K4 - Paglisan

1037 Words
MASAKIT ang ulo nang gumising si Toni. Agad siyang tumingin sa tabi niya, wala siyang katabi. Ganoon na lamang ang alarmang naramdaman niya nang maalala ang nangyari nagdaang gabi. "Shet! Ano ba ginawa mo Toni?" naiinis niyang tanong sa sarili niya nang maalala ang lahat; ang pagkakaloob niya ng sarili kay Carlitos. "Bayad mo iyon sa kaniya! Sa lahat ng magandang bagay na nagawa niya para sa iyo! Alalahanin mo at niligtas ka niya sa kalbaryo!" ani ng sarili niya. "Mali pa rin ang ginawa ko! Hindi ko dapat pinagkanulo ang sarili ko! Hindi ko kilala si Carlitos, hindi ko alam ang buong pagkatao niya para ibigay ko sa kaniya ng buo ang kalinisan ko!' iyon ang nasambit ko sa aking sarili na punong-puno ng pagsisisi dahil sa naging desisyon kong hindi ko man lang nagawang pag-isipan. 'Huli na ang lahat Toni! Wala na akong ipagmamalaki, dahil binigay ko na sa taong hindi ko pa lubusang kilala ang p********e ko!' naiiyak niyang tugon sa sarili niya. 'Kailangan ko na sigurong umalis sa poder ni Carlitos. Wala na akong mukhang ipapakita pa sa kaniya. Siguro naman bayad na ako sa lahat ng pabor na ginawa niya sa akin.' Muli niyang naramdaman ang p*******t ng ulo niya. Hindi niya alam kung dahil sa alak na nainom nila ni Carlitos nagdaang gabi o sadyang iniisip niya lang ang lahat ng mga nangyari kung bakit sila napunta sa sitwasyong iyon. Naalala niya namang ibigay ang katawan niya kay Carlitos bilang silbing kabayaran sa pagligtas nito sa buhay niya ang hindi niya lang maunawaan ay kung bakit hinayaan ni Carlitos na mangyari iyon. Iyon ba ang dahilan sa pagtulong nito sa kaniya? Hindi namalayan ni Toni ang luhang naglaglagan mula sa mga mata niya. Nasasaktan siya at hindi niya kayang itago ang sakit na nararamdaman niya. Para sa kaniya mas lalo siyang pinaglalaruan ng tadhana ngayon ang pinangakong kalinisan na ipagkakaloob niya sa lalaking kasama niyang humarap sa altar ay nawala na lamang ng parang bula na ganoon kadali. Nagpasya siyang bumangon nang napatulala siya sa pulang mantsa na nakita niya sa puting kobre kama. Napangiti siya ng mapait nang makita ang mantsa ng pagiging dalisay niya. 'Ayaw kong isipin na mali ang ginawa ko, dahil kahit saan man ako tumingin sadyang hindi ko dapat pinagkaloob sa iyo ang lahat! Pero niligtas mo ang buhay ko mula kay Don Sigmundo. 'Pero nanaisin ko na lang na sa isang estranghero masayang ang pagiging birhin ko, kaysa sa demonyong si Sigmundo. Mas hindi ko matatanggap, mas mamumuhi ako sa sarili ko.' Nagpasya siyang tumayo at niyakap ng kumot ang hubo't hubad niyang katawan habang inisa-isa ang saplot niyang nagkalat sa silid na iyon. Mabuti na lang at wala si Carlitos, mas makakaramdam lang siguro siya ng labis ng hiya kung magigising siyang nasa tabi niya ito. Kung nasaan man ito ay hindi na mahalaga pa para sa kaniya, basta ang alam niya kailangan niyang mailigpit ang lahat ng kalat sa silid na iyon at makagawa ng paraan para makaalis sa lugar na iyon. Wala na siyang maihaharap pang mukha kay Carlitos at doon ay sigurado siya. Minadali niya ang pag galaw hanggang sa tuluyan niyang naayos alisin ang kobre kama ganoon din ang kumot na namantsahan ng dugo. Hindi siya pwedi magtira ng kahit na anong pruweba na makakapagbigay kay Carlitos ng senyales siyang ay birhin pa. Nanalangin na lamang siya na walang alam ang lalaki dito— nandoon lang ang posibleng nakita na nito ang dugo pagbangon nito. 'Mas mabuting isipin ni Carlitos na hindi na siya malinis pa. Ayaw niyang sabihin nitong siya ang nakauna sa akin. Magiging mas komplikado lang ang lahat,' aniya sa isip ni Toni. ---- KANINA pa hindi mapakali si Carlitos. Kinailangan niyang lumuwas ng bayan para makipagkita sa utos ng ninong niya; may pinapagawa ito sa kaniyang kailangan niyang gawin sa lalong madaling panahon para sa nalalapit na pag-uwi ng nag-iisang anak nito sa bansa. Hinihintay niya ang tawag nito para sa ilang materyales na kailngan niyang bilhin pauwi sa resort. Ayon sa ninong niya doon daw titira pansamantala ang anak nito para makapag-relax sa bakasyon nito. "Hello, Ninong," bungad ni Carlitos sa tawag ng ninong niya nang sagutin niya ito. Halos mag-iisang oras niya ring hinintay. "Pasensiya ka na, Carlitos kung ngayon lang ako nakatawag. Maayos na ba ang lahat? Nabili mo na ba ang mga dapat bilhin para sa pagdating ng anak ko?" "Yes, Ninong. Tapos na. Hinihintay ko lang ang signal mo kung maayos na ang lahat para makabalik na ako sa resort," sagot niya. "Maayos na iyan, kung ano ang kailangan mo't maayos naman na wala na akong tayong dapat problemahin. Salamat, Carlitos. Maasahan ka talaga." "Wala hong anuman, Ninong. Kung wala na tayong kailangan ay pwede na akong bumalik ng resort para maaga kong maayos ang lahat." "Ikaw na ang bahala, Carlitos. Kilala kita, alam kong sa lahat ng bagay maaasahan ka— kaya nga hindi ako nag-aalala kung diyan gusto maglagi ni Samantha." Ang anak nito ang tinutukoy nito. "Wala kayong dapat problemahin kay Samantha, Ninong. Nasa mabuting kamay siya, hindi ko siya pababayaan kong sakaling dumating siya rito sa resort." Nagpaalam na sa kaniya ang ninong niya. Binaba niya ang tawag nito. Nagmadaling muling sumakay si Carlitos sa pick-up na dala niya, kailangan niyang makabalik ng resort. Nag-alala siya para sa dalagang iniwan niya r'on kay Toni. Iniwan niya itong mag-isa, hindi pa ito nakakain. Madaling araw pa siya halos umalis dahil sa apat na oras na biyahe papunta sa bayan. Mabuti na lang at nauna nang i-deliver ang naging sadya niya rito. Hinintay niya lang talaga ang tawag nang ninong niya dahil baka may ipapautos pa ito, mahirap ang signal sa resort; baka mahirapan lang itong tawagan siya't mag-alala lang sa kaniya at baka maisipan lang nitong bumaba sa Isla. Walang pweding makakita kay Toni sa poder niya. Hindi pa siya ganoon kasigurado dahil hindi pa naman sinasabi sa kaniya ni Toni ang totoong dahilan kung bakit siya naghahanap ng tulong sa madilim na bahagi ng gabing iyon. Naalala bigla ni Carlitos ang nangyari sa kanilang dalawa ng babae. Isa iyon sa gabing hindi niya makakalimutan kahit kailan. Isa si Toni sa babaeng tumatak at tatatak sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD