sya ng kamaong pinabilog ko bilang patunay na hindi ko sya gusto! Ang hindi ko alam ay nakatutok pala sa amin ang camera at kitang kita sa big screen kung gaano ako kaasar kay Hunter. "Wooohh!" Sigawan ng ibang artists sa event place. Tinalikuran ko na si Hunter dahil sa sobrang galit ko. Tila isa akong kandila na unti-unting nauupos dahil sa kahihiyan. Para akong kontrabida na inaapi ang paborito nilang bida! Mag-uumpisa na ang event. Ang hosts ng awards night na ito ay ang mga tanyag na aktor at aktres na sina James Bolneo at Nadine Joson. Kinakabahan ako para sa gabing ito. Sana ay makuha na namin ang matagal na naming hinihiling, ang itanghal na Best Pop Group of the Year, ito kasi ang pinakamalaking award na ibibigay para sa aming mga Singer at dancer. Hindi ko gusto ang ibang awards, ang nais ko ay ang Best Pop Group of the year award, wala nang iba! "And the winner for Idol of the year award is---" Lahat ay kinakabahan habang hinihintay ang sasabihin ng host kung sino sa amin ang Idol of the year. Ayos na rin ang award na ito. Pandagdag koleksyon na rin sa mga tropeo namin. "Alam kong makukuha nyo ang Idol of the year. Congrats in advance." Narinig kong bulong ni Hunter. Inarkuhan ko sya ng kilay dahil pinapangunahan nya ang mangyayari ngayon. Masyado syang madaming alam na syang nagpapanginig ng mga kalamnan ko. "So ibig mo bang sabihin ay kayo na naman ang makakakuha ng Best Pop Group of the year?" Pagtataray ko sa kanya Nakita kong umiling ng ilang beses si Hunter. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Nahuhulaan ko lang, na kayo ang makakakuha ng award na Idol of the Year." Paliwanag nya. "Whatever!" Sambit ko sa kanya Narinig ko ang bungisngisan ng ibang miyembro ng Bullet Proof Boys dahil sa pagtataray na ginawa ko sa kanya. Sa tagal ng adlib ng host ay hindi pa rin nya natatawag ang nakakuha ng Idol of the year. Kaimbyerna din eh! "Sexy Kittens!!!" Pagtawag ng host sa aming pangalan. Bumilog ang bibig ko nang marinig ang pangalan ng aming grupo bilang nagwagi ng Idol of the Year award. "I told you!" Wikang muli ng papansin na si Hunter Inirapan ko syang muli at saka kami tumindig ng mga kagrupo ko para kunin ang aming award. Nasa amin ang spotlight at buong puso kaming ngumiti sa camera na syang nakatutok din sa amin. Ngunit bigla kong naramdaman na lumuwag ang likurang bahagi ng aking suot na dress. Parang tinambol ang puso ko sa sobrang kaba. Anong nangyari? Wardrobe malfunction? Kaagad kong nahawakan ang harapang bahagi ng aking suot dahil parang mahuhubaran na ako sa sobrang luwag nito. "Bhez, nasira ang dress mo!" Bulong ni Charlotte sa akin. Para akong hihimatayin dahil sa pangyayaring ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko na lang hatakin ng lupa dahil sa kahihiyang nangyari sa akin. Ngunit bigla ko na lang naramdaman ang isang coat na ipinatong sa balikat ko. Ikinagulat ko ang bagay na nasa balikat ko na binalot ang buo kong katawan. Nang lingunin ko kung sino ang naglagay nito ay nasilayan ko ang magandang ngiti ni Hunter. Hinubad pala nya ang kanyang suot na coat at ibinalot nyang mabuti sa katawan ko. Isinara nya rin isa-isa ang butones nito upang masiguradong ligtas na ako sa suot ko ngayon. "Sige na Ms. Miracle. Hinihintay na kayo sa stage." Wika nya Kaagad akong hinatak ni Amber at nagpunta sa harapan ng stage. Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa gitna, suot ang coat ng isang Hunter Nixon. Lahat ng kanilang atensyon ay nasa akin dahil ipinagtataka nila ang suot kong coat na kapareho ng Bullet Proof Boys. Napakagat labi ako habang iniisip ang magandang ngiti sa akin ni Hunter kanina. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa ginawa nya. Ano ba talaga ang motibo ni Hunter at lagi syang nagbibigay ng mga nakakakilig na eksena kagaya ng pagpapahiram nya sa akin ng kanyang coat upang maitago ako sa kahihiyan. Nakakainis lang dahil hindi ko sya kayang kamuhian ngayon. May utang na loob pa ako sa isang Hunter Nixon! Nakakainis talaga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

His Obsession

read
72.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook