NAPABALIKWAS ng bangon si Arianne sa bangungot na pagkakaaksidente. Paulit-ulit na nagpeplay sa kanyang isip ang eksenang naging concern sa kanya ang boss na si Daniel. Tila ba nagpakasuperhero ito sa kanya. Subalit pinagtakhan niya nang sa hindi pamilyar na lugar siya natulog. Ilang sandali pa bago niya napagtanto na nasa ospital siya nang mapansin ang nakakabit na dextrose sa kanya.
Nagpalinga-linga siya, walang tao sa loob ng silid. Mag-isa lang siya. Kung sabagay, sino nga ba naman ang dadalaw o magbabantay sa kanya? Pumanaw na ang ina kaya wala na.
"Ibig sabihin totoong nangyari 'yon?" Hindi pa siya makapaniwala.
Nagbukas ang pinto at bumungad si Jerome. Masayang-masaya itong lumapit sa kanya. "Aya! Finally, you're awake!"
"Sir, salamat po sa pagdalaw." Nagblush siya.
"Kumusta pakiramdam mo? Wala bang masakit sa 'yo?"
"Si Sir Dens po?" imbis sagutin ito ay nagtanong din siya.
"Okay naman siya. Nasa recovery room na. Teka, tatawagin ko ang doktor pata icheck ka." lalabas sana ito nang pigilan niya.
"Sa pagkakaalala ko, niyakap ako ni Sir Dens. Tinanggal niya yung seatbelt niya at niyakap ako. Ano ang nangyari sa kanya?" natural lang naman siguro na maging concern siya.
Sumeryoso si Jerome. "Wala ka naman dapat alalahanin sa kanya. Okay na si Dens. Ligtas na siya."
"Puwede ko ba siyang makita?"
Tila ba pinag-isipan pa nito bago tumango. Pinatawag muna nito ang doktor para tignan siya. Normal naman ang lahat sa kanya. May mga galos siya sa mga braso at noo. Matagal lang siya bago nagising dahil sa overfatigue. Halos isang linggo siyang tulog.
Ayon pa sa doktor ay mainam na rin ang nangyari sa kanya dahil baka magcollapse na lang siya bigla sa sobrang pagtatrabaho.
Matapos non ay dinala na siya ni Jerome sa silid ni Daniel. Naabutan niya si Amber na nasa labas lang at mukhang problemado.
"Diyos ko! Salamat sa Diyos at gising ka na!" niyakap siya ni Amber.
"Okay na po ako, Miss Amber. Salamat po." aniya.
"Dadalawin niya raw si Dens." Si Jerome na ang nagsabi.
Katulad ng reaksiyon nang kay Jerome nang banggitin niya iyon ang naging reaksiyon ni Amber.
"Hindi po ba puwede?" nag-alangan siya.
"Nagkaroon si Dens ng brain injury that cause him to have amnesia."
"A-amnesia?" nagulat siya.
"Hindi niya kami maalala. Wala siyang maalala. Sabi naman ng doktor, it will take a few weeks bago bumalik ng paunti-unti ang memory niya. Hindi man lahat pero atleast some of those." ramdam na ramdam sa pagsasalita ni Amber ang pagmamahal sa kapatid. "You can see him if you want."
Gusto lang kasi niyang magpasalamat sa ginawa ni Daniel. Oo, naiinis siya sa kasungitan ni Daniel pero hindi naman niya inisip na sana ay may mangyaring ganoon dito. Nalulungkot din siya para sa boss.
Gayunpaman ay pumasok siya sa silid nito. Naabutan niyang natutulog si Daniel. May bandage ito sa ulo at may pasa sa mga braso. Mabilis na nagflashback sa kanya ang aksidente... ang mga sandaling niyakap siya nito.
May puso din naman pala ito para sa kanya. Bilang tao. Prinotektahan siya nito at malaking bagay iyon sa kanya. Iniligtas nito ang buhay niya.
Marahan niyang hinaplos ang kamay nito. "Maraming-maraming salamat."
Dumilat si Daniel.
Bahagya siyang lumayo sa takot na bulyawan nito. Ngunit sa kanyang gulat ay bigla na lamang itong bumangon at niyakap siya ng mahigpit.
"You're alive! You're safe!" Humahagulgol ito.
Awkward man ay inalo niya ito. "Okay na okay ako. Kung hindi mo ako iniligtas baka pinaglalamayan na ako ngayon."
Kumalas iti. "Don't say that! Hindi ako papayag na may mangyari sa 'yong masama hanggat nasa tabi kita. Over my dead body!" seryosong seryoso si Daniel.
Napakurap-kurap siya.
Hinawakan nito ang hugis ng kanyang mukha. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung mawawala ka. I love you so much."
Hindi niya alam kung ano ang irereact. Para siyang naging estatwa sa pagkabigla sa mga binibutawang salita nito. Lalo na nang dampian siya nito ng halik sa labi.
Iyon ang eksaktong eksena na naabutan nila Jerome at Amber na kapwa mga windang din sa nasaksihan.
"Ano ang... ibig sabihin nito?" si Amber.
Nang bitawan siya ni Daniel ay hinawakan naman nito ang kamay niya.
"Nagmamahalan kami ni Aya. You can't stop us."
"Aya? Wait, akala ko ba wala kang maalala? You didn't recognize us." Nagtataka si Jerome.
"How could I forget her?" Tumingin pa talaga sa kanya si Daniel. "She's my girlfriend."
"HA?!'" Halos mahulog ang panga ni Arianne sa narinig.
"PLEASE, Aya, help us." Pakiusap ni Amber.
"Alam ko naman po na kailangan ninyo ng tulong ko, pero Miss Amber, hindi ko po yata kaya ang magpanggap na girlfriend ni Sir." Tinapat na ni Arianne ito. Natural ay ayaw na niyang palakihin ang problema. "Unang-una po, hindi ako ang tipong babae ng kapatid mo. Pangalawa, hindi niya ako gusto bilang tao. Pangatlo, hindi ko po kaya ang maging kasintahan ni Sir Daniel."
"Aya," napapabuntong hininga si Amber habang nangungusap ang mga mata. "Narinig mo naman ang sinabi ng doktor. Wala siyang ibang kilala o naaalala kundi ikaw. You are the only person he trust sa ngayon. I need you now, Aya. Please. I know hindi naging mabuti ang pakikitungo sa yo ng kapatid ko but please, tulungan mo siya." Hinawakan pa nito ang mga kamay niya.
Nasa labas sila ng silid ni Daniel. Si Jerome ang nasa loob at nagbabantay.
"Miss Amber-"
"Ilang weeks lang naman. Siguro dalawang buwan na ang pinakamatagal. Kapag hindi pa rin bumalik ang memory niya, ako na ang bahala. Puwede mo na siyang iwan. Aaminin ko, nagpapasalamat ako na nagising ang kapatid ko na ikaw ang naalala at hindi ang ex niya."
"Ex ni Sir Daniel? Bakit naman? Hindi ba mas okay na siya sana ang hanapin ni Sir? Mas makakatulong siya sa pagpapaalala kay Sir ng mga nakaraan niya."
"Call me evil but I think the accident that happened was a blessing in disguise for me." anito. "Matanda na si Daniel but still, he is my baby brother. Ayoko siyang sasaktan ng kahit na sino. Okay naman ako kung sino ang magustuhan niya, ang kaso lang itong ex-girlfriend niya, gold digger. Hindi ako nagbibintang, I have proof."
Napapatango-tango lang si Arianne. Hindi rin kasi niya alam paano magrereact o kung ano ang sasabihin. Medyo awkward para sa kanya ang sitwasyon.
Sa malayo tumanaw si Amber. "I saw it and I felt it, too, yung sakit na naramdaman ni Daniel nang makita niya ang totoong pagkatao ng ex niya. You know, may ibang boyfriend ang babae at ang mga hinihingi sa kanyang mga pera at kung anu-ano pa ay ang ibibigay sa lover niya."
"Ang hina naman ni Sir Daniel para hindi mahalata 'yun?" Huli na para pigilan ni Arianne ang bibig. Naitikom niya ito at kunwari ay inizipper.
"Exactly my point." bahagyang nangiti si Amber. "My brother is stupid."
"Kaya ba ganoon na lang siya kasungit?"
"Yes and no."
"Puwede ko ba malaman bakit dalawa ang sagot?"
"Yes, kasi na-stuck siya sa pagka-inlove sa maling tao. No, kasi akala niya ay nagsusumbong ka sa akin tungkol sa mga bagay na may kinalaman kay Clara. The ex-girlfriend."
Nagulat siya. "Ako?"
"Sorry, my bad." Pag-amin nito. "Let's just say na may mga mata akong nagmamanman sa kapatid ko. Kilala ko kasi 'yon, hanggang sa salita lang nakamove on pero deep inside... alam mo na."
"Teka, hindi naman ang pagka heartbroken niya ang dahilan bakit siya nasa tulay nang araw na 'yon para..." hindi pa man siya tapos magsalita ay tumango na si Amber.
"Excuse me,"
Kapwa sila napatingin kay Jerome na biglang lumabas ng silid.
"Nagising si Daniel at hinahanap niya ang girlfriend niya." anito.
Hindi nagreakt si Arianne. Ngunit kinabahan siya nang makitang nakatitig lang sa kanya ang dalawa.
"Teka, hindi pa naman ako-"
Hinila na siya ni Jerome papasok sa loob bago pa siya makatanggi.
"Saan ka ba nagpupunta, Sweetheart?" Ito ang tanong ni Daniel.
Nanayo ang kanyang mga balahibo. Hindi niya yata kayang sikmurain na lambingin siya ng boss na nakilala niyang masungit. Para siyang estatwa na pilit itinutulak ni Jerome palapit sa kanyang "nobyo".
"Please, stay here with me." Pati ang mga mata ni Daniel ay nangungusap.
Tinignan niya si Jerome, tumango lang ito at iniwan na sila.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago maupo sa gilid ng kama nito. Hindi niya alam kung paano niya gagawin ang maging kunwaring girlfriend nito dahil sa edad niyang 24 years old ay wala pa siyang nagiging boyfriend.
"OH, SWEETHEART, ano ang ginagawa mo dito?"
Gulat na napalingon si Arianne sa may pinto ng kusina. Kahit isang buwan na ang nakakaraan ay nananayo pa rin ang balahibo niya sa tuwing kinakausap siya ni Daniel. Mas sanay nga kasi siya na binubulyawan siya nito, sinusungitan, pinapagalitan kahit sa maliit na bagay lang. Ngayon, kabaligtaran ang lahat.
Mas nauna siyang lumabas sa ospital kaysa rito. Isang palang ito matapos madischarge ay nagpumilit nang pumasok at hindi para magtrabaho kundi para “mahalin” siya, ayon dito. Sa ospital ay bihira niya itong dalawin at nang makauwi ay hindi niya ito pinupuntahan sa bahay nito. Yun daw ang nagtulak dito para imbis na magpagaling pa nagtrabaho na.
Ilang na ilan man ay pinilit ni Arianne na maging natural. "Maghuhugas lang ako ng mga tasa."
"Bakit ikaw ang gagawa niyan?” Nagagalit ito ngunit naroon pa rin ang lambing.
Bago siya makapagpaliwanag ay kinuha ni Daniel ang kamay niya at hinila siya palabas ng kitchen.
"Teka lang, marami pa akong gagawin, e. Magma-mop pa nga ako ng sahig ng kusina."
Huminto ito at hinarap siya. "Mas importante ba sa ‘yo ang pagtatrabaho mo kaysa sa boyfriend mong kanina pa nagugutom?"
"Sige, iinitin ko ‘yung pasta."
"Arianne, gusto kong kumain sa labas. Gusto kong mag-lunch date tayo."
"Pero Sir, busy pa kasi dito sa shop."
Binitawan siya nito at sinimangutan. "Ano ba namang... talaga bang kailangan sir ang itawag mo sa akin? Wala ka man lang lambing!"
Napalingon si Ariane sa mga katrabaho na nakamasid sa kanila. Sumenyas pa nga si Lily na gawin ang hinihiling nito. Alam naman ng lahat sa shop ang mga nangyari at sitwasyon ni Daniel kaya naman sinusuportahan sila ng mga ito. Kinausap mismo ni Amber ang mga ito na sumabay na lang sa mga mangyayari.
"Hay, naku Arianne!" nagwalk out na si Daniel. Pumasok na ito sa loob ng opisina.
"Ano ba’ng problema?" nilapitan siya ni Lily.
"Hindi ko alam kung makakatagal ako kapag ganyan si Sir."
"Ano ka ba, ‘yan ang normal ni sir Daniel. Ganyang-ganyan siya kay Mam Clara noon."
Napabuntong hininga siya. Hindi na siya nag-isip. Pinuntahan na niya si Daniel sa office nito. Naabutan niyang nakaupo ito sa may couch at hinihilot nito ang ulo kaya nataranta siya. Sabi din kasi ng doktor na kailangan huwag ma-stress ang pasyente dahil baka mas magkaroon ng problema.
"Naku, okay ka lang ba? Masakit ba ang ulo mo?" agad niyang ininspeksyun ito.
Kinabig siya ni Daniel palapit kaya napaupo siya sa kandungan nito.
"T-teka lang..." ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi. Halos hindi siya makatingin kay Daniel nang hawakan pa siya sa arko ng kanyang baywang.
Para siyang kinikiliti. May kung anong mga boltahe ang gumagapang sa kanyang katawan sa paghawak na iyon sa kanya. Palibhasa nga kasi ay ito ang unang lalaking nakahawak sa kanya.
"Puwede mamaya ka na magtrabaho? Asikasuhin mo muna ako." Halos pabulong lang na wika nito.
Hindi niya alam kung bakit siya ninenerbiyos. Natatawa siya ngunit may nginig sa kanyang tinig. "A-ano kasi... k-kuwan..."
Halos buhatin siya ni Daniel para makaupo siya sa sofa ngunit halos magkadikit lang din sila. Lalo siyang kinabahan nang hawakan ni Daniel ang ilalim ng kanyang baba at tinitigan ang kanyang mga labi.
"I love you, sweetheart."
"A-alam mo kasi, ano, m-marami akong nakain na sibuyas kani--" at hindi na nga niya naituloy ang sasabihin nang tuluyan nitong idikit ang labi sa kanya.
Napahawak siya sa braso nito nang mahigpit. Parang may kung anong nabuhay mula sa kanyang loob. Lalo na nang ibuka pa nito ang bibig at naging mapangahas ang paghalik. Para lang siyang naging estatwa. Estatwang tila ba sinumpa at nakatikim ng halik ng isang prinsipe at unti-unti ay nagkakadama ng init at pagtibok ng puso.
Hindi tama, pero masarap sa pakiramdam.
"Huwag na huwag kang magpapadala, Arianne. anuman ang gawin niya ay para iyon sa ex niya.”
Pinilit niya talagang huwag pumikit kahit na gustong magsara ang mga talukap ng mata. Ipinagpasalamat niyang biglang nagring ang telepono niya kaya naman humiwalay si Daniel. Dinukot niya iyon agad sa bulsa ng pants at nagmadaling sagutin. Tumayo talaga siya para makalayo sa kanyang "boyfriend".
"Yes, Miss Amber?"
"Ate Amber." Pagtatama nito.
Nilinis muna niya ang lalamunan bago muling nagsalita. "Ate Amber. Napatawag ka?"
"Pinaayos ko na yung kuwarto mo sa bahay ni Daniel. May mga gamit ka na roon. Kumpleto na 'yon. Itatanong ko lang kung may prefered ka ba na design ng bedsheet and pillowcase?"
Ilang saglit bago nag-sink in sa kanya ang sinabi nito kaya nanlaki ang kanyang mga mata.
"Teka, bakit kailangan may gamit ako doon? Hindi naman ako titira..." bago niya ituloy ang sasabihin ay nakuha na niya ang nais mangyari nito.
"What's wrong?" nilapitan siya ni Daniel. "Sino ba ang kausap mo?"
"Si... Ate Amber." Pinipilit ni Arianne pakalmahin ang sarili.
"Oh, my sister, right?"
Tumango lang siya at muling nakipag-usap sa kabilang linya. "Sa tingin ko hindi magandang idea 'yan. Siguradong hindi magugustuhan ni Sir Dens-" napahinto siya nang simangutan siya ni Daniel. "I mean ni... Dens. Hindi magugustuhan ni Dens na magstay ako sa bahay niya." Sinadya niyang lakasan ang huling part ng sinabi.
"Who told you?" ani Amber.
"Para namang hindi mo kilala ang kapatid mo. Hindi niya ako masyadong gustong kasama."
"Siguro noon. Pero may sakit si Daniel."
"Just for confirmation, itatanong ko muna sa kanya kung papayag ba siya o hindi." Confident siya na hindi rin sasang-ayon si Daniel.
"No need. Hindi ko rin naman idea ito."
"Ha? Kanino? Kay Sir Jerome?"
"No. Nirequest sa akin 'yon ni Daniel mismo."
"Ano?!"
"You know, inaaayos na ni Attorney Galvez ang mga documents at mga ibang requirements na kailangan para maibalik sa ‘yo ang titulo ng bahay at lupa ninyo. By next week nasa mga kamay mo na ‘yon.” Tila pamba-blackmail ni Amber.
Iyon kasi ang hiningi niyang kapalit sa naging deal nila sa pagpayag niyang magpanggap na girlfriend nig kapatid nito.
“So, plain white or floral?”
Gustong mapikon ni Arianne dahil nang tignan niya si Daniel ay nakangiti ito. Ngiting wagi. Ngiting animo'y sumikat ang haring araw sa gitna nang bagyo. Subalit wala siyang magawa. Wala siyang choice.
Para sa naiwang alaala ng ina.
"Plain white with extra pillow." Sagot niya.
"Noted."
At naputol na ang linya.
"Kailangan ba talaga magsama tayo sa isang bahay?" May inis na tanong niya.
"Eh kasi naman kahit na palagi tayong magkasama dito hindi mo naman ako iniintindi. Palagi kang busy sa pagtatrabaho. Tapos ayaw mong ihatid kita sa bahay niyo. Ayaw mo rin na sabayan kita sa pag-uwi. Late ka pa nauwi. Wala kang day off para magkaroon tayo ng quality time." Himig nagtatampong wika ni Daniel.
Gusto niya sanang sabihin na halos ubusin nito ang lakas niya sa maghapon kung mag-utos noon. Kaya lang dapat niyang unawain ang kalagayan nito.
"Ikaw ang boss ko, Sir Dens. Ikaw ang nagbibigay ng schedule sa akin." Sabi na lang niya. "At bago ka gumawa ng changes sa schedule ko, kailangan mong mag-hire ng bagong crew dahil kulang tayo sa tao ngayon. May naka maternity leave kang empleyado at naka paternity leave naman ang isa."
"Ganoon karami ang trabaho mo?" nagulat pa ito. Hinawakan siya nito sa buhok at hinaplos ang mukha.
"Ano bang ginagawa mo?" Humakbang siya palayo.
"Hmmm... kawawa naman pala ang girlfriend ko." At dinampian siya ng halik sa noo, pisngi at ilong.
"Oooppsss..." umiwas siya nang sa labi na naman niya nito gustong humalik. “Kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Maraming customer kapag ganitong oras."
Bago pa siya mapigilan ay lumabas na siya ng office.
"Dati nalabas ka diyan nang nakasimangot, ngayon namumula mukha mo, ah." si Lily. "Ano ba ang napag-usapan ninyo ni Sir? O... may ginawa ba kayong-"
"Tumigil ka nga! Babalik na ako sa kitchen." Nagmadali siyang iwan ito.
Saka pa lang napuna ni Arianne na nanginginig siya nang muling hawakan ang hugasin. Aywan niya kung bakit pero parang nakukuha ni Daniel ang enerhiya na mayroon siya sa tuwing silang dalawa lang.
"Diyos ko, paano pa kaya kapag nagsama na kami sa bahay niya? Lagot na ako!"
Hindi pag-aalala ang nararamdaman niya kundi takot. Takot na baka makalimutan niyang may sakit lang si Daniel kaya mabait at malambing sa kanya.
"MA'AM AYA, hinihintay na po kayo ni Sir Daniel sa kotse." si Hizon. Ito pa rin ang bodyguard at driver ni Daniel.
"Bakit daw? Hindi pa ako tapos maglinis." Nagma-mop pa kasi si Arianne ng kusina. Halos kakasara lang ng shop kaya mas marami siyang gawain. Siya nga kasi ang in-charge sa paglilinis ayon kay Daniel noon.
"Ma'am, mahigpit pong ipinagbilin na sumama kayo sa akin."
"Eh paano naman itong-- ahhh!!! Hizon!"
Bigla na lang kasi siya nitong binuhat at para siyang sako ng bigas na isinampa sa braso.
"Ibaba mo ako! Sandali lang! May ginagawa pa ako!" nagsisigaw siya habang lumalabas sila ng shop.
"Kami nang bahala dito, Aya." narinig si Lily
"Yung CR hindi pa malinis! Magagalit bukas si Daniel kapag marumi 'yon!" ibinilin na lang niya.
Hindi na niya narinig ang sagot ni Lily dahil nakalabas na sila. Nang nasa harap na ng kotse ay saka lang siya ibinaba ni Hizon.
"Sorry, sweetheart. Pumasok ka na rito." Sumilip si Daniel sa backseat.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko?" bulong niya.
Pinagbuksan pa siya ni Hizon ng pinto. Pagpasok niya ay inakbayan siya ni Daniel at hinagkan sa pisngi
"Let's go home!" excited nitong sabi.
Sa totoo lang hinihiling niya sa mga oras na iyon na sana ay bigla na lang bumalik ang memory ni Daniel. Nakakainis ang pagiging masungit nito sa kanya dati pero tila yata mas okay iyon kaysa sa parang nasasakal siya sa sobrang bait nito.
Alas-dies na ng gabi ngunit naabutan pa rin nila ng traffic. Hindi na siya sanay nang ganon dahil madalas naman ay naglalakad lang siya. Inaantok kasi siya at mas nararamdaman ang pagod.
"It's okay to sleep. I'll wake you up when we get home." Ani Daniel nang maghikab siya.
"I'm fine." Sabi niya.
Ngunit ilang saglit lang ay hindi na niya namalayan ang nangyari.
Nagising na lang siya nang maramdaman ang pag-angat ng katawan niya. Binuhat siya ni Daniel at muntik na siyang mahulog nang magpanic siya.
"Hey, you're awake. Don't worry, I got you, sweetie." anito.
"K-kaya ko nang maglakad." Ilang na ilang siya. Papaano naman kasi ay dikit na dikit ang katawan nito sa kanya.
Halos ramdam niya ang malapad nitong dibdib at ang mga muscle nito sa braso.
Maingat siya nitong ibinaba. "Okay na kami, Hizon." anito.
"Sige, uuwi na ako, Sir."
Hinintay pa nilang makalabas ng gate si Hizon bago sila pumasok sa loob. 'Yun ang unang beses na nakarating si Arianne sa bahay ni Daniel.
Simple lang iyon at bungalow lang. Gawa sa kahoy ang bahay kaya mukhang presko sa loob. May maliit na garden sa bakuran at garahe para sa kotse nito.
"Wait, you have to close your eyes," pinigilan siya ni Daniel nang nasa may pinto na sila.
Hindi na siya nagtanong. Sinunod na lang niya ito. Binuksan nito ang pinto, puumwesto ito sa likod niya at inalalayan siyang maglakad.
"Stay here." Bulong nito sa mismong tainga niya.
"Siguro dapat bilisan natin, 'no? Kasi baka makatulog ako dito." sabi niya.
"Okay, open your eyes!"
Nang buksan niya ang mata ay bumungad sa kanya ang nagkalat na rose petals sa sahig. May table rin na nasa gitna kung saan may dalawang upuan at candlelight. Malamlam ang kulay ng ilaw kaya naman na-emphasize ang mga ilan pang nagkalat na kandila sa sahig. Nilingon niya si Daniel para sana tanungin ngunit ikinagulat niya na may hawak ito na boquet ng flowers at nakangiti sa kanya.
Pakiwari niya ay napakagwapo nito ngayon. Kung dahil lang ba sa pagtama ng liwanag dito na parang may vintage effect o unti-unti lang niyang naappreciate ito ay hindi niya masagot.
"Alam kong may tampo ka sa akin dahil hindi ko maalala ang lahat tungkol sa atin pero hayaan mo sana akong bumawi. Gagawa tayo ng bagong memories, masasayang memories na sisiguruhin kong hinding-hindi ko makakalimutan."
Gusto niyang matunaw. Oo, parang icecream na nabilad sa ilalim ng araw. Para talaga itong isang prinsipe. At napakapalad niyang siya ang prinsesa nito... sa ngayon.
"Will you forgive me?"
"Ito naman, kalimutan na natin kung anuman ang naging kasalanan mo." Tunay sa kanyang loob ang pagpapatawad dito. Hindi naman siya pusong bato para magmatigas.
Tinanggap niya ang bulaklak nang ibigay sa kanya. Inalalayan pa siya nitong maupo.
"Thank you."
"I love you, sweetheart."
At napilitan din siyang sumagot nang "I love you, too."