CHAPTER 2

1718 Words
WARNING! Naglalaman ito ng may karahasan o di angkop sa mga batang mambabasa. Huwag mag-aalala hindi naman super hard. _______________________________________________________ Jessy P.O.V "Wohoo! Jackpot pala natin Fred. Totoong babae ang nakuha natin," salita nitong isa na kasama no'ng Fred. Habang hawak ako sa braso nito. "Parang awa niyo na, pakawalan niyo na ako. Maawa kayo sa akin," patuloy na pagmamakaawa ko at dito nawala na ang tapang ko. Dahil alam kong hindi maganda ang balak nila sa akin. Totoong babae ako at tinatago ko lang ang sarili ko sa pagiging lalaki. Dahil sa maraming nagbalak ng masama sa akin noon. "Ngayon pa ba? Alam namin na babae ka pala?" ngising aso na sagot nitong si Fred. Hinatak nila ako at hiniga sa ibabaw nang lamesa na maraming baraha ang nagkalat at mga barya. "Wow! Makakatikim na naman kami ng sariwang ulam," parang gutom na gutom na wika nitong lalaki na nasa-uluhan ko. Bumangon ako at pinagsisipa ko ang bawat humawak sa hita ko. Kahit pa alam ko naman na wala akong laban sa kanila dahil ang dami nila, natanggal na ang suot ko na sumbrero kaya lumagay ang lagpas balikat ko na buhok. "Lumalaban pare masarap 'yan," natatawang salita pa nang isa. Hiniga nila ulit ako at hinatak ang suot ko na pantalon. Nag-ungulan sila na parang aso ulol, dito na nag-umpisang pumatak ang mga luha ko sa mata dahil sa nangyayari sa akin ngayon. "H-huwag... P-parang niyo nang a-awa," paos ang tinig na pagmamakaawa ko at pilit kong hinahatak ang mga kamay at paa ko dito sa mga lalaki. Habang ang iba walang ginawa kundi ang himasin ang binti at hita ko. Hanggang sa sirain na nila ang suot kong t-shirt, tumambad sa kanila ang lumang bra na suot ko na halos mamutok doon ang dibdib ko. Lalo naman silang naghiyawan nang tumambad ito. Tulungan niyo po ako... Sambit ko sa isipan ko habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko sila kaya dahil ang dami nila, at puro lalaki sila. Kahit pa sana'y akong lumaban doon sa lugar kung saan ako namuhay, hindi ko pa rin sila kaya dahil babae pa rin ako. Hanggang sa natigilan ang lahat sa bigalaan na pagbukas ng pinto, napalingon ang lahat sa dumating at bakas sa mukha nila ang pagkagulat. Dito ako unti-unting bumangon may isang lalaki na nakatayo sa pintuan at nakatingin siya sa lahat. "Garry, ikaw pala," bati agad nitong si Fred na kumuha sa akin kanina. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Pagpapatuloy na tanong nito. Pero hindi sumagot itong sinasabi na Garry. "Mabuti pa si boss ang harapin niyo," sagot nito, napaatras naman ang ilan nang marinig mula 'kay Garry ang sinabi nitong boss. Tahimik na nagmamasid ako dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari ngayon, at kung sino itong bagong dating. May isa ulit na pumasok na lalaki at naka-sumbrerong itim na may sigarilyo na nakasalpak sa bibig. Hindi ko gaano makita ang kanyang mukha dahil sa may kadiliman dito, pero matangkad siya at dama ko ang nakakatakot niyang personalidad. Mukhang mayaman siya dahil sa kanyang kasuotan na black suit.  "B-boss, AHRAW. I-ikaw pala," kandautal na bigkas ni Fred. Dito na humarap itong tinatawag nilang AHRAW, kaya malaya ko na itong napagmasdan mula dito sa kinauupuan ko na lamesa. Matapang ang kanyang anyo at matangos ang kanyang ilong. Ang mga mata nito na nanlilisik sa mga lalaki na mga nakayuko ngayon. Gumala ang mata nito sa kabuuan dito sa loob, lahat ng mga lalaki dito ay umiiwas nang tingin sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa mapadako ang mata niya sa akin, sandaling pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Muli niyang inalis ang paningin sa akin at binaling sa mga lalakeng nandito, lalo na dito sa kumuha sa akin na si Fred. "TANGINA NIYONG LAHAT! NAGPAPAKASAYA KAYO DITO, MATAPOS PUMALPAK ANG PLANO AT INUTOS KO SA INYO!" Nanlilisik ang mga matang simula nitong salita. Pati ako tinatalaban sa salitang binitawan nito at nakaramdam ako ng kaba at pagkatakot sa dibdib. "Boss, pasensiya na. Hindi na mauulit at isa---" Nanlaki na lang ang mata ko nang biglang bumagsak itong si Fred sa simento. Butas ang noo nito dahil sa binaril ito, sindak rin ang iba pa sa nasaksihan nila ang iba naman ay mga napaatras. "Mga gago kayo! Tularan niyo ang ginawa ni, Fred. Isusunod ko kayong lahat," marahas na napabuga ito nang usok at binitiwan ang sigarilyo sa sahig at tumalikod na. "Areglado Boss!" Sabay-sabay na sagot nilang lahat. Bigla naman akong napatayo. Dahil sa maiiwan ako dito at matutuloy nila ang plano sa akin. "Sandali!" Napahinto naman itong lalaki nang magsalita ako. "Isama muna ako," desidido na salita ko. Nagkatinginan naman ang mga lalaki sa akin. Mas gugustuhin ko pang sumama dito kaysa ang pagpasa-pasahan ng mga lalaki dito. Pero bumagsak ang balikat ko nang hindi niya ako pinansin o lingunin manlang, dahil tuluyan na itong lumabas ng pinto. Hinabol ko siya kahit pa may umawat sa akin. Malakas na sinuntok ko itong lalaki na pumigil sa akin kaya nakalabas ako. Isa lang naman kaya nagawa ko siyang suntukin gamit ang natitira ko pang lakas. "Parang awa muna isama mo ako sayo. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, ilayo mo lang ako sa kanila," desperada na wika ko at niyakap ko ang binti nito habang umiiyak na nagmamakaawa. Tiningnan niya ako nang walang emosyon. "Miss, bitawan mo ang boss ko," utos sa akin nang lalaking kasama nito. Pilit na hinahatak ako nito patayo pero mahigpit talaga ang kapit ko kahit pa halos makita na ang pisngi ng isa kong dibdib. Pero natigilan ako ng senyasan niya itong lalaki. Binitiwan ako nang lalaki at lumayo sa akin. "Kahit ano? Gagawin mo?" Makahulugan na tanong niya at muling dumukot sa bulsa at kumuha nang isa pang stick ng sigarilyo. Sinindahan niya ito nagbuga ng usok sa kawalan. Kinabahan naman ako sa klase ng tanong niya, wala na akong magawa. Wala na akong maisip na ibang paraan. Kaya nakahanda ako sa maaari niyang ipagawa sa akin, kaysa ang mababoy lang ng kung sinu-sinong lalaki. Bumaba siya at pinantayan niya ko sa pagkakaupo ko sa lupa. Magkatapat na ngayon ang aming mukha. "You will be one of my fighters." mahina ngunit seryoso ang pagkakasabi nito. Matapos niyang sabihin ito sa akin binugahan niya ako ng usok sa mukha. Nagtataka naman ako sa huling sinabi niya. You will be one of my fighters Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang salita na 'yun. Nawala na siya sa harapan ko dahil sumakay na siya sa isang kotse. "Sumakay ka na sa kotse," narinig kong salita ng lalaki na humatak sa akin kanina. Ito ata 'yung, Garry. Nilingon ko siya at dahan-dahan akong tumayo at sumakay sa isang kotse na naiwan dito, abot tanaw ko naman sa bintana ang kotse na sinakyan no'ng AHRAW. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Gary kahit pa may kaba medyo nakahinga na rin ako dahil nakalaya ako sa mga hayok sa laman. Narinig ko na may kausap itong si Garry pero hindi ko alam kung sino o ano ang pinag-uusapan nila dahil puro tango at yes boss lang sagot nito. Kalahating oras rin ang binyahe namin ng pumasok itong kotse sa isang subdivision, maganda ang lugar dito at maraming bantay na mga guard. Nakailang liko rin kami bago huminto ang kotse sa isang magandang bahay. May kataasan ang gate na kulay itim, napansin ko na may cctv sa dulo ng gate. Bumukas ang gate at pinasok na ni Garry ang kotse papasok sa loob sa napakalawak na bakuran. "Bumaba ka na," utos nito sa akin. Tumango naman ako at inayos ko ang jacket na sira at tinakip ko sa hubad ko na katawan. Sinundan ko si Garry papasok sa pinaka-pinto sa loob ng bahay, sumalubong agad sa amin ang maingay na boses ng mga babae. Mga nagtatawanan sila pero natigilan sila nang makita kami. "Garry! My love dinalaw mo ako ulit," salubong agad nang babae. Unat na unat ang hanggang balikat na buhok nito. Naka-maikli lang ito na short at sleeveless na kulay pula, halos umalog ang dibdib nito dahil sa patakbo na nilapitan si Garry. Napaatras naman ako ng kaunti. "Danica, bitiwan mo nga ako. Nandito ako hindi dahil sa'yo, pinahatid lang lang siya ni boss." sagot ni Gary dito sa babae, nadismya naman ang babae dahil sa sinabi ni Garry. Tiningnan naman ako nito mula ulo hanggang paa sabay irap sa akin. "Hi! Halika dito ka sa amin." nakangiting aya sa akin nitong isang babae na nakalapit na pala sa amin. "So, may babae na naman pala si boss Ahraw ngayon?" Maarte na wika nitong babae na masama kung makatingin sa akin. "Tara na," muling aya sa akin nitong babae na maikli ang buhok niya, halos kasing taas ko lang siya. 5'5 kasi ako. "Eveth, bahala na kayo sa kanya. Ibigay niyo sa kanya ang dating kwarto ni Shiela, ito ang susi," sinapo naman nitong Eveth ang initsa ni Garry. "Sure, Garry ikaw pa," kumindat pa ito na napangiti lang si Garry. "What? Bakit doon siya!? Samantala kami--" narinig ko pa na salita no'ng Danica. "Pwede ba, Danica. Tigilan mo ako," nilayasan na ni Garry si Danica. "Hello," bati sa akin nang dalawang pang babae na kakalabas lang sa may pintuan sa may dulo. "Hayaan muna 'yung si Danica. Masyadong mataas ang tiwala niya sa kanyang sarili," nakangiting kwento ni Eveth sa akin habang umaakyat kami sa ikatlong palapag. Huminto kami sa unang pinto at sinusian ito niya. Namangha ako sa nakita ko para itong condo unit na nakikita ko lang sa mga internet at magazine sa mga junkshop. Pumasok ako agad sa loob nilibot ko ang mata ko sa paligid, ang ganda dito may malaking sopa na puti at malaking flat screen na tv. May malaking kama sa may kwarto sa gilid may c.r na transparent. "Maganda ba?" Nakangiting tanong ni Eveth sa akin. Napatango lang ako at napansin ko ang isang larawan malapit sa lamp shade. Isang babae na napakaganda at ang puti-puti niya. "Sino siya?" Mahinang tanong ko. Nilapitan naman ako ni Eveth. "Yan ba?" Kinuha niya sa kamay ko ang larawan. "Ito si Shiela, ang dating nagmamay-ari ng kwarto na to," sagot ni Eveth na parang nalungkot. Napatango na lang ako. "Pero... Wala na siya namatay siya isang buwan pa lang ang nakalipas." malungkot na salita ulit ni Eveth. Nagulat ako at biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa narinig ko. Hindi ko inaasahan na patay na ang unang gumamit ng kwarto na ito. ++++++++ Black_Moon301
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD