Hindi makapaniwala si Millie sa kanyang narinig. Inisip niya na baka namali lang siya ng dinig o baka nagbibiro lang ang kanyang boss kaya tinawanan niya ito. "Mapagbiro din pala kayo," saad niya habang tumatawa. Nagsalubong naman ang kilay ni Joaquin. "I'm not kidding, Millie," pahayag nito na nagpatigil sa kanyang pagtawa. So, seryoso pala ito? Pero bakit naman siya gagawing date ng kanyang boss? Tanong niya sa sarili. Pagkatapos ay napatingin siya sa saleslady at manager na ando'n at saka pabalik sa kanyang boss. Pakiramdam niya ay biglang nag-init ang kanyang mukha sa hiya dahil ang mga ito ay pawang nakatingin lahat sa kanya. Kaya naman huminga siya ng malalim at isinatinig ang kanyang tanong na nasa isip. "Pero bakit ako? I mean, bakit hindi na lang si Ms. Del Rosario na girlfr

