K3

1802 Words
CHAPTER III "MADALAS ka rito?" tanong ni Toni kay Carlitos. Kasalukuyan silang nasa labas ng Isla Verde, nang nagpasyang igala siya ng binata sa bahagi ng Isla. Maganda ang paligid. Tahimik. Mukhang pribado ang resort na pinapalibutan ng puno ng niyog. Malilim ang bahagi kung nasaan silang dalawa. Walang gasinong tao, ilang minuto na silang nandoon, pero dalawang tao palang ang siyang namataan niya. Mukhang bakasyunista rin. "Pag napapagod lang ako sa lungsod," tipid nitong sagot sa kaniya. Tinapunan niya ng tingin si Carlitos, nasa malawak na karagatan ang siyang tingin nito. Nakaupo silang dalawa sa puting buhangin. Pino ito, walang gasinong pinagkaiba sa Boracay noong pumunta siya noon kasama ang mga kaibigan niyang si Kaye at Love. Kamusta na kaya ang mga ito? Natanong niya sa sarili. "Ang sabi mo sa kaibigan mo 'to 'di ba?" tanong niya rito. Tumango-tango ito, bilang tugon sa kaniya. "Sa kaibigan ko nga," sagot niya. Napakunot-nuo si Toni, sa maiksing tugon sa kaniya ng lalaki. Masyado naman itong misteryuso, aniya sa isip niya. "Ikaw? Can I ask you thing?" ilang sandaling tanong nito sa kaniya. "Tungkol saan?" balik-tanong niya rito. "Tungkol sa naghahabol sa'yo. I'm sorry. Pero kilala mo ba sila?" tanong nito sa kaniya. Ang akala niya kanina, kuntento na ito sa naging sagot niya rito. May part two pa pala ang pagtatanong nito sa kaniya. Binaling niya muli ang tingin sa dagat, may manaka-naka ng alon. Ang kaninang tanawing nasa harap nila ay tahimik, ngayon nagsisimula na itong mag-ingay dahil sa alon. Naramdaman niya na rin ang sakit ng init na nagmumula sa araw sa balat niya. Pasado alas-dyes na rin ng umaga. Nangangalam na rin pala ang sikmura niya. "Are you okay, Toni?" muling tanong sa kaniya ni Carlitos. Sa biglaan sigurong pananahimik niya at sa 'di pagsagot ng tanong niya rito. "Ano nga ulit 'yon?" aniya rito nang lingunin niya ito sa tabi niya. Nagkatinginan silang dalawa, kapwa napangiti sa isa't isa. "I'm sorry. Kalimutan mo na. I don't want to invade your privacy," anito sa kaniya. Napangiti siya. Gusto niya naman talaga sagutin ang binata. Pero hindi niya lang alam, kung saan siya kukuha ng lakas. Para sabihin ang lahat ng dinadala niya sa dibdib para sa mga lalaking naghahabol sa kaniya, na walang ibang may kagagawan kundi si Sigmundo. "Nagugutom ka na ba? May maliit na restaurant sa bahaging 'yon. Seafoods ang lahat ng pagkain. Gusto mo na ba kumain?" tanong sa kaniya ni Carlitos. Na mas lalo yatang nagdagdag sa gutom na nararamdaman niya. Sinundan niya ng tingin ang bahagi ng lugar na tinuturo nito, mula sa kinauupuan nilang dalawa. Isa itong maliit na building, katabi ng limang mini-apartment na ayon kay Carlitos, para raw sa mga bakasyunista at ang dulong apartment ay para sa kanilang dalawa. "Wala akong dalang cash, Carlitos," nahihiyang totoong sagot niya rito. Kung bakit ba naman kasi umalis siya na wala man lang kahit na ano'ng dala sa sarili niya. Maging ang cellphone niya, sinadya niyang kalimutan sa bahay ng Tiya Merlinda niya. Dahil sa dahilan na ayaw niyang maisturbo ng kahit na sino. "Idagdag mo na lang sa utang mo. Let's go? Treat ko." Walang atubiling tinanggap ni Toni ang kamay ni Carlitos na nilahad nito sa harap niya. Pride over gutom? Mas pipiliin niyang lunukin ang pride kung pati sikmura niya mabubusog. HALATANG nagutom nga si Toni, halos maubos nito ang in-order kong adobong pusit at sinigang na bangus para sa aming dalawa. Pinagmasdan ni Carlitos ang dalaga, mas maganda ito pag gising. Maliit lang na babae si Toni, katamtaman lang ang laki ng katawan nito. Napako ang tingin niya sa malusog na dibdib ng dalaga. Agad niya ring binaling sa katawan nang napataas ito ng tingin sa kaniya. "Masarap ba?" tanong niya rito. Luminga-linga ito sa paligid. Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito, bukod sa kanilang dalawa, may dalawang pares din ng tao sa kaliwang bahagi kung saan sila nakaupong dalawa. "Safe ka rito, Toni. Huwag kang mag-alala. Walang makakapasok dito ng basta-basta kung hindi nakapag-book. Kaya agad itatawag sa akin ng agent kung mayroon man. Lalo na pag-kahina-hinala," kumbinse niya rito. Pilit man nitong iiwas ang takot na mayroon ito sa mga mata niya, hindi niya magawa. Nasa panganib talaga ang buhay ng dalaga 'yon ang tumatakbo sa isip ni Carlitos. "Pasensiya ka na," anito sa kaniya. Walang paalam niyang ginagap ang kamay nitong nakahawak sa wala ng lamang baso ng tubig nito. "Gusto kong magtiwala ka sa akin. Hindi kita pababayan," aniya. May ngiting pilit na sumilay sa labi nito nang hilahin nito ang kamay niya mula sa pagkakahawak niya rito. "Kumain ka lang. Ako ang bahala sa'yo," sabi niya rito. Isang kindat ang siyang pinakawalan niya sa harap nito. ● ● ● ● MALALIM na ang gabi. Tahimik na ang paligid. Pero gising pa rin siya. Pinagmasdan niya ang sarili, nakabihis na rin siya sa damit na bigay sa kaniya ni Carlitos. Iniwan siya nito sa silid nito. Nagpaalam itong sa labas matutulog, ayaw niya man wala siyang magagawa. Hindi naman talaga maganda tingnan ang magkasama sila ng lalaki sa iisang silid. Lalo pa't silang dalawa lang ang nandoon sa bahay na 'yon. Napalunok si Toni sa naisip niya. Malaki na ang utang na loob niya kay Carlitos. Mula sa pagliligtas nito sa kaniya, maging sa pagpalatuloy sa kaniya sa Isla na 'yon, ang pagpapakain, at ang pagpapahiram nito sa kaniya ng maayos na damit. Mukhang hindi niya mababayaran ang lahat ng ginawa nito sa kaniya. Kulang pa siguro ang utang na loob, aniya. Hinigit niya ng malalim ang sariling hininga. Hindi niya makakalimutan si Carlitos. Makaalis man siya sa lugar na ito sa piling nito, alam niya sa sarili niyang hindi niya magagawang kalimutan ang lahat ng ginawa nito para sa kaniya. Sinindihin niya ang lampshade sa tabi niya, hindi talaga siya dalawin ng antok. Hindi niya alam kung bakit? Namamahay siguro siya. Ilang sandaling pagmumuni-muni ni Toni, nang bumukas ang pinto ng silid. Niluwa nito si Carlitos. "Hindi ka makatulog?" bungad na tanong nito sa kaniya. "N-namamahay lang," sagot niya rito. Inayos niya ang pagkakaupo. Tinaas ang kumot sa bahagi ng katawan niya. "Nakita ko kasi ang ilaw sa silid mo. Baka kako may kailangan ka," anito sa kaniya. Umiling-iling siya. Wala naman siyang kailangan. Busog siya, kung CR naman ang siyang itatanong nito nasa loob naman ito ng silid kung nasaan siya. "Umiinom ka ba? Umiinom ako sa labas. Pampatulog lang, kung gusto mo?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo. “Ayos lang naman. Baka sakaling makatulong din ako,” sagot niya rito. Nagulat si Toni, nang bigla siyang hawakan sa beywang ni Carlitos. At nang igiya siya nito pahiga sa kama nito, habang magkalapat ang labi nilang dalawa sa isa-‘t isa. Walang paalam siyang hinalikan nito. “Sinisingil na kita, Toni,” usal ni Carlitos sa punong teynga niya Muling binalik ang labi nito sa labi niya para siilin siya ng halik. Ramdam niya ang dila ni Carlitos na tuluyang pumasok sa bibig niya, animo espadang may hinahanap sa kweba. Napapikit si Toni, hindi namalayan ang sariling gumanti na pala sa halik ng lalaki. Sa bawat pagbuka ng bibig nito, sinundan ni Toni. Maging ang dila nito sa bibig niya nakipag-espadahan sa dila ng lalaki. “Ohhh---” Hindi napigilang mapasinghap ng dalaga. Tinaas ni Carlitos ang dalawa niyang kamay. Piliti itong pinagsiklop sa palad niya, ramdam niya ang kanang kamay nitong naglalakbay sa ilalim ng suot niyang damit. “Moan more, Toni,” bulong sa kaniya ni Carlitos. Nang kumuwala ito sa labi niya’t sulyapan ang mukha niya. Dumilat siya sa harap nito, nakaramdam ng hiya sa ayos nilang dalawa. Hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya sa itaas ng ulo niya, habang ‘di niya na namalayang nakadagan na pala sa kaniya ang lalaki. “Moan more, Honey,” anito. Naramdaman ni Toni ang kamay nitong naglakbay sa ilalim ng suot niyang bra--- sa dibdib niya na di niya man lang namalayan ang pagkakatanggal ng hook sa bra niyang suot. “C-Carlitos---” usal niya sa pangalan nito. Ngumiti ito sa harap niya, muling nilapat ang labi nito sa labi niya’t siniil siya ng malalim na halik nito. Mas malalim sa pinagkaloob nitong halik sa kaniya. “Ohh---Carlitos—” “Ohhh Toni---" usal nito sa pangalan niya na mas lalong nagpakanulo sa kaniyang pananabik sa tuluyang pagsakop ng binata sa tungko ng dibdib niya. Ang unang beses na may humawak dito sa pag-aalaga niya, para sa lalaking mamahalin niya sana. Pero lahat ito’y nagbago, dahil kusa niyang pinauubaya kay Carlitos ang lahat. Para sa kabayaran na sinisingil nito. “I’ll make gentle, Toni. Magtiwala ka lang,” bulong nito sa kaniya, nang kumuwala ito sa dibdib niya para sakupin ito at nilaro ng dila nito paikot sa tungki ng koronang nararamdaman niya ang pangangalit. “Do it, Carlitos---” usal niya sa binata. Sapat na ang mga salitang sinabi niya rito, para ipagpatuloy nito ang ginagawa sa ibabaw niya. Isa-isang tinanggal ng binata ang saplot ng katawan niya. Ganoon din ito halos walang tinira. Kapwa na sila hubad ng lalaking nasa ibabaw niya. Hindi alintana kung paano halos natanggal nito ang suot na damit na bumabalot sa kanilang dalawa. Nakaramdam siya ng hiya sa katawan niyang tumambad sa harap nito. “Don’t be shy, Honey,” anito sa kaniya. Nang tanggalin nito ang kamay niyang nakayakap sa dibdib niya. Pinagdaup ni Carlitos ang kamay nila’t muling sinakop ang dibdib niya , habang ang kanang kamay nito’y nilaro-laro ang kanang dibdib niya na nagbibigay sa kaniya ng kakaibang kiliti ng mga sandaling iyon. Ramdam niya ang namamasa sa ibabang bahagi ng pagkakababae niya, ganoon din ang matigas na pagkakalalaki ni Carlitos na nararamdaman niya sa gitna ng mga hita niya. Kumuwala sa dibdib niya si Carlitos. Napalunok siya nang salubungin niya ang tingin nitong nakatunghay sa kaniya. “Napakaganda mo, Toni,” puri nito sa kaniya. Wala sa sariling napatingin siya sa ibaba nito, hindi nakaligtas sa kaniya ang p*********i nito. “ Galit na siya,” natatawang sabi nito sa kaniyang alam niya ang tinutukoy nito. Napangiti siya ritong nahihiyang napatingin sa mga mata nito. Naglapat muli ang labi nilang dalawa, mas naging mapusok, mas naging maalab at buong pusong tinanggap ni Toni. Nilabanan niya ang bawat halik nitong walang pag-aalinlangan. “Oh--- oh! Oh, Carlitos---” isa pang ungol ang siyang pinakawalan ni Toni. Nang maramdaman ang mabagal na pagpasok ni Carlitos sa karubdan niya, habang ang mga labi nila nanatiling magkalapat sa isa’t isa. “Oh--- Toni Ohhh, Toni,” usal ni Carlitos sa pangalan ni Toni, nang pabilis na pabilis ang ginagawa nitong pagbayo sa kaniya. Hanggang sa naramdaman nilang dalawa ang mainit na likidong kumuwala pareho sa kanilang kahubaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD