GEN'S POV
Sikat ng araw ang gumising sa kin. Makirot ang mga matang nagdilat ako para lang ulit pumikit. Jeez. Ba't parang ang tagal kong natulog at ang bigat ng ulo ko?
Matapos kong masigurong steady na ang paningin ko, iginala ko ang mga mata sa paligid.
Where am I?
Isang 'di pamilyar na kwarto ang bumungad sa kin pag mulat ko,I scanned the room with a perplexed looked. Masyadong magarbo at maganda iyon para maging kwarto ko't may chandelier pang nakasabit malapit sa ulunan ko.
I took in the beige wall, gold ornate and the French Rococo style furnitures that are scattered around the room. And the bed, it's to die for! Para 'kong isang Disney Princess sa ayos ng kwartong kinaroroonan ko. Tila hinugot iyon sa isang Pinterest board. I'm in awe. But what am I doing here and why? Ilang sandali akong tulala nang bigla kong may naalala.
Napabangon ako nang mabilis, inalis ang white comforter na aaminin kong pinaka malambot na naikumot ko sa katawan ko.
Ilang thread counts kaya meron ito? Ipinilig ko ang ulo ko.
Bakit ba iniisip ko pa ang comforter na iyon? Tiningnan ko ang sarili't pinakiramdaman.Bukod sa masakit ang buong katawan ko at parang minartilyo ang ulo, wala naman na 'kong iba pang nararamdamang kakaiba. Maliban na lang sa suot ko, alam kong 'di akin ang white cotton shirt at gray silk pajama na pwede ng gawing maxi dress sa haba. Lagpas iyon sa mga paa ko.
Ang tangkad ng may-ari nito. At sinong nag bihis sa kin?
"s**t!" Nagpa- panic na ko habang hinilot ang noo kong nagsisimula ng kumirot. I glanced at the ceiling and let out a steady breath.I need ti calm down.
Ilang beses akong nag inhale, exhale at nang medyo kalmado na sako ko bumaba ng kama. Wala sa loob na nag palakad-lakad.
"MinX. Yes, we were at the club. We danced,"mahinang sabi ko habang parang sirang paroo't parito ko sa may gilid ng kama.Its one of my habit pag nag iisip at kinakabahan.
"Then the Crown Prince arrived...tama kasama niya si Prince Yñaki. Nakakahiya kay Prince Liam. Agh,Gen ang shunga at ang corny mo!" Inis na nasampal ko ang noo nang maalala ang kakornihan ko last night.
Sighing, I resume my version of the walk of shame.
"Okay, after that nag sayaw kami nila Ken and the weird staring exchange between me and Kamahalan. Fudge. Then, we head for the bar. I ordered that weird drink. Adios motherfucker, right!"Naipitik ko ang mga daliri nang maalala ang traydor na alak. "Gen, focus. After that what happened? Umalis si Ken, naiwan akong mag isa sa bar. I drunk with God knows how many shots and befriended by the guy at the bar. Then nag paalam na ko kina Maddie na uuwi sa satff house," napahawak ako sa baba ko nang sunod-sunod na mag- playback sa isip ko ang mga nangyari.
Napangiwi ako ng malala ang mukha ng lalake sa bar. He obviously tried to hit on me but failed miserably. I waved my right hand, shoving his face away from my still hazy brain. Kung may makakakita sa 'kin, aakalaing baliw na ako.Panay lakad ko sa loob ng kwarto habang kinakausap ang sarili ko. Mukhang may mga linya nang nabubuo sa carpet na dinanaanan ko nang pabaik-balik.
"With my purse and a slight tipsy– damn! Okay, wasted ass . There's no point denying it. I went outside to hail a cab. Then my fone...shit!" Nanlalaki ang matang napatigil ako sa paglalakad. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan nang maalala ang mga sumunod na pangyayari.
But no matter how I convinced myself that there's a chance that it's only a figment of my imagination, he's just an apparition the memories don't lie. I groaned.
"The crown prince was there. Oh my G!" Naiinis na sinabunutan ko ang sarili ko ng maalala na dinaluhan ako ng prinispe nang matutumba ako at ng namanhid ang katawan ko.Sinalo ako nito at nalala ko ang pagkataranta nito ng matumba ako.
"Self, ang shunag mo talaga. Wala ka ng ginawang tama."
Biglang nag init ang katawan ko nang maalala ang mga nangyari, all of it.Magkahalong pagkapahiya at well, kaunting kilig. Okay, 'di lang kaunti gabundok na kilig na sing taas ng Mt.Apo. Bakit naman hindi? I remebered him carrying and scooping me into his arms. May pag aalala din sa boses nito ng tanungin ako kung ayos lang ako.
But the memories stopped right there. Kahit anong pilit kong kalkal, hanggang doon lang ang ang mga eksenang isinu-supply ng utak ko. Beyond that, it's all blank. Zero. Nil. Wala.
And that's what made me nervous. Baka kung anong mga nakakahiyang bagay ang nagawa or nasabi ko.Pero bakit wala kong maalala? Kahit anong piga ko'y wala talaga.Ano bang nangyari? Sabi pa naman nila Donna may kadaldalan ako pag naka inom. Shocks baka kung ano nang nasabi ko.
Nakakahiya sa prinsipe.Ano na lang ang sasabihin at iisipin niya sa 'kin? Na napaka lasinggera ko't iresponsable?
"Agh! Never again.Isinusumpa ko ang alak na 'yan.Di na ko iinom,I swear!"
"Good! Sa'yo na mismo nanggaling bago pa kita pina-ban sa lahat ng club sa bansa."
"Y-your Highness!" Sabay lingon ko sa likod at nahulog ang puso at panga ko nang mabungaran siya.
Nalunok ko yata lahat ng sasabihin ko nang makita siya at bigla kong naitanong ang 'Bakit'?
Bakit wala siyang kasing gwapo kahit na white t-shirt at blue jogger pants lang ang suot niya? Bakit ang hot niya sobra kahit na naka sandal lang siya sa pinto at nakahalukipkip ang mga braso? Bakit ang bango-bango niyang tingnan kahit may ilang butil ng pawis akong nakita sa noo niya? Bakit may bakas ng galit at pag babanta ang tono nito nang bitawan ang mga sinabi kanina? At bakit ako apektado sa mga titig niya palagi?
Bakit 'di na naman ako makapag salita,aber?
"Genessia."
"Y-your Highness,I–ahm. Good morning," dahil wala kong maisipang sabihin I tried the safest, I greeted him and bowed para maitago ang pamumula ng mukha ko. I was not very subtle on getting an eyeful of him and I know that he's aware of it.
"You should be at your bed resting.Hindi 'yung palakad lakad ka na parang trumpo," seryoso pa ding sabi nito.
Dahan-dahan kong inangat ang mga mata ko, nakita kong umalis ito sa pag kakasandal sa pinto. Marahan na lumakad palapit habang hindi inaalis ang mga mata sa akin.He walked with grace, like a Bengal tiger walking towards his precious and stupid prey. Huminto ito ilang hakbang mula sa harap ko.
Ilang na ilang ako sa mga titig nito.Wala kong mabasang kahit na ano sa mga mata nitong nang aarok na para bang inaalam ang kaloob-loban ko.
"Sit," mahina ngunit mariin na utos nito.
Agad akong tumalima at umupo sa gilid ng kama. Inikot ikot ko ang laylayan ng suot kong t-shirt habang ang mga mata ko'y pinako ko sa sapatos niya. Mag panggap tayong ang pinaka interesting na bagay sa mundo ay ang gray Adidas sneakers niya, hindi ang gwapong mukha ng may suot nito.
"If that Gucci could talk,nag reklamo na yan sa pag- torture mo sa kanya," bakas sa boses nito ang pag ka-aliw. "But if that entertains you I have a handful in my closet. Just say the word."
What the f**k? For real I'm wearing Gucci? Jesus. Pero ba't balewala lang sa kanya na masira ko 'to? Tama ba na okay lang kay Prince Liam na pag diskitahan ko ang mga napakamahal niyang damit? But its Gucci. Nabaliw na yata 'tong si Prince Liam.
Oh well, siya nga pala ang crown prince and barya lang sa kanya ang ganitong bagay. But still its Gucci. It's his Gucci. Wait a damn minute. I'm using his shirt!
I'm wearing his T-Shirt!
"Sorry," I bite my lower lips and tried my best to appear small in front of him. Saan ba ko magtatago para malayo sa nakakapasong titig nito.
"For what?"
"T-this mess," nakayuko pa ring tugon ko. "I-i'm really grateful that you're there last night. Thank you so much, Your Royal Highness. But I have so many questions right now na gusto kong masagot.I hope you understand."
I know I should never question him. He's the freaking crown prince and the last thing an ordinary person like me should do was to let him explain to me what happened. Pero siguro dala pa ito ng alak and goodness, I want answers.
Hindi ito umimik kaya't mabilis akong nag angat ng mukha at matapang na sinalubong ang mga mata niya. Nakatayo ito sa harapan ko, ang mga braso ay nasa harapan ng dibdib at di nakaligtas sa hawk-eyed vision ko ang muscles niya na bumakat sa suot niyang t-shirt. Parang biglang uminit ang loob ng kwarto at lalong namula ang mga pisngi ko. Di ko tuloy alam kung saan ko ibabaling ang mga mata. Sa mukha niyang napaka gwapo or sa katawan niyang mas mainit pa sa kape. Bakat ang mga muscles niya sa braso at dibdib.
Hormones, please stop.
"Yes, indeed. First,it wasn't last night.Today's Sunday,Genessia," he smirked and tilt his head to the right. Di ko tuloy alam if ano ang nakikita niyang amusing ang lantaran kong pag-check sa katawan niya or ang sinabi ko.
What? Wait!Friday kami lumabas so it means isang araw akong tulog? Bakit?
"Y-your Highness, 'di ko ho kayo maintindihan."
"You've been roofied last Friday and how would I put it nicely," di nito alam ang sasabihin at kitang kita ko ang pag aalinlangan nito.
"I was drugged and knocked out!" I supplied.
I was shocked at the news.Isang araw ng buhay ko ang wala. I can't remember anything on that day.Its as if buong araw akong may amnesia.
"Yes. You were."
"Oh my God!" Naibulalas ko sabay sapo ko ng mga palad ko sa bibig. My eyes widen in disbelief.
"The club and all its personnel are under investigation now.Even the customers that day," narinig kong sabi ng mahal na prinsipe pero ang utak ko'y pilit pa ring iniintindi ang lahat ng nangyari.
"Did I do something ahm- strange or weird, Your Highness?" Nahihiyang tanong ko ng makabawi. Wala 'kong maalala kaya no better way to find out but to ask kahit pa nangangamatis ang mukha ko sa hiya.
Dapat may maimbento na eject seat or gadget para sa mga kagaya kong habit na ang gumawa ng mga estupidang bagay.Kung meron oorder talaga ko ng sampo para may magamit ako sa mga ganitong pag kakataon.
Ilang segundo na ang lumipas hindi pa rin ito sumasagot kaya nag angat na ko ng tingin at nag tatakang tumingin sa direksyon nito. He's intently eyeing me, a speck of mischief appeared in his onyx eyes that apparently I liked so much. Pero saglit lang iyon at bumalik ang seryosong ekspresyon nito.
"By definition of strange you mean staring at us blankly with your bloodshot eyes, mumbling incoherent words, and visiting the restrooms for God knows how many times cause you'll have to throw up. That kind of strange?"
Genessia, what have you done?
"I—ahm," parang dapat 'ata hingin ko ulit ngayon ang epekto ng gamot para di ako mapahiya ng ganito or malimutan ko na nangyayari ang usapang to in the first place. Agad akong yumuko.
"I'm so sorry, Your Highness. I really am."
"I will not tell you its okay because honestly ayokong isipin mo na ayos lang ang pagiging iresponsable sa pag iinom or pagsasaya.You could have been raped or even worse, Genessia," ang galit na nasa tono niya ay 'di maipagkakaila.
Nag-angat ako ng paningin, hindi nakaligtas sa 'kin ang paniningkit ng mga mata nito. Halos marinig ko rin ang pagtatatgis ng mga ngipin niya.
Napalunok ako't wala sa loob na nakagat ko ang labi.Tama ito. Maaaring malala ang kinasapitan ko kung hindi ito dumating para tulungan ako.
"I don't know what's gotten into you for drinking on that bar alone.You should've come to the VIP room where your friends and colleagues were," galit pa din ito at kung di lang ako shock sa mga pangyayari aakalain kong nag-aalala ito sa 'kin nang sobra.
"I'm really sorry,Your Highness. Hindi na mauulit,"nakayukong hinging paumanhin ko muli sa kanya.
Because what else will I tell him that could appease the obvious anger he has for me and my stupidity. Isa pa, nasa point na ko na gusto kong umiyak. Sa hiya,sa panganib na muntik ko ng sapitin. Iyakin na kung iyakin pero ano bang dapat na reaksyon ko ngayon? Siguro naman acceptable ang maiyak, 'di ba? Alangan namang pumalakpak pa ko sa tuwa habang tumatalon eh muntik na kong pag pyestahan ng kung sinong manyak sa club.
"Just don' t do it again.You make m-all of us worried," him said after few seconds. Nawala na ang galit sa tono nito. Pumalit ang lamyos at hinahon roon.
"I won't,Your Highness.You have my word. Alcohol and bad decisions, they do no good for me," nakangiti kong sabi nang mag angat ng tingin. Pilit kong nilabanan ang mga luhang nag babadya ng tumulo.
He stilled and I caught something in his eyes. Saglit lang iyon but I swear I saw him look at me with fondness.
"Very well then. Fix yourself. I'll wait for you in the dining. I know you're famished."
As if on cue, my stomach made that shameful sound. Nag katitigan kami ni Prince Liam. His eyes teasing me habang ako nag- evolve na sa pagiging isang higanteng kamatis dahil sa pula. Pati ba naman tiyan ko umambag pa sa kahihiyan kong gabundok na.
Napayuko ako't sinapo iyon.
"Nagwawala na yung tiyan ko, Kamahalan," hiyang-hiyang sabi ko habang parang nananadya pa na muling humilab iyon.
Malutong na tawa ng gwapong prinsipe ang narinig ko sa apat na sulok ng kwarto na iyon. Aliw na aliw ito habang ako naman ay kulang na lang magtago sa ilalim ng kama. Pero aaminin ko lalo siyang naging kaakit-akit sa paningin ko. He looked younger and relaxed, I wonder if iilan lang ang nakakakita sa ganitong side ni Kamahalan?
"Priceless."
Tulalang nakatitig lang ako sa kanya habang cool na cool na inilalagay nito sa bulsa ng pants ang mga kamay. Why I find that act so damn hot?
"Meet me at the dining after 15 minutes."
Tumalikod na ito bago pa ko makasagot o makapag-bow man lang. Pahamak na tiyan 'to. Pero nagugutom na talaga ko anong gagawin ko?
Matapos makapag bihis, lumabas ako ng kwarto para mag punta sa dining room na sinasabi ng mahal na prinsipe. May naka abang na isang royal maid sa labas ng pinto kung kaya hindi ko na kailangang mag tanong pa ng direksyon.
Nasa Grand Palace ng ako na kahit sa panaginip never kong naimagine na mapupuntahan ko.If my memory serves me right nasa may kaliwang bahagi kami ng palace kung saan naroon ang tirahan ng crown pirnce at ng kapatid nito. Ilang pasilyo ang dinaanan namin bago huminto si Lorna sa tapat ng isang mataas at floor to ceiling na mahogany door. Ipinagbukas ako nito ng pinto at sinabihan mag antay. Kahit tulala ako sa sobrang ganda ng silid, nakuha kong magpasalamat sa babae bago ito tuluyang umalis.
Bumungad sa kin ang isang luxurious french style dining room befitting a royal. The walls were lacquered blue giving the classic and masculine vibe. Silver ceiling, antique chandelier, and velvet upholstery complete the fancy look. Isang naka black suit na lalake ang lumapit sa kin at nag pakilalang si Gerald, I found out that he's one of the two butlers of the crown prince.
"This way Miss, Prince Liam will join you momentarily," magalang nitong sabi at pinag hila ako ng isang silya.
The impressive table settings greeted me. Para akong kakain sa isang fine dining restaurant sa mga plato at kubyertos na nasa harap ko. I swallowed when I spotted that the cutlery was made of gold. Ipupusta ko ang buhay ko, totoong ginto iyon. Naipilig ko ang ulo ko, I'm overwhelmed with the vast wealth of the Royal Family.
Ilang saglit nga'y dumating si Prince Liam. Agad akong tumayo mula sa pag kakaupo at hinintay itong makapag-settle sa pwesto nito sa kabisera.The table is good for twelve people and I'm seating on his right.
"Sit," he ordered without sparing me a glance.
I oblige, sunking on my seat in the most demure way could muster. Agad na sinerve sa 'min ni Gerald ang mga pagkain katulong ang isa pang royal maid.
There are various types of breads,spreads and great amount of food na sobra para sa ming dalawa.Tahimik akong kumuha ng tinapay at kumain. 'Di ko maipaliwanang ang gutom na nararamdaman ko nang mga oras na 'yon.
I'm no heavy breakfast eater. Kape at isang tinapay lang solve na 'ko pero ngayon mukhang mauubos ko ang waffle na inilagay sa ni Gerald sa harap ko bukod pa sa bacon and eggs na tahimik ko nang nai-deposit kanina sa tiyan ko.
Tahimik kong pinag mamasdan sa gilid ng mga mata ko ang prinsipe. He's holding a morning paper, sipping his coffee while sporting that serious look I'm now quite as his default expression. His thick brows were drawn togather as he peruse the paper. May ilang beses na nakita ko itong minasahe ng hintuturo ang gilid ng noo nito habang hindi inaalis ang mga mata sa binabasa.
Nakaramdam ako ng pagka-ilang. Ibinaba ko ang hawak na kubyertos at inabot ang tasa.
"You don't like the food? We can tell the chef to cook something of your liking."
Nagulat ako nang marinig ang boses nito't malingunan na nakatitig ito s a'kin. Concern was written on his patrician profile.
"No, Your Highness. The food were great. I love all of them especially the waffles. It's to die for," matapat na sabi ko't ngumiti ng matamis bago tahimik na inilapag ang tasa ng kape.
"Mabuti naman kung ganoon. The chef will be pleased."
"You haven't eaten yet, Your Highness."
Huli na para mabawi ko ang sinabi. Alanganin akong tumingin rito, waiting to be reprimanded but it never came. He eyed me with that amused look, the tip of his sexy mouth was tugged upward. Is he smiling now?
"I'm cutting my carbs, Genessia. Besides, I seldom take my breakfast. Two cups of coffee, I'm good."
"Oh. You should try some croissant or sandwich on the side, Your Highness."
"I'll keep that in mind," kinuha nito ang tablet na nakalagay sa kanan at tahimik na sumimsim ng kape habang ako'y 'di mapakali sa kinauupuan.
Kanina ko pa gustong itanong ang bagay na gumugulo sa isip ko pero hindi ko alam paano sisimulan. Mukhang seryoso pa naman ang prinsipe sa kung anumang nakasulat sa tablet nito.
"What is it, Genessia?" Nagulat ako ng bigla itong mag salita habang ang mga mata'y nasa binabasa pa din nito.
I swallow to keep the nerves at bay. Steeling my back, I clasped my hands on my lap and met his smoldering gaze.
"Ahm..I just want to ask if saan 'yung mga gamit ko,Your Highness.I need to call my parents. Uuwi kasi ako dapat ng weekend sa bahay namin and for sure nag aalala na sila sa 'kin."
"Jaques will bring them later here.Don't worry about your parents. They know you were on an emergency trip kaya hindi ka nakauwi ng weekend. Your friend Donna was well aware of what happened at the club. I guess we got you covered," he smiled at me and arched his right eyebrows. Dahilan para mag rebolusyon ang puso ko at nalunok ko na naman 'ata nag dila ko ng wala sa oras.
"T-thank you, Your Highness."
"Sumama ka kay V later, he will take you to the Infirmary for your check-up. The drugs should be out of your system by now."
I nod and cleared my throat.
" I'm really grateful na dumating kayo nung gabing iyon, Prince Liam. I don't know if I can ever repay your kindness."
"You can and you will," balewalang inabot nito sa kin ang isang sobre na may sealed ng Office of the Crown Prince.
"Ho?"
"That's your official appointment as my Special Royal Aide. You'll start tomorrow."
Ano raw? Special Royal Aide niya? I will be working for him simula bukas? Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa prinsipe bago tinapunan ng tingin ang sobrang inilapag niya sa harapan ko. Nanginginig ang mga kamay na inabot ko iyon at binuksan.
It was there, written on a white paper. s**t. My life literally turned 180 now. From being drugged to being promoted as His Royal Highness' Special Royal Aide. Di ko alam kung saan ako mas nagulat, the former or the latter?
"T-thank you,Your Highness. I really don't know what to say right now," sa kawalan ng masabi ay yon ang napili kong bigkasin. I can't construct my thoughts right now masyadong pagod pang lutang ang utak ko sa mga sunod-sunod na pangyayari.
"Understandable.Don't thank me,yet. The job is very demanding and I expect you to give your best," seryoso ang ekspresyon ng mga mata nitong sabi sa kin bago marahang itinulak ang upuan. Tumayo ito kaya't napilitan din akong tumayo.
"I will, Sir. Thank you."
He waved his hand and give my plate a pointed look.
"Continue with your breakfast."
Ang dami kong gustong itanong pa sa kanya tungkol sa bago kong work. Bakit ako? Sinong nag- recommend sa 'kin and all the stuff. But I stopped him and chose to asked the question na kanina pa gumugulo sa utak ko.
"Your Highness."
Naka ilang hakbang na ito papunta sa pinto. He halted and turned to face me. Nasa mukha ang pag tataka.
"I just want to ask.S-sino po ang nag bihis sa 'k-kin?" kagat labi 'kong tanong.
His eyes light up, they're smiling while looking at me.
"Don't worry Genessia. I suppose I'm a gentleman and a scholar. T'was Mildred."
Isang 'O' lang ang naisagot ko kay Kamahalan.
"I'll see you tomorrow."