“Perfect! So paano? Pumayag na ang model. Dadalhin ko muna siya para sa aming training. Kayo na ang bahala sa mga susuotin niya mamaya. Kita-kits na lang tayo sa arena.” Tuwang-tuwa at tila excited pa na sabi ni Ryan. Pagkatapos ay inangkla nito ang braso sa braso ni Millie na parang close na sila nito agad at inakay na siya palabas ng opisina. Hindi na nakuhang mag-react ni Joaquin samantalang si Paloma naman ay lihim na napapangiti dahil napagtanto niya na sobrang kapos na sa oras para matutunan ni Millie ang catwalk. Sa loob-loob din niya ay mainam na ang nangyari dahil sigurado siya na pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na niya muling makikita si Millie. Sinulyapan naman ni Millie si Joaquin bago sila tuluyang makalabas ng pinto upang tignan ang reaksyon nito. Subalit hindi niya mab

