Chapter 2

2320 Words
“MARAMING salamat po, sister, napakalaking bagay po sa akin nito.” Halos mangiyak si Arianne nang payagan siya ng madre na magpalipas ng gabi sa loob ng simbahan.   “Maaari ka naman sa silid ng mga madre matulog para mas komportable ka, iha. May isa pa naman bakanteng kama roon.” Anito.   Umiling-iling siya. Okay na po ako rito. Tingin ko kasi mas kailangan kong magdasal kaysa matulog. Tsaka ilang araw lang naman po ako rito.”   “Ikaw ang bahala. Pero kung magbago ang isip mo, sabihan mo lang ako. At maaari kang sumabay sa amin kumain ng almusal.”   “Salamat po talaga, Sister.”   “Maiwan na muna kita, may kailangan lang akong gawin.” Nang tumango siya ay umalis na ito.   Napabuntong hininga siya ngunit napangiti naman. “Masuwerte pa rin ako. Sa tahanan ako ni Lord matutulog ngayon.”   Naupo siya sa bandang likuran upang walang makapuna sa kanya kung sakali man na may pumsok doon para magdasal. Pinagmasdan lang ang krus na nasa gitna ng simbahan. Ang mga gamit niya ay iniwan niya sa coffee shop. Plano niyang maaga siyang pumasok para doon na lang makiligo at doon magbihis.   “Alam mo Lord, hindi ko alam kung paano ko mababawi ang titulo ng lupa ng nanay ko. Pero palagi niyang sinasabi sa akin na magtiwala lang sa ‘yo palagi kaya ‘yun ang gagawin ko. Kaya lang, Lord, sana po huwag naman sabay-sabay ang buhos ng pagsubok. Ako lang ‘to, oh. Hay… alam kong matatapos din ‘to. Bago ako mapagod at bago ako sumuko.”   Naisip niyang kuhanin sa bag ang pinakaiingat-ingatang diary ng ina. Sa tagal niyang hawak iyon ay hindi niya pa iyon nabasa. Aywan ba niya. Natatakot kasi siya sa maaari niyang matuklasan. Katulad ng mga bagay tungkol sa kanyang tunay na ama na ni anino ay hindi pa niya nakita. Ni hindi nga siya sigurado kung alam nito na nag-eexist siya.   Halos alugin niya ang ulo sa pag-iling para iwaksi ang mga iyon sa isipan. Niyakap na lamang niya ang diary at pumikit. Anuman ang laman niyon ay malalaman niya rin. Siguro kapag handa na siyang basahin ang mga iyon.       IMBIS NA gumaan ang pakiramdam, ay tila ba mas naguluhan si Daniel matapos niyang makausap si Clara. Palihim siyang nakipagkita rito para sana malinawan. Nakatitig siya sa mga litrato na ibinigay nito sa kanya at base sa mga iyon, totoo ang ipinaliwanag ng kanyang ex o maaari na niya ulit sabihin na girlfriend.   Nasa larawan si Amber na may inaabot na pera sa taxi driver, may isang lalaking nakasakay sa sasakyan na hindi makita ang mukha. May kuha din na nakangiti sa pasahero ang kapatid habang tila nakikipag-usap ito.   "That was the same taxi na sinakyan ko nang araw na makita mo akong akala mo ay niloloko kita." ito ang eksaktong sinabi ni Clara.   Unti-unti ay namumuo ang galit niya sa kapatid. At maging sa mga magulang na tiyak ay siyang nag-utos na paghiwalayin sila ng girlfriend.   Marami ang tanong sa isipin niya na sa ngayon ay hindi pa masasagot. Kailangan niyang mag-imbestiga ukol doon. Kapag napatunayan niyang totoo nga ang sinabi ni Clara ay hindi niya alam ang maaari niyang gawin sa pamilya.   Nagring ang phone niya. Sa pag-aakalang si Clara iyon ay agad niyang sinagot.   "Good evening, Sir," boses ng lalaki ang nasa kabilang linya.   "Yes?" nagtaka pa siya.   "Sorry sa abala, Sir. Kanina pa po kasi ako natawag sa inyo, hindi ninyo sinasagot."   Tinignan niya ang screen, Mr. D ang nakarehistrong pangalan nito. Ito ang inupahan niyang private investigator para usisain ang buhay ni Arianne. Nais niya kasing hanapan ng butas ang pagkatao nito para mapaalis sa shop at mawalan ng tiwala si Amber dito.   "Yes, pasesensiya na, busy kasi ako. May update ka ba sa pinapagawa ko?"   "Yes sir."   "Sige, magkita tayo bukas. I'll text you the details."   "Sige, sir."   "See you then. Bye."   At naputol na ang linya.   Napangiti siya. Sa wakas ay mababawasan na ang problema niya. At kapag nagkataon, mas mapapadali ang pag-aayos niya ng relasyon nila ng girlfriend.   Ngunit... nagkamali siya ng pagtantiya. Dahil kinabukasan, pagkagising na pagkagising pa lang niya ay naabutan niya ang kapatid na nagkakape sa sala niya.   "At siyempre, nagsumbong na naman sa 'yo ang paborito mong empleyado." Sarcastic siya.   Imbis patulan siya ay tinitigan lang siya ni Amber. Tsaka lang niya napansin na iba ang awra nito ngayon. At hindi iyon magandang senyales.   Red flag.   "Bakit ka nakipagkita kay Clara?" pormal ang pagtataning nito. Para ngang hindi ito nakurap at hindi inaalis ang tingin sa kanya.   "At sino naman ang nagsabi sa 'yo niyan? Si Arianne na naman? Stalker ko ba siya kaya bawat kilos ko may nasasabi sa 'yo?" nainis siya.   Imbis sumagot ay tumayo si Amber at lumapit sa kanya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. Mahigpit.   "Hindi ba't ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na kalimutan mo na ang babaeng 'yon? Daniel, pinerahan ka lang niya! Wala siyang pagmamahal sa 'yo!" nabasag ang tinig ng kapatid at namuo ang luha sa mga mata nito.   Hindi siya nakaimik. Hindi galit ang kapatid niya. Nag-aalala ito.   "Anong parte ba ng pagiging gold digger niya ang hindi malinaw sa 'yo?"   Naalala niya ang mga sinabi ni Clara sa kanya kaya bigla niyang inalis ang mga kamay nito.   "Hindi kaya na-set up lang si Clara? Dahil lang sa hindi kayo boto sa kanya? Dahil lang sa hindi siya kabilang sa mayamang pamilya?" aniya.   "Yan ba ang paliwanag niya sa yo? Mag-isip ka nga! Matanda ka na! Buksan mo yang isip mo! Buong buhay ko iniintindi kita! Kapatid kita at mahal kita! Ayokong mapahamak ka!"   "Unless mabigyan mo ako ng proof na totoo ang bintang mo kay Clara, papaniwalaan ko siya. She's innocent until proven guilty!"   "Nag-request na si Dad ng bodyguard at driver mo. He will report to our parents daily."   "What?!"   "Good luck."   At iniwan na siya ni Amber.     "OKAY KA LANG ba, Aya?"   Gulat na napalingon si Arianne sa likod niya. Nasa kitchen siya at hinihilot-hilot ang batok dahil nananakit iyon. Sa katunayan, pati likod niya ay Halos magdadalawang linggo na kasi siyang natutulog ng nakaupo sa simbahan. Hindi naman kasi siya puwedeng humiga dahil nahihiya rin siya.   "Sir Jerome, ikaw pala. Okay lang po ako." nakangiting sagot niya. Tumayo siya ng tuwid at itinuloy na ang pagmamop ng sahig.   "Mukhang masyado mong pinapagod ang sarili mo, ah. Pati off mo pinapasukan mo at palagi kang OT. Magpahinga ka rin minsan." Payo nito.   "Ang bait niyo talaga, Sir, 'no? Paano niyo ba naging kamag-anak si Sir Daniel? Ang layo kasi ng ugali ninyo, eh. Well, pareho naman kayong gwapo, pero sa ugali talaga nagkakatalo, eh. Ikaw, gentleman, sweet, caring, samantalang si Sir Daniel, parang babaeng palaging may menstruation. Siguro menopause na 'yon 'no?" aniya na natigil sa pagmamop nang biglang sumulpot si Daniel sa likuran ni Jerome.   Masama ang tingin nito sa kanya.   Alanganin siyang napangiti. "Sir, nandiyan ka pala."   "Oo, narinig ko rin lahat. Baka may nakalimutan ka pa?" wika nito habang kumukuha ng tissue sa cabinet.   "Masungit." Dagdag ni Arianne.   Lalong sumama ang mukha nito. "If only I can fire you."   "Favorite ako ni Miss Amber, eh. Sorry." Nang-asar pa siya at tumawa.   Nakitawa rin si Jerome. Kumuha lang ito ng Ilang tasa at labas na rin.   Inangilan siya ni Daniel at inambahang babatuhin ng tissue. "Umayos ka, ha. Ganitong mainit na mainit ang ulo ko sa 'yo baka patulan na talaga kita."   "Hindi kita type, Sir. Mula ulo hanggang paa." Sinabi ni Arianne ang totoo.   Pabagsak na ibinaba ni Daniel ang tissue sa table at nilapitan siya. Nabitawan niya ang mop at napaatras siya hanggang sa mapasandal sa pader. Inilapit pa talaga ng husto nito ang mukha sa kanya.   Hanggang sa magkadikit na ang tungki ng kanilang mga ilong. Tinitigan siya nito... matagal. Mula sa kanyang mga mata pababa sa mga labi. May kung anong kapangyarihan ang mga mata nito na kakayanin siyang ihipnotismo. Natakot siya. Hahalikan ba siya nito?   "Hindi rin kita type. Hindi ka kasi maganda... mula ulo hanggang paa." Pagkasabi niyon ay lumayo na ito sa kanya at lumabas na ng kusina.   Nanghina ang mga tuhod niya at napahawak sa mesa para huwag mawalan ng balanse.   "Ano 'yon? Nagpapacrush ba siya sa 'kin? tanong niya sa sarili na nasapo ang dibdib dahil bumilis ang pintig niyon.   HINDI makapagconcentrate si Daniel sa ginagawang sales report ng shop dahil naiilang siya sa bodyguard na si Hizon. Nakatayo lang kasi ito sa tabi ng pinto habang nakatingin sa kanya. Dalawang araw pa lang pero pakiwari niya ay napakahaba ng oras magmula nang magkaroon ng tagabantay. Sa bahay na nga niya ito nakatira at lulubayan na lang siya nito kapag nasa loob na siya ng kuwarto.   OA ang pamilya niya. Pero sa ngayon ay pagbibigyan niya ang mga ito. Ang kailangan lang naman niyang gawin ay mabalik ang tiwala ng mga ito sa kanya para alisin ang bodyguard.   Maya-maya pa ay nagring ang cellphone ni Hizon. Napabuntong hininga siya. Baka ang nanay o tatay niya iyon. Magtatanong na naman tungkol sa kanya.   "Ano?! Teka, teka lang," malakas ang boses ni Hizon at nang tignan niya ay bakas na bakas sa mukha nito ang pag-aalala.   Hinintay niyang matapos ito sa pakikipag-usap bago magtanong.   "May problema ba?"   "Sir," lumapit ito sa kanya. "May emergency ako. Yung asawa ko, manganganak na yata!"   "Ha? Eh di ipadala mo na agad sa ospital." nataranta din siya.   "Wala kasi sir kasama sa bahay yun. Isa pa, anim na buwan pa lang ang tiyan niya."   "Sige na, puntahan mo na. Dalhin mo na muna ang kotse ko. Magtataxi na lang ako pauwi. Bilisan mo na, baka kung mapaano pa ang misis mo!" Inabot niya rito ang susi.   Hindi na nag-aksaya ng panahon si Hizon. Nagmadali na itong umalis.   Idinalangin niya na sana ay walang mangyaring masama sa aswa nito.   Pakiramdam niya ay na-stress siya kaya nagbanyo muna siya. Naisip niya, magandang oportunidad para sa kanya ang sitwasyon na iyon para makipagkita kay Clara ngunit hindi niya gagawin iyon. Kapag nalaman kasi ng pamilya niya ay si Hizon ang mapapagalitan and worst, tatanggalin sa trabaho. Magkakababy pa man din.   Kinausap niya ang sarili sa harap ng salamin. "Tama ang ginagawa mo, Daniel. Siguradong may mas magandang pagkakataon pa na ibibigay sa 'yo ang langit. Maghintay ka lang."   Samantala, hindi pa nakakauwi si Arianne. Actually, wala siyang planong umalis ngayon at sa simbahan matulog. Naisip niyang makitulog sa shop kahit ngayong gabi lang para naman makalapat man lang ang likod niya.   Nang marinig ang pag-alis ng sasakyan ni Daniel, dali-dali niyang inilock ang pinto at pinatay ang ilaw. Nang mapansin na may ilaw pa sa opisina ng boss ay nicheck niya iyon. Naisip niyang nakalimutan lang patayin kaya siya na ang gumawa. Bumalik na siya sa locker room kung saan niya planong magpalioas ng gabi.   Naglatag siya ng karton na nakuha sa stockroom nila at sinapinan ng towel ang kalahating parte para lang sa likod niya. Pumasok muna siya ng CR para maglinis ng katawan. Hindi na siya nagdala ng damit na pamalit dahil wwla rin lalagyan sa banyo. Sa labas na lamang siya magpapalit tutal naman ay siya lang ang tao roon.   Hindi naman siya gaanong nagtagal. Nagtapis lang siya ng tuwalya at lumabas na. Kumakanta-kanta pa siya nang mapatili siya sa pagkagulat kay Daniel na nakatayo sa labas ng banyo.   Gulat na gulat din ito at tinignan siya mula ulo hanggang paa at pati na ang latag niya at mga damit na nasa upuan.   "S-sir... m-magpapaliwanag ako..."     "ARAY KO NAMAN!" daing ni Arianne nang halos hatakin siya palabas ng shop ni Daniel. Pinagbihis naman siya nito bago gawin iyon.   "Wala akong pakialam! Kailangan madala kita kay Amber para malaman niya na ang paborito niyang empleyado, ginawang bahay ang shop ko!" galit na galit ito.   "Teka lang naman, Sir, hindi po ganon 'yun. Hindi naman ako nakatira dito." depensa niya.   "Mamili ka, sa presinto kita dadalhin at kakasuhan ngbtrespassing o kay Amber?" anito habang inilalock ang shop.   "Sir naman, please, maawa ka naman. Hayaan mo akong magpaliwanag. Wala lang talaga akong matutuluyan."   "Kaya nga. Kaya ka dito tumira." Napailing-iling pa ito. "Sinasabi ko na, eh. Magpasamantala ka rin eh."   "Hindi ganon sir!"   Pinasakay siya ni Daniel sa minivan. Ito ang ginagamit na pang pick up ng mga order at delivery.   "Sir,"   "Ayokong maingay habang nagdadrive ako, puwede." saway nito.   "Kaya lang Sir, hindi naman kasi kailangan humantong sa presinto o abalahin pa si Miss Amber, hindi naman ako nakatira sa shop." Halos kay Daniel na siya nakaharap.   "Eh bakit mukhang nagbabahay-bahayan ka na sa locker room? Kaya pala okay lang sa ‘yo na ikaw ang magbubukas ng shop at pabor na pabor na ikaw ang huling uuwi. Bakit nga ba hindi ako nagtaka?" Nagmamaneho na ito.   Hindi na siya sumagot. Sa bintana na siya humarap. Naiyak lang siya. Maling-mali talaga ang desisyon niyang doon matulog. Akala naman niya kasi talaga ay umalis na si Daniel. Malay ba niyang ang bodyguard lang nito iyon. Isa pa, masaydo nang late para magtrabaho.   Hindi niya tuloy alam ang gagawin ngayon. Nakakahiya kay Amber. Nagtiwala pa naman ito sa kanya. Tiyak na mawawalan na siya ng trabaho. Ano nang mangyayari sa kanya? Sa kalye na lang ba siya titira at manlilimos habang wala pang trabaho?   Naihilamos niya ang hangin sa mukha. Imposibeng mapakiusapan niya si Daniel. Kung sana ay si Jerome ang nakakita sa kanya ay baka magawan pa ng paraan.   "Sir, baka naman puwedeng--"   "ARIANNE!!!" Bigla na lamang sumigaw si Daniel at iniharang nito ang mga braso sa bandang dibdib niya habang nakatingin sa kanya.   Kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot at pag-aalala. Pero bakit? Change of heart?   Bigla na lang may isang napakaliwanag na ilaw na nakakasilaw. Nabingi siya sa lakas ng tunog ng preno at halos umikot ang sasakyan nila sa lakas ng impact ng pagkakabunggo sa kanila.     At nawalan na siya ng malay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD