Casual summer dress ang pambungad na tema ng Fashion Week. At tatlong dress ang pinagpilian nila Millie at Ryan na isusuot para sa nasabing tema. Napili ni Millie ang sunflower printed cold shoulder dress na hanggang binti ang haba subalit may slit sa bandang kaliwa ng kanyang hita kaya sa kanyang paglakad ay kita ang kanyang makinis na balat. Tinernuhan iyon ng isang simpleng color black sandals na 3 inches ang taas. Sinang-ayunan naman ni Ryan ang kanyang napiling suotin dahil sa fresh vibe ng naturang dress. Pero bukod do'n ay mas komportable siyang suotin iyon kumpara sa dalawa pang dress na kanilang pinagpiliian dahil halos kita na ang kanyang cleavage sa baba ng neckline. Ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ni Millie habang naghihintay ng kanilang turn sa likod ng stage. Paki

