Biglang nanlaki ang mga mata ni Millie at napanganga ang kanyang bibig nang masilayan ang hubad na katawan ni Joaquin. Hindi niya akalain na naliligo pala ito sa banyo. Wala naman kasi siyang narinig na kahit anong sagitsit ng tubig o kaluskos man lamang. Subalit halos napigil niya ang kanyang paghinga nang mapatingin siya sa bandang ibaba ng katawan nito. "Ahhh!" malakas niyang tili sabay talikod. Pagkatapos ay mabilis niyang ibinaba ang picture frame at walang lingon-lingon na tumakbo siya palabas ng kwarto nito. Sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso habang mabilis na tumatakbo palayo sa kwarto ni Joaquin. At hindi siya huminto sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa kusina. Hingal na hingal siyang kumuha ng isang basong tubig dahil bigla siyang nakaramdam ng pagkatuyo ng lalamun

