K7

1322 Words
NEGROS, 1993 NAKARATING sa isang probinsiya si Toni sa tulong ni Elen. Laking pasasalamat niya sa sarili dahil ligtas siya. Mas nakahinga siya ng maluwag habang pinagmamasdan ang buong paligid. Hindi na bago sa kaniya ang lahat dahil sa Samar kung saan siya nanggaling kung saan siya nakita ni Sigmundo ay halos ganito rin; maraming puno at luntiang paligid ang halos nakikita niya. 'Fresh air,' nakangiti niyang bulong sa sarili. Muli siyang humigit ng malalim na hininga. Ayaw niyang maging kumpyansa dahil makapangyarihan pa rin si Sigmundo, iyon ang laging nakatatak sa isip niya. "Ms. Angela?" Napalingon si Toni nang marinig ang boses sa likuran niya. Hindi niya na nagawang magtaka sa naging tawag nito sa kaniya dahil ito ang pinakilala ni Elen sa probinsya nito para mahirapan si Sigmundo na sundan siya. "Ikaw po ba iyong kaibigan ni Elen?" muling tanong nito sa kaniya. "Opo. Ako nga po," maikli niyang sagot dito. "Mabuti naman at ligtas kang nakarating. Kamusta naman ang byahe?" "O-okay naman ho," nakangiting aniya rito. "Ang mabuti pa tulungan ko na kayo, para makauwi na tayo at sa gayon ay makapagpahinga kayo." Inabot nito ang isang bag na dala niya, ang ilan sa mga pangangailangan niyang binili ni Elen. "Hindi naman kalayuan mula sa pier ang bahay nina Elen dito. Mag-eenjoy ka r'on, Angela dahil nasa tabing dagat halos ang bahay nila." Iyon nga din ang sabi sa kaniya ni Angela nang maghiwalay silang dalawa kanina. Sa isip niya biglang sumagi ang lugar na pinagdalhan sa kaniya ni Carlitos, sa isang pribadong resort para maging ligtas siya. 'Kamusta ka na kaya? Siguro alam mo nang nawawala ako. Sana mapatawad mo ako, Carlitos kung bakit ko kailangang gawin 'to. Ayaw ko lang madamay ka!' malungkot niyang anas sa sarili. "Gusto niyo ba munang kumain, Angela?" tanong ng kaibigan ni Elen sa kaniyang nagpakilalang Anna. "Okay lang ako. Huwag niyo na ho akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Maraming salamat ha." "Naku! Wala iyon, kaibigang matalik ko si Elen. Pareho na kaming ulila sa mga magulang kaya halos kaming dalawa na lang ang magkasama mula pagkabata." "Na-ikwento nga rin sa akin ni Elen. Maswerte ka sa kaibigan mo, mabait talaga siya at sobrang matulungin." "Sinabi mo pa. Marami nang natulungan si Elen sa maliit na Isla namin," sang-ayon ni Anna sa kaniya sa parehong pagkakakilanlan nila kay Elen. Napansin niyang nagpara ito ng taxi at narinig niyang sa La Carlota sila ihatid. Wala na siyang gaanong tanong kay Anna, tulad ng tiwala niya kay Elen ay pinagkaloob niya rin ito sa kaibigan nito. Dala ng pagod sa biyahe, isama na ang puyat dahil sa hindi siya gaano nakatulog isama pa ang lamig na naramdaman niya sa barko; may kumot din naman siya pero hindi iyon naging sapat para hindi niya maramdaman ang malamig na panahon. Nagpapasalamat na lang siya dahil hindi naman gaano ang alon, mas nakakaramdam siguro siya ng kaba. Ang hindi niya lang naiwasan ay ang maalala si Carlitos sa buong biyahe niya hanggang sa makarating siya sa pier ng Negros. Matindi lang din talaga ang naging impact sa kaniya ni Carlitos, dahil hindi niya nagawang iwan ang ala-ala nito sa Ilocos kung saan niya ito unang nakilala. ILOCOS, 1993 SAKIT ng ulo ang sumalubong sa pag gising ni Carlitos. Napadami ang alak na nainom niya nagdaang gabi. Tinatamad pa siyang bumangon, nagising lang talaga siya dahil sa liwanag na nagmumula sa kanang bintana niya na hindi niya alam kung sino ang nagbukas. Wala siyang katiwala sa resort na iyon at iyon ang pinagtataka niya. Natigilan si Carlitos nang maalala si Toni— 'nagbalik siya?' iyon ang tanong na unang sumagi sa isip niya. Napabalikwas siya nang bangon para tingnan kung tama ang hinala niya. "Good you're awake. Naisip ko ng magpatawag ng doctor para matingnan ka eh." Napakunot noo si Carlitos nang mapag-sino ang babaeng prenteng nakaupo sa sofa sa silid niya. "S-Sabrina?" "No other than. May inaasahan ka pa bang iba, Carl?" balik tanong nito sa kaniya. "What are you doing here? Ang akala ko ba nasa Spain ka?" tanong ni Carlitos dito. Pinili niyang tumayo at nagsuot ng pangtaas— hindi niya talaga inaasahan ang pagdating ni Sabrina; ang anak ng Ninong Sigmundo niya. "Kung pinapansin mo lang din sana ang text at tawag ko sa iyo sana alam mong parating na ako," kibit-balikat nitong sagot sa kaniya. Tinapunan niya nang tingin ang cellphone niya, hindi niya na nagawang i-charge ito bago siya nakatulog. "Mag-ayos ka na at nakahanda na ang almusal natin. Hihintayin kita sa baba." Sinundan niya ng tingin si Sabrina, pagkatapos siya nitong halikan sa pisngi. Naalala niya si Toni, gusto niya mang isipin na mabuti na lang at umalis na ito sa gayon hindi ito naabutan ni Sabrina. Hindi lang nito magugustuhang makita na may kasama siyang ibang babae sa pagmamay-ari nito. Napilitang mag-ayos ng sarili si Carlitos para sundan si Sabrina, ayaw nitong pinaghihintay magkakaroon lang sila ng problema kung sakali. "So! Kamusta ka rito? Ang sabi ni dad wala ka pa daw balak bumalik ng Samar. Totoo ba?" tanong ni Sabrina sa kaniya, habang nagsasandok ito ng pagkain sa plato niya. "Marami pang kailangan gawin dito. Alam ni ninong iyon," sagot niya. "Ikaw? Bakit mukhang biglaan yata ang pag-uwi mo? Ang alam ko sa mga susunod na buwan pa hindi ba?" "I just want too. I feel bored there. Walang challenge ang buhay ko d'on, Carl,", sagot nito sa kaniyang nakangiti. "Paano naman ang career mo r'on?" "Pwedi ko naman balikan anytime," kumpiyansang sagot nito sa kaniya. Isang sikat na modelo si Sabrina sa ibang bansa at sa Spain siya gumagawa ng pangalan sa pagkakataong iyon. Ang pinagtataka niya ay kung bakit ito bumalik ng bansa na wala man lang kahit na anong pasabi lalo na sa kaniya. "Kainin mo yan, dala ko iyan." Inabot sa kaniya ni Sabrina ang isang tinapay na mukhang galing pa sa Spain at bago lang ito sa kaniya. "Hanggang kailan ka rito?" wala sa sariling tanong niya kay Sabrina. Sinalubong niya ang tingin nitong nakakunot-nuo. "Ayaw mo bang nandito ako, Carl? Bakit? May iba bang naglalagi na rito?" tanong sa kaniya ni Sabrina, sa tono ng boses nito mukhang hindi gugustuhin ng babaeng nasa harapan niya ang totoong isasagot niya tungkol sa babaeng minsan niyang niligtas. "W-wala. Sino naman ang maglalagi rito kung hindi ko naman pagmamay-ari ang lugar na 'to, Sabrina? Parang sinabi mo naman na masyado akong komportable at kakayanin kong magpatira dito nang hindi niyo nalalaman." Nakita niyang napatikhim ito. "Mabuti naman kung sa ganoon, alam mo naman na parehong hindi namin magugustuhan ni papa kung sakaling may ibang mamalagi ritong hindi namin nalalaman." "Alam ko 'yon, Sabrina. You don't have to remind me." "Just relax. Nagsasabi lang naman ako, tulad nga ng sinabi mo I just remind you." "Thanks then.," "Ang mabuti pa kumain na tayo. Marami ka pang pagdadalhan sa akin dito. Marami akong na-miss." Sinundan niya nang tingin si Sabrina. Nilagyan siya nito sa plato niya nang pagkaing hinanda nito para sa kanilang dalawa. "I can manage, Sab." "No! I miss to pamper you, Carl. Hayaan mo na ako. Ayaw ko kasi na sa iba mo hanapin ang mga bagay na gaya nito," makabuluhang sabi nito sa kaniya. "Let stop this nonsense." "I'm sorry. Let's eat. Enjoy the food." # Mabuti na lang at tumahimik na rin ito, hindi na nagtangkang magsalita pa. Muling sumagi sa isip niya si Toni, hindi niya maisawang ikumpara ang dalawa at kung gaano kalaki ang pagkakaiba ni Toni sa babaeng kasama niya ngayon. Napalunok si Carlitos, nang maalala niya ang nagyari sa kanila ng dalaga. Sa sarili niya ayaw niyang ipagkaila kung ilang beses na ring may nangyari sa kanila ni Sabrina— para sa kaniya wala silang relasyong dalawa, ito lang ang nag-iisip na may espesyal silang pagtitinginan. Kaibigan lang ang tingin niya kay Sabrina at hanggang d'on lang ang lahat para sa kaniya, ayaw niya nang lalagpas pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD