Chapter 10
MAGANDA ANG NAGING gising ni Arianne. Hindi katulad ng kagabi na mabigat ang pakliramdam. Salamat kay Daniel na hindi siya iniwan mag-isa. Napapayag din siya nitong umuwi sila dahil hindi raw ito aalis hanggat naandon siya.
Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa ulap. Ni hindi na niya nga mapigilan ang pagngiti kahit wala naman dahilan. Nayakap niya ang unan at in-imagine na si Daniel iyon. Naaasar siya kay Clara kung bakit hindi nito nagawang mahalin si Daniel samantalang kamahal-mahal naman ito. Napakalambing pa, thoughtful, at… sexy.
Napahagikgik siya nang maalala ang nangyari kahapon. Hindi naman niya talaga eksaktong nakita ang maselang bahagi ng katawan nito, naaninag lang niya. Hindi detalyado.
Napahigpit ang yakap niya sa unan at pumaling pa sa kabilang side ng kama kaya lang bigla siyang napatili at halos mahulog sa kama nang umatras papunta sa gilid sa pagkagitla.
Naroon pala si Daniel at nakaupo sa silyang naroon habang nakatitig lang sa kanya.
“Good morning! Kumusta ang tulog mo?” tatawa-tawa ito.
“K-kanina ka pa ba diyan?”
“Halos hindi ako natulog. Binantayan kita kasi baka umalis ka.”
Alanganin siyang napatango. “Okay…”
“Sige na, mag-ayos ka na. Mahaba-haba pa ang biyahe natin.” Tumayo na ito.
“Saan tayo pupunta? May pasok ako ngayon.” Aniya.
“Sino ang may sabi? I’m your boss, remember?”
Nainitindihan na niya ang ibig nitong mangyari. Iyon marahil ang sinasabi ni Amber nung huli niyang makausap.
“Kailangan ko bang magdala ng extra damit?” tanong niya.
“Huwag na.” sagot nito na papalabas na ng pinto. “Nakapag impake na ako ng mga gamit mo at nasa kotse na. Ikaw na lang ang kulang.” At kumindat pa ito.
Bago pa siya muling makapagsalita ay naisara na nito ang pinto.
“May mga underwear kaya ako doon?” napaisip siya.
Binuksan niya ang cabinet at tumambad ang diary ng ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya iyon binabasa. Kinuha niya iyon ay sandaling nag-isip.
“I think ready na ako para malaman ang nilalaman mo. Pagbalik namin ni Daniel, babasahin na kita.” At hinagkan pa niya ito.
“SIR, may inaasikaso lang po sandali si ma’am Amber, pakihintay na lang daw po siya.” Sabi ng secretary nang dumating si Artemio sa opisina ng anak.
Ngayon kasi ang araw na napag-usapan nilang dalawin sa kanyang himlayan si Martha.
Naupo muna siya sa sofa at nagbasa ng magazine para libangin sandali ang sarili nang mapuna niya ang envelop na nakapatong lang sa table. May tatak iyon ng lawfirm kung saan din nagtatrabaho ang kanilang lawyer.
Sa kuryusidad ay tinignan niya ang laman niyon sa pag-aakalang sa kompanya nila ‘yon. Sa kanyang pagtataka ay titulo iyon ng lupa na naka-address sa Laguna at isang Ramoncito Alcantara ang nag-mamay-ari.
“Ramoncito Alcantara?” pamilyar sa kanya ang pangalang iyon.
Narinig na niya iyon sa kung saan, hindi lang niya matandaan.
“Dad,” pumasok na si Amber sa opisina.
“Kaninong land title ‘to, Amber?” tanong niya.
“Sa Mother ‘yan ni Arianne.’Yan po yung sinasabi kong hiningi niyang kapalit sa pagiging girlfriend kay Daniel. Bakit po?”
Binasa niyang muli ang address ng titulo ng lupa.
“Isinangla niya yan nung magkasakit ang nanay niya. Ilang buwan din daw sa ospital at since dalawa lang sila, wala siyang mahingan ng tulong, ‘yan daw ang naisip niyang gamitin para magkaroon ng panggastos. Hindi rin kasi siya makapag-work dahil nga inaalagaan niya ang nanay niya.”
Hindi sumagot si Artemio. Pilit pa rin niyang binabalikan sa isip kung saan niya narinig ang pangalang iyon.
“Dad, let’s go. May meeting pa ako before lunch.” Yaya ni Amber.
Ibinalik na sa loob ni Artemio ang papel sa lagayan nito at tumayo na.
Humawak sa kanyang braso ang anak at malawak ang pagkakangiting sinabing, "Let's meet Tita Martha."
Nalulungkot man ay nahawa siya sa ngiti nito. Malaki talaga ang pasasalamat niya sa panganay na anak dahil napaka supportive. Ni minsan ay hindi ito sumuway sa kanya. Ngunit mangangatwiran kapag hindi tama ang ginagawa niya o hindi sang-ayon sa mga pasya niya.
Bumiyahe sila patungo sa isang public cemetery sa Manila. Habang palapit nang palapit ay pabilis nang pabilis ang pagkabog ng dibdib niya.
Buong buhay niyang minahal si Martha. Kahit pa si Elizabeth ang pinakasalan niya ay si Martha pa rin ang nasa isipan niya. Kaya naman nang hindi sinasadyang magkita sila sa isang hotel sa Laguna, ay hindi niya napigilan ang sarili at dahil mahal pa rin siya nito matapos ang anim na taong pagkakahiwalay, nagawa nilang makagawa ng isang mabigat na kasalanan kay Elizabeth.
Kasalanang kailanman ay hindi niya pagsisisihan dahil ang sandaling kapiling niya si Martha ay langit sa kanya.
At ngayong wala na ito, hindi pa rin mababawasan ang pagmamahal niya rito.
"Dad, paano kung halimbawa maabutan natin doon ang asawa ni Tita Martha? Ano ang sasabihin natin?" naitanong ni Amber.
"Makikiramay tayo." Sagot niya.
"Sir, nandito na po tayo." ani ng driver nila.
"Wait lang, dad. Hahanapin ko lang si Mang Julio, siya ang sasama sa atin." Naunang bumaba si Amber.
Maayos na ipinarada ng driver ang kanilang kotse sa parking bago bumaba si Artemio. Nakabalik din naman agad si Amber at kasama na ang may edad na si Mang Julio.
"Medyo sa bandang dulo po sir, ma'am ang hinahanap ninyo."Ani Mang Julio habang nauunang maglakad.
"Kilala niyo po ba ang mga kamag-anak niya?" Tanong ni Amber.
"Hindi po, ma'am. Iisa lang din ang nakikita kong dumadalaw sa puntod niya, 'yung anak niyang babae. Nung huli, may kasama siyang lalaki, nobyo niya yata."
"Tuwing kailan ho ba nadalaw ang anak niya?" Tanong ni Artemio. Gusto niya sanang makilala ang naiwan ni Martha. Nais niyang kausapin tungkol sa paglipat ng labi ni Martha sa mas maayos na sementeryo.
"Noon ho araw-araw, ngayon ho bihira ko na makita."
"Busy na siguro, dad. Pero Mang Julio, mag-iiwan na lang po kami business card. Kapag nakit niyo po siya, pakiaabot na lang." ani Amber.
Pumayag naman ang matanda.
Nang marating ang puntod ni Martha ay nakadama nang matinding habag si Artemio. Nauunawaan niya na public cemetery iyon ngunit nang makita kung pang ilan si Martha sa hilera ng apartment ay naisip niya agad na kung makakausap niya ang anak nito ay kukumbinsihin niyang ilipat ng sementeryo ang ina. Kung saan mas maayos na maaalayan ng bulaklak at matitirikan ng bulaklak ito.
Hinawakan niya ang nakaukit na pangalang Maria Theresa Alcantara.
"Narito na ako, mahal kong Martha."
"Dad,"
"Kung sana ay noop pa kita hinanap, baka hindi kita naabutan sa ganitong kalagayan."
"Dad!"
"Ano ba 'yun, Amber?" may inis na sinagot niya ang anak.
Imbis magsalita ay itinuro nito ang lapidang nasa itaas lamang ni Martha.
Ramoncito Alcantara.
Nagkatinginan silang mag-ama at kapwa isang matinding kutob ang namumuo sa kanilang mga isipan.
Nanlaki ang mga mata ni Artemio nang magbalikan na sa isipan kung sana niya natinig ang pangalang Ramoncito Alcantara.
Ito ang ama ni Martha!
MAKAPIGIL HININGANG scenery ang bumungad kay Arianne nang hawiin ang kurtina at buksan ang malaking bintana sa ookupahan nilang silid sa isang beach resort sa Batangas. Tanaw na tunaw ang makawak na dagat, ang taal volcano, at mga kulay luntiang mga bundok. Napapikit siya at nilangap ang sariwang hangin. Naramdaman niya ang kapayapaan sa loob. Talaga ngang nakaka relax ang lugar na iyon.
Napadilat siya nang mula sa likuran ay may yumakap sa kanya.
"Nagustuhan mo ba?" si Daniel.
Niyakap niya ito sa leeg. "Salamat sa pagdala sa akin dito."
"Sus, maliit na bagay. Alam kong kailangan mo ang ganitong klase ng bakasyon. Tingin ko kasi masyado kang nai-stress sa pagtatrabaho sa coffee shop at nape-pressure sa relasyon natin dahil nakikisali si dad."
Humarap siya rito. Ayaw na niyang pag-usapan kung anuman ang problema niya sa Manila. At dahil ito ang magiging huling araw na makakasama niya bilang boyfriend si Daniel, ang gusto niya lang ay sulitin iyon at magpakasaya. Para naman may baunin siyang magagandang alaala kapag lumayo na siya.
"Tara, huwag natin sayangin ang ganda ng resort. I-explore natin!"
Hinawakan siya ni Daniel sa magkabilang baywang at kinabig palapit sa katawan nito. Pilyo ang ngiti nang sabihing "Malapit na tayong ikasal, di ba? Baka naman puwedeng--"
Itinulak niya ito palayo ngunit tatawa-tawa. "Hindi maganda yang natakbo sa utak mo, ha. Hindi ba sinabi ko nang kapag bumalik ang memory mo, saka natin gagawin yan? Tsaka tingin ko alam ng mga bisita ng dad mo na hindi naman totoo na ikakasal tayo dahil nga may amnesia ka."
"Ayaw mo bang magpakasal sa akin?" seryosong tanong nito.
"Tanungin mo ako niyan kapag bumalik na ang memory mo. Saka mo malalaman ang sagot."
Bumuntong hininga ito.
"Tara, magswimming na tayo," Aya niya.
"Magpalit ka muna, bawal dito ang nakashorts at tshirt. Tignan mo diyan sa maleta, may dinala akong swimsuit mo."
"Swimsu..." Imbis magreklamo ay tinignan na lamang niya ang laman ng maleta na para sa kanya. May nakuha nga siyang isang kulay pulang swimsuit. "Hindi ko 'to isusuot."
"Mayroon din two piece diyan. Mas sexy ka don."
Nilingon niya si Daniel at binato dito ang swimsuit na hawak. "May dala akong sarili kong swimwear. Mas disente."
Inilabas niya sa dalang bag ang sinasabi at ipinakita 'yon.
Napasimangot si Daniel na mukhang dismayado. "Fine."
Matapos nilang parehas magpalit at maglagay ng sunblock cream ay lumabas na sila ng silid. Mataas na ang sikat ng araw dahil magtatanghali na ngunit hindi naman iyon masakit sa balat. Dahil na rin sa tagal nang huling makapagswimming si Arianne ay sabik na sabik siyang nagtampisaw sa tubig lalo na't napakalinaw nito.
Agad naman sumunod si Daniel sa kanya.Binuhat siya nito at pagkatapos ay lumakad sa malalim na bahagi at pagkatapos ay binitiwan siya.
Napatili siya ngunit tawa naman siya nang tawa nang mapasukan ng tubig sa ilong.
"Sorry," sabi naman ni Daniel at dinampian siya ng halik sa labi.
"Ano ba!" at winisikan niya ito ng tubig sa mukha.
"Ah, ganun ha," hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at siniil ng halik.
Nang una ay pabiro lang kaya umiiwas pa siya ngunit nang saglit itong humiwalay at magsalubong ang kanilang mga mata, naging mapusok na ang paghalik nito na ginagantihan naman niya.
Napayakap pa siya sa leeg nito at ito naman ay bumaba ang mga kamay sa pagka arko ng kaniyang baywang na animoy minamasahe ito. Gusto niya iyon. Kahit na nakikikiti siya.
Samantala, lingid sa kanyang kaalaman ay kanina pa tawag nang tawag sa kanya si Amber na labis na nag-aalala sa natuklasan.
Maghapong nag-enjoy sina Daniel at Arianne. Sinubukan nila ang iba’t ibang mga activity sa resort. Marami rin silang katulad nilang guest na nakakuwentuhan at naging kaibigan. Nakakapagod man ang buong araw ay hindi naman ramdam ni Arianne dahil higit na nangingibaw ang kaligayahan sa kanyang puso.
At naging perpekto pa ang bakasyong iyon nang pagbalik nila sa inookupang silid ay matanaw niya ang bilog na bilog na buwan. Ang liwanag nito ay dumagdag sa kagandahan ng resort.
“Hindi ka pa magpapahinga?” ani Daniel.
Nilingon niya ito. Nasa may balkon kasi siya at ito ay katatapos lang mag-shower.
“Mamaya na.”
Lumapit ito sa kanya at namangha rin sa bilog na buwan.
“Alam mo ba kung ano ang magandang gawin kapag ganyang fullmoon?” anito.
“Ano?”
Imbis sumagot ay kinuha nito ang dalawa niyang kamay at iniyakap sa leeg nito pagkatapos ay humawak sa kanyang.
“Magsasayaw tayo, Cinderella.”
Hindi naman siya tumanggi sa halip ay pumikit pa siya.
Ang ihip ng hangin, at tunog ng alon ng dagat ang kanilang naging musika.
“Mahal kita, Arianne.” Ibinulong ni Daniel sa kanyang tainga.
Napakagat siya ng labi at nagbabadya ang pagluha. Ramdam niya ang mga katagang iyon.
Hinagkan siya nito sa noo, pagkatapos ay kanyang mga mata, sumunod sa mga pisngi, sa ilong at sa baba. Siya na ang kumabig dito para hagkan sa labi.
Aywan niya kung dahil lang ba sa ambiance ng lugar o sadyang dala ng matinding emosyon kaya hindi na niya napigilan ang sarili.
Natagpuan na lang niyang hinahayaan niyang hagkan siya ni Daniel sa kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Napakainit sa pakiramdam ngunit may kakaibang sensayong nakakapaghatid ng kasiyahan. Hindi niya nga namalayan na nakahiga na pala siya sa kama.
“Oh… Daniel…” napapaungol pa siya.
Mas lalong naging agresibo si Daniel sa narinig ngunit naging maingat naman dahil sa alam naman nitong wala pa siyang karanasan.
“I love you, Aya…” anas ni Daniel.
“I love you, too.” Sagot niya.
At sila ay naging isa.