Tahimik lang si Millie na nakaupo sa unahan ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan patungo sa bahay ng lolo ni Joaquin. Palihim lamang niya na sinusulyapan ang kanyang boss na abala sa pagmamaneho sa kanyang kaliwa. Right. Joaquin was the one driving the car dahil kinabukasan pa daw sila babalik sa siyudad kaya hindi na nito inabala si Mang Felix na ipag-drive sila. Pero hindi malaman ni Millie kung ano ang sasabihin sa kanyang boss dahil sa nalaman na pag-terminate nito sa kontrata ni Mr. Alfonso. Dapat ba niya itong pasalamatan o kwestyunin? Bigla siyang natawa dahil sa naisip. Ano naman ang karapatan niya upang kwestiyunin ang boss sa mga desisyon na gagawin nito? Naisip niya tuloy na baka dahil do'n kaya siya pinag-iinitan ni Ms. Del Rosario. Baka nagkamali lang siya ng akala

