Subalit sadyang mapilit ang mga reporter dahil sumunod pa din ang mga ito sa valet parking upang sila ay ma-interview. "Mr. Montenegro, may relasyon ba kayo sa inyong modelo?" curious na tanong ng isa pang reporter. Lumukso ang puso ni Millie nang marinig ang tanong na iyon. Napatingin siya kay Joaquin at nakita na bahagyang kumurba ang dulong labi nito na parang nagpipigil ng ngiti. Pagkatapos ay hinarap nito ang mga reporter. Akto na sanang sasagot si Joaquin nang biglang sumulpot si Paloma mula sa kung saan at ito ang sumagot sa nasabing tanong. "Yes, they have a relationship. An employee-employer relationship because that model is Joaquin's assistant. Ano pa ang tanong niyo? Bilang Marketing Manager of My Fashion, I will answer your questions one by one," saad nito. Napatiim bagan

