NAKAHINGA ng maluwag si Toni nang tuluyan siyang nakalabas ng pribadong resort na pinagdalhan sa kaniya ni Carlitos. Hindi niya man lang ito nakita hanggang sa nakaalis niya, napansin niyang wala rin ang pick-up na minsan niyang sinakyan nang makita siya nito't iligtas.
Wala naman itong nabanggit sa kaniya na aalis ito ngayon. At wala naman siya sa lugar para magtanong kung saan ito pupunta. Bayad na siya kay Carlitos at hanggang d'on na lang ang ugnayan nilang dalawa. Sa pag-alis niya dapat lang na kalimutan niya na ito. Hindi niya rin naman muling makikita pa ang lalaki— don ay sigurado siya.
Napabuntunghininga si Toni, nasa bayan na siya ngayon d'on niya piniling bumaba sa truck na nasakyan niya. Mabuti na nga lang at mabait ang nagmamaneho ganoon din ang pahinante hindi ito nagdalawang isip na isakay siya at walang maraming tanong kung sino ba siya. Binigyan pa nga siya ng maiinom at tinapay ng mga ito. Gutom din naman siya kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito. Wala siyang kinain pag-alis d'on.
'Nakauwi na kaya siya?' iyon ang tanong ni Toni sa sarili niya. Hindi niya alam kung bakit nag-aalala siya kay Carlitos. Ang dapat niyang alalahanin ngayon ay ang sarili niya. Malamang hindi pa nakakalayo ang mga taong gustong humabol sa kaniya.
Ako nga ba ang sadya ng mga iyon? tanong niya pa. Posible. Malakas ang kutob niyang siya ang sadya ng mga lalaking iyon. Naalala niya si Carlitos— ang matapang nitong ginawa para iligtas siya sa mga ito. Posibleng may mangyaring masama rito kung nagpang-abot sila, pero hindi mas pinili ni Carlitos na unahin ang kapakanan niya kasya sa sarili nito.
'I think he deserves it,' tukoy niya sa p********e niyang pinagkaloob dito. Muli siyang humigit ng buntong-hininga, nagpasya muna siyang umupo sa upuang silya sa harap ng isang tindahan. Hindi niya pa alam kung saan siya pupunta ngayon. Alam niya naman pauwi sa bahay ng tiyahin niya kung saan niya iniwan ang mga gamit niya, pero wala pa siyang lakas ng loob para umuwi d'on.
Paano kapag nalaman ng mga lalaking iyon na doon siya nakatira at kasalukuyang naka-abang ang mga iyon doon? Posibleng mangyari iyon. Kilala niya si Don Sigmundo, wala itong pinapalampas para makuha ang gusto nito.
Napatingin sa kawalan si Toni, kung bakit ba naman kasi hindi niya muna pinag-isipan ang gagawin bago umalis sa poder ni Carlitos. Ni limang daan lang ang pera niyang dala mula pa sa pantalon ng lalaking nakasabit sa likod ng pinto.
'Sana kinuha ko na lang pala lahat ng perang nandoon, aniya. Mali man ang gagawin nya kung sakali, malaking tulong naman iyon sa kaniya. Naisip niyang babayaran niya na lang si Carlitos, kapag nagkataon kinuha niya ang limang libong nandoon sa bulsa nito. Muli siyang nakaramdam ng pangangalam ng sikmura, gutom talaga siya. Natakot lang siyang abutan kanina n Carlitos kaya hindi na siya dumaan para kumain sa kinainan nilang dalawa kahapon— nagbilin pa naman si Carlitos na kapag may gusto siyang kainin gumawi lang siya d'on at walang problema.
Kapag babawasan niya pa ang perang dala niya, mas lalo lang siya magkakaroon ng problema. Naisip niya ang kaibigang si Elen matutulungan siya ng malaki nito kapag humingi siya ng tulong dito. Kabisado niya ang landline sa bahay ni Elen sa Manila.
Tumayo si Toni, wala na siyang ibang pagpipilian kun 'di ang abalahin ang kaibigan niya.
"Manang pwedi hong magtanong?" tanong ni Toni sa isang ginang na lumabas mula sa tindahan.
"Ano iyon, Ineng?"
"May alam po ba kayong landline dito na pwedi tumawag? Payphone po?" nag-aalangan niyang tanong. Hindi niya kasi alam kung uso ba ito sa Manila.
"Diyan sa may botika. Mayroon diyan."
Napangiti si Toni, kahit papano naging maluwag ang loob niya. Hindi naman siguro siya aabutin ng gabi at makakaluwas na siya ng Manila kapag naabutan niya si Elen.
"Maraming salamat ho." Tumalima si Toni, ayaw niyang magsayang ng sandali habang maaga pa kailangan niyang gumawa ng paraan para makaalis ng Ilocos.
Tatlong ring lang at may sumagot agad sa kabilang linya.
"Hello?" si Elen.
"Hello, Elen."
"Toni? Antonette, ikaw ba 'to?" panigurado nito sa kaniya.
"Ako nga."
"God! Nasaan ka? Hinanap ka ng tiyahin mo sa akin. Akala ko ba nandiyan ka sa Ilocos? Pero bakit hindi ka raw umuuwi?" pag-aalala ang narinig niya sa boses nito.
"Nasundan ako ni Sigmundo. Muntik niya na 'kong makuha ulit, Elen."
"Ha? Paano nangyari? Ang akala ko ba ligtas ka diyan?"
"Iyon din ang akala ko, pero nagkamali lang pala ako." Pinigilan niya ang sariling mapaiyak.
"Kamusta ka ngayon? Nasaan ka? Kailangan mo ba ng tulong ko?" tanong nito. Sinabi ni Toni ang lahat sa kaibigan kahit na ang tungkol kay Carlitos— maliban lang ang nangyari sa kanila nagdaang gabi. Sapat nang siya lang ang nakakaalam nito ganoon din ang lalaking pinili niyang iwan ng walang paalam.
"May I.D ka ba? Paano kita mapapadalhan ng pamasahe mo paluwas dito?"
"Wala."
"Maghanap ka ng e-wallet diyan. Huwag ka na magsayang ng oras, Toni. Baka nasa tabi-tabi lang ang tauhan ni Sigmundo at makuha ka niya ulit."
"Salamat, Elen. Hindi ko alam ang gagawin kung wala ka."
"Huwag mo na muna isipin iyan, ang kailangan mong gawin ngayon ay makaalis ka sa lugar na iyan. Mag-ingat ka, Toni."
"Maghahanap na ako ng pwedi mong pagpadalhan sa akin, tatawag na lang ako ulit ha."
"Sige. Hihintayin ko."
Tuluyan siyang nakahinga ng maluwag, ang kailangan niya na lang gawin ngayon ay ang makahanap ng pweding padalhan ni Elen. Hindi pa tapos ang problema niya, dahil hanggang nasa Ilocos pa siya, posibleng may makakita pa sa kaniya; ang mga tauhan ni Sigmundo— ganoon din si Carlitos kung magtangka itong hanapin siya.
'Bakit naman ako hahanapin ni Carlitos? Wala siyang responsibilidad sa akin,' aniya sa sarili.
Nagmadali si Toni, nagtanong-tanong siya hanggang sa may nakita siyang isang smart padala. Muli siyang bumalik sa botika para muling tawagan si Elen pagkatapos makuha ang number. Mabuti na lang sa kalye nina Elen, mayroon d'on naging mabilis ang lahat. Natanggap niya ang pera at nagtanong-tanong kung saan ang terminal paluwas ng Manila.
Si Elen ang nakikita niyang pag-asa para tuluyang makawala sa lugar na 'to, tsaka niya na lang siguro iisipin ang mga susunod na gagawin kung sakaling makarating na siya. Sa ngayon wala pa siyang maisip gaano— malabo pa sa kaniya ang lahat.
"Manila ho.." sabi ni Toni sa isang konduktor na sumalubong sa kaniya nang makarating na siya ng terminal. Nandoon pa rin ang kaba sa puso niya dahil baka nandito lang ang mga lalaking iyon.
"Two thousand forty," sagot naman nito sa kaniya. Tatlong libo ang pinadala sa kaniya ni Elen. Makakain pa siya. Matapos magbayad agad siyang binigyan ng ticket.
"Anong oras po aalis?"
"May trenta minutos pa tayo, Miss."
"Pwedi ho bang kumain muna?" tanong ni Toni, may nakita syang karenderya sa kanang bahagi ng bus.
"Sige. Bilisan mo lang ha."
"Salamat ho."
Naging maingat ang galaw ni Toni, ayaw niyang magpakampante. Mariin niyang tinititigan ang posibleng tauhan ni Sigmundo.
Nag-order siya ng tinola at dalawang cup ng kanin, malamig na coke at piniritong torta na talong. Mabilis siyang kumain para na rin maka-akyat sa bus at makapagpahinga. Gusto niyang ipahinga ang isip niya sa lahat ng dinadala niya.
'Paalam Carlitos. Salamat.'
~~
PANANABIK ang naramdaman ni Carlitos habang maayos niyang pinark ang pick-up niya. Malakas ang kutob niyang gising na si Toni, tulog pa ito kanina nang iwan niya. Hindi na rin siya nag-abalang gisingin ang dalaga dahil kailangan nitong magpahinga, napangiti si Carlitos nang maalala ang pinagsaluhan nilang dalawa nagdaang gabi. Babawi siya kay Toni ngayon, kaya nga may dala-dala siyang pasalubong na doughnut at mainit pang kape para dito. Baka hindi pa ito nakakain mag-aalas-onse na rin kailangan na nitong kumain. Nagbilin naman siya kanina sa pantry na dalhan ng pagkain ang guest niya. Sinunod naman siguro ng mga ito ang bilin niya. Mamaya balak niyang yayain si Toni kumain sa labas— may nakita siyang malapit na kainan sa labasan lang ng resort.
'Nandito na ako Toni..' masayang bulong ni Carlitos sa sarili niya. Wala siyang ibang gagawin kun 'di ang bumawi rito sa halos ilang oras din na pag-iwan niyang mag-isa sa dalaga. Hindi naman siguro maiinip si Toni dahil may TV at radio naman sa unit nilang dalawa. Balak niya pa ngang ibigay ang isang cellphone niyang gamit dito para kahit papano hindi ito mainip kapag umiikot siya sa resort o kailangan niyang tumawag sa ninong niya.
Mamaya na lang, aniya ni Carlitos. Knowing her baka tanggihan lang nito ang gagawin niyang pagmamagandang-loob dito. Ipagpipilitan niya na lang kung sakali, para din naman ito kay Toni at hindi para sa kaniya.
Maingat niyang binuksan ang pinto ng unit nila ni Toni, para hindi ito maabala kung may ginagawa ito tuluyang nakapasok si Carlitos sa loob— agad niyang napansin ang tahimik ng paligid, nasa maayos din ang sala wala man lang bakas na may tao. Baka nasa silid pa si Toni iyon ang nasa isip niya.
Nilagay niya muna sa center table ang dala-dala niya para dito. Maingat niyang binuksan ang pinto, pero pagkagulat ang unang naramdaman niya nang walang bakas ni Antonette sa loob.
"Toni? Toni... Toni?" Paulit-ulit niyang pagtawag sa pangalan nito sa pagbabasakaling nasa banyo lang ng silid si Toni. Wala man lang sumasagot sa kaniya. Nagmadaling lumabas si Carlitos para hanapin ang dalaga— kinakabahan siya para dito. Naging positibo lang si Carlitos na nasa paligid lang si Toni, baka kumakain lang ito sa pantry o naglibot-libot sa paligid. Hindi naman ito makakalabas na hindi ipapaalam ng staff sa kaniya.
"Shella, sandali. Napansin mo ba ang kasama ko kahapon dito?" tanong ni Carlitos sa staff sa pantry. Kilala na nito si Toni dahil dinala niya ito kahapon dito nang kumain silang dalawa.
"Hindi, sir. Naghintay nga ako kanina tulad ng bilin mong hayaang kumain si ma'am dito, pero wala namang pumunta dito kanina."
"Sigurado ka ba?"
"Yes, sir. Sigurado ho ako."
Mabilis na tumalikod si Carlitos, walang kahit na ano'ng sinabi sa staff na kausap niya. Naglakad siya ng mabilis para hanapin sa paligid si Toni, walang kahit na ano'ng CCTV sa resort kaya hindi niya makumpirma sa sarili kong umalis ba ang dalaga.
Tumuloy sa guard house si Carlitos, aalamin niya mula sa bantay ng gate kong napansin ba nilang lumabas si Toni. Mahigpit din ang bilin niya rito na huwag hayaang lumabas ang babae hangga't hindi niya nalalaman.
"Sigurado ba kayong hindi lumabas ang babaeng kasama ko rito kahapon?" pagalit na tanong ni Carlitos sa guard na nar'on.
"Sigurado ho, sir. Wala naman ibang lumabas dito maliban sa pick up na nag-deliver ng mga materyales niyo."
Napalunok si Carlitos sa negatibong pumasok sa isip niya.
"Wala ba kayong napansing babaeng sakay ng pick-up?"
"Wala naman, sir. Wala naman nakapansin. Pasensiya na, sir. Busy rin kami kanina dahil may ilang lalaking nagmamasid sa resort kaya nag-ikot-ikot kami sa paligid."
Kaba ang unang naramdaman ni Carlitos nang marinig iyon.
"Nasaan na ang mga lalaking iyon?"
"Umalis naman, Sir. Pero hindi namin napansin si ma'am. Sigurado kami d'on, Sir."
Tinalikuran ni Carlitos ang mga ito. Ayaw niyang sumukong hanapin si Antonette sa paligid ng resort — nagbabasakali pa rin siyang nasa paligid lang si Toni.
'Where are you Toni? Hindi ka pweding umalis. Hindi ka pa ligtas Toni. Hindi ka pa pweding mawala dito!' pag-aalang sambit ni Carlitos sa sarili niya.
Umikot siya sa mga tent, ganoon din sa buong paligid ng resort, pero bigo siyang makita ang dalaga— walang kahit na anong bakas ni Toni ang naroon.
Napakuyom ang kamao ni Carlitos, habang naglalakad papasok sa unit nilang dalawa ni Toni. Kinuha nya ang susi ng pick up niya't nagpasyang hanapin si Toni— hindi niya pweding hayaan ito, malakas ang loob niyang hindi pa ito nakakalayo na baka nasa daan lang ito.
Naisip ni Carlitos na kung totoo ang mga sinasabi ng guwardiya sa namataan nilang may kahina-hinalang kilos ay malabong nasa panganib pa rin ang buhay ni Toni na baka ito ang sadya ng mga lalaking iyon, gaya ng gabing niligtas niya ito.
'Hindi ko hahayaang mawala ka Toni! Hindi pweding may mangyaring masama sa 'yo...'