GEN'S POV
"Bilisan mo!"
Puno ng pagmamadali ang kilos ni Donna ng hilahin ako paupo sa isa sa mga upuan sa employees cafeteria na ngayon ay walang katao-tao maliban sa ming dalawa at sa tatlong staff na nasa counter.
Hapon na noon at kababalik ko lang sa employee's building galing sa residence ng crown prince. Sinimangutan ko ang kaibigan.
"Pwede bang huminga muna? Hype ka."
"Okay. Here, drink this."
Inabot ko ang soda mula dito't tinunga iyon. I've drowned myself with lots of coffee and water since this morning but I'm still parched. According to the doctor, it's the meds.
"So?"
"Buhay pa ko, bakla."
"Namu. Alam ko. Akong papatayin mo sa excitement."
Gusto kong batukan ang kaharap pero wala akong nagawa kung 'di ang umayos ng upo't nagsimulang mag kwento. Or sumagot kasi parang imbestigador si Donna na ginigisa ko. Imbes na magkwento ako, ang naging siste namin, tanong n'ya sagot ko.
I told her everything I knew and the things that were privy of me. I bet she knew some if it, gusto lang talaga niya na pagurin ako.Inusisa rin ako nito tungkol sa nangyari bago ako umalis ng bar kagabi at siyempre mabait akong kaiigan, I spill all the events that transpired last Friday. Wala akong iniwang detalye pati ang pag uusap namin nitong umaga at ang appointment ko as Special Royal Aide.
Nakita kong nan lalaki ang mga mata nito at maya-maya pa'y parang timang na pumalakpak at napasuntok sa hangin na akala mo naka jackpot.
"I told you, he's smitten by you Gen," puno ng panunudyo at kasiguraduhan ang boses nito.
I rolled my eyes at her.
Ipokrita ‘ko kung sasabihin ko na di ako kinikilig at natutuwa na parehas kami ng assumption ng best friend ko, but the thing is iyon lang yun an assumption. Walang pruweba kundi ang malilikot naming imaginations at ang hormones kong nagwawala ‘pag nasa paligid ang prinsipe. Sa madaling salita,ako at si Donna ay team Hopia.
"Bakla, mabait lang talaga si Prince Liam. Employer natin siya and kahit sino siguro ang malagay sa sitasyon ko ay same pa din ang gagawin niya,” malumanay kong sabi dito pero bakit mas pakiramdam ko na mas kinukumbinse ko ang sarili ko kesa sa kanya?
"Nope. I beg to disagree. Marami akong baong ebidensiya. Hear me out, okay?”
“May choice ba ‘ko? Push.”
Dumukwang pa ang bruha na tila ba bumubwelo. Pasalamat siya’t may epekto pa ang gamot sa ‘kin kung ‘di katakot-takot na pang-aasar ang aabutin nito sa ‘kin.
“First, I found out that he went out of his way para don sa night out natin. Sabi ng ibang department never daw nagpakita ang prinsipe para i-welcome sila or whatnot. Eto pa, mostly ng mga treat ng office niya ay sa mga middlle range na resto or bar. ‘Di kasing high end gaya ng MinX.”
“Speaking of MinX. Who’s the owner?”
Talo ko pa ang nagsalita ng Mandarin nang tingnan ako ni Donna.
“Hindi mo alam? My God. Ikaw ‘tong social media person sa ‘ting dalawa dapat alam mo yon.”
“Bakla, content ng marketing at brands ang hawak ko ‘di census.”
“Namilosopo ko pa. Sasabihin na. Shamie Torrevillas and his cousin Axel.”
Muntik akong mabilaukan sa narinig lalo pa nang maalala ang isang pamilyar na mukha noong Biyernes ng gabi.
“Don’t tell me may nakita kang multo?”
“He might as well be a ghost. Damn. Ang tanga ko. Me and my prosopagnosia.”
“Gumaganyan ka. Malabo lang talaga mata mo.”
Nagli-ngali kong batukan asi Donna.
“Oh, tapos? Akala ko amy chismis ka Maria Donna Marites Mae?”
“Tse! Hindi bagay sa’yo nag lines ni Chardii.”
“I know. May iba kasing bagay sa ‘kin.”
Umirap si Donna sa sinabi ko.
“Ang landi mo. Panay ka tanggi kilig an kilig ka naman. Eto na ‘yong chika. I heard from Sir Rowan nung bumalik kami sa taas nila Maddie na biglang nawala sa mood ang crown prince at umalis daw ito at mukhang galit na galit. No one knew where he went and what caused the change in his demeanour, pupusta ko na nagseselos ‘yun kay Kenneth,” nakangiting kwento pa nito at mukhang masayang masaya.
Hindi ako umimik. Pero ang totoo nakaka entice ang comment ni Donna. It’s absurd and I shouldn’t entertain it but deep down my best friends’s words were like a gasoline that dousing the fire deep within me. Ngayon pa lang natatakot na ko sa maaaring kahantungan ng kahibangan kong ‘to.
I shook my head, focusing my attention on Donna who’s blabbering her love conspiracy. Hindi ko alam kung sinong mas payaso sa ‘ming dalawa?
"At alam mo ba, halos nag wawala siya nung time na wala kang malay at nag drop down ang BP mo dahil sa drugs.Di ko alam if san ako mag tatago cause I swear Bakla, para siyang beast that time at kami na mga staff niya ang tatanggap ng wrath niya.”
Umikot ang mata ko sa narinig. Hindi ko ‘to ma-gets. Dapat nag aalala ito sa kin dahil na spiked ang drinks ko but what I am getting from her were giggles and obvious na pagka kilig?
"Who told you about the incident pala?"I asked nonchalantly. Napansin kong parang nailang ito at medyo nag blush.Nag tataka man sa inasal nito ay di ko na lang pinansin.
"Si Jaques. Sabi niya emergency daw kaya sumama ako agad at naabutan ko nga si Kamahalan na parang babalatan ng buhay yung isa sa mga doctor.Pati nga yung isa sa mga secret service ‘di nakaligtas. Inutos na i-review daw ang cctv ng club and said verbatim 'I want that motherfucker's head in 24 hours'. Bakla grabe kahit imbey siya super hot pa din niya," kinikilig pa ang baliw kong kaibigan habang nag ku-kwento habang ako ay natutulala sa mga nalalaman ko.
Nabanggit kasi sa ‘kin ni Mr.V or V as he insisted na itawag ko sa kanya, pinai-imbistegahan ang lahat ng staff ng club especially the bartender at ‘yung lalakeng nangungulit sa kin that time. But hearing from Donna what had transpired that day,I'm perplexed.
"So kung wala siyang interes sayo bakit siya mag re-react ng ganon? Ba't siya mag-aaksya ng panahon ‘di ba? Kung gusto lang talaga niyang tumulong, pwede namang iwan ka niya sa clinic at hayaan ang mga pulis na ayusin ang case mo.But my dear, he did things that shocked everybody even Prince Yñaki," mahaba pa ring paliwanag nito. She really wants to make her point.
Natahimik ako at pilit na tinitimbang ang mga sinasabi ni Donna. May part ng puso ko ang umaasa na sana nga tama ang interpretation namin sa lahat ng actions ng Crown Prince but the rational part of me tells me otherwise. Hindi ko dapat ipagkamali sa kung ano pa man ang mga kinikilos nito,na masyado lang akong nabubulag ng pagka 'crush' ko dito kaya kung ano-ano ang naiisip ko. Oo na,crush ko siya eh ano ba namang itatawag ko sa nafi-feel ko pag nakikita ko siya dia ba?
Sa ilang beses na pagtatagpo namin it's always brief and formal.There’s a s****l tension though I can only assume that it is one sided. Ba’t naman ng isang prinsipe nag gaya kong hamak na empleyado lang?
I exhaled and stared at my hands.
"I don't know, Bakla. Gusto kong umasa. Hell. I'll be a hypocrite if di ko aaminin na natuwa ako sa mgga sinabi mo.Pero ayokong umasa at mag- over analyze ng lahat kasi masasaktan lang ako sa huli. Sabi nga check the labe. Eh last time I checked, he's my boss and I'm one of his Royal Aides. Hindi payaso,” mariing sabi ko at sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatingin sa kin.
"Fine. Fine. Believe what you want. I’ll do the same,” hindi papatinag na sagot naman nito.
Hindi ko na pinagka abalahang makipagtalo pa kay Donna. Ang mahalaga ngayon, ayusin ko ang sarili para sa bago kong responsibilidad. I need to have a thicker skin for this new role if I want to survive this ordeal with my witts intact and my heart, safe.
"MISS GENESSIA Rodriguez?" Tanong ng papalapit na babae sa kin. Gaya ko, naka-white jusi barong tagalog din ito at black pencil skirt. She's assigned to orient me today for my new position.
Tumayo ako nang tuwid, inilahad ko ang kanang kamay na agad naman nitong tinanggap.
"I'm Sheila from the Bureau and Activities. I’m assigned by His Royal Highness to orient and train you for the next two weeks. Let's start?" Istrikto man ang bukas ng mukha nito’Y nawawala iyon ‘pag ngumiti na ang dalaga.
"Yes, Maam,” sagot ko sabay tanago. Iba ang excitement ko for this day. Mas lamang iyon kaysa sa kaba at ‘di ko hahayaang magkamali ngayong first day ko. Sumunod sa pag pasok niya sa isa sa mga pinto sa loob ng Office of the Crown Prince.
Buong third floor ay sakop ng Office of The Crown Prince and Royal Prince's. To say that the place was humongous is an understatement of the century. Endless hallways and office doors greeted me, I bet maliligaw ako rito ng ilang araw kung ako lang mag isa ang maglalakad sa napakagarang opisina.
Nilakad namin ang mahabang pasilyo, sa pinaka dulo ay ang isang maluwag na work space na may mga cubicles at couches.It's an odd combination of wood and steel gray materials but it achieved the old meets new approach, allowing a more conducive working environment whilst preserving the historical value of the place. I’m impressed.
Matapos akong i-tour ni Sheila, nagkaroon naman ng isang mahabang briefing about my roles and we even go through with my new contract. Nalula ako sa laki ng itinaas ng sahod ko at sa mga dagdag na benefits but I keep my cool. I’m still a probie since wala pa ‘kong six months sa trabaho sa kailangan kong magpakitang gilas and be my best self, always.
Namamanhid na ang utak ko at pati ang butt ko dahil mahigit dalawang oras na kaming nakaupo sa loob ng isa sa mga malilit na meeting rooms .Sheila's discussing to me my duties as His Highness Special Royal Aide. Basically, I will be responsible for all his schedules,engagements. Meaning its like I'm his personal assistant.
Pero ang di ko maintindihan is that may Royal Secretary na naka assign for the Crown Prince bakit kailangan niya pa ang gaya ko? But who cares? The job pays too well and honestly, I’m lucky enough to land this job so questioning his reasons was the least of my concern.
"The Royal Secretary can only do as much,he has lots on his plate kaya kailangan ng isang Special Royal Aide para i- assist ang Crown Prince.You'll be his shadow just like Mr.Jaque,” sabi ni Miss Sheila na mukhang nabasa ang isip ko.
My smile was warm when I nod at her.
“I guess that’s it for today. Take your break. Meet Mr.Jaques after you had your lunch. May mga importanteng protocols siyang idi-discuss sayo. They will set up your credentials and clear you for security. Go straight to His Royal Highness'office later after your break.”
Naiwan akong nililigpit isa-isa ang mga folders at notes na nakakalat sa ibabaw ng lamesa.Kailangan kong aralin iyon mamayang gabi pag uwi ko sa quarters namin.Para ‘kong bumalik sa college na kailangang mag review at mag-memorize but good thing is that I have a photographic mememory.Kaso sa dami ng dapat aralin mukhang aabutin ako ng three weeks bago ko makabisado lahat ito.
I went straight into the large pantry where everyone seemed to congregate. Naiilang na inukopa ko ang pinaka dulong table at tahimik na nagmasid sa mga naroong staff. Kanya-kanya silang bitbit ng tasa habang ang iba’y abala sa pagkuha ng mga sandwiches or pack lunch na nasa isang mahabang lamesa.
Some of them throw curious glances on my way but none dare to ask who am I or what am I doing in a place like this, wide eye and looking like a lost child than a twenty-three-year-old capable woman.
Shaking my head, I pushed down the nerves. Sa umpisa lang naman mahirap ang lahat. Kapag tumagal na ‘ko rit hindi na ko mai-intimidate sa mga kasamahan ko and who knows I might made some friends.
After ko nga mag- lunch, dumiretso na ‘ko sa opisina ni Prince Liam tulad ng bilin n I Sheila. Kinakabahan ako na ‘di ko mawari.I don't know if makikita ko ba siya sa loob pero ang sabi ni Sheila, si Jaques lang ang kakausap sa ‘kin that thought made me at ease. Iba ang epekto ng prinsipe sa ‘kin kapag nasa malapit lang siya, ayokong gumawa na naman ng bagay na ikakapahiya ko sa unang araw ng trabaho ko.
Bago ko pa maiangat ang kamay upang kumatok, may isang kamay ang nauna ng humawak noon at pinihit ang door knob. Seryosong mukha ni V ang nalingunan ko. A nervouse smile made it’s way to my lips. For a big man he moves quietly.
“H-hello V.”
He nods, jerked his head to the right signaling me to enter. Mahina muna ‘kong nagpasalamat sa kanya bago nangingingig ang mga tuhod na humakbang.
I took in the lavish office that looked like Axel Vervoordt take his precious time designing every nook and cranny. Minimalism married the modern in such a way that it’s proportioned my eyes want to cry in admiration. I’m wondering what’s his private office looks like?
"Miss Rodriguez, have a seat," buong-buong boses ni Jaques ang pumukaw sa pagkatulala ko sa opisina ni Prince Liam. Nakatayo ito malapit sa isang malaking office table habang sa kamay ay may tangan na iPad.
“Good afternoon, Jaques,” I gave him a curt nod then took the right seat while V seated in beside me at sa tapat ko si Jaques.
"Phone."
Ilang saglit akong napamaang kay V na ngayon ay nakalahad ang kamay sa harapan ko. Tumikhim ito’t muling inulit ang sinabi nang mas mariin. Naguguluhang kinuha ko iyon sa pocket ng skirt ko’t iniabot sa napaka seryosong royal guard.
Halos hablutin iyon ni V sa ‘kin. Kumunot ang noo ko nang makitang ibinulsa n’ya iyon.
"W-wait,anong gagawin mo?"
He spared me an annoying look then stand to his full height.
"Its SOP, for security purposes. We need to sweep it. I'll give it back to you don't worry.”
Wala na kong magawa nang tumalikod ito at iwan ako kasama si Jaques.
"Gen—is it okay if I call you Gen?" Pukaw ni Jaques sa ‘kin na tinanguan ko."Since you're working for His Royal Highness, SOP na lahat ng gadgets mo ay i-check ng Security Service. You will have a new laptop and iPad. Iyon na ang gagamitin mo simula sa araw na ‘to."
Kagat-labing tumango ako pero naroon pa rin ang pag-aalala sa utak ko. Shocks. Ba’t ‘di ko naisip na kukunin nila ang phone ko? Ang dami kong selfies at kung ano-anong kabalbalan sa phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na may mga screenhsots pa ‘ko about Prince Liam.
Self, mag bigti ka na lang kaya? s**t.
"S-sana sinabihan n’yo man lang ako before hand,I hav—" nanghihina kong sabi pero ‘di ko mahanap an lakas ng loob na sabihin sa kaharap na may mga resibo akong tinatago sa telepono ko. Nakakahiyang aminin na isa na ‘ko sa mga patay na patay sa prinsipeng amo namin. Buti na lang at hindi ko pinakinggan ang baliw kong utak last time ng i-suggest nitong gawin kong wallpaper si Kamahalan. Auto-resign talaga ang beatuy ko kung ganoon ang mangyayari.
"Don't worry.Your selfies are safe,” may aliw sa bose nito at nang magsalubong ang mga mata namin, I saw him smirking.
Nanlaki lalo ang mga mata ko’t ilang beses akongnapakurap.Tama ba? Ngumiti si Jaques? Saglit lang ‘yun pero alam kong ngumiti ito.
"Let's start, shall we?"
Still flabbergasted, I nod.
"I belive that Sheila discussed some of the duties and responsibilities expected of you. May mga idadgadag lang akong mga importanteng bagay sa mga sinabi n’ya. First, this."
My eyes got caught of a samll box he fished from one of the drawers. Binuksan iyon ni Jaques at tumambad sa ‘kin ang isang collar pin na may insignia ng crown prince.
“That’s mine?” I stupidly asked.
He nods.
" Yes. You need to put this all the time especially if nasa out-of-town engagements tayo, understand?"
I nod and took the box from him.
"Second, you need to hand over to me or kay V ang lahat ng mga letters, cards or tokens na mare-recieve ni Prince Liam. People love to give him gifts and kahit na ipagbawal namin ay tinatanggap niya pa rin ‘yon. So your job—our job is to get it from him or accept it bago pa niya makuha,” patuloy an dagdag nito na agad kong tinanguan.
I understand that the safety of the Crown Prince or any member of the royal family is our number one priority. That’s my job and I’ll do it properly.
“Perfect. If you have any questions, feel free to ask,” sabi pa nito habang binubuksan ang box ng iPhone 13. Hindi ko alam kung paano itatago ang pagkagulat lalo pa nang makitang color pink iyon. Paniguradong iiyak si Donna pnce na makita nag bago kong office phone.
“That's also mine?”
“Yes. If you don’t like the color or the unit, we can pick another one to your liking.”
“Ha? No. I love it.. I mean, the color and unit is fine with me,” nakangising ani ko. Super fine pa nga, gusto kong idugtong.
"Mabuti kung ganoon. I'll be saving three numbers to your speed dial. My number, V and P—”
"Mine."
That deep silky voice made the hairs on the back of my nape shoot up. A cold shiver licked the skin on my spine making me shiver. Closing my eyes, I fought the urge to crane my neck. I know he’s standing just a couple of meters from my back but that distance does no good to my heart. It’s beating rapidly against my chest, I want to wince.
Awtomatikong napatayo ako at yumuko nang makitang nagbigay galang na si Jaques.
"Good afternoon,Your Highness,” magkasabay naming bati. Kumpas lang ng kamay ang sagot niya’t naglakad papunta sa lamesang kinaroroonan namin.
As always, I can't help but admire his mouth drooling beauty. He looks like he owns the freaking world with his three-piece dark grey suit.
"Done?" Tanong nito kay Jaques nang makaupo sa upuan sa harapan ko. Pinasadahan nito ng tingin ang buong kabuuan ko bago ibinalik ang atensyon kay Jaques.
"Almost Sir,” matipid namang sagot ng binatang royal guard sa prinsipe at ibinaling ulit ang atensyon sa kin. "Do you have any questions, Gen?"
Bakit ang gwapo ni Prince Liam at ang lagkit niya makatingin? Gusto ko sanang itanong kay Jaques pero pinigil ko ang bibig at sinaway ang malanding alter ego ko. Ang dami ko ng kahihiyan na ginawa sa harap ni Prince Liam para dagdagan pa iyon.
"So far wala naman.”
"Good. Now you have to input your prints her,” at inabot nito sa kin ang hawak na isang gadget na kasing laki ng cellphone. Isa iyong high end biometric device na nakikita ko lang sa mga Hollywood action or spy movies.
Cool!
Agad kog inabot iyon mula sa binata’t muling inukopa ang silya ko. Excited na inilapag ko iyon sa kandungan at masusing ininspeksiyon. This kind of device fascinates me, who would have thought na may ganoon ang royal family. But guess, I will never know what are the toys they have in their arsenal. Sa yaman ba naman nila ‘di na ko magatatak kung mag bat mobile or kryptonite na itinatago ang mga ‘to sa ilalim ng palasyo.
“Anongkailangan kong gawin?”
"You have to put each fingers on the scanner, Gen. Diinan mo para mabasa ang prints mo. Automatic na papasok na iyan sa system. You need biometrics for attendance and to gain some access sa mga areas dito sa palasyo,” itinuro nito ang maliit na square kung saan ko dapat ilagay ang mga daliri ko para ma-scan.
"Okay. Like this? " I nodded and placed my left thumb into the scanner. Pero walang nangyari. Frustrated, inulit ko ulit but I’m still unsuccessful.
“May mag a-appear na green if okay na. Wait let—”
“Stay there Jaques. Let me help you.”
I blinked rapidly when Prince Liam lean forward, grabbed my wrist and guide my cold hands on the screen. Hindi ko alam paano pipigilan ang panginginig ng mga kamay ko lalo pa’t ilang pulgada lang ang layo ng mukha ng prinsipe sa ‘kin.
“Press there. Harder, like this.”
I swallowed hard. Diyos ko! Ba’t ibang pumapasok sa isip ko habang pinakikinggan iyon? Tumingala ko’ nagtama ang mga mata namin ng prinsipe. His eyes are twinkling with so much amusement while mine was clearly spitting with confusion.
“ Genessia, are you with me?”
“N-not yet..I mean yes. Yes, Your Highness,” namumulang idiniin ko ng kusa ang mga daliri sa button habang ramdam ko ang makatunaw bone marrow na tingin ng prinsipe sa ‘kin.
“Very good.”
Nang bitawan nito ang kamay ko at naupo, nakaramdam ako ng pagkadismaya. Ipinilig ko ang ulo’t itinuloy ang ginagawa. After ko mai-scan lahat ng mga daliri ko’y inabot ko kay Jaques ang device. He swiped the screen, satisfaction was written on his face. Nagpaalam ito saglit kay Prince Liam at naiwan akong walang imik kasama ang prinsipeng mukhang kanina pa aliw na aliw sa ‘kin.
“How’s your first day?”
Fidgeting, I shrugged my shoulders.
“I’m still overwhelmed, Your Highness. But I’m good, I think. Ilang araw lang makakapag adjust rin ako.”
“I know you do. Lahat naman ng bagay sa umpisa lang mahirap.”
His placating tone made me smile, shoving the nerves away.
“Just like that device. Muntik akong kainin ng buhay,” biro ko habang nakatingin dito mula sa gilid ng mga mata ko.
“I agree but a while ago you seemed so fascinated by that device.”
"Yes, I kinda find it cool Your Highness. Sa mga 007 or Jason Bourne movies ko lang kasi nakikita ang ganon but still ang hirap palang i-navigate sa totoong buhay. In movies, they made it so easy though, " I answered him and tried to smile kahit pa ang totoo ay parang hinuhukay ang t’yan ko sa kaba.
Tumaas ang kilay nito na napansin kong madalas nitong gawin. Did he find my answer amusing?
"So you like brooding mysterious bad boys?" Nakatukod ang magkabilang sikong tanong nito sa ‘kin.His eyes never leaving mine.
Marahas akong umiling.
"No. No, Your Highness. It’s the opposite.”
“Really? How so?”
Saglit akong nag-isip. Tinitimimbang kung sasabhin ko ba sa kaharap ang talagang rason ko. Will he laugh at my answer? Bahala na. Feeling ko naman he wouldn’t mind my honesty beside he’s in a chatty mood today sasamantalahin ko na.
“ They’re all faux hardcore. Charlatans. They're just bad boys or man for that matter, nothing mysterious or brooding at all,” sagot ko na alam kong lame pero alangan namang sabihin ko na kagaya niya ang type ko. Scratch that, he’s my type.
"Hmm...Interesting. They're every ladies' cup of tea," he said matter of factly scratching his chin while his dark pools were piercing through my very soul.
"But I love coffee, Your Highness.”
Shocks! Yumuko ako’t kinagat ang labi. Ang pangahas ko naman sobra.
I heard a soft chuckle. My head automatically lifts, gazing at the serious patrician profile of the crown prince
"Indeed. You do," aniya’t tumango-tango nang marahan. "Ditto, Genessia.”
“How do you like them, if you don’t mind me asking Your Highness.”
“Dark. Hot…” an enigmatic smile ghosted on his lips while his eyes lingered on my lips a few scant seconds, “Like you.”
Muntik akong mahulog sa kinauupuan nang marinig ang huling tinuran nito. Para ‘kong papanawan ng ulirat habang tinatanaw ng tanaw ang papalayong prinsipe. Did he just compliment me and call me hot?
Fudge, I’m gonna die. At kung mangyari man ‘yon, pwede bang pakilagay sa lapida ko, cause of death–sobrang kilig!