K6 - Paglisan

1463 Words
TULUYANG nakahinga ng maluwag si Toni nang makarating siya sa Manila. Masasabi niya sa sarili niya ngayon na ligtas na siya— walang kahit na sino ang nakakilala kay Elen sa pagiging malapit nilang dalawa kaya hindi mag-iisip si Sigmundo na ito ang hiningan niya ng tulong. Sekretarya ni Sigmundo si Elen, buo ang tiwala niya ritong hindi siya nito ipagkakanulo kahit kanino. Alam nito ang sinapit niya kay Sigmundo, wala siyang kahit na anong tinago dito. Nasa panig niya ito at d'on ay sigurado siya. Luminga-linga siya sa paligid, dahil ayon sa kaibigan ay susunduin siya nito. May lugar daw itong pagdadalhan sa kaniya na masisigurado nitong ligtas siya. Umupo si Toni sa tagong bahagi ng terminal sa Cubao, makikita at makikita niya si Elen kapag napansin niya ito. Kailangan niya pa rin mag-ingat dahil baka nasa tabi-tabi lang ang tauhan ni Sigmundo, wala naman imposible sa taong iyon— magpapadala ito nang magpapadala ng kahit na sinong tao para lang mahanap siya at hindi niya hahayaang mangyari iyon. 'Tuso man ang matching maiisahan ko rin,' iyon ang madalas niyang bulong sa sarili niya. Hindi siya magpapahuli ng buhay kay Sigmundo, sumpa ni Toni sa sarili iyon. 'Mamamatay muna ako bago mo ako ibalik sa poder mo!' galit nyang bulong sa sarili para dito. Hindi niya hahayaang mahawakan siya nitong muli, iyon ang sumpa niya. Ilang minuto pa ang lumipas nang matanaw niya ang kaibigan niyang siya Elen. Agad siyang tumayo para kawayan ito. Tulad niya, nag-iingat din ang kaibigan sa bawat galaw nito. "Salamat, Elen ah. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka." "Alam mo naman na hindi ka pweding pabayaan hindi ba. Kilala ko si Sigmundo, Toni at hindi ko hahayaang mapahamak ka sa kamay niya." "Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to! Hindi ko alam kung hanggang kailan niya ako hayaang mag-isa, Elen." "Demonyo si Sigmundo! Alam mo kung anong kaya niya! Hindi siya makakapayag na hahayaan ka na lang mag-isa na tuluyan kang makalayo sa kaniya!" aniya ni Elen. "Alam ko! Kaya hanggang maaari ay hindi ko hahayaang makabalik sa kaniya, Elen! Mamamatay muna ako!" "Huwag mong sabihin iyan! Nandito lang din naman ako para sa iyo eh! Tutulungan kita sa abot ng makakaya ko, Toni! Magtiwala ka lang sa akin! Hindi ko hahayaang mapahamak ka! Kaibigan mo ako at kasama mo ako sa laban mong 'to kay Sigmundo!" Napangiti na lamang siya sa mga sinabi ni Elen sa kaniya. Alam niya naman na hindi siya nito bibiguin. "Ang kailangan natin gawin ngayon ay kung paano ka makaalis dito para tumungo sa Ilo-ilo, doon alam kong ligtas ka. Walang Sigmundo ang makakasunod sa iyo d'on sigurado ako." "Ilo-Ilo? May kilala ka ba r'on?" "Isang Isla iyon. Ligtas ka r'on. Nasabihan ko na mga pinsan at tiyuhin ko r'on alam kong walang kahit na sino ang makakalapit sa iyo d'on." "Nagtitiwala ako sa 'yo, Elen. Alam ko naman na alam mo iyong ginagawa mo." "Iyon ang kailangan mong gawin, Toni. Kailangan mong magtiwala sa akin. Uulitin ko sa iyo, ako ang bahala sa iyo." "Salamat talaga." "Ang mabuti pa kumain muna tayo, dala ko si Kulas para mas ligtas tayong dalawa hanggang sa makarating tayo sa terminal." Ang tinutukoy nitong Kulas ay ang kotse nito. "Tara na. Nagugutom na rin ako." Sumunod si Toni sa kaibigan. Tulad ng sinabi niya kanina buo ang tiwala niya itong matutulungan siya ni Elen. Hindi niya man alam sa ngayon kung saan siya nito binabalak dalhin, ayaw niya munang magtanong. Baka masyado niya na itong inaabala— malalaman niya rin naman at hindi naman ito ipagkakait sa kaniya ng kaibigan niya. "Dito na lang tayo?" tanong sa kaniya ni Elen nang lingunin siya nito. "Okay lang. Ang mahalaga lang naman ay malagyan ng pagkain ang tiyan natin," sagot niya rito. "Bilisan lang natin ha. Kailangan mong umabot sa biyahe." "Biyahe?" tanong niya rito. Umupo siya paharap kay Elen. "Oo, Toni. Kapag dito ka lang sa Manila, alam kong makikita at makikita ka ni Sigmundo. Pero huwag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa 'yo. May pagdadalhan na ako sa iyong ligtas, ang kailangan ko lang ngayon ay ang tiwala mo," mahabang pagkakasabi sa kaniya ni Elen. "Buo ang tiwala ko sa 'yo, Elen. Tulad ng sabi ko sa 'yo." "Hindi kita ipapahamak. Sigurado akong ligtas ka r'on." "Sana nga. Ikaw na lang ang pag-asa ko eh. Wala na akong matatakbuhan." Naalala ni Toni si Carlitos— ang lalaking minsan niyang tinakbuhan sa mga panahong kinailangan niya ng tulong. Hindi ito nag-atubiling ibigay sa kaniya iyon. "Okay ka lang?" tanong ni Elen sa kaniya nang mapansin siguro nito ang pananahimik niya. Hindi nya alam kung kailangan niyang sabihin dito ang tungkol kay Carlitos— mas pinili na lamang ni Toni na ilihim na lang ang lahat ang tungkol sa lalaking pinagkakautangan niya ng kaligtasan niya. "Kumain na tayo. Mag-order lang ako." Sinundan ni Toni nang tingin si Elen, hanggang sa makalapit ito sa counter para sa pagkain nilang dalawa. Muli niyang naalala si Carlitos— sa isip niya nandoon ang mga tanong kung kamusta na ba ito? Kung alam na ba nito ang ginawa niyang pagtakas sa poder nito. Napapikit si Toni nang sumagi sa isip niya ang kabayaran sa ginawang pabor sa kaniya ng lalaki. Hanggang sa mga oras na iyon alam niya sa sarili niyang wala siyang pinagsisisihan. Hindi niya man ginusto ang nangyari pero tiwala siyang hindi hahayaan ni Carlitos na may iba pang makakaalam tungkol sa kanilang dalawa. Knowing Carlitos sa maikling panahon na nakilala niya ito ay hindi naman siguro nito ipagsasabi sa ibang tao. Alam niya sa sarili niyang wala siyang dapat ipangamba dahil wala naman kahit sino ang nakakakilala sa kaniya. Nandon na lang iyong pag-iingat dahil pihadong nasa tabi-tabi lang ang mga galamay ni Sigmundo. "Here." Mukhang masyado yatang naging abala ang tinatakbo ng iniisip niya dahil hindi niya man lang napansin ang pagbalik ni Elen sa pwesto nilang dalawa. "Thank you. Kain na tayo." Mas lalo niyang naramdaman ang pangangalam ng sikmura niya nang mapatingin sa pagkaing dala ni Elen— tortang talong, piniritong ulo ng bangus, nilaga at tatlong cup ng mainit na kanin na para sa kanilang dalawa. "Kain ka lang ha. Pagkatapos nito, pili ka ng gusto mong ulam para sa baon mo." "Malayo ba magiging byahe ko?" nag-aalangan niyang tanong dito kahit hindi niya pa rin alam kung saan ba siya tutungo. "Bente kwatro oras, Toni." "Bente kwatro oras?" Tumango-tango ito sa kaniyang nakangiti; ngiting nagbibigay sa kaniya ng panibagong pag-asa, tulad ng pag-asang minsang pinaramdam sa kaniya ni Carlitos. "Siguradong magugustuhan mo r'on, kapag nandoon ka na mababalewala mo na ang mahabang byahe mo. Sure iyon." Ngiti ang naging tugon ni Toni sa kaibigan niya, sa bahagi ng isip niya nandoon ang maikling sandaling ala-ala ni Carlitos. Alam niya sa sarili niyang hindi niya ito kailanman makakalimutan kahit saan man siya dalhin ng panahon o ng kapalaran niyang malayo sa lahat lalong-lalo na kay Sigmundo. NANATILING malayo ang tingin ni Carlitos sa tahimik na karagatan, tila nagsusumamo ito sa nararamdaman niyang lungkot ngayon. Sama pa rin ng loob ang nararamdaman niya dahil sa ginawang pag-alis ni Toni na wala man lang paalam. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit nito ginawa ang bagay na iyon kahit ano pa ang isipin niya. 'Ano ba ang nangyari Toni?' nagugulumihan niyang tanong sa sarili. 'Hangad ko pa rin ang kaligtasan mo Toni. Alam kong may dahilan kung bakit mo ginawa 'to. Hindi kita makakalimutan. Salamat sa ala-ala.' Iyon na lamang ang lumabas mula sa kaniya para kay Toni. Muli siyang napatingin sa kawalan— nagtitiwala siya na hindi niya basta-basta isusuko ang posibilidad na mahanap pa si Toni. 'Bakit ba kita iniisip? Hindi naman tayo lubos na magkakilala. Kung umalis ka nga ay ganoon na lang. Parang wala akong kwenta sa iyo, na parang hindi kita tinulungan,' inis niyang sabi sa sarili niya. Napabuntunghininga na lamang si Carlitos sa mga naisip niya tungkol kay Toni. Kinuha niya ang sigarilyo sa tabi niya sinindihan niya ito at pilit na kinakalimutan ang sandaling naiisip si Toni. 'Magkikita muli tayo, Toni. And, sisiguraduhin kong hindi ka na muling makakalayo.', Napangiti si Carlitos nang sabihin niya ito sa sarili niya, tsaka niya lamang naalalang wala silang kahit na anong namamagitan sa kanila ng babae. Kung may nangyari man sila tulad na lamang ng pabalik-balik sa isipan niya ngayon, ay dahil lang iyon sa kabayaran na siningil niya sa pagkakaligtas niya rito. 'I will never forget, Everything about you Toni... about that night. Sigurado akong ako ang unang lalaking dumaan sa buhay mo.' Napangiti pa siya nang sambitin niya ito sa kaniyang sarili. Ang mantsa ng dugo sa kobre kama pagkatapos ng gabing iyon ay sapat nang batayan para siguraduhin niyang birhen si Toni.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD