LUNES. Hindi pa sumisikat ang araw ay nakasakay na ako sa isang bus papuntang probinsya. Sa wakas, makakabalik na ulit ako. Wearing a black hoodie, a black spaghetti strap beneath and I also paired it with black converse. Nagmukha tuloy akong baddie sa aking soot ngayon. But I couldn't care less, gusto ko naman ang soot ko ngayon. Ganda ko kaya.
Isinalpak ko ang aking earphones at nagpatugtog upang maaliw. Napakalamig pa ng simoy ng hangin kahit na may soot akong jacket.
Napayakap tuloy ako sa sarili at pumikit na lang.
Naalimpungatan na lang ako ng matamaan ako ng sinag ng araw. Pagtingin ko sa sinage ay nasa syodad pa lang kami. Siguro, maghihintay muna ako ng isang oras at kalahati upang makarating doon. Pumuslit ako ng tingin sa relong pambisig ko at tumingin sa oras, alas nuwebe pa lang.
Dahil huminto ang bus, mariming pasahero ang sumakay. Isa na roon sa namataan ko mula sa bintana ang isang lalaki na sa tingin ko'y nasa kolehiyo na, kaedad ko lang din. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nasa harapan ko na siya.
"Hi? Puwede maki-upo?" tumango lang ako at ibinalik ang tingin sa labas. Naramdaman kong umandar ulit ang bus at bumalik na rin ako sa pakikinig ng mga kanta sa playlist ko.
Hindi ko namalayan na tinangay pala ako ng antok. Nagising na lang akong nasa balikat na ng katabi ko iyong ulo ko. Hala!
"Sorry, sorry!!" Paghingi ko pa ng paumanhin. Ngumiti lang siya sa akin. "Okay lang, no harm done. Hindi ka naman mabigat."
Dahil sa pagkahiya ko ay ngumiti lang ako ng hilaw sa kaniya at napakamot ng ulo. Ano ba iyan! Tahimik kong pinangaralan ang sarili ko. Napakatulog-mantika kasi eh!
Pumara na iyong lalaki sa tapat ng isang unibersidad. Napatingin na lang ako sa likod niyang papalayo sa akin. Nang lumingon siya ay nanlaki pa iyong mata ko at dali-daling umiwas ng tingin. In my peripheral vision, I saw him grin at me. Sh*t naman oh! Ba't ko ba kasi siya tinititigan?!
Nagpatuloy ang byahe at hindi na ako dinalaw ng antok. Nire-reflect ko pa kasi iyong katangahan ko. Hanggang sa nakarating na nga ako at akmang bababa ng may napansin akong sticky note na nakalagay sa inuupuan ng lalaki kanina.
"Ayoko pang magka-anak pero gusto kitang maging baby." Nanlaki iyong mata ko at namula. Kapal! Dali-dali kong kinuha ang sticky note at bumaba na ng bus.
Isang old medieval church naman ang bumungad sa akin. Nanumbalik naman iyong mga memories ko sa simbahang ito. Pumunta ako sa harap at nag-sign of the cross.
Pinakatitigin ko muna ng mabuti at umalis na. Sumakay ako ng tricycle at sinabi sa driver kung saang bayan ako bababa.
Isang tahimik at puro bahay kubong lugar naman ang sumalubong sa akin. Iyong dating walang masyadong kabahayan ay nagbago na. Pero, naroon pa rin iyong vibe na miss na miss ko.
I inhale deeply and close my eyes. A smile appeared on my lips. "Welcome back!" I said to myself and starts to walk the path that I missed.
Gabi na ng natapos ako sa paglilinis ng bahay. Para akong lantang gulay na humilata sa kawayang sahig ng lumang bahay namin.
Nakatitig lang ako sa bubong ng kubo.
"Kapagod," nasabi ko na lang. Naisipan ko namang mag-star gazing kaya pumasok ako sa kwarto ay kumuha ng blanket, earphones at nagjacket ako upang hindi lamokin. Kaunting awang pa lang ng pinto ay para na akong mangingisay sa lamig. I hug myself even more and open the door fully. Sumalubong naman sa akin ang katahimikan.
Naglatag ako ng blanket ng makaupo ako sa Bermuda grass. I set them all and lay down there, looking at the stars twinkling above. A smile appeared on my lips. Finally, I'm home.
* * *
Hindi niya alam kung saan siya madudurog. Kay Lyrae ba na nakayakap sa isang lalaki o makita itong umiiyak. Natuod lang siya sa kinatatayuan at unti-unting nawawasak ang kaniyang puso. Sa isip ni Eman ay gusto niyang lapitan ito ngunit mayroong pumipigil sa kaniya.
Nang bumitaw na si Lyrae at nagpaalam itong umalis ay nagsimula na itong maglakad palayo. Pero, kung kanina ay nasaktan siya. . . ngayon naman ay mas nasaktan pa siya. Nakita niya kasing tumakbo papalapit sa dalaga ang isang estranghero at niyakap ulit ito ng mahigpit. Nakita rin niya ang paghalik nito sa noo.
"Huli na ba ako?" Natanong na lang niya sa sarili. Nang bumitaw ito ay hindi na niya natiis na pagmasdan ang dalawa at umalis na siya. Pakiramdam niya ay siya iyong talo. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.
Napatawa na lang siya ng malungkot at tumingala. "Kung kailan ko siya nahanap saka naman may um-eksena. Pero, hindi ibig sabihin na susuko ako."
Lumingon ulit siya at nakita niya ang paglingon ng estranghero sa kaniya. "Hindi ko hahayaan na masayang lahat ng pagod ko kakahanap. Kung may dayaan mang magaganap ay makikipaglaro ako. May the best man win."
Pagkauwi niya ay hindi na siya kumain ng haponan. Masyadong mabigat ang loob niya at nawawalan siya ng gana na kumain.
Sa kabilang dako naman ay bumungad ang ina ni Lyrae pagkapasok niya ng bahay. Akmang magtatanong sana ito ng nilagpasan niya lang ito gaya ng nakasanayan niya.
Bumagsak ang balikat ng ina nito at bumuntong hininga na lang sa inasta ng anak. Gayong alam niyang kailangan niyang intindihin ang anak ay hindi niya pa rin maiwasang nasaktan sa inasta nito. Her mother let a painful sigh at niligpit na lang ang mga pagkain na nakahanda.
Sa isip niya ay deserve naman niya na ganoon ang turing ng anak sa kaniya dahil nasaktan naman niya ito. Kung tutuosin ay halos hindi na niya mabilang ang kasalanan niya dito.
Unti-unting tumulo ang mga luha nito at napahikbi. Tinakpan niya gamit ng kaniyang kamay ang bibig upang hindi umalpas ang kaniyang boses at marinig ng anak. Humawak siya sa lamesa upang doon kumuha ng suporta. Hindi na niya nakayanan at dahan-dahan siyang napadaosdos.
"Patawanin mo ang nanay anak," piping saad niya na puno ng pagsisisi. "Patawad kasi hindi manlang kita nabigyan ng halaga."
Mas lalo lang itong napaiyak. "Wala akong kwentang ina, napaka-selfish ko."
* * *
Araw, linggo hanggang naging buwan na para bang kay bilis lang nangyari. Sa bawat pag-ikot ng oras ay ganoon din kabilis na nagbago ang kaniyang pisikal na anyo. Hindi man aminin ng dalaga ngunit alam niyang may mali sa kaniya. Alam niyang may dinadamdam siyang sakit. Araw ngayon ng linggo at inimbitahan siya ni Eman na magsimba.
Soot ang isang floral dress na bigay ni Eman ay nagsoot din siya ng isang matchy na doll shoes. She let her blonde shiny hair to fall down and put a cute hairpin in the left side. Nagsoot din siya ng isang shoulder bag at isinilid ang mga importanteng dadalhin niya gaya na lang ng cellphone, pera at ibang necessities na ginagamit ng babae.
Pagkatapos niya ay pinatay na niya ang ilaw sa kaniyang kwarto at umalis ng bahay. She lock thier house and also the gate. Isang matamis na ngiti naman ang bumungad sa kaniya pagkatapos niyang magsara.
Isang Eman Jestin Fabiano ang nasa harapan niya na gwapong-gwapo sa soot nitong matchy sa soot niya. Kung aakalain ay para silang mag-jowa sa soot.
Napatawa na lang si Lyrae.
"Wow, matchy na matchy ah! Hindi halatang plinano mo 'to," Eman chuckled at lumapit ito sa dalaga. Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang halos ilang taon silang hindi nagkita. Well, they haven't meet for almost half of the month, kaya ganoon na lang ang pagka-miss niya.
"I miss you," saad nito. Lyrae hug him back and smile genuinely. "Miss din kita."
Biglang dumaan sa kanilang harapan si Along Fe na may tinging puno ng malisya. Palipat-lipat lang ito ng tingin sa dalawa kapugkawan ay nagsalita ito.
"Gwapo ng boyfriend mo Lyrae! Alam ba niyan na madami kang lalaki bukod sa kaniya?" Saad pa nito na para bang may katotohanan lahat. Umalis sa pagkatapos si Lyrae at hinarap ang walang mudong ginang.
Matamis siyang ngumiti. "Wala po akong lalaki Aling Fe kung iyan ang inaalala mo. Hindi naman kasi ako gaya niyo na kung sino-sino lang," mas lalo pang lumawak ang ngiti ng dalaga at kunwari'y inosente siya sa sinabi. "Sorry po ah, pero wala sa lahi namin ang malalandi eh!"
Pulang-pula namang umalis si Fe. Natawa na lang ang dalaga maging si Eman. Inakbayan siya nito at napa-iling na lang. "Her face is priceless, prttf!" Sabay pa silang nag-apir at nilisan ang lugar.
"Tara na nga!"
Pagkarating nila sa simbahan ay kaunti pa lang ang tao sa loob. Hinawakan ni Eman ang kamay niya at pumunta sila sa may gitnang bahagi ng simbahan at doon umupo. May mga ginang na sinundan talaga sila ng tingin at napabulong pa.
"Tingnan mo nga naman mare, bagay na bagay silang dalawa ano?" Namula ang dalaga at akmang aalisin niya ang pagka-hawak ng binata ng pigilan siya nito.
Napalabi na lang siya at napayuko. "Eman naman eh! Nakakahiya, nasa simbahan pa naman tayo." Tumawa lang si Eman at tumingin sa paligid. "Asus, nahihiya si baby girl!"
"Eman!" Mas lalong namula ang dalaga. Pinandilatan siya nito ng mata. Mas lalo lang itong napangiti na nakatitig sa kaniya.
"Oo na, heto na po titigil na."
Hudyat naman na magsisimula na ang misa kaya umayos na silang dalawa.
Nang matapos ay nagpa-iwan muna sila saglit sa loob. Nakatitig sila sa isang malaking krus habang nag-iisip ng mga bagay-bagay. Lumingon si Eman sa dalaga at nagtanong.
"Kanina ko pa napapansin na sobrang seryoso ka sa dinadasal mo, may I ask what you ask from God?" Lyrae just replied without looking at him.
"Wala lang naman. Simple lang ang hiling ko," she look at Eman and smile a little. "I just prayed that God give me strength to do my task." Eman's brow knitted with her statement.
"What do you mean by that?" Umiling-iling ang dalaga. "Wala. . .wala."
Eman grab her hand. Napatingin na lang ang dalaga dito. "Lyrae I know you. Ano nga?" She blew a breath and spoke.
"May mga gusto kasi akong gawin, iyong hindi ko pa nata-try. Kasi 'di ba, masyadong boring ang buhay ko kaya gusto ko na maranasan naman iyong 'di ko pa nararanasan." Binalik ng dalaga iyong tingin niya sa malaking krus.
"Wala kasi akong lakas ng loob kaya iyon ang ipinagdarasal ko."
"Allow me to be your strength then," saad pa ni Eman. Ngumiti lang ang dalaga. Sa isip ng dalaga ay naisip niya na kahit na nandiyan si Eman para sa kaniya ay alam niya ang limitasyon niya. She can't just let someone, lalo na ang lalaki.
After they have that conversation in the church they headed to park near the church and take thier time. Bihira na lang silang magkita lalo na at busy si Eman sa pag-aaral. Eman was a industrial engineering student at sobrang hectic ng schedule nito. Kaya habang may oras ang dalawa ay sinusulit nila ang mga minutong magkasama sila.
They eat and enjoy the entire day together hanggang sa ginabi na silang dalawa.
"Ganda ng nga bituin 'no?" Lyrae ask while looking at the stars above. Eman just look at her and stare at her with full of love. "Yes, sobrang ganda." Saad pa nito.
Lyrae smiled sadly. "What if one day I'll become one of those stars in the sky?" Mahinang saad niya. Eman just laugh a little before he replied her.
"You can't because you're not going to die."
'Iyon ang akala mo.' Saad ng dalaga sa isip. She knows it very well but she didn't have any confirmation from it.
Eman hold her hand kaya napatingin siya dito. "Lyrae, alam kong mahirap ang sitwasyon mo kaya gusto ko na lagi akong nandiyan sa tabi mo. . ."
"Hindi puwede."
"Bakit hindi?" Wala itong nakuha na sagot.
"Lyrae, wala namang kaso sa akin iyon kasi mahalaga ka sa akin. Allow me to be your strength, your source of smile and also to be part of your life. Allow me to love you, Lyrae."
Umiwas ng tingin ang dalaga. Deep inside of her telling that she wants to agree but, she just can't because she might end up hurting him.
Lalo na ngayong alam niyang hindi siya magtatagal sa mundong ito. She doesn't want to broke his heart. He's important to her and she's scared that one day she will end up hurting the man he loves the most.
'How can I make you to be my strength when God already made a plot twist of my life.'