CHAPTER 3

1737 Words
AN: Ang lahat ng mga mababasa niyo rito ay pawang mga imahinasyon ko lang, maaaring may pagkakahawig sa mga ibang palabas. Ngunit ginawan ko ito ng sariling panlasa ko, makakabasa rin kayo ng mga hindi kaaya-ayang mga words;) _____________________________________________________ JESSY P.O.V Mag-isa na lang ako ngayon dito sa malaking kuwarto. Habang nakahiga ako sa malambot na kama, hindi ko maiwasan na hindi kabahan at matakot dahil sa ang dating may-ari nito 'ay patay na. Ano kaya ang kinamatay niya?  Sa pag-iisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod na rin. Nagising ako sa mahinang katok na narinig ko, nagpalinga-linga pa ako dahil akala ko panaginip lang na nandirito pala ako. Tumayo ako at binuksan ang pintuan nakangiting mukha ni Eveth ang nabungaran ko. "Halika, kain na tayo." ngiting aya niya sa akin. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa tinawag pa niya ako. Napansin ko sa may bintana sa baba na maliwanag na pala dahil sa kurtina na bahagyang nililipad-lipad dulot ng hangin na mula sa labas. "S-salamat," nahihiyang sagot ko. "Sige, baba ka na lang ha." salita pa nito at iniwan niya na ako, narinig ko na lang ang yabag ng mga paa niya pababa. Bumalik ako sa loob at naghanap ng puwede kong masuot, hinanap ng mata ko ang lagayan ng damit hanggang sa mapadako ang mata ko sa isang malaking cabinet na yari sa narra. May pintura itong kulay maroon at may salamin sa may gilid. Lumapit ako dito at dahang-dahan na binuksan ito, bungad sa akin ang napakadaming iba't-ibang klase nang damit pambabae. Pansin ko na parang kasukat lang sa akin ang lahat ng damit, naghanap ang mata ko ng isang simpleng damit lang. Hanggang sa may makita ako'ng pajama at puting t-shirt, agad ko itong sinuot. Pati ang bra at undies ginamit ko na, mamaya na lang ako maglilinis ng katawan dahil sa nakakahiya naman sa naghihintay sa akin. Dahan-dahan na bumaba ako at narinig ko agad ang kwentuhan ng mga babae habang nagtutunugan ang mga hawak nilang kubyertos. Hinanap ko kung saan 'yon banda nakita ko naman agad, atubili man ang pagpasok dahil sa naiilang pa ako sa kanila nagtuloy na rin ako. "Oh, 'yung prinsesa nandito na pala." pambungad na salita ni Danica sa akin kaya natigilan ako. "Danica, puwede ba huwag ka ngang ganyan sa kanya," saway ni Eveth sa kanya. "Ano bang pakialam ko sa kan'ya?" nakaangat ang kilay na sagot nito. "At isa pa, wala kang sariling katulong dito para may mang gising sayo lagi," nakaangat muli ang kilay na litanya nito. Nagpanting naman ang tenga ko sa pinagsasabi nito sa akin dahil kagabi pa lang iba na talaga ang pakiramdam nito sa akin. "Ano ba problema mo sa akin? Kagabi ka pa ah, bakit ang init-init ng dugo mo sa akin?" hindi ko na napigilan na hindi magsalita. "Mainit talaga dugo ko sayo, at ayoko sa'yo!" mariin na sagot niya. "Pwede ba na sa harap tayo ng pagkain," salita naman no'ng isang babae. Lima kaming babae ngayon dito. Bukod sa dalawang katulong na nandito na busy sa kanilang ginagawa. "Puwes! Mas lalong ayoko sa'yo, alam mo kumain ka na lang diyan baka mabulunan ka pa." Inis na wika ko, tinapik naman ako ni Eveth na maupo na, masamang tinitingnan ako ni Danica pero hinayaan ko na lang siya. Matapos namin kumain kanya-kanyang puwesto ang iba sa sala dito sa may malaking tv. Nanonood sila nang movie habang may mga hawak na cellphone. Katabi ko naman si Eveth dito sa kabilang sopa at nakikiramdam lang ako sa kanila ok naman ang tatlong babae dito bukod lang 'kay Danica na maldita talaga ang dating simula kagabi palang. Mayamaya'y may narinig kaming tunog ng sa sakyan biglang tumayo si Eveth at lumakad papunta sa may bintana, sinilip nito kung sino ang dumating. "Si, Garry." bigkas ni Eveth muli siyang naupo sa tabi ko at umayos naman ang iba ng upo. Bumababa naman si Danica galing sa second floor hanggang sa makita namin si Garry at ang dalawang lalaki pa na kasama nito. Lumapit sila sa amin. "Magbihis kayo sasama kayo sa amin ngayon, utos ni boss." yun lang ang sinabi ni Garry. Nagkanya-kanyang takbuhan sila taas. Inaya naman ako ni Eveth. "Ito pala pinabibigay ni boss." napaharap naman kami ulit ni Eveth 'kay Garry na may iniabot. Isang malaking plastik na maganda at mukhang may malaking kahon sa loob nito. Nagtataka na tiningnan ko si Garry. "S-sa akin ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko at tumango si Garry at inabot sa akin ang plastik. Dahan-dahan ko itong inabot at sabay tumalikod at hindi ko na sinilip ang laman nito. "Cellphone siguro 'yan at laptop." napalingon ako kay Eveth sa sinabi niya. "Lahat kami binigyan 'din ng ganyan ni boss, para raw may libangan kami kapag walang laban pero cellphone lang." nakangiting wika ni Eveth. Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako sumagot, umakyat na ako sa pangatlong palapag at pumasok sa kuwarto. Naghanap ako ng masusuot ko dahil may lakad pala, Sa totoo lang ayoko sanang suotin ang mga damit na nandito dahil nga sa alam ko na patay na ang may-ari pero no choice ako kaya kailangan ko gamitin. Isang pantalon na jeans ang sinuot ko, tapos sando na itim pinatungan ko ng malambot na jacket. Namili rin ako sa mga sapatos at sandals na nandito ngayon, mas pinili ko ang skechers na sapatos. Lumabas na ako agad matapos kong maitali ang buhok ko paitaas. Magkakasabay na nagbabaan kami sa hagdan. Pansin ko ang mga kasuotan nila dahil all black na leather ang suot nila, over all at nakabukas ito hangang dibdib nila. Kaya naman lumutang ang kaseksihan nila, at mga buhok nila na nakapusod pa itaas. "Meron ka rin ganitong uniform, ibibigay sa'yo ni boss," sambit ni Eveth ng tapikin ako bago kami magbabaan. Patungo sa labas nang bahay may nakita akong malaking ban na puti, marahil ito ang sasakyan naming lahat. Isa-isang nagpasukan ang mga kasama ko, sumunod na rin akong pumasok sa loob. Saan kaya kami pupunta? Bakit parang bumilis ang pintig ng puso ko? Habang na sa biyahe tahimik lang kami at kahit isa walang nagbalak na magsalita. Seryoso silang lahat kaya tumingin nalang ako sa labas bawat madaanan namin na mga lugar. Isang oras rin marahil kami sa biyahe at ngayon ko lang napansin na nakahinto kami sa malaking at mataas na gate. Pansin ko sa paligid na walang katao-tao at iilan lang rin ang mga bahay dito. Pumasok ang sasakyan namin at ng bumukas ang gate, diretso pababa sa parang underground siya. Madilim ang dinaanan namin pero biglang lumiwanag ito pagdating sa may dulo. Marami akong sasakyan na nakikita at karamihan mukhang mamahalin at mga bago pa. Nagbabaan kaming lahat sinundan namin si Garry sa pinasukan niyang pintuan. Dinikitan ako ni Eveth. "Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong nito sa akin. "Jessy," sagot ko sa kanya. "Ah, Jessy. Alam kung magugulat ka sa makikita mo pero totoo itong mga masasaksihan mo. Huwag ka sanang panghinaan ng loob," seryosong sambit ni Eveth. Nagtaka naman ako at nakaramdam ng kakaiba pero hinayaan ko na lang. Pagpasok namin sa pinaka-loob bigla ang salakay ng kaba sa dibdib ko dahil sa sari't-saring sigawan nang mga lalaki ang mga naririnig ko pagkaliko namin sa may dulo ng pasilyo. Dito ako natigilan at halos matulala ako parang katulad sa mga napapanood ko sa mga movie na may parang malaking kulungan sa may gitna, may mga kandado ang paligid at may dalawang babae sa loob na naglalaban at sugutan na ang isa. You will be one of my fighters Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Boss Ahraw. Ito ba ang ibig sabihin niya? Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, tumingala ako sa itaas nagtama ang mata namin ni, Boss Ahraw. Nandirito pala siya gunit nagyuko rin ako agad dahil napansin ko na marami siyang katabi na mga lalaki na mukhang mga mayayaman. May mga babae rin kandong ang ilan sa kanila, dito naman sa baba puro kalalakihan at may mga katabi silang mga seksing mga babae. "Jessy, tara dito tayo," tapik sa akin ni Eveth. "Oh, here are the lovely ladies of Mr. Smith." nagpalakpakan ang mga taong nandito dahil sa isang lalaki na nasalita gamit ang mikropono. Kami ata ang tinutukoy nang nagsasalita sa mic, pero hindi ko makita kung nasaan 'yung nagsasalita marahil nakatago ito. "Do not look for me, beautiful lady. Because when you see me, you will be in love with me." tumawa naman ang nasa mikropono matapos itong sabihin. Nagulat naman ako dahil alam pala niyang hinahanap siya ng mata ko. Nasaan ka siya banda? Pasimply na naghanap ang mata ko. "Jessy, ganyan ang gagawin o ginagawa namin. Gagawin mo rin yan sa ayaw at gusto mo." seryoso salita ni Eveth sa akin magkatabi kasi kami. "Panoorin mong mabuti kung paano ang laban dito at kung paano ang rules nila," pagpapaliwanag ni Eveth. Napatingin ako sa dalawang babae na nag-aagawan sa kutsilyo? Bakit may kutsilyo? Nawala sa isip ko ang tanong na 'yon nang mahawakan na ng babae ang kutsilyo. Umikot ito at hinawakan sa leeg ang isang babae, napayuko ako sa kaawa-awang itsura nang kalaban nito. Muli akong tumingin sa kanila at dito nakita ko ang babaeng may hawak na kutsilyo at tumingala ito sa itaas. Sinundan ko ang tinitingnan niya, katabi ni Boss Ahraw 'yung matanda sumenyas sa babae gamit ang kanang kamay papunta sa leeg. Ibig sabihin patayin. Ano? P-papatayin niya? Hindi ako makapaniwala sa nangyari, tulala ako sa nakita ko na biglang ginilitan ng leeg nitong babaeng may hawak na kutsilyo 'yung babae na halos nakapikit na. B-bakit pinatay? "Ganyan ang mangyayari sa atin, kapag desisyon ng may hawak sayo na patayin mo ang kalaban mo kailangan mong sundin. 'Yun kung mananalo ka, swerte mo kung hahayaan ka nilang mabuhay pa." parang wala lang na paliwanag ni Eveth. Hindi ako makapagsalita sa mga nakikita at naririnig ko, hindi ko na sinulyapang muli ang nangyari sa pagitan nang dalawang naglaban. "And the winner is nothing but is.... URSULA!" umalingaw-lingaw ang tinig ng lalaki sa mikropono. Pati ang mga lalaki na sinisigaw ang ang pangalan nang babae. "Paano kung matalo ka? Pero hindi ka pinatay. May parusa ba?" hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. "May parusa," sagot nito kaya natahimik ako. "Mamimili ka lang sa dalawa. SARAP O HIRAP." sagot nito na parang wala lang ulit. Napatingin ako kay Eveth na naguguluhan. Anong klaseng sarap? Kasi kung hirap, malamang pahihirapan ka. At kung sarap naman katulad ng alam ko sa isang frat, 'yung sarap na sinabi. Makikipag-s*x ka. ++++++++++ Black_Moon301
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD