Chapter 11

2245 Words
CHAPTER 11   NAKAHIGA SA KANYANG KAMA at nakatulala sa kawalan si Arianne. Kanina pa sila nakabalik ng Manila ni Daniel pero pinagpahinga pa rin siya nito at ito na lang ang pumasok sa coffee shop. Hindi na rin siya kumontra dahil baka hindi rin siya makapagtrabaho ng maayos. Paano kasi ay paulit-ulit na narerewind sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Daniel at hindi niya mapigilan ang kiligin. Kakaibang ligaya ang hatid ng gabing iyon sa kanya. Ramdam na ramdam pa niya ang mga haplos nito, ang nga halik, at naririnig pa rin niya ang paulit-ulit nitong pagsambit ng 'I love you'. "I love you, too, Daniel." aniya. Naisip niyang kuhanin ang cellphone at tawagan si Amber. Nais niyang sabihin na papayag na siyang ma-extend pa ang pagiging girlfriend ni Daniel. "57 missed calls?" Iyon ang bumungad sa screen ng cellphone. Nang icheck ay si Amber ang tumawag. Napaisip siya. Alam naman nito na nasa Batangas sila. Ano kaya ang dahilan bakit nais siya nitong makausap. Wala naman itong text man lang. Bumangon na tuloy siya. Magpapalit siya ng damit at pupuntahan si Amber para personal na kausapin. Pagbukas ng cabinet ay nakuta na naman niya ang diary ng ina. Nangako nga pala siyang babasahin iyon pag-uwi nila. Kinuha niya iyon at naupo sa kama. Handang-handa na siya sa mga matutuklasan. At kung nakasulat man doon ang pangalan ng kanyang ama ay susubukan niyang hanapin. Alam niyang nais din ng ina na malaman nitong nilisan na nito ang mundo. Ngunit unang pahina pa lang ay pinagtakhan na niya ang nakasulat. Hindi iyon sulat kamay ng kanyang ina. At hindi iyon isang diary, kundi liham. Mahal kong Martha, Ito ang ika limang araw kong malayo sa 'yo at para akong unti-unting namamatay sa pagkasabik sa 'yo. Bigla niyang isinara ang kuwaderno. Minsan na niyang nakita ang ganoon kagandang penmanship. Iwinawaksi niya sa isipan na imposibleng kay Artemio iyon. Nagkataon lang 'yon. Naalala niya na kamukhang-kamukha rin ng kay Artemio ang diary na iyon. Binuklat niyang muli ang mga pahina at naghanap ng sulat ng ina. At halos huminto ang pagtibok ng puso niya nang matagpuan sa huling page ang hinahanap. Mahal kong Art, Nalulungkot akong hindi na magtatagal ang buhay ko. Hindi man lang ako makakapagpaalam sa 'yo. Gayunpaman, sana matagpuan mo si Arianne. Siya ang bunga ng ating pagmamahalan. Mahalin mo siya ng husto. Gusto ko sanang maipakilala kayo sa isa't isa kaya lang hindi na ako aabot. Ito na ang magiging huling sulat ko sa 'yo. Mahal na mahal kita. Hanggang sa muli nating pagkikita. -Martha. Hindi malaman ni Arianne kung paanong nangyari iyon. Paulit-ulit niyang binasa ngunit ni isang letra ay walang nagbago. Paano niya iyon tatanggapin? "Hindi, ibang Artemio ang sinasabi ni nanay dito. Imposibleng si sir Artemio 'yun. Ano, magkapatid kami ni Daniel? Hindi puwede. Imposible. Hindi 'yon totoo." Pinapatatag niya ang sarili dahil unti-unti na siyang nakakaramdam ng takot. Nanlalamig ang buo niyang katawan at hindi siya mapakali. Nalaman na lang niyang kinakagat na pala niya ang kuko sa hinlalaki nang masaktan. Nagring ang cellphone niya, si Amber ang natawag. Agad niyang sinagit iyon. "Nasa bahay ka ba ni Daniel?" Halos hindi niya makontrol ang panga sa sobrang panginginig at ilan sandali bago siya nakasagot ng 'oo'. Dumagdag sa nerbiyos niya nang sabihing nasa labas ito ng bahay ni Daniel at gusto siyang kausapin. Naisip niyang iyon ang pinakamabuting gawin. Hindi niya naman niya pupuwedeng takasan iyon. Kailangan niya rin ng mapagtatanungan at makakasagot sa kanya. Bitbit ang diary ay lumabas siya. "Ma'am Amb--" natigilan siya nang pagbukas niya ng pinto ay ang ama ni Daniel ang naroon. Ama ng lalaking minamahal niya at posibleng ama niya rin. "Can I come in?" malumanay ang pananalita nito ngayon. Ang mga mata nito ay tila ba punong-puno ng paghihinagpis. Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto. Kasunod nitong pumasok si Amber. Pagkasara ng pinto ay parang nawawalan ng lakas ang kaniyang mga binti kaya napasandal siya dito. "Aya, may mga importante lang kaming itatanong sa 'yo." si Amber. Marahan siyang tumango. Ngunit isa man sa mga ito ay hindi niya magawang tingnan. "Nagpunta kami sa..." si Artemio. "Sa... puntod ni... Martha." Napahigpit ang pagkakahawak niya sa diary. Nanginginig na ang kanyang mga kamay at naramdaman ang pagpatak ng kanyang luha. Lumapit sa kanya si Artemio. "G-gusto ko lang malaman kung ikaw nga ba ang anak ni Martha." Imbis sagutin ay iniabot niya rito ang hawak. Sandali nitong binasa iyon at bigla na lamang nabitawan. Tinignan niya ito sa mata at nakita niyang gulat na gulat din ito. "Bakit dad?" nag-alala si Amber. "Anak ako ni Martha..." nagawa pa rin makapagsalita ni Arianne kahit na parang naninikip ang dibdib niya. Mapait ang kanyang naging pagngiti. "At anak mo rin ako." Napabulalas ng iyak si Artemio at yayakapin sana siya nang iwasan niya ito. "Alam mo ba kung ano ginawa mo?" Hindi siya sabik sa ama. "Arianne, hindi ko alam na nagkaanak kami. I swer to God, kung alam ko lang ay sana-" "Binalikan ninyo ang nanay ko at tuluyang sirain ang pamilya mo?" "Aya," si Amber na magsasalita sana ngunit pinutol niya rin. "Hindi ninyo alam kung ano ang pinagdaanan at pinagdadaanan ko! Hindi niyo alam kung ano ang nagawa ko! Wala kayong alam! Sana hindi na lang ikaw ang tatay ko!" Napahagulgol na siya. Sinubukan siyang aluin ni Artemio ngunit itinutulak niya ito palayo. At dahil hindi niya kayang harapin ang sitwasyon ay umalis siya. Wala siyang pakialam kung wala siyang saplot sa paa, tumakbo lang siya palayo sa bahay na iyon. Kailangan niyang makausap si Daniel. Kailangan nitong malaman ang katotohang magkapatid sila.   Samantala pabalik na sa bahay si Daniel para sabay na silang kimain ng pananghalian ni Arianne. Nagdala na siya ng pagkain para hindi na sila magluto. Bumili rin siya ng bulaklak at mga chocolates. Plano na niyang sabihin ang totoo na wala na siyang amnesia. At totoo na rin na mahal niya ito. Alam niyang pareho sila ng nararamdaman kaya alam niyang magiging maayos ang lahat. Hindi niya poproblemahin ang ama at si Amber dahil sa tingin niya ay boto ang mga ito kay Arianne. Hindi naman siguro iaanunsiyo ng ama na ikakasal sila kung hindi nito ito gusto. Huminga siya ng malalim upang mabawasan ang kaba niya sa gagawin. Papasok na siya ng village nang matanaw sa guard house ang isang babae na tila nakikipag-away sa mga guard. Hininto niya ang sasakyan at bumusina na pinagsisihan niyang gawin. Si Clara ang babaeng iyon at nang makita siya ay itinuro siya ng mga ito sa guard. “Kilala niyo raw siya, sir?” Tanong ng isang guard. “Ako ang girlfriend niya.” Sabi ni Clara. “Ex-girlfriend.” Pagtatama ni Daniel. “Ako nang bahala dito.” At iniwan na sila ng guard. “Sumakay ka nga. Nag-eeskandalo ka dito?” Naiinis na sabi niya. Ngiting-ngiti naming sumakay sa kotse si Clara. “Sabi ko na hindi mo ako matitiis, e.” “Huwag na huwag ka nang pupunta dito, ha. Ayokong makita ka. Tapos na tayo.” Sinadaya niyang diinan ang pananalita para malaman nitong hindi siya natutuwa sa ginagawa nito. “Wala naman akong intensiyon na manggulo sa ‘yo. Wala lang talaga akong malapitan. Napagbintangan ang tatay ko na nagnakaw ng pera sa trabaho niya. Pinakulong siya at kailangan siyang piyansahan. Magdadalawang linggo na siya roon.” Sabi ni Clara. “Ano naman nag kinalaman ko doon? Ako ba ang nagpakulong sa kanya?” Mas nainis siya. “Mangungutang sana ako sa ‘yo. Well, dapat sana ay kay George kaya lang nakipaghiwalay na siya sa akin pagkatapos ng ginawa mo.” “So, kasalanan ko pa?” “Daniel, alam kong kakapalan na ng mukha ito pero wala na talaga akong ibang mahihiraman.” “No.” Ito ang unang pagkakataon na tumanggi siyang bigyan ito ng tulong. Umusog ito palapit sa kanya at hinawakan ang isa niyang kamay. “Please?” “Ano ba?” Sinubukan niya itong itulak palayo ngunit mas lumapit ito at niyakap pa siya. Suko na siya. Hindi ito titigil hanggat hindi niya napagbibigyan. Kaysa masira ang mood niya at mapurnada ang gagawin niya ngayon ay ibibigay na lang niya ang hinihingi nito. Kukuhanin na sana niya ang wallet sa bulsa ng pantalon nang bigla siyang parang nabuhusan ng malamig na tubig. Si Arianne… naroon si Arianne at nakatayo di kalayuan sa kotse. Taranta siyang bumaba ng sasakyan at nilapitan ito. “A-aya… a-anong ginagawa mo dito?” nagawa pa niyang magtanong. “Sino ang kasama mo?” nababanaag niya sa tinig nito na anumang oras ay magwawala ito. “L-let me explain. Nakita ko lang si Clara dito. May problema lang na…” hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin nang parang biglang nahilo si Arianne. Para itong matutumba kaya inalalayan niya ito ngunit itinulak siya nito. “Huwag mo akong hahawakan… huwag ka rin lalapit sa akin dahil baka kung ano ang magawa ko sa ‘yo.” “Aya,” “Kailan pa?” Hindi niya maunawaan ang tanong nito. “Kailan mo pa ako niloloko?! Kailan pa bumalik ang alaala mo?!” “Aya, hayaan mo munang ipaliwanag ko sa ‘yo. Hindi kita-“ Suminghal ito ngunit kasabay ang pag-iyak. “Ano ba ‘to, Daniel? Nagkunwari ka lang ba na amy amnesia? Kunwari ako ang naalala mong girlfriend mo para ano? Para mawala ang pagdududa sa ‘yo ni Amber? Para magantihan ako dahil natulog ako sa shop mo? Para maitago sa lahat na patuloy pa rin ang relasyon ninyong dalawa? Bakit, Daniel? Bakit kailangan ganito kasakit?!” Napaupo si Arianne sa kalsada habang napapasigaw at nahagulgol. Lumuhod siya para yakapin ito ngunit malakas siya nitong naitulak kaya halos napaupo siya. “Wala akong ginawang masama sa ‘yo! Wala akong ginawang masama sa kahit na sino sa inyo! Niligtas ko pa nga ang buhay mo, alam mo ba ‘yon? Nang tumalon ka sa tulay dahil diyan kay Clara!” Napayuko siya. Nagbuhol-buhol sa utak niya ang mga salita at walang lumabas na mga pangungusap para makapagpaliwanag siya. “Alam mo?” hindi makapaniwalang wika ni Arianne. Tumango siya. Pinahiran nito ang mga luha at tumayo. Ngayon lang niya napuna na wala itong suot na sapatos o tsinelas na kataka-taka. Lumakad na si Arianne ngunit nagawa pa niyang pigilan subalit isang napakalakas na sampal ang ibinigay nito sa kanya. Hindi lang isa kundi tatlo. “Para magising ka!” kitang-kita ang poot sa mga mata nito. “Teka lang, Miss,” lumapit pa talaga sa kanila si Clara. “Sorry kung nasaktan ko ang boyfriend mo. Magsama kayo habang buhay!” pagkasabi ay tumalikod na ito. “Arianne!” hinabol pa rin niya ito. Natanaw niya ang kotse ni Jerome na paparating. Huminto ito at patakbong nilapitan ni Arianne ang pinsan niya. Nagtatanong ang mga matang tinignan siya ni Jerome. Sumakay ang dalawa sa kotse at mabilis na lumayo roon. Nasapo niya ang dibdib. Iba ang sakit na nararamdaman niya. Pakiwari niya ay mawawala na ng tuluyan sa kanya si Arianne. Piangsisihan niyang hindi pa niya sinabi ang totoo kay Arianne nung nasa Batangas sila. Baka hindi sana ito nagalit. Baka mas naunawaan siya nito. At kung bakit ba naman kasi naroon si Clara. Mas napasama pa sitwasyon niya. Ano ngayon ang gagawin niya para mapatawad ni Arianne? Paano niya maipapaliwanag dito ang lahat?   “SALAMAT, JEROME.” Sinubukang siglahan ni Arianne ang tinig nang bigyan siya ng isang tasa ng kape nito. Nasa balkonahe sila ng bahay nito. Gabi na rin at halos hindi pa rin anhinto ang pagtulo ng luha niya kahit na parang nagmamanhid sa sobrang sakit ang puso niya. “Gusto mo dito ka na muna magpalipas ng gabi. May guest room naman ako dito tsaka may mga kasambahay. Hindi ka maiilang.” Anito. “Okay lang bang magtago muna ako rito hanggang sa kaya ko nang makaharap sila?” pakiusap niya. “As long as you want, you can stay here.” Sagot nito. Napabuntong hininga siya. Hindi niya alam kung may alam na si Jerome sa mga nangyari pero ayaw niya munang pag-usapan iyon. Para siyang pinupunit sa tuwing maiisip ang mga nangyari. Mas mabuting ‘yung titulo lang ng lupa na naisangla niya ang problema niya noon. Sa palagay niya ay mas mabuti na rin na hindi naman siya talaga minahal ni Daniel. Ginamit lang siya para pagtakpan ang relasyon kay Clara. At least ay siya lang itong winawasak ng katotohanang hindi sila puwede dahil magkapatid sila. Pero paano niya makakalimutan ang nangyari sa kanila sa Batangas? Iyon ang unang beses na nakipagtalik siya at sa kapatid pa niya? Ano bang klaseng parusa iyon sa kanya? Ano ba talaga ang kasalanan na nagawa niya para mapatawan ng ganoon? O sadyang biktima lang ng mapaglarong tadhana? “Kapag ready ka nang magkuwento, nandito lang ako para makinig sa’yo.” Sabi ni Jerome. Tumango siya. “Kung anuman ang nararamdaman mo, alam kong may hangganan ‘yan. Ang kailangan lang para maka-survive ay isang tasa ng kape at kaibigan na kagaya ko. ‘Yung crush mo.” Napangiti siya sa biro nito. “See? Effective ako, di ba? Kinilig ka pa!” “Hindi, ah.” Pagtanggi niya. “Kidding aside, my lola used to tell me na when it rains, it pours. But there will always be sunshine after the rain.” Sumang-ayon siya rito. Ngunit dahil sa nangyayari sa kanya ay hindi iyon ma-absorb.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD