Tila nabasa naman ni Joaquin ang nasa isip ni Millie kaya napahalakhak ito ng tawa. "Don't worry. I respect you. Kaya I called Mang Felix to bring his wife here and change your dress," paliwanag nito sa kanya. Hinampas naman ni Millie ang nobyo sabay sabi, "Ang bad mo! Bakit hindi mo kaagad sinabi!" inis na saad niya habang nakanguso. "Actually, I'm afraid na baka kapag ako ang nagbihis sa'yo ay hindi ko mapigilan ang sarili ko," bulong nito sa kanya sabay pisil sa kanyang pisngi. Naunawaan naman ni Millie ang ibig nitong sabihin kaya muli niya itong hinampas sa braso. "Hoy! Pakasalan mo muna ako, 'no?" nakanguso pa rin sa sambit niya. "Alam ko. Kaya ikaw, don't drink again lalo na kapag hindi mo ako kasama," ani ni Joaquin. "Natuwa lang naman ako sa kulay pink na alak," pangangatwi

